Walang Sisihan!!!

283757_10151475741218791_1930644166_n

Dear fans and followers,

Isang malagim na araw sa inyong lahat. 😦

Alam kong kasalukuyan kayong nagluluksa sa very disappointing partial result ng 2013 elections. Alam kong ngayon ay panay ang pahid n’yo ng calming lotion sa katawan para ma-kalma ang inyong nanggagalatiing emosyon sa mga nangungunang Senators so far. Alam kong marami sa inyo ang nagpunta sa salon or spa para mag-relax at makalimutan ang horrors ng eleksyon. Naiintindihan ko ang inyong sentimyemto. Kasi NALOLOKA RIN AKO!!! 😦

Anong nangyari?! Bakit ganito ang resulta? Bakit SILA-SILA NA NAMAN?! Bakit hinayaan na naman nating MAULIT ang lahat?! Bakit sila na naman ang ating hinalal?! Bakit hinayaan nating masayang ang ating magandang nasimulan?! ‘Di ba gusto natin ng PAGBABAGO?! ‘Eh bakit ito na naman tayo?!

Haaaay… Diyos ko! Kahapon pa sumasakit ang bangs ko sa mga pangalang nakikita ko sa mga partial/unofficial result ng eleksyon. Ayoko na ngang tumingin sa TV kasi naiirita ako lalo. Nakakainis! Nakakagalit! Nakakapikon! 😦 Pare-parehong mga pangalan na naman ang mananalo. Sila-sila na naman. ‘Yun at ‘yun na naman. Nasilaw na naman tayo sa mga paulit-ulit na pangalan sa pulitika. Nagpauto na naman tayo sa kanila. GRABE.

Gusto ko manapak sa inis. Gusto ko magbasag ng mga plato para ma-release ‘tong inis na nararamdaman ko. Kaso konti lang ang plato namin sa bahay ‘eh so sa blog ko na lang ilalabas ang lahat. 😉

Magpapakatotoo na ako. Galit ako! Galit ako sa mga Pilipino! Gusto kong layasan ang punyetang bansang ‘to! Masama ang loob ko ngayon kasi hindi tayo natututo sa kasaysayan. Naiinis ako kasi ang bilis-bilis nating makalimot! Galit ako kasi ang bilis nating mauto! Galit ako kasi hinalal na naman natin ang mga mismong taong naging sanhi ng ating mga pagdudurusa noong mga nakaraang taon. Imbyerna ako kasi hinayaan na naman nating maghari ang mga taong minsan nang nanamantala at nang-abuso sa mga Pilipino. Naiirita kasi ang hilig-hilig nating MAGTIIS where in fact kayang-kaya naman nating baguhin ang lahat! Hobby talaga nating magdusa ‘no?! Nae-enjoy talaga natin ang suffering ‘no?! NAKAKALOKA!!!

Ang sad kasi ang lapit na natin sa PAGBABAGONG gusto nating makamit pero pinakawalan na naman natin ulit ang chance na ito. Haaay… Wala na akong masabi kundi puro buntong-hininga na lang. 😦 Sa totoo lang, ayoko na sana itong isipan pa. Ayoko na sana itong problemahin pa kasi marami din akong mga iniisip sa personal kong buhay gaya ng kawalan ng lovelife. Pinipilit kong deadmahin na lang ang bagay na ito at mag-move on na lang sa buhay ko. But I JUST CAN’T! Naiinis ako na patuloy akong binabagabag ng isipan ko sa bagay na ito. Shet.

Akala ko may magbabago na. Akala ko matatalino na tayo. Akala ko ay mga wais na tayo. Sadly, HINDI PA PALA. 😦 Ang taas-taas ng hope ko sa mga kapwa ko voters. Sobrang taas ng faith ko na hindi na tayo magpapaloko at iboboto na natin ang mga TAMANG TAO. Ang taas ng pananalig ko na makakamit na natin sa wakas ang tunay na PAGBABAGO. Na hindi na natin iboboto ang mga trapo at mga walang-kwentang pinuno. Apparently, nabigo ako. 😦

Emotions aside, ang resulta ng naganap na eleksyon ay may malaking sinasabi sa ating mga Pilipino– marami pa rin talagang sa atin ang nabubuhay sa dilim at kawalan ng tamang impormasyon. Isang malaking wake-up call ito para sa mga kagaya kong nagnanais ng TUNAY NA PAGBABAGO. Sadly, sa kabila ng kaliwa’t kanan nating mga paandar sa social media, kulang pa pala ang effort natin para abutin ang puso at isip ng mas marami nating kababayan. Magkaiba pa rin pala ang mundong ginagawalan natin sa mundong ginagalawan ng mga ordinaryong masang Pilipino na nakatira sa mga probinsya at malalayong lugar. May ibang mundo pa palang nage-exist sa mga far flung areas na walang access sa internet. Nakalimutan nating may ibang reality pa pala sa bansang ito.

Nakakalungkot. Hindi ko talaga mapigilang malungkot. Dismayado ako sa mga kapwa ko Pilipino. 😦

Pagbigyan n’yo na ako sa emotional breakdown na aking nararanasan ngayon. Ibigay n’yo na sa akin ang moment na ito. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang lahat. Pero makaka-move on rin ako. Gaya ng dati, magmo-move rin ako. Wala namang akong choice, ‘di ba?! Ano ba naman ang isang boses ko laban sa boses ng milyung-milyong Pilipinong nagpauto sa mga trapong pulitiko. Sino ba naman ako.

Anyway, sa puntong ito, gusto ko na lang magbigay ng mensahe sa mga mananalong Senador ng bansang ito. Ang fierce ‘nung may message no? Lakas maka-show biz. 😉 Ito na lang ang magagawa ko for now. Wala na ‘eh. Andy’an na ‘yan. Hindi na ako makakapalag.
_______________________________________________
946549_10152801750355596_709563182_n
_______________________________________________
Grace Poe

Pasalamat ka sa apelyido ng tatay mo. Pasalamat kay kay Fernando Poe Jr. kasi siya ang nagpanalo sa’yo. YOU OWE HIM THIS VICTORY! Kung “Santos” o kaya “Ocampo” ang apelydio mo, wala ka sa pwesto mo ngayon. Alam mo ‘yan! Ang convenient din talaga ng may powerful na surname no?! Nagiging madali rin talaga ang lahat para sa’yo. Sa totoo lang, hindi kita binoto kasi lagi kang nagtatago sa apelyido ng tatay mo. Hindi ako bilib sa ganyang atake kaya hindi mo nakuha ang boto ko. Oh well, sana na lang ay “makipagbakbakan” ka talaga para sa tunay na pagbabago kapag nasa Senado ka na. Kasi kung ako ang masusunod, sa show biz kita ilalagay para mabuhay mo ang action films sa Pilipinas since gusto mong sundan ang yapak ng tatay mo. I think exciting din na makitang babae ang gumanap sa role na “Panday” for once.

Loren Legarda

At tibay mo rin talaga, girl. Lagi’t lagi kang pasok sa eksena kahit anong mangyari. Pero ang shocking ‘nung na-upstage ka sa number 1 spot ha. How does it feel na hindi na ikaw ang reyna? Basta ang message ko lang sa’yo is ayusin mo ang pag-file mo ng SALN next time. Declare-declare rin ng mga properties ‘pag may time ha? Ang tagal-tagal mo ng public servant tapos mali-mali pa rin ang SALN mo?! Wow ha. Sana ay maisama mo naman kame minsan sa posh na condo mo sa New York. Kahit overnight stay lang, ok na ako.

Edgardo Angara, Bam Aquino, Koko Pimentel, Cynthia Villar, JV Ejercito

Pasalamat rin kayo sa mga kamag-anak n’yo. Pasalamat kayo sa mabangong apelyido n’yo. Nawa’y patunayan n’yo na IBA kayo sa mga kamag-anak n’yo. Na may taglay rin kayong sariling husay at galing sa pamumuno. Hindi ko rin kayo binoto kasi umay na umay na ako sa mga angkan n’yo. Personally, hindi ko na kailangan ng isa pang Angara, Aquino, Pimentel, Villar at Ejercito sa buhay ko. Tama na ang perwisyong ginawa ng mga ninuno n’yo. Buti na lang at marami kayong nauto para bumoto para sa inyo. And congrats for that.

Alan Peter Cayetano and Antonio Trillanez IV

Sana mas maging pursigido kayo sa tunay na pagbabago. Sana ay mas maging maigting pa ang inyong pagsisikap para mas mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Kayo na lang siguro ang pinaka-ok sa mga mananalong Senador kaya sa inyo na lang ako kakapit. Sana naman ay hindi n’yo ako biguin. Sana naman ay paninidigan n’yo ang mga pangakong binitiwan n’yo during the campaign period. Again, please do not disappoint me. I had enough!

Chiz Escudero

Wala akong masyadong mensahe sa’yo kasi in love ka gaya ng sabi mo. At usually, mahirap kausap ang mga taong in love so hindi na ako magsasayang ng oras. Gusto ko lang sabihin ng bumaba ang tingin ko sa’yo dahil sa ka-cheapang kinasangkutan mo with Heart Evangelista’s parents. Galingan mo na lang. Sana gamitin mo ang inspiration and love na nararamdaman mo ngayon para mas higit na magsilbi sa bayan. Remind lang kita, 43 years old ka na so sana ay kumilos ka nang naaayon sa edad mo. Ibigay mo na kina Daniel Padilla at Kathryn Bernado ang pa-tweetums role. Hindi na kasi bagay sa’yo. Please lang.

Nancy Binay

At syempre, papahuli ba naman ang message ko sa paborito kong si Nancy Binay?! Save the best for last!

Hello Nancy. Taray mo, girl. Pasok na pasok sa banga! Hindi ka rin talaga natinag! Iba talaga kapag maitim na damo. Mahirap mapabagsak.

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang sapat na lakas ng loob na tanggapin ka bilang Senador ng bansang ito. Hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko para matanggap ka. Ang hirap din kasi talaga ng task na ito. Hindi ito madali for me so ‘wag mo akong masyadong i-pressure! Pero hayaan mo, aabot rin ako sa acceptance part. Kung kailangang mangutang ako ng lakas ng loob sa bangko, gagawin ko para mapayapa na ang kalooban ko at maka-move on na ako sa buhay. Deretsahan na tayo, hindi ako masayang nanalo ka. Pero sino ba naman ako kumpara sa milyung-milyong nauto mo. Pasalamat ka rin sa tatay mo at Binay ang apelyido mo. Kasi kung naging “Bingas” o kaya “Binat” ang surname mo, sa kangkungan ang bagsak mo, girl! Sure ako!

Oh, well. Panalo ka na. Natalo ako. Araw mo ito. Pero tandaan mo, bilog ang mundo. I will be closely watching you, bitch! Babantayan ko ang lahat ng kilos at galaw mo sa Senado. Kahit hindi na ako magka-lovelife kakabantay sa’yo, keri lang! Simula pa lang ng totoong laban so umayos ka.

At bilang unang paandar ni Senator Nancy Binay, gusto ko ipapanood ang nakakalokang interview na ito. Ang best n’ya kasi sumagot sa mga tanong ‘eh. Watch this!
_____________________________________

_____________________________________
Waaaah. DELUBYO!!! Grabe. Hindi ko kinaya!!! Say hello to our new Senator. 😦

At the end of day, kailangan nating mag-move on at tanggapin ang hatol ng bayan. Kailangan pa rin nating kumilos bilang isang bansa. Sana na lang mali ang mga iniisip ko. Sana na lang mali ako. Basta ang wish ko na lang is sana mahanap na natin ang sapat na lakas ng loob para matanggap ang resulta ng 2013 elections. Basta maging mapagmatyag lang tayo. Huwag tayong tumigil na magbantay sa mga kinikilos ng ating mga pinuno.

God Bless this country!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.facebook.com/ANCalerts, http://www.rappler.com)

(Video source: GMA News http://www.youtube.com/watch?v=4vmcNB1oTwg)

P.S. Isang pagpupugay sa mahigit 3 million na bomoto kay Mr. Teddy Casiño. Proud ako na at least may 3 million na Pinoy na sumuporta sa TUNAY NA PAGBABAGO. Masaya akong malaman na may mga tao pa rin sa Pilipinas na nag-iisip. Mabuhay kayong lahat! 🙂

To Mr. Teddy Casiño: Nawa ay hindi po kayo matinag sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino. Sana hindi ito ang maging dahilan para tumigil kayo sa iyong maganda at kahanga-hangang gawain. Kailangan namin ng isang kagaya mo kaya sana ay patuloy ka pa ring maging aktibo sa pagsulong ng mga mahahalagang pagbabago.Nakasuporta po kame sa inyo.

Basta para sa akin, hindi ka man nanalo, ikaw pa rin ang Senador ko!

P.P.S. Happy Anniversary sa Your Truly, Madma!!! Grabe. One year na akong blogger!!! Nakakaloka. Ang bilis rin talaga ha. 🙂

Salamat sa mas pinalakas n’yong suporta!!! Asahan n’yo ang mga bagong pasabog ni Madma very soon. 🙂 One year na tayo. Shet. 😉

Muli, MARAMING SALAMAT!!! ❤

Miss Engineering 2012…Malapit Na!!!

Dear fans and followers,

A new era has begun…

More than 5,000 UP Engineering students…

30 student organizations…

19 beautiful candidates…

6 glorious years…

1 Diva…

Abangan ang pagbabalik ng Reyna sa Miss Engineering 2012!!!

See you soon, UP Eng’g. Na-miss ko rin talaga ang energy n’yo. ❤

Yours truly,

Madma

P.S. Maraming salamat sa UP Engineering Student Council! Salamat sa tiwala. 😉

Good luck sa “ENGGTOPIA: Engineering Week 2012.” Kita kits. 🙂

Tikman mo na si Best Friend

Hello Madma,

I just want to get your thoughts on my present situation. Ang ganda po kasi ng mga advice n’yo and I think you are the right person to ask.

I have best friend and sobrang close namin now. Pareho po kaming guy at nagka-GF na po kame before. Kaya lang parang ang weird ng nangyayari lately. Feeling ko type ako ni best friend. May mga moments kasi na parang nagpapahiwatig siya  halimbawa  kapag natutulog siya sa bahay. Niyayakap n’ya po ako and all. I think you already get the picture. Wala pa naman pong sexual na nangyayari between the two of us so far. Hindi kasi ako pumapayag. I just find it weird. But the thing is, I don’t know if until when will I able to resist this. Lumalayo nga ako now kasi baka may mangyari.  Pero ang weird na parang gusto ko din mag-give in. Parang gusto ko rin masubukan. Waaah. 😦

I really don’t know what to do. I’m so confused. Help. 😦

Hope to hear from you soon. By the way, I will be turning 31 this month. Hope you can greet me too.

Regards,

Scorpio

_____________________________________

Dear Scorpio,

Ang hot naman ng chika mo sa amin, Scorpio! Pota. Nakaka-horny. Sarap mag-finger. Char! May pepe?! 🙂 Ang perfect ng story mo pampainit sa malamig na araw na ito. Ganitong-ganito yung storya nung mga napapanod kong mga M2M porn! I’m sure dadagsa na naman ang mga bading sa YTM at magwe-wet sila post na ito. Kabisado ko na ‘yan. Taas ng ratings ng YTM kapag badingan ‘eh. Alam na alam ko talaga ang market ko. Kaya naman ibibigay din talaga ni Madma ang gusto ng fans. 🙂 By the way, ang cool naman na ako talaga ang tingin mong “right person” for this issue. Kinikilig ako! Parang ang galing-galing ko tuloy. Hiyang-hiya naman ako sa mga Pari, Doktor, Lawyer at mga Psycholgists. Salamat naman sa tiwala, Scorpio!

Alam mo, tama na ang pag-iwas. Isuko mo na ‘yang “sandata” mo. Ipatikim mo na yang “kargada” mo. WOW. Ang lakas maka-porn! 🙂 Amoy na amoy na kayo kaya huwag na kayong magtago. Napapalibutan na namin kayo. Sumuko na kayo! Sabi nga sa isang saying, “the best way to resist temptation is to give in to it.”  Kaya naman, go na ‘yan! Tikman mo na si best friend. “I know you want me, you know I want cha.” ‘Yan ang peg n’yo ‘oh. Shet, parang gusto ko tuloy masaksihan ng live ang moment na bibigay ka na. Invite mo naman ako. Hindi ako mag-iingay, promise! Or kung ayaw mo naman, paki-video na lang tapos pa-upload na rin sa youtube. For sure, kakabugin mo ang ratings ni Amalayer Girl! Sure ‘yan!

Marami kasing iba’t ibang tipo ng bading sa ating lipunan based on my dictionary, Scorpio. Halimbawa Baklang Parlor or mga bading na chimsisan sa kanto at kulutan maghapon ang peg. May Bekimon or mga bading na fashionista, sosyal, classy pero girl na girl ang kilos. May Maremon or mga bading na kumare-material, confidant ganyan at best kuning ninang sa binyag at kasalan. Favorite show din pala ng mga Maremon ang palabas sa Channel 11 na “Mars” hosted by Ms. Camille Prats. Sila rin yung mga bading na love na love si Sailor Mars. Char! 😉 Mayroon din namang Alpha Diva or mga powerful and strong gays kung saan kabilang si Madma. Ito yung counterpart ng Alpha Male. LAKAS! Actually, ako lang nag-coin nung Alpha Diva para magkaroon ako ng classification. 🙂 At syempre, mayroon din mga bading na kabilang sa grupong LNBB or “Lalaki Ngayon, Bading Bukas” group. Sila yung mga bading na nahimlay ang dugong bakla nang matagal na panahon at naghihintay ng tamang lalaking gigising sa dugong ito. Very Sleeping Beauty ang peg. Naku, daming members ng group na ito! Ka-level ng members ng El Shaddai at JIL. Kering-keri na nilang mapuno ang Luneta o kaya SM MOA Arena kapag nagsama-sama. Ganun! I think dito ka kabilang, Scorpio. Sa tingin ko, LNBB member ka. Grabe, na-judge na rin kita! 🙂

Na-appreciate ko naman ang pag-resist mo sa tuksong ito. Gusto ko yung pinapakita mong respeto at tapang. Natatakot ka siguro na masira ang friendship n’yo ni best friend and all. Gets ko ‘yan. 🙂 Pero kasi tingin mo rin yung positive sides na makukuha mo sa pag-give in. Maliban sa masasarapan ka (for sure), mas makakatulong ito para makilala mo rin ang pagkatao mo. Tandaan mo, 31 years old ka na this month. My God! Grabe yung nalilito ka pa sa gender mo at this point ha. Natuli ka na ba at the very least? Grabe yung hindi pa rin! Kaloka. Treat this act as an experiment. As a test. Kapag nasarapan ka, ituloy-tuloy mo na. Kapag hindi mo naman talaga likey at nandiri ka at nasuka ka, which I highly doubt, ‘eh ‘di tama na. Mangyayari ang dapat mangyari. 🙂 Ang saya nga kasi sa best friend mo ito gagawin. At least you’re in good hands. Malay mo kayo pala talaga ang meant for each other. Who knows! Huwag kang matakot na masira ang friendship n’yo. Hindi masisira ‘yan. Best friend mo ‘yan. Kung hind man maging successful at magkailangan man kayo after, which I highly doubt again, maayos din ‘yan eventually. Don’t worry. Magtiwala ka lang.

Take it from Madma, tikman mo na si best friend. Pushy siya ‘eh. Tikiman na ‘yan! Sasakit lang ang puson mo kaka-resist. I-unleash mo na ‘yang “Diva” in you. Single ka naman at wala kang GF ngayon so wala namang masasaktang ibang tao. Sex lang naman ‘yan. Hindi naman ‘yan marriage. Duh. So, go na! I-maximize mo si best friend. Hayaan mong maging daan siya sa ikaliliwanag ng buhay mo. What are best friends for?! Or what are best friends are for?! 🙂 Kapag nasira ang friendship n’yo ni best friend after n’yp mag-tikiman, sabihan mo ko para mag-meet tayo. Ako na lang ang papalit sa role n’ya. Ako na lang ang best friend mo. Tapos tikiman din tayo ha. WOW. Ano baaa. 🙂

So there. Advance/Belated Happy Birthday na rin sa’yo. Hindi mo naman sinabi ang eksaktong date ‘eh. Enjoy. Ang wish ko sa’yo is sana makilala mo na ang tunay mong pagkatao. I think ito yung best na gift for you. ❤

We wish you all the best.

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://theclearingroom.blogspot.com/2011/11/food-network-channel-and-philosophy.html)

P.S. Bukas na bukas ang tanggapan ni Madma para sa mga nguynguy at ngasngas n’yo sa buhay. O, “di ba parang presinto lang!

Ipadala ang inyong story sa yourstrulymadma@gmail.com. Gagawin ko yung best ko para mapayuhan kayo para sa ikagaganda ng buhay n’yo. Humahaba na naman ang pila kaya mag-email na kayo. Dali! Sulat na!

Salamat sa lahat ng mga mambabasa ng YTM! I love you all. ❤

P.P.S. At talaga namang hindi na kame makapaghintay sa Silver Take 2 ni idol Regine Velasquez! POTA! Excited na kame sa pag-bwelta ng REYNA!!! Humanda kayo mga punyeta kayo. 🙂 Wala pang final date ang concert ni Ate Regine up to now. Wait lang tayo ng further announcements.

In the meantime, gusto ko i-share itong bagong reherasal video ni Regine for Silver Concert! SHET LANG TALAGA! Nakakaloka. Kaya naman pala nagkasakit si Regine ‘eh. Kung maka-birit naman kasi. Laging may sunog ang peg. GRABE! ❤ Sooobrang galing. Siya talaga ang reyna sa biritan! Excited na sa live concert!

WATCH THIS! Pampakilig lang ‘to sa mga fans. 😉

__________________

Health is Wealth: The Dra. Madma Episode

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo, mga chaka. Kamusta na?! Malusog ba kayo?! WOW. 🙂

Before anything else, ang fierce nung “Dra. Madma” ‘no? Aminin n’yo! At kailangan talaga “Dra.” at hindi “Dr.” lang. Lakas maka-Dracula nung Dra. Or pwede ring Dragonesa which is personality ko rin at times lalo na kapag gutom or antok. 🙂

Alam n’yo hindi natin nagpagtutuunan masyado ang usaping “health” sa Yours Truly, Madma. So unbecoming of us! Puro tayo usapang love, sex, kabaklaan, sex, relationship and sex nitong mga nakaraang araw. ‘Eh hindi naman nakakayaman yang mga topics na ‘yan ‘eh. After all, health is wealth, ‘di ba?! So ibig sabihin ba nito ay “wealthy” na tayo kasi ‘di na natin ito pinag-uusapan?! Nakaka-praning kasi na ang daming nagkakasakit lately. Sa immediate friends ko pa lang, ang dami na. Diyos ko! Ako mismo, nagkasakit recently. Partida ‘yan ha, Diva na ako pero nadali pa rin. Paano na kaya kayong mga “simpleng” tao lang. WOW. Taas! 🙂 Ito na ba ang tinatawag na “end of the world?!” NO WAY! Or NORWAY! Huwag naman sana! Hindi pa ako nagkaka-lovelife, please! Si Lord naman nagmamadali masyado. Aagawan. Lord?!

Come to think of it, napakaraming paraan or ways para mamatay. Kahit nasa comfort ka ng bahay mo, pwedeng-pwede kang mamatay. Agad-agad. Scary!!! O, ito i-list natin ang ilan sa mga scenarios of death. Habang natutulog, pwedeng bangungutin. Habang naliligo sa CR, pwedeng madulas at mabagok at magkaroon ng blood clotting or clothing. Habang nagjo-jogging, pwedeng mahagip ng truck tapos patay na. (truck talaga ha. Hindi pwedeng bike?!) Habang tumatawa nang todo, pwedeng ma-lock jaw tapos forever ka na nakanganga then papa-euthanasia ka na lang kasi haggard yung nakanganga forever. Habang kumakain, pwedeng sumakit ang batok tapos ma-stroke. Habang nakikipag-sex, pwedeng ma-lock ang titi sa pepe tapos mamamatay na lang kayo sa kahihiyan. (hello, Shaina Magdayao.) ANG DAMI!!! Kaya talagang naniniwala akong may “Lord” eh. Kasi sa daming paraan para mamatay, nanatili pa rin tayong buhay sa kabila ng ating mga kasalanan. Parang naging religion yung topic! Focus!

Lagi kung sinasabi sa mga friends ko, tumatanda na talaga kame. Kasi lumalapit na yung death sa buhay namin. Kung dati ‘eh mga unknown people lang yung nababalitaan naming nagkakasakit or namamatay, ngayon pumasok na siya sa mismong buhay namin. Two years ago, nabalitaan ko na may sakit yung teacher ko nung 1st year then namatay. Last year naman, nalaman ko na yung teacher ko naman nung 2nd year ang nagkasakit at namatay. This year, nalaman ko na ilan sa mga malapit na kaibigan ko ay mga malubha palang karamdaman. OMG! Lumalapit na talaga ang death! Layo naman muna death. Magsama kayo ng tukso. Parehas kayong lumayo! Char. 🙂

Going back to the present time, nakaka-sad malaman na may sakit na yung friends ilan sa mga friends ko na ka-edad ko lang ha. GRABE! Yung isa may polyps, yung isa high-blood, yung isa parang may meningitis, yung isa may lupus, yung isa may bacterial infection sa katawan, yung isa may AIDS etc. WAAAH! Give up! Kaka-sad talaga. Mga ka-edad ko lang ‘to ha. Haaay. 😦 Kaya naman maging maingat tayo, mga fans! Alagaan natin ang sarili natin. Ito lang yung magagawa natin at the very least. Kaya nga ngayon nagiging-health conscious na ako ‘eh. Gusto ko ng maging maingat sa mga kinakain at ginagawa ko. Syempre, ayoko pang mamatay ‘no. Kayo ba? Grabe yung gusto na?! Sama-sama tayong maging health conscious, guys! Simulan natin sa pag-revisit ng mga kinakain natin. Tapos more exercise and physical activities. Iwas sa yosi, sa drugs, sa casual sex and all. Mahirap gawin, yes. Pero kung sama-sama tayo, kaya natin ‘to. 🙂

Huwag nating hintaying mahuli ang lahat. Gaya nga ng sabi ko, mahirap ito. Like yung healthy diet, magastos. Aminin n’yo. Tapos mahirap umiwas sa casual sex. WOW. 🙂 Mahirap lahat, pero KAYA ‘YAN! I think mabuting simulan natin ito sa pag-inom ng Holy Water. I think this is the best way to start talaga. 🙂

Kita n’yo naman, may tinitinda ng Holy Water na naka-bote. Ang best ‘no?! Makabili nga! Thanks naman, Mr. Jo-Harri Marasigan para sa photo na ito. 🙂

Yun lang naman. Nakaka-praning lang na maraming nagkakasakit lately. Yung sakit ko pala 2 weeks ago ay sore throat at sipon na BONGGA. Grabe. At natuklasan ko na best pala ang pag-gargle ng lukewarm water with salt for sore throat. AS IN! Hiyang-hiya yung sandamakmak na lozenges na nilaklak ko! Tapos sa sipon naman, best nung mainit na tubig sa palangga tapos magtalukbong ka ng kumot para masingot mo yung init. Anong medical term ‘dun? Basta BEST! Guaranteed ginhawa! Walang sinabi ang Vicks!

Totoo nga ang sabi ng iba na ‘di bale ng walang jowa basta walang sakit. NANINIWALA NA AKO! Health is wealth talaga. Kaya sa mga mag-jowa d’yan na nagsasabing ang parner nila ang pinaka-mahalagang yaman sa mundo, I think mali ‘yun. WOW. Ako na nag-decide. Health kasi ang best! 🙂

O, basta mag-ingat kayo lagi ha. Ingatan natin ang mga sarili natin gaya ng pag-iingat natin sa wallet natin at cell phone. Well, mamatay naman tayong lahat eventually ‘no. Given naman ‘yan. Pero pahabain naman natin ang appearance natin sa mundo. Ako talaga more fruits and healthy stuff na from now on. More sports na din ulit and exercise. SO HELP ME GOD!

Sa mga friends kong may sakit, kaya ‘yan! Matatapos ‘din ‘yan. Gagaling din kayo. 😉

Stay healthy everyone!

Yours Truly,

Dra. Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.ask.com/wiki/File:Rx_symbol.png?qsrc=3044)

P.S. Maraming salamat sa mga nagpapadala ng mga nguynguy para ma-feature sa Yours Truly, Madma! Humahaba na naman ang pila. BEST! Salamat sa pagtitiwala sa blog na ito. Again, you can send your nguynguy and ngasngas sa yourstrulymadma@gmail.com.

Dali! Mag-send na at pag-usapan natin ‘yan sa YTM. ❤

P.P.S. Gusto n’yo bang marinig si Madma ng LIVE?! Bet n’yo ba ang LIVE PAYUHAN?! Aaaay…magaganap na ang matagal n’yo ng hinihintay! ABANGAN n’yo ‘to NEXT WEEK! Maririnig n’yo ako ng LIVE! 🙂

Madma goes LIVE! ABANGAN TALAGA ‘TO! Pota. ❤

Usap Muna Bago Bukaka

Dear Madma,

Avid reader n’yo kame ng mga friends ko ng YTM. Kaka-adik magbasa eh. Tawa kame lage nang tawa! Sobrang laugh trip.

Gusto ko lang itanong, ok lang ba mag-sex agad sa first date pa lang? Meron kasi akong ka-chat tapos magme-meet na kame sa weekend. He seems malibog kasi. Baka bumigay agad ako. Ok lang ba kung patulan ko agad? HELP! Gusto ko na magka-totoong jowa.

More power po. Sana po mag-post pa kayo ng maraming maraming entries!

Sincerely,

CD Rom

____________________________

Dear CD Rom,

Ikaw na ang may-date at may prospect for sex! Nakakaloka ka. Habang kame ay naghahanda para sa palapit na Undas, ikaw ay abala sa pakikipaglandian! Hello naman sa’yo at sa mga friends mo! 😉 Super thanks sa pagbabasa ng YTM ha. Grabe di ako nakaka-post lately kasi ang daming nagaganap sa mundo. Parang mage-end of the world na talaga sa December. Charoth. Ang saya ng issue mo. Pang-malandi talaga! Best! Hiyang-hiya yung mga issues ng mga kababayan nating mahihirap na usually ay about pagkain, tubig, kuryente at pera. Ikaw na talaga, CD Rom! Ikaw na yung malandi at mayaman! 😉

For me, parang hindi bet ang sex agad sa first date. Parang ang bastos. WOW. Ang linis linis ko talaga. Ako na ang dalisay at puro. 🙂 Pwede bang sa 2nd or 3rd date na lang yung sex? Magpa-init naman muna kayo sa 1st date! GRABE! Ayaw n’yo bang mag-usap muna? Masyado bang boring yung usap lang?! Gusto ‘pag kakita, buka agad?! Not likey!

Generally, naka-depende talaga yan sa hanap mo or sa goal mo. Kung naghahanap ka ng “totoo at seryosong” relationship gaya ng sabi mo, I don’t think na dapat mag-sex agad sa unang kita pa lang. Hindi ito masyadong magandang foundation. Parang aso kasi yung ganun ‘eh. Aso ba kayo? Tahol naman d’yan! Arf, arf. OMG aso nga! Char. 😉 While it’s true na kailangang sexually compatible kayo ng ka-relasyon mo, importanteng ma-check mo muna ang intelligence at personality and OTHER important qualities ng ka-date mo. Tamang prioritization lang ‘yan parang pagluluto ng isang masarap na adobo. Gisa muna sa bawang, sibuyas at mantika bago ihalo yung “laman.” Ay, ang taray! 🙂 Or gusto mo laman muna tapos ihalo yung bawang bukas then next week na lang ilagay ang mantika? Pwede rin. Landi mo ‘eh. Mai-push lang talaga yung laman sa unahan! Kaya nga binabadbad muna sa suka at toyo ang “laman” para mas masarap, ‘ di ba?! Ganun din dapat sa relationship! Tamang build-up din! 🙂

Kung ako talaga ang tatanungin, mas better na gamitin ang first date sa getting to know each other shit regardless kung homosexual or heterosexual relationship ito. Usap muna bago bukaka. Ay, nasabi na rin ang title! 🙂 Mag-build muna kayo ng good foundation para mas meaningful ang sex. Otherwise kasi, para ka lang nakipag-sex sa isang callboy. Paraos lang ang peg. Gusto mo ba ‘yun? Sayang naman ang chance for a true relationship kung papairalin agad ang libog sa simula. Baka mapaso lang kayo. Tandaan mo, ang kaning bagong saing, kapag sinubo nakakapaso. At ang kanin, kapag naging biko, may nagluto. Ano raw?!

On the other hand, kung landian lang talaga ang goal mo sa ka-date mo, sex na agad. Aarte pa?! Ang daming “tigang” sa mundo ha. Well, hindi ako kasama doon. WOW!!!:)  Super blessed ka na. Basta safe sex lang ha. Alam mong dapat ma-ingat tayo sa mga “sinusubo” at “pinapasok” sa ating katawan. 😉 Hindi ko naman dini-discount yung fact na may mga successful relationships na nag-simula sa sex. May mga ganung couples naman talaga. Pero konti lang sila. At mga pinagpala. So, I suggest na doon ka lang sa sigurado at subok na strategies.

Take it from Madma, mag-usap muna kayo sa first date n’yo. Huwag kayong magmadali. Manood kayo ng sine, kumain, at tumawa. Or pwede ring kumain, tumawa at mag-sine. Bahala na kayo sa order. Ako pa ba ang magsasabi?! Char. 🙂 Hindi naman kailangang sa kama agad ang punta! Don’t spoil this chance. Sayang. Kung malibog ang ka-date mo, doblehin mo ang self-control mo. Kung sa una pa lang hindi na ma-set ng tama ang mga bagay-bagay, wala na. Baka mag-end up na lang kayong fubu! Sayang ang true love! 🙂

Yun lang naman. Na-miss ko ang payuhang ganito. AS IN!

We wish you all the best, CD Rom. Balitaan mo kame ha. Kaya mo ‘yan!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://lifeand100books.com/tag/running-with-scissors/)

P.S. Wala nang makakapigil sa pagbabalik ng mga payo ni Madma! Kaya kung may nguyngoy kayo, isulat n’yo na at pag-usapan natin ‘yan! Email n’yo lang ang ngasngas n’yo sa yourstrulymadma@gmail.com. Promise, sasagot ako!

I love you all!

Ang any-any post ni Madma bilang nagbabalik na Diva!

Dear fans and followers,

O.M.G!!!

Anyare na sa atin?! Magkakakilala pa ba tayo?! Sorry naman at super tagal kong nawala sa blogging industry. Balita ko marami raw na-depress nung nawala si Madma? GRABE NAMAN! Ang ki-clingy n’yo. Sorry na. Nagka-jowa na kasi ako kaya medyo focus muna kay Honey. WOW. 😉 Uy, charoth lang yung jowa part ha. Baka panghinaan naman yung mga nagbabalak pumorma kay Madma. Go lang, porma lang kayo. Single pa rin naman ako, ‘eh. Promise di na ako masyadong papalag kasi malapit na rin akong mag-expire. Aarte pa ba?! 🙂

NA-MISS ko naman kayo! Tangina n’yo! Ang daming naganap nitong mga nakaraang araw.  Kaliwa’t kanan! Papa-raffle ko na nga yung mga events sa dami eh. Kaloka. Kaya naman hayaan n’yong pasalubungan ko kayo ng mga chika at pasabog! SHET! Na-miss ko mag-blog! Pota. Mag-chikahan naman tayo!

Since matagal akong nawala, I think it’s just proper to start with one hello. HELLO naman sa inyo! 🙂 Kamusta na kayo?!  Grabe yung biglang may bagyo ha. Wala man lang grace period! Tang ina. Buhos agad yung ulan! Hindi ba pwedeng ambon muna?!  Lakas din maka-gago ng ulan ha. Nagka-sipon tuloy ako at sore throat. Ang hirap tuloy kumanta. Leche. On the other hand, ang sarap din kapag umuulan. WOW. Bi-polar ang peg. 🙂 Ang sarap din kasi nung malamig ang kapaligiran. Sarap tumutok sa electric fan habang nakakumot. BEST! Sarap din makipag-sex kapag ganitong panahon. Ay, alam na alam ito ng mga malilibog. Sa case ko naman, nood-nood lang ng porn. CHAR! Ano ba. Ang dudumi n’yo. Magmumog nga kayo ng Holy water.  😉

Malapit na mag-Halloween! SHET! Matutuwa na naman ang mga kababayan nating chaka slash chararat bumba.  Favorite holiday nila ito eh. Bidang-bida sila. At least ‘di na nila kailangang bumili ng costume para sa Halloween. Konting pulbos lang at lipstick na lampas-lampas, keri na. Grabe parang nakaka-relate kayo. Sabagay ang chachaka n’yo. WOW. Parang nagka-ere na si Madma?! What do you think?! 🙂

Long weekend today! WOOOH! Pero alam naman natin na ang lahat ng long weekend ay natatapos din. NEGA! Sa mga ‘di nakakaalam kung bakit holiday today, and believe me marami sila, ipinagdidiriwang ngayon ng mga kababayan nating Muslim ang “Eidul Adha” or the Feast of Sacrifice. Shout ouch naman sa mga friends nating Muslim lalo na kay Mr. Zabra Yu Siwa! Alam n’yong mahal kayo ni Madma. 🙂 Since araw ng sacrifice today, hayaan n’yong mag-take part si Madma. Hindi muna ako bibirit today bilang pakiiisa. Ang laking sakripisyo na ito sa part ko ha bikang isang legit na Diva. Grabe! 🙂 Or pwede ring isakripisyo natin ang buhay ng mga chaka. CHAR. Ano ba ‘to ang init na naman ng ulo ko sa mga panget. GV! GV!

So much for intro. Ang daldal ko. Pota. Mahihiya ang kanal sa lakas ng bulwak ng mga ideas sa utak ko. By the way, ang pasabog pala nung word na “bulwak.”  Lakas maka-regla.  Gamitin naman natin ang word na ito nang mas madalas. Sayang naman yung word. Bihira na nga lang magamit tapos sa regla pa na-associate. Poor word. 😦

Gusto ko pala i-share sa inyo ang isang major change sa apartment namin. As you all know, nakatira ako sa isang pang-mayaman at exclusive apartment sa Mandaluyong area kasama ang aking mga minamahal na kaibigan. Yes, kailangan talagang isama ang  adjective na “pang-mayaman” kasi ito talaga yung best description na makaka-picture sa lugar namin. Wala na akong maisip na ibang description. Hello, may microwave kaya kame, leather sala set at tsaka washing machine. Kayo ba?! OMG wala?! Grabe ang basic ng mga appliances na ito! Paano kayo mag-iinit ng food na galing sa ref? Don’t tell me kukunin n’yo lang yung food sa freezer tapos ipapatong lang sa ulo n’yo kasi mainit ang ulo n’yo? Grabe. Paano naman kapag galing kayo sa work tapos gusto n’yo magpahinga and wala kayong leather sala set? Saan kayo sasandal? Sa pader kasi malamig? Ano ba ‘yan. CHAROTH. Ang sarap pala magyabang minsan. 🙂

Grabe di ko na-share yung major change sa apartment namin, Ito kasi yung topic. Anyway, after almost 5 years namin na magkaka-housemate, we decided na bumili ng aso! And take note again ha, pang-mayamang aso! Gusto ko pala ipakilala ang cute na cute and very pasabog aso namin na si Mr. Roger. Tingnan n’yo siya oh!

O, ‘di ba?! Ang cute ni pota!!! Grabe. Ang breed n’ya pala is mix ng Maltese and Yorkie. Pwede ring Praying Maltese para more witty! Ang pinaka-owner pala ng dog namin ay si Mr. Reginald Uy. Shout ouch naman, Ermie! 🙂 Siya talaga ang pinaka-master ni Roger. Ako naman, parang Tita lang ang peg. And mataray na Tita for that matter. Yung mina-maltrato yung aso kapag wala ang amo level. Charoth:)

Matagal bago kame nag-decide na magka-aso kasi majority sa amin ay ayaw talaga ng aso including myself. Ang chaka kasi nung may mga tae at ihi kung saan-saang part ng bahay, ‘di ba?! TAE yun! Madumi ang tae! Plus the rabies. OMG! The rabies. Alam n’yong nakakaulol ang rabies. Nakagat nga yung isang housemate namin recently, ‘eh. Pero ok naman, so far buhay pa siya. Hindi naman siya takot sa tubig at hindi pa naman bumubula ang bibig n’ya. SO FAR ha. Ewan natin next week. 🙂

Pero noong dumating na si Mr. Roger nagbago na ang buhay namin. Naging mas best! Iba pala kapag nand’yan na ang aso. Nakakatuwa! Almost 2 months na sa amin si Mr. Roger at masasabing masaya! Sa sobrang saya nga, bumili pa kame ng isa pang aso. O, ha. Ang breed naman nung second dog namin ay mix na Shitzu and Lhasa Apso. Or pwede ring Lasang Aso. Siya naman ay si Ms. Maria. Super cute n’ya rin talaga! Lalo na yung mata! Grabe. Pang-mayaman yung mata. Ito siya oh!

Pero may twist. Medyo na-evict sa apartment si Ms. Maria last week kasi biglang nagtatampo si Mr. Roger. Nag-iba ang kilos ni Mr. Roger! Parang bigla siyang naging balisa, nagsusuka and all. In short, umaarte! Grabe yung mga aso ha, may artihan din or so-called asohan! Kakahiya naman sa kanila. Tumamlay si Mr. Roger buhat noong dumating si Ms. Maria sa apartment. Ang aarte talaga. So, na-evict na si Ms. Maria for now. Sad talaga. Ang saya pa naman sana nung may 2 dogs sa bahay. Ang hilig talaga mag-eviction sa apartment namin. Hindi n’yo na rin naitatanong, medyo marami na ring napalayas sa apartment namin. Bwahahaha. 🙂 Kilala n’yo kung sino kayo. Mention ko pa ba? Char.  Shout ouch naman sa mga napalayas.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagbabalik sa dating sigla si Mr. Roger. Ewan ko ba. Ang mysterious ng mga kilos n’ya. Mahihiya yung rosary. Pero sana gumaling na si Mr. Roger at maging bibo na siya ulit. Ang cute pa naman n’ya. Ang dami na n’yang alam na mga tricks. Alam na n’ya ang sit, fetch and up! O, ha. Malapit na n’ya matutunan ang pag-operate ng washing machine, microwave oven at paghuhugas ng plato. WOW. Katulong pala ang peg. 🙂 By the way pala, and pangalan ni Mr. Roger at Ms. Maria ay galing sa pangalan ni Roger Federer and Maria Sharapova. Favorite players ni Red ang dalawang ‘yan  kaya ginawa n’yang aso para mapa-sakanya. 🙂

Iyon na muna ang chika ko. Ang haba rin ha. Sobrang dami ko pang chika!!! Mamaya may post ulit ako! Ganado, ‘eh! Abangan n’yo mamaya ang pasabog meet up ni Madma kay Mr. Derek Ramsey! OMG! Ichi-chika ko rin ang nakakalokang  meet-up ko sa mga malalakas na bloggers sa bansa! POTA! Mamaya na ‘yan. Shet. Plus, babalik na tayo sa mga payuhan! Promise!!! Dami ko ng pending na stories. Iisa-isahin natin ‘yan!!!

Salamat sa suporta kay Madma! Mahal ko kayo. Kapit lang sa mga pasabog!

Yours truly,

Madma

P.S. Shout ouch naman kay Ms. Christina Aguilera para sa napaka-bonggang music video na “Your Body!” Tang ina ang lakas ni Ma’am!!! Deadma na lang sa taba ng braso at hita. Lakas maka-Nanay, ‘eh. Pero ang boses, OMG! Napaka-pasabog pa rin. Grabe. Growl kung growl! Andoon pa rin yung “kapal” ng boses at birit ala Christina! ‘Di naapektuhan ng katabaan. Very Christina pa rin! LOVE IT! Ito naman ang kaibahan ni Christina kay Britney Spears. Si Ma’am Britney kasi wala na ngang kalatuy-latoy kumanta, nawala pa ang galing sa pag-sayaw! Diyos ko! So ano na lang babayaran kay Britney?! Kaloka. Pero I still love Britney. Pero nakukulangan na ako sa kanya. Konti na lang makakalimutan ko na siya.

Maganda ang bagong music video ni Christina. Masasabi. Ang daming naganap! At makulay. Though maraming cliche na part, overall is mahusay at talagang ramdam na may-effort. Yung song itself naman is maganda rin. Radio friendly at mataas ang recall. Kaya naman 3.5/5 siya on my Divanometer. WOW. My rating talaga?! 🙂

Go, Christina! You are so back, bitch! You are a true artist. Hindi natatakot mag-reinvent! Parang si ultimate idol Ms. Regine Velasquez lang. Go lang nang go, XTina!!! PAK! ❤

YTM Idol: Malapit Na!!!

Dear fans and followers,

HANDA NA BA KAYO SA NEXT PASABOG NI MADMA?!

Aaay… grabe! Ikakaloka n’yo ‘to! Talagang malapit na ang pagsisimula ng Yours Truly, Madma Idol!!!

Tinatawagan ko ang lahat ng mga magagaling na singers ng bansa! HINAHAMAON KO KAYO! Ito na ang chance n’yong maging kauna-unahang singing sensation sa blogging world! First in the history. Pota!

Malapit na ang biritan natin sa YTM Idol! Kumapit kayo!!!

Very soon na ito. Kingina…

Babaguhin na naman natin ang blogging world!!!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.dankanesingers.org/event/west-side-singing-idol-4/)

P.S. Abangan ang full mechanics ng YTM Idol next week! Naku, mauulol na naman kayo sa show na ito. EXCITED NA AKO! Yung mga singers d’yan, simulan n’yo ng mag-vocalize. Maghanda na para sa isang matinding singing contest ng taon!

O, eto. Hayaan n’yong sampolan kayo ni idol Regine Veleasquez-Alcasid! Ganito ang labanan sa YTM Idol ha! Medyo sine-set ko na ang expectations n’yo! PAK! Shet, excited na ako sa YTM IDOL!!!

P.P.S. Happy Birthday naman sa’yo, Mr. Jonell Banta! Bonding sa Sunday ha. Grabe, pag-usapan naman natin ang mga kotse, girls and basketball. Promise, magre-research na ako about them para naman pasok din ako sa chikahan. 🙂