Cybercrime Law: NAKAKALOKA! IBASURA!

Dear fans and followers,

Dahil may pakialam ang mga fans ni Madma, pag-uusapan natin ito.

Nabalitaan n’yo ba ang latest?! Approved na ni PNoy ang Republic Act No. 10175 known as “Cybercrime Prevention Act of 2012.” Pinirmahan n’ya ito last September 12. And what does this mean? Pwede lang naman makulong, (take note MAKULONG), ang sinumang mga FB or twitter users ng up to 12 years for posting defamatory comments on FB, Twitter and other social media accounts. PLUS, (yes, may dagdag pa), magbabayad ng fine na up to 1 Million pesos! Kingina. Ang lupet!!! Nakulong ka na, namulubi ka pa. GRABE!!! Na-gets n’yo ba yung gravity nito sa atin bilang internet users?! Sige, inhale, exhale muna. Absorb, absorb muna.

Grabe yung KULONG ha! Criminal Case na agad. Hindi Civil Case. Shit lang talaga. Kasali rin pala dito ang retweets, re-posting, re-blogging ng any “libellous materials” sa internet. Pati simpleng FB “likes” ay ground na rin para makulong. Good luck talaga! Ang dali ring makulong nowadays ha. Sana ganyan din kadali mahanap ang love. Char!🙂 With this law, mukhang kukulangin ang mga kulungan sa bansa sa dami ng makukulong soon. Feeling ko lahat na tayo makukulong at some point in time. Imaginin n’yo ha, mag-retweet ka lang, kulong na! Gosh. Level up, ‘di ba?! Kaya naman ingat ingat na rin ang mga nguynguyera, ngasngasera at mahilig mag-rant sa social media. Baka sa kulungan  na kayo pulitin sa mga susunod na araw. Haggard!

Hindi lang ‘yan mga fans, the Cybercrime Law also allows the government to collect data from personal user accounts on social media and listen in on voice/video applications, such as Skype, WITHOUT A WARRANT. Focus tayo sa phrase na “WITHOUT A WARRANT” ha. So, yung mga mahilig makipaglandian sa Sykpe d’yan and other voice and video online applications, ingat ingat din kasi baka nakikinig at nire-record na pala ng Department of Justice ang conversation n’yo. Diyos ko. Nakakahiya naman kung narinig ng lahat ng staff ng DOJ ang landian moves n’yo, ‘di ba?!

Sa mga bloggers like me, simulan na nating maglinis-linis ng mga old blog posts, mga old FB posts and old tweets dahil pasok na pasok pa rin daw ito sa bagong Cybercrime law. Yes, you heard it right. Covered ito! Pwede pa ring gamiting ground ‘yan para makulong. OMG! Nakakaloka. Magbabasa-basa nga ako ng mga old posts ko mamaya. Ayoko namang makulong sa point na ito. Hindi pa ako nagkaka-jowa, ples! Kinginang law ‘to. Abala.

Tapos na rin ang maliligayang araw ng mga mahilig mag-download using torrent and other downloading sites pati file-sharing etc. Bilang na ang mga araw n’yo. Kulong level na rin ito mga Ma’am. Ingat ingat din baka yung dinownload n’yong film or TV show ay sa kulungan n’yo na panoorin kasama ang mga kakosa n’yo. Haggard.

IBANG LEVEL talaga ‘tong Cybercrime Law na ito! Tawag nga rito is “E-Martial Law” eh. Kasi naman ka-peg na ka-peg ng Martial Law ang mga nilalaman nito! Nakakaloka!!! Kayang-kaya na ipasara or ipa-close ng government, without any warrant, ang kahit ng anong websites sa internet. So, kung bigla na lang mawala ‘tong Yours Truly, Madma, alam na! Kung biglang makulong si Madma, huwag na kayong magtaka. To quote Section 19 (Restricting or Blocking Access to Computer Data) of the Cybercrime Law “When a computer data is prima facie found to be in violation of the provisions of this Act, the DOJ shall issue an order to restrict or block access to such computer data.” ANSABE?! Irita.

By the way ha, ang penalities sa Cybercrime Law ay mas mabigat pa compared to libel sa traditional media such as newspaper, TV and radio. Kapag guilty of libel, ang mga news editor at iba pang mga professionals sa traditional media ay papatawan lamang ng up to 4 years na pagkakakulong and fines na up to 6,000 pesos only. Samantalang sa Cybercrime, up to 12 years imprisonment plus penalty na up to 1 million. BEAT THAT! Harsh much! Kriminal level na talaga ang lalabag sa Cybercrime Law. Kapag nag-post ka ng “defamatory” comment sa FB mo at nahuli ka, ka-level mo na ang mamamatay tao. KULONG!

Kaya naman pala ang daming nagwawala at nagrereklamo against this law eh. Very unconstitutional! Maliwanag na paglabag ito sa karapatang pantao. To be exact, maliwanag na nilalabag nito ang Sec 4 of the 1987 Constitution of the Philippines stating that “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”  Ano na ang mangyari sa Freedom of Expression ng mga Pilipino? Sa right to due process? Sa equal protection and privacy of communication? And most especially sa democracy? Grabe! So, tahimik na lang tayo ganyan?! Dark ages ulit?! NAKAKALOKA!

O, ito ha, tandaan n’yo ‘tong mga mukhang ito! Sila ang mga bumoto para maipasa ang Cybercrime Law! PLEASE PAKI-NOTE!!!

(photo courtesy of: http://www.facebook.com/FilipinosWorldwideAgainstTheCyberCrimeLaw#!/FilipinosWorldwideAgainstTheCyberCrimeLaw)

Ang nakakalokang part pa is isa-isa na silang naghuhugas-kamay about the law ngayong naging controversial na ito. Ang ilan sa kanila ay umaming hindi nila nabasang mabuti ang laman ng RA 10175. PWEDE BA ‘YUN?! Hindi nabasa? Pirma na lang nang prima?! Diyos ko, lame excuse! Mag-resign na kayo kung ganyan lang ginagawa n’yo! Buhay nating lahat ang nakasalalay tapos ganun lang? Irita. Buti na lang walang nakalagay sa Cybercrime Law na death penalty. Otherwise, nakalusot na rin sana pala kasi hindi naman binasa ng mga Senators ang laman eh. O ito, isa sa umamin na “na-oversee” n’ya ang provision sa online libel is si Sen. Chiz Escudero. Sabi n’ya sa interview, “Nakalusot sa amin ‘yun, hindi ko nakita ‘yun nung kami ay pumirma sa committee report.” Tsk. Tsk. Pati ba naman kayo, Sen. Chiz?! Oh no. EKIS ka Chiz! :(

Paki-take note rin itong si Sen. Tito Sotto III ha. PLEASE! Bingo na talaga sa akin itong si Sen. Sotto. Siya pa talaga yung nag-insert ng libel part sa Cybercrime Law ha. Inamin n’ya daw ito last September 28. GRABE! Siya na yung nangopya at nag-plagiarize, siya pa ang matapang! Umiinit na talaga ulot ko, ples. Ibang level talaga ang apog ng mga tao rito sa Pilipinas. TIGAS! Dapat sinali rin sa batas yung about plagiarism eh! Tapos siya ang unang ikukulong. Grrr…

Ang nakakalungkot pa is yung part na pinirmahan ni PNoy and Cybercrime Law last September 12. Nakakaloka yung approved sa kanya ang batas na ito. Flashback tayo ha, si PNoy ang avid promoter and isa sa mga authors ng Freedom of Information Bill (FOI). Ito ang isa sa mga pinangako n’ya noong siya ay nangangampanya pa lamang bilang pangulo. Ang ironic din ‘no?! Kung sino yung nangako ng “freedom” siya pa yung naging daan para mas lalong “sikilin” ang karapatan ng mga tao. What’s happening to this country!

Mabuti na lamang at parami nang parami ang mga grupo, individuals at mga organisasyong nangangampanya para ipa-repeal ang Cybercrime Law! Thank God. ;) Nagsasanib pwersa ang mga citizens and netizens para ipa-basura at ipawalang-bisa ang pagpapatupad nito. Inuulan ngayon ng petitions seeking Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court. Love it! Sa kasalukuyan, mayroon na atang 5 petitions against this law. At ang chika ay marami pang susunod next week. Pasabog!

Pati ang international arena ay nakikisali na rin laban sa Cybercrime Law! Umabot na rin sa USA at iba pang bansa ang laban ng mga Pinoy against this law. Sabi ng mga international watchdogs, masyado daw “drastic” and “harsh” ang mga penalties under this law at nabibigyan ang gobyerno ng “excessive and unchecked powers” to shut down websites and track information online. True naman talaga. Talo tayong mga ordinaryong mamamayan kapag napatupad ang batas na ito kaya pigilan natin habang may panahon pa!

Haaay… nakakalungkot. Ako ay talagang nanlulumo sa pagkapasa ng hilaw na batas na ito. Alam ko naman na kailangang bantayan ang paggamit ng internet kasi marami rin talagang mga krimen na nagaganap dito nowadays gaya ng pornography, hacking, identity theft and spamming etc. Aware ako d’yan. Alam kong araw-araw ay maraming nabibiktima sa internet. Alam kong maraming umaabuso sa paggamit ng kapangyarihan ng internet. Subalit hindi ang pag-approve ng isang hilaw at vague na Cybercrime Law ang sasagot nito. Napaka-vague din kasi ng mga nakasaad sa batas na ito, example yung definition and constitution ng online libel, hindi malinaw. Sad talaga.😦

Sana ay ma-repeal ang batas na ito. Or best, mabasura. In favor naman ako na dapat may regulating rules na sa cyberspace. Pero ang batas na gagawin ay dapat makatao pa rin. I-consult dapat ang mga tao sa paggawa ng batas. Huwag ‘yung bibiglain na lang tayo na ito na pala! Wala man lang pasabi. Hindi man lang tayo nakapagluto. Char.😉 Walang masama sa pagpapahayag ng ideas and opinion. Hindi ito krimen. Ano ba!!! Ang gusto yata ng gobyerno eh tahimik lang ang mga tao. Oo na lang sa lahat ng gagawin ng pamahalaan. Cheee!

Ito nga pala ang buong copy ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Basahin at pag-aralan n’yo para maging aware rin kayo sa bagong batas na ito. Ayaw n’yo naman sigurong magulat na bigla na lang kayong ikukulong dahil sa paggamit n’yo ng social media.

Click this link: http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/

Maging maalam tayo mga fans. Ang kaalaman ang magiging sandata natin sa mga panahong ito. Lahat tayo ay affected sa pagpapatupad ng batas na ito kaya hindi ito ang oras para manahimik at tumengga. Maging maalaman. Maging mapanuri. Makiaalam.🙂

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://jonasdiegocom.blogspot.com/2012/09/find-out-more-about-philippine.html)

P.S. Talagang nakakainit ng ulo ang Cybercrime Law! Pota. Ramdam n’yo naman sa post ko ‘no?! Hay naku, mag-unwind nga muna tayo. Panoorin na lang muna natin ang performance ng UP Pep Squad kahapon sa Sunday variety show ng ABS-CBN- ASAP. Kingina, sobrang best nila!!! Buwis-buhay ang mga stunts and lifting! GRABEEEEEE! Ang taray din nung naggu-guest ang UP Pep sa ASAP ha. Nakaka-artista.😉 Fan na fan talaga ako ng UP Pep. AS IN! Paki-take note yung huling-huling stunt nila ha. TODO! Though di naging successful ang execution, masasabing grabe pa rin! Ang taas nung pagka-hagis. Diyos ko! Ibang klase din yung lakas ng loob nila sa stunts. Aware ba sila na may tinatawag na “death?” ASTIG!🙂

O, eto na! Panoorin na ang pasabog performance ng UP Pep Squad sa opening number ng ASAP kahapon. Sooobrang galing!!! Ang lalakas nilang lahat. Parang hindi na sila tao! ENJOY!!!

(This video was lifted from these sites:  http://www.youtube.com/user/TheABSCBNNews and http://www.youtube.com/watch?v=YwWY-9jy5AE)

P.P.S. Shout ouch naman sa mga journalist friends ko na sina Mr. Seph Ubalde and Mr. Marc Meruenas para sa pasabog discussion natin on Cybercrime Law. Ang best n’yo talaga! LAKAS! Salamat sa input.🙂 Ang best din pala ng discussion natin on Bible. GRABE!!! Nganga ako for the first time. Ang dami n’yong alam. Ipapaligpit ko na kayo.🙂 I love you both. Bonding naman! Kulang na kulang tayo sa bonding eh.

Aaay. muntik ko pa malimutan. Special hug for Seph Ubalde.🙂 Alam mo na ‘to. Huwag ka ng sad. Focus ka na lang sa “Balik-Alindog Project” mo. Kapag masakit pa rin, lagyan mo na lang ng asin.

Shout ouch din sa pasabog high school barkada ko na PEERS! Gastos naman!🙂 I LOVE YOU ALL!🙂

13 thoughts on “Cybercrime Law: NAKAKALOKA! IBASURA!

  1. panu n kung napagtripan ung laptop mo? hinack ung account mo? ginamit ung credentials mo to violate this act? kulong k for 12 yrs? sakit naman nun!!! ang possession of marijuana ay 10 yrs, tapos ikaw 12 yrs… dahil sa cybercrime? wahahaha… sa bagay alam ko sa CHina ata walang FB? or social networking sites, medyo OK naman cla, and getting more powerful… though im not sure kung masaya ung mga tao… wahahahahaha

    • haha nice point. Well, hindi pa naman malinaw ang magiging rules ng law na ito. Maglalabas pa lang ng IRR or Implementing Rules and Regulations ang government sometime this week. Doon natin malalaman kung anong atake sa kaso ng manakaw ang laptop. haha Ang haggard nung 12 years ‘no?! KAKALOKA talaga! Sa China walang FB. Galing ako doon last year. Wala talaga. Higpit sa kanila. Tayo na daw ang pinaka-malayang nakakagamit ng internet sa buong mundo.🙂

  2. Grabe din kase yung pinirmahan at inapprove yung cybercrime law eh. tsk tsk. nabasa ba ito ng buong buo or basta pirma pirma na lang?

    Sakop ba ako nito kung sa Norway ako nakipag sex on skype? charot!!!! di nga? sakop ba nito kapag sa abroad ako nag post, nag like or nar retweet?

    • Hello, Ron! Ilalabas na na yung Implementing Rules and Regulations ng Cybercrime Law. doon natin malalaman ang specifics and kung pasok ba ang post from abroad. haha Natatakot?! hahaha

  3. this is so bullshit. why you making these kind of law ? Philppines is free country isn’t it ? And by making this law, can it make any good ? i mean uunlad ba ang pinas nyan? fuck you ka.

  4. this is so bullshit. why you making these kind of law ? Philppines is free country isn’t it ? And by making this law, can it make any good ? i mean uunlad ba ang pinas nyan? fuck you ka.

  5. KUNG MAKUKULONG KAME…MAUNA MUNA LHAT LHAT NG MAS MAY KASALANAN AH..WE ARE NOT SINNERS DUH NAGAGAWA NINYO KMING IGNYAN KASI MATAAS AT MY KAPANGYARIHAN KAU………….MASAMA KAU MGA SENATORS NA NG PA2PAD NG CYBER CRIME LAW.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s