Tamang Landi Lang, Girl

Dear Madma,

Una sa lahat, gusto kong sabihing kilala kita dahil ubod ng dalas ka kung mag-host sa events ng week-long celebration ng College of Engineering sa UP. Benta talaga bawat gabi pag kasama ka sa mga host. Di ko makakalimutan yung pag papatayin na ang ilaw… “oh sex na…”, at yung “second place goes thru”, at yung “salamat sa pagsali at wag ka nang umasa, Miss [insert org]!” hahaha. Nag-Darna costume ka pa nga non, right? Unfortunately wala ka last year. Magagaling din naman yung mga nakuhang hosts pero iba pa rin yung laugh trip mo. Anyway, di ko alam kung worth writing about ba yung ikukwento ko pero i want to give it a shot.

So may na-meet akong guy sa particular site, and let’s call him Tosh. Pagkakita ko palang sa kanya sa video-chat, tumambling na ako. Nag-usap kami further, exchanged numbers, at ngayon nagtatawagan kami gabi-gabi at masasabi kong ngayon lang ulit ako nakaramdam ng excitement/kilig after kong makipag-break sa ex ko monthsssssss ago. And I would say that the last year I spent with ex, never kong naramdaman na masaya talaga ako. Parang nagkakaroon din kasi ako ng doubts kasi siya palang ang nakakasama ko, at siya rin naman kasi ang nagmulat sa akin sa ganitong perspective. At siya rin ang nanloko, although may faults din naman ako kasi very passive ako. Pero ngayon, sure naman akong wala na siya sa isip ko at masaya naman ako.

Anyway going back to Tosh, nagtataka lang ako kasi one week palang, sobrang sweet at malambing niya, aside from the fact na sobrang gwapo at talented niya. Tinutugtugan nga niya ako at sobrang naappreciate ko yun haha. Marami kaming pagkakapareho at nararamdaman kong iba siya sa lahat. Pero yun, hindi ko lang talaga magawang maniwala sa lahat, about “how he feels” kasi hindi pa nga kami nagmi-meet in person, and kamon, parang ang bilis. At hindi ko rin alam, baka natatakot lang din akong masaktan. Pero nakapanghihinayang din na baka mapalagpas ko ang isang tulad niya. Masarap ma-in love pero hanggang saan ko ba dapat ibigay ang puso ko, Madma?

Salamat at sana makadalo pa ako sa mga shows mo. (yehes, show mo na talaga yung mga events na yun. Sana maghost ka pa in the future. Haha)

Chin.

PS. Nagkasundo pala kaming magkikita kami bukas (pagkasend ko ng entry na ito). Wish me all the luck.

________________________________

Dear Chin,

Chin up naman! Shout ouch dahil ikaw ang unang letter ni Madma para sa 2nd Season ng YTM! Woooh! 😉 Na-miss ko mag-payo! Ang dami ko pa namang alam sa buhay. Salamat naman sa pagliham at pagbabahagi ng storya mo sa YTM. Grabe yung nasubaybayan mo rin ang hosting career ko sa UP ha. Nakaka-touch naman! Kingina. Nakakatuwa yung may nakaka-alala sa husay at galing ko sa hosting. WOW. 🙂 Well, magaling naman kasi talaga akong mag-host. Tsaka magaling kumanta. Ay, pati sumayaw pala. Tsaka magpabagsak ng tao. Ang dami kong kaya, gosh! Happy Birthday naman sa akin. 🙂 In fairness, 6 straight years na akong Diva sa event ng UP College of Engineering. Last year lang ako umabsent kasi nga nag-Asian tour ako eh. Alam mo na, medyo nagka-pera na rin. Tapos nagka-ere. Char. 🙂 Oo, nag-Darna costume ako 2 years ago. Tigas ng mukha ‘no?! Hayaan mo, magbabalik ako dishir! Babalik ang reyna sa event n’yo. Magkikita-kita ulit tayo! Excited ka ba? Parang hindi naman. Gosh! Or gush. Lakas maka-regla nung “gush.” Shet, natawa ako!

Anyway, nakakatuwa naman ‘tong hatid mong tsismis sa amin. Ramdam na ramdam ko ang kilig ng pepe mo kay Tosh! Medyo “malandi” ka rin ha. Chareng. 🙂  Saang site mo ba nakilala si Tosh? Timbrehan mo naman kame kung saan para mabisita namin! Baka naman sa www.mgachararatbumbakame.com mo nakuha si Tosh ha. O di kaya sa www.mgapangetkameperobusogkamelagi.com.ph ‘yan. Or baka naman sa www.angpangetpangetnaminperokerilang.org galing ‘yan ha . ALAM NA! Grabe ang dami ring website for mga chaka ha! Well, we can’t blame them. Medyo madami sila, aminin natin.

Alam mo, Chin, wala naman akong nakikitang masama sa cyber dating or sa mga love affairs na nabubuo sa internet. Ang love naman kasi eh walang pinipiling lugar ‘yan. Kahit sa kubeta nga pwede kang ma-in love eh. Beat that! 🙂 Pogi ba talaga si Tosh? Mala-Piolo Pascual ba?! TANGINA! Buka na, girl! Penetration na! Char. 😉 Iba rin kasi talaga kapag pogi eh. Nakaka-ulol! No offense sa mga pangit ha. Grabe, ang mean ko sa mga panget today. Sorry naman! Eh kasi ang panget nila eh. Charoth. Ang ganda ko ‘no?! Swabeng ganda! 🙂 Sa pagkaka-describre mo kay Tosh, masasabing madali nga siyang mahalin. He seems to be a perfect guy. Grabe yung sobrang gwapo at talented ang description mo sa kanya ha. BEST! Pa-meet mo nga sa akin baka kame pala ang para sa isa’t isa. Ikaw lang yung “tulay” para sa amin. WOW. Ansabe?! 🙂

Buti naman at nararamdaman mong medyo “mabilis” ang mga naganap sa inyo ni Tosh. Eh ang bilis naman kasi talaga! Grabe yung 1 week pa lang, mahal na?! Yang puso mo ha. Gabayan mo ‘yan! Konting contain naman sa kalandian, girl. Mahirap talagang paniwalaan ang mga pinapakita ni Tosh lalo na at sa internet lang kayo nakakapag-usap. Ingat din tayo, Chin. Alam mong may so-called “death” din ha. Baka mamaya killer pala ng mga chaka yang si Tosh, yari ka! 😉 Pero seriously, mag-ingat ka rin. Ayaw naming mapahamak ka kasi napamahal ka na sa amin. WOW! Mahal na rin agad ha?!

Alam mo, naiintindihan ko namang yung pagka-humaling mo kay Tosh eh lalo na at marami kayong pagkaka-pareho sa buhay. Tapos pogi pa siya and talented. Gets ko ‘yan! Ka-level na n’ya si Lord eh. Pero sana ay paandarin mo pa rin ang isip mo para magmuni-muni at mag-isip isip. Alam mong kakagaling mo lang sa isang failed relationship and I’m sure ayaw mo na malungkot at masaktan ulit. Protektahan mo rin yung puso mo kasi hindi ka namin mapo-protektahan lagi dahil busy rin kame. May work din kame eh. Monday-Friday din ang pasok namin. Mag-ingat ka. ‘Yan ang payo ka. Mag-ingat in a sense na ingatan ang puso mo para di na masugatan at masaktan ulit at mag-ingat ka sa pagkatao ni Tosh. Masaya ma-in love. Alam natin lahat ‘yan. Pero mahalagang paganahin pa rin natin ang isip natin sabay ng pagtibok ng puso. ‘Yun oh!

Take it from Madma, mas mabuting kilalanin mo pa nang mabuti si Tosh. Magkita kayo in person. Mag-date kayo. Mag-Sogo kayo. Ganyan. Bumuo kayo ng isang totoo at solid na foundation. Deceiving din kasi ang on-line love affair minsan so mabuti na yung magkakilala kayo sa personal level. Kontrolin mo rin ang emotion mo at huwag kang masyadong pakupota kay Tosh. Tamang landi lang, Ma’am. Ang key word is “control.” Aralin mong ikaw yung ‘in control” sa situation n’yo. Ikaw dapat ang nagpapa-ikot sa kanya. WOW! Maghanap ka rin ng ibang activities aside sa pakikipaglandian kay Tosh para di ka naman masyadong focus sa kanya! Or di kaya hanap ka pa ng ibang lalandiin para may ibang options. I-maximize mo na ang pagiging single mo! Single ka na rin lang, itodo mo na!

Chill ka lang! Get to know him for real. Balitaan mo kame ng updates.

We wish you all the best! Good luck sa inyo. Sana maging kayo. Kung hindi man, sana matikman mo siya at the very least. BONGGA!  😉

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.toonpool.com/cartoons/love%20on%20line_153351)

P.S. Ang saya-saya nung nagbalik na ang payuhan sa YTM! Ang best! Sana naman ay buhay pa rin ang mga Tribo_Tagapayo rito! Share your thoughts naman! Game! Usap tayo!

Sa mga may nguynguy sa buhay, ipadala na ‘yan sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali, i-feature natin ‘yan dito! GAME!

P.P.S. OMG!!! Lumabas na rin talaga ang official scoresheet ng mga judges sa nakaraan 2012 Samsung UAAP Cheerdance Competition! Kingina! O, ayan ha. Super liwanag na UP Pep Squad ang nanalo! Mas maliwanag pa sa kinakabukasan n’yo ang laman ng scoresheet! Aarte pa?! Ngunguyngoy pa?! Check n’yo naman, Bitches! Hindi nagsisinungaling ang data. 😉

NAKAKALOKA! Out of 5 judges, 4 ang nagsabing wagi ang UP Pep! Woooh! Ang lakas! Si Mr. Huang Yu Chun lang ang medyo kumonflick sa lahat. Bigay na natin sa kanya ‘yan. Taga-China si Mr. Chun so huwag na natin siyang pikunin. Alam naman natin na ang China ang may-ari ng lahat! Sa kanila ang Kalayaan Island pati ang Cheerdance Competition. Pati ang blog na ito sa China rin. Ok na?! Charoth. 😉

Though hindi ako masyadong happy sa ranking system. Mas best pa rin yung points system for me. Nagulat nga ako na ranking system ang ginamit! Eh inexplain pa sa unang yung game mechanics and percentages. Para saan ‘yun bale?! Feeling ko nagka-tamaran na lang yung 5 judges in the middle. Tipong sabi siguro nung isang judge, “Guys, i-rank na lang natin sila para hindi naman nakakahiya sa ibang schools na makitang zero yung score nila tapos 100 ang UP Pep.” ANSABE?! In fairness, ang polite ng mga judges ha. Love ko na sila. WOW! Bipolar ang pota.

So, finally we can put this issue to rest! Pero may message muna ako sa ibang schools. Ang taray!

Sa FEU, tama na ang pagiging bitter. Galingan na lang next year. Nage-expect kame ng mas pasabog at mas pinlakas na FEU sa 2013. In fairness sa inyo ha, pasabog na kayo this year! So, itodo n’yo pa next time.

Sa UST, hello sa inyo. Sasali pa ba kayo?! Parang ok lang din na wala kayo. Charoth. Galingan n’yo naman kasi ulit! Nami-miss ko na yung galing ng UST eh! Asan na ba yung angas n’yo? Pina-raffle n’yo na?! Sayang naman. Pasayawin n’yo na kasi ang mga tunay na members ng UST Salinggawi. Huwag n’yo na pasayawin yung mga kapit-bahay or mga pinsan ng totoong mga members. Go, USTE!

Sa NU naman, enjoyin n’yo ang pagkapanalo n’yo kasi baka hindi na mauulit ‘yan.

Sa UE, alam ko na ang theme n’yo next year. UE Bald. Papakalbo rin ang girls tapos ang suot n’yo eh yung kuma-camel toe na costume na parang sa UP Pep Squad. O, ayan ha. Alam na namin yung gagawin n’yo. Originality naman! Ang dami-daming theme sa mundo. Pwede kayong mag-Spongebob o kaya Sailor Moon, which is my favorite show, o kaya mga kasangkapan sa bahay. Or di kaya mga gamit sa talyer or parlor. Ganyan. Surprise us. Tandaan n’yo lang, kapag nagawa na ng iba, ekis na!

Sa Ateneo naman, PLEASE! No to anime theme ha! No to Voltez V! Sibakin n’yo na yung nagbigay ng idea na ‘yan parang awa n’yo na. Ang sosyal n’yo kasi para sa theme na ganyan. Imaginin n’yo si Tessa Prieto Valdes pinagsayaw n’yo ng “Laban o Bawi” ng Sexbomb. O, ‘di ba?! Sakit sa bangs! Focus lang kayo sa personality n’yo. What if next year ang theme n’yo is mga designer bags! Ang taray nito! Bagay sa inyo bilang mayayaman. Sa ending bubuo kay ng isang sosyal na Louis Vuitton na bag instead na si Voltez V. I think mas keri n’yo ‘to.

Sa Adamson, OMG! Sumali pala kayo this year? Shet. Hindi ko na-sense. Sali kayo ulit.

Sa De La Salle naman, more pa. Pa-angat na kayo so tuloy lang. Sa totoo lang, promising kayong team kaya galingan n’yo pa. Aabangan ko kayo next year. Anino La Salle! I mean, Animo pala. Chaka nung anino!

So there, that concludes this year’s UAAP Samsung Cheerdance Competition! Now, we can TRULY move on. 🙂

Congrats ulit, UP Pep Squad. We love you!!! ❤

Thanks naman kay www.bryologue.com para sa pag-timbre ng scoresheet. 😉

Advertisements

Let’s Talk About Love!

Dear fans and followers,

Hello naman ulit mga fans. Anyare na?! Grabe ang bilis ng araw ha. Matatapos na naman ang linggong ito. October na next week. Tapos November na. Then December na naman. Tapos patay na tayo. Charoth. Ang harsh din ha. 🙂 Welcome naman sa YTM! Grabe ang taas ng ratings natin kagabi!!! Kingina! From Top 102 yesterday, ngayon ay Top 39 na ang YTM sa Most Read and Most Visited Blogs in the Philippines! Grabe yung taas ng tinalon ko overnight! Hiyang-hiya ang kangaroo. Salamat naman sa mga natuwa sa post ko re: UP Squad. Ibang level talaga ang UP Pep Squad. Kahit si Madma, initsa n’yo pataas! LOVE IT! 🙂

Anyway, chika chika naman ulit! Ayan ha, medyo nagkaka-time na ako mag-post. Aarte pa?! For this bonding session natin, let’s talk about love… Yikeeee! Kilig naman ang pepe n’yo. Gusto n’yo ‘yan eh. Mga ka-cheapang ganito. 🙂

Sa totoo lang, lampake ako sa love. Pagod na ako eh. WOW! Tinapos agad yung discussion?! 😉 Seriously, ok lang sa akin maging single. Kahit forever! O, ha. Ang lakas! Alam n’yo namang never pa akong nagka-jowa. But it doesn’t mean na never nakipag-sex ha. Aayyy! Pakilig ang pota. Sobrang hina ko sa talaga aspect ng love. AS IN! Hanggang landi lang ako tapos ending na. Mahina kasi ako magbasa ng mga tinatawag na “signals” eh. Yung tipong nakalabas na ang titi pero hindi ko pa rin alam na ‘yun na pala. Very virginal. Char. 🙂 Well, masaya naman maging single. Ang daming time sa sarili and for other social activites. Hindi naman ako naghahanap ng love sa ngayon. In fact, wala nga akong crush as we speak. Parang hindi na ako nagkaka-crush! Shet. Ka-level ko na ang mga halaman! This can’t be! ;( Kung ayaw sa akin ng love, ‘di ‘wag! Gago ba siya! Huwag n’ya akong simulan! Basta may pagkain sa hapag at videoke, keri ko na maging single. Hindi naman ako mamamatay kung walang partner eh. Mas nakakamatay pa rin ang cancer, gutom at pagpapa-sagasa sa MRT. Alam n’yo ‘yan. Napatunayan na ‘yan ng panahon.

Kaya naman sa mga single na kagaya ko, itigil n’yo ‘yang nguynguy n’yo. KAYA NATIN ‘TO! Si Karyle nga kaya lahat eh, tayo pa kaya?! Huwag n’yo ubusin ang oras n’yo sa paghihintay sa love. Maraming ibang bagay na pwedeng gawin aside sa paghihintay. Pwede kayong magtayo ng sari-sari store or di kaya eh magbukas ng laundry shop. May kita ka na, wala ka pang labahan! O, ‘di ba?! Double whammy! Huwag kayong malungkot maging single. Hindi ibig sabihin nito ay pangit kayo. Baka siguro, may putok lang. Or baktol. Check n’yo rin mamaya pag-uwi n’yo. Char! 🙂

Sa mga may jowa naman at this moment, enjoy n’yo lang ‘yan. Maghihiwalay din kayo mga punyeta kayo. WOW. Bitter much. 😉 Hindi, enjoyin n’yo lang. Hindi n’yo naman alam kung hanggang kelan ‘yan so itodo n’yo na habang andyan. Kung mangalabit si partner, buka agad. Ganyan. Huwag ng magpa-kiyeme. The operative word is “maximize.” Maswerte kayo at nakakita na kayo ng partner. Ang daming naghahanap pa sa mga panahong ito. Kaya hawakan n’yong mabuti ang kamay ng isa’t isa at i-push n’yo na umabot ang inyong relationship sa tinatawag na “forever.” Sniff. Ano ba ‘to naiiyak na ako. Chareng! ❤

Sa mga in a relationship at kasalukuyang nangangaliwa, sige lang. May araw din kayo mga ugok. Ang chaka nung “ugok.” Lakas maka-dialogue sa Pinoy action film! Mabibisto rin yang mga kabulastugan n’yo at pupulutin din kayo sa so-called “kangkungan.” Lalandi n’yo. Sana ketongin kayo.

Sa mga nasa relationship naman pero gusto ng kumalas, go na! Huwag n’yo na ayusin ‘yan. Hanap na ng bago! Tandaan n’yo, mas strategic na bumili ng bagong laptop kaysa sa ipagawa ang sirang laptop. WOW! 🙂 Huwag ng masyadong maarte. Gawin n’yo lang simple ang buhay. Kapag ayaw na, tapusin na. Huwag n’yong intayin na ako pa ang tumapos n’yan para sa inyo. Masyadong maiksi ang buhay para sa mga nguynguyang walang katapusan. Maging mabait kayo sa isa’t isa. Maghiwalay na habang may araw pa. Kasi baka gahin kayo. Mahirap maghiwalay sa dilim! 🙂

Sa mga nasa “landian” stage pa lang, kingina ang saya n’yan kaya itodo n’yo! Ang sarap nung stage na text kayo nang text, date nang date at motel nang motel! Magastos, yes. Pero kilig! Enjoyin n’yo rin ‘yan. Ok lang na may 2-4 kayong nilalandi at the same time. Walang kaso ‘yan. Basta kaya ng vagina, bakit hindi?! Go nang go! 🙂

Sa mga girls naman na may boyfriend tapos feeling n’yo bading, BADING ‘YAN! Huwag na kayong mailto! Take it from me. Kapag may duda, alam na! Gusto n’yo test n’yo pa para sure. Regaluhan n’yo ng dildo ang boyfriend n’yo. Tapos kapag pinasok n’ya sa pwet n’ya habang naliligo, yun na! Huli ka balbon!

Sa mga mag-jowa naman na almost 10 years ng magka-relasyon, congrats! Mahusay kayo! Isang malakas na shout ouch sa inyo. Alam kong hindi biro ang pinagdaanan n’yo para maabot ang point na ‘yan kaya humahanga ako sa inyo. Kayo ang buhay na patunay na may totoong pag-ibig sa mundo. Yikeee. Eeeehhh kinikilig naman ako, pota.

Yun lang naman. Don’t get me wrong ha. Hindi pa ako sumusuko sa love. Alam kong darating din ‘yan soon. No rush naman ako. Hindi naman nage-expire ang matres ko. WOW. Babae rin ha. 🙂 Masaya ako ngayon. Masaya sa piling nga mga tunay kong kaibigan. And mind you, marami sila. Kaya naman, para na rin akong may jowa sa ka-busyhan. 🙂 Salamat naman mga friends for taking good care of me while I’m still single. Huwag kayong mapagod ha! Konting tiis pa. Pasasaan pa’t maiga-garahe rin ang Diva. Huwag muna kayong magpakasal hangga’t wala pa akong jowa ha. Sisirain ko ang kasal n’yo kapag pinush n’yo, tandaan n’yo ‘yan. Char.

I love you friends! Gimik muna tayo habang single pa ako. Kasi nararamdaman ko, malapit na akong maging double! Yun oh!

Enjoy love! ❤

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site:  http://iamjett.blogspot.com/2011_01_01_archive.html)

P.S. At para naman mas masaya tayo, gusto ko pala ipapanood sa inyo ang masayang video na ito. This is Madma playing the “Pinoy Henyo: Next Level” kasama ang mga pasabog kong friends from The UP Repertory Company. Pasabog ‘tong larong ‘to! Next level talaga! Kingina. Paumanhin sa mga ginagamit kong “language” sa video na ito. Medyo lasing na rin ako kaya bangag na. Sorry kung medyo “madumi” ang mga lumalabas sa bunganga ko. Magmu-mumog na lang ako ng holy water mamaya. 🙂

Enjoy!!!

 

P.P.S. Sa mga may nguynguy sa buhay at gustong mapayuhan ni Madma, sulat na at ipadala sa yourstrulymadma@gmail.com! DALI! Pag-usapan natin ‘yan. Malapit na magbalik ang mga payo ni Madma! KAPIT! ❤

Mabuhay ang UP Pep Squad!!!

Dear fans and followers,

I SOOO MISS YOU ALL!!! 🙂

Tangina sobrang busy these past few days! GRABE! NAKAKALOKA! Hiyang-hiya si PNoy sa dami ng ganap ko as a person. Una, super busy ako sa work bilang end ng third quarter. Daming reports!!! Papa-raffle ko na nga yung iba sa dami eh. Bet n’yo?! Sabayan pa ng kaliwa’t kanang social events, which I highly love naman! Partida pa ‘yan ha, wala pa akong jowa nito pero nauulol na ako sa daming kaganapan. Feeling ko kaya siguro ayaw din ako bigyan ng love life ni Lord kasi di ko na rin maha-handle. Pero Lord huwag n’yo naman akong i-judge sa aspect na ito! Konting “chance” naman re: this matter!

Anyway, mag-bonding nga muna tayo. Chikahan muna. Game! 🙂

Shout ouch naman sa pagkapanalo ng THE UP Pep Squad sa nakaraang 2012 UAAP Cheerdance Competition! WOOOH! Kingina! Mabuhay ang UP! Ang best talaga ng UP Pep Squad. POTA! Ibang level ng difficulty ang ginawa nila. Back to basics ang peg pero apaw sa difficulty! Malinis ang routine at talagang bongga! 🙂 Showcase of skills ang ginawa nila. Walang masyadong gimik. Walang arte. Pure talent! Shet lang talaga. Ang nakakatuwa sa UP Pep Squad is may story ang performance nila lagi. And magaling sila mag-kwento. Parang isang palabas talaga. May beginning, middle, climax and end ang performance. Malinaw. Maayos. NAKAKALOKA! Nakaka-amaze yung nade-deliver nila ang message ng performance nila nang tama. Ito lagi ang malaking hamon sa lahat ng klase ng performers at masaya ako na they never fail to deliver the message right!

Sa mga hindi pa nakapanood ng pasabog performance ng UP Pep Squad, watch this bitch!

Ang fierce nung nagpa-kalbo ang girls ng UP Pep Squad! WOOOH! Lakas! Trend setter talaga ang UP. O, naku, baka next year kalbo na rin ang girls ng UE ha! AYOKO NA TALAGA! Konting “originality” naman!

Isa pa sa  kinakaloka ko sa UP Pep Squad is marunong silang mag-incorporate ng tamang “pause” sa kanilang performance. Yung tipong nagbibigay sila ng moment para ma-absorb mo yung ginagawa nila. Hindi puro ratchada na parang tanga. Tama ang pacing. May puso ang galaw. May tamang angas. Ayyy this is crazy!!! Yung iba kasi kana nang kana akala mo namang magaling. Ibang level na talaga ang UP Pep Squad. Japan level na yung galaw nila. Samantalang yung iba eh barangay level pa rin. Huwag tayong mag-namedrop ha. Kilala n’yo ang sarili n’yo. Grabe yung maang-maangan. Hello naman UE and Adamson.

In fairness, ang laki ng improvement ng performance ng FEU ha. Malakas na contender na talaga ang sila. Pero sadly, hindi pa rin sila level ng UP Pep Squad. Ni-review ko ang performance nila at maliwanag na angat sa kanila ang UP Pep. Malayo ang difference! Grabe yung ni-review ko ha. Busy pala ha. 🙂 Yung UST naman, Diyos ko po. ANYARE?! Nabaha? UST Salinggawi ba talaga yung napanood namin? Baka naman mga pinsan lang kayo ng mga tunay na performers? Ang chaka. Kakalungkot. Napag-iwanan na kayo.

Yung NU nakakagulat na 3rd place ha. Eh mas magaling pa ng very light ang De La Salle eh. Medyo di ako bilib sa pagkapanalo ng NU pero deadma na. Hindi ako nagalingan sa “very SM slash Tom’s World” na performance nila. Oh well. Ayoko na magsalita pa baka ipaligpit ako ni Henry Sy. 🙂

Yung UE naman kung maka-blonde akala mo ikina-angat nila. Grabe yung nag-blonde sila this year! Hindi ko kinaya! Eh nagawa na yan ng UP Pep Squad last year eh. Di ba nila napanood ‘yun? Asan sila bale? Ako yung nahihiya sa pagpapa-blonde nila. Ka-level ito ng may nakasalubong kang taong kaparehas mo ng damit habang naglalakad. Ganun! WOW. Pa-involve rin ha. 🙂 Payo lang, mag-focus muna kayo sa galaw n’yo and routine bago kayo mag-isip ng “gimik.” After all, cheerdance ang sinalihan n’yo hindi Talentadong Pinoy.

Yung Ateneo naman, naku po! Chaka rin. FYI, hindi n’yo ikinaganda ang pag-buo ng Voltez V sa dulo. Oo na, gets na naming mayaman kayo at kaya n’yo bilhin si Voltez V pero ang chaka eh. Hindi effective. AS IN! Sino ba ang nag-advise sa inyo n’yan?! Sapakin n’yo na! Sayang kayo at medyo umangat na kayo last time. Ngayon, bagsak na naman. Inaabangan ko pa naman kayo.  Haaay… 😦

Overall, maraming bagot moment sa taong ito. Mas maraming hindi magaling kaya medyo boring. Nabuhay lang ang dugo ko nung sumayaw na yung FEU. Yung mga nauna naman very front act lang ang peg. Parang kumanta lang si Pops Fernandez. Ganung level. Sana mas-exciting next year! Sana galingan naman ng ibang schools para mas exciting pa. Anu’t ano pa man, congrats sa lahat ng mga sumaling schools. Alam naman naming pinaghirapan n’yo ang performance n’yo kaya bongga kayo! 🙂 Yung nga lang, pangit ang kinalabasan ng ibang schools. Pero deadma na. 🙂

Congrats, UP Pep Squad! You made 8 happen! Weeeh. Trivia lang, dati din akong naging trainee ng UP Pep Squad nung “kalakasan” ko pa. Yes, totoo ‘yan! Hindi ito chismis lamang!  Medyo 5 months din akong jumoin sa kanila. Hindi ko nga lang natapos kasi ang hirap eh! Kingina. Tapos may play pa ako at that time so hindi ko natapos ang application sa kanila. Kaya naman isa lang ang org ko. At ito nga yung The UP Repertory Company. Magkalapit naman, ‘di ba?! UP Pep and UP Rep. Ansabe?!

Speaking of UP Rep, isang pagbati sa very successful na “Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakakamatay?” In fairness, MAGANDA TALAGA ang production n’yo! 3 times ako nanood ha. I think kaya ko na sumali next time! Medyo kabisado ko na eh. Super congrats sa umaapaw na audience! Grabe, blockbuster! Mas marami pang nanood sa play n’yo kaysa sa horror film na Pridyider. Salamat sa lahat ng mga fans na sumama sa akin manood! Grabe ang supportive n’yo talaga sa akin. BEST! 🙂

Mabuhay ang mga artista ng bayan! I love you, UP Rep!

So, there. Ito muna ang chika ko. Ang sarap pala ngumasngas sa mga current events! Nakaka-talino sa part ko.

Na-miss ko talaga kayo! Sana nasa maayos kayong kalagayan. 🙂

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.inquirer.net/?attachment_id=59004 )

(The video above was lifted from this channel: http://www.youtube.com/watch?v=mIFIiLgbD1s)

P.S. Isang malakas na shout ouch sa pagbabalik ng napaka-ganda kong best friend na si Ms. Ma. Gertrude Hernandez! BONDING NA ‘to!!!  Aminin n’yo ang ganda n’ya. Magtataka pa ba kayo eh ang ganda ko rin kaseah. Alam n’yo na, birds of the same feather flock together. Check n’yo rin yung mga friends n’yo. Kapag napansin n’yong mostly chaka, ALAM NA! 🙂

I love you, Ger! Belated Happy Birthday.  Welcome back!!! ❤

Mapapanood na bukas ang “Kontrobersyal” na MMK episode!

Dear fans and followers,

Friday na! Kingina! Gimik time na! Grabe ang buhay ng empleyado. Very hmmm… “predictable.” Irita.

Anyway, bukas na mapapanood ang very controversial episode ng “Maalaala Mo Kaya!” Aaaay… kailangan itong mapanood!!! Hindi ito dapat mapalampas! Ang Cinemalaya best actor at ang poging-poging si Edgar Allan Guzman ay gaganap na closet gay sa MMK! Shit! Ang best nito! Aarte pa?!  Bibigyang buhay ni Edgar Allan ang karakter ni Ritche, isang closet gay na nangangarap maging seaman upang patunayan sa lahat, lalo na sa kanyang ama, na may mararating siya sa buhay. Sa takot na mainsulto at maliitin ng kanyang mga kaklase, pilit niyang ikinubli ang kanyang tunay na sekwalidad. Anong hirap ang pinagdaraanan ng isang taong patuloy na pinatutunayan ang sarili sa kapwa? Mapupunan ba ng pagtanggap ng iba ang sakit na dulot ng pagtatago ng tunay na pagkatao? Aaay.. ang fierce ng story, ‘di ba?! Aminin n’yo, may hugot talaga! 🙂

Tampok rin sina Lito Pimentel, Jobelle Salvador, Eda Nolan, Ryan Boyce, David Chua, Bryan Homecillo, Art Mendoza, Joseph Bitangcol, at Quintin Alianza. Sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario at panulat ni Benson Logronio. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

Ang MMK episode na ito ay obra ng premyadong director na si Direk Nick Olanka!  Talagang nakapa-husay ni ni Direk Nick kaya naman suki na siya sa MMK. Ilan sa mga pasabog MMK episodes na kanyang naidirehe ay “Bimpo” na pinagbidahan ni Kim Chiu, “Baunan” na pinagbidahan ni Irma Adlwan at EJ Falcon, “Basura” nila Matt Evans at Melissa Ricks, “Toy Car” nina Melai Cantiveros, Ketchup Eusebio and Ryan Eigenmann at marami pang iba. Siya din ang nag-direct ng MMK episode ni the late-Tyron Perez na “Ice Cream II.”

At kung napanood n’yo ang horror film na “Cinco,” siya ang nag-direct ng episode ni Mariel Rodriguez na “Mukha.”isa rin siya sa mga directors ng sikat na sikat na teleseryeng “E-boy” at ang aking personal favorite show na “Magkaribal.” Happy Birthday naman Direk Nick. Ang dami mo na rin palang “nagawa” ha.

Sama-sama tayong manood ng MMK bukas, Saturday, 22 September, 730pm. Balita ko ay may ilang “maiinit” na eksena si Edgar Allan sa episode na ito. SHET! Take it off daw sabi ni Kesha! Huwag magpapahuli bukas. Kailangan nating mapanood itong pinag-uusapang episode na ito!

Para kiligin naman kayo, panoorin ang trailer na ito!

 

Shet!! Ang pogi ni Edgar! Napaka-amo ng mukha n’ya pero alam mong “wild!” Kingina!!!  Kapag ito naging jowa ko, hindi na talaga ako lalabas ng bahay! Bahala na kayo! 🙂 Tama na nga. Nauulol na ko. Panoorin na lang natin ‘to bukas!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://philheadlines.blogspot.com)

P.S. Happy 4oth Anniversary naman sa The UP Repertory Company! 4o years na rin pala ang org natin. BEST! Apat na dekada na rin tayong nagsusulong ng dulaang Pilipino at nag-aalay ng sining para sa Inang Bayan. Happy Anniv naman, mga Repists!

Kaya naman, samahan kami sa aming pagdiriwang ng aming ika-40 Anniversary sa pamamagitan ng pagnood ng Best Comedy Play ng taon na “Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakamamatay?” SHET! Laugh trip talaga ito nang bongga! SWEAR! At alam naman natin na “Laugther is the best medicine.” Aarte pa?! Best medicine na?! Ihanda n’yo ang mga panga n’yo bago kayo manood. Baka “mabigla” ‘yan at ma-lock jaw kayo, maagaw n’yo pa ang eksena sa show. 🙂

Manood na kayo! Ito ang remaining show dates:

“Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakamamatay?”

Sept 22, 24 | 3 and 7pm

Sept 21| 7pm

Venue: Aldaba Recital Hall, UP Diliman. Ticket Price: P250. For tickets, contact Serville at 0917-600-0161 or reserve online: https://docs.google.com/spreadsheet/viewform?formkey=dG9xNWZYSWNGZVk5ckNyRjg3ck9md2c6MQ

May show sila tonight! Yung mga wala pang plan na gimik, dito na kayo umatake! Hatakin ang buong barkada at pamilya at manood na! Bukas manood ako kasama ang mga fans ni Madma. Fans Day ang peg nito. Andoon kame sa 7pm show bukas. Attack na kayo! Bonding tayo! See you all. 🙂

P.P.S. At naku!!! Excited na ako manood mamaya ng premiere night ng comeback movie ni idol Regine Velasquez Alcasid na “Of All The Things!” Hindi na ako makapaghintay na mapanood si Te Reg sa big screen. I mean, tumaba siya, yes. Pero medyo pumayat na rin siya ngayon kaya hindi na masyadong masagwa sa big screen. Super excited na talaga ako bilang fan!!! Buti na lang at may nagbigay sa akin ng premiere night tickets. Shet. Ang best talaga ni Lord! ❤

Sa September 26 ang regular showing ng “Of All The Things” sa mga sinehan ng masang Pilipino. Balitaan ko kayo kung maganda! Excited na ako later!!! Kingina!!!

Bakit mo mahal si Madma at ang YTM?

Dear fans and followers,

Hello naman ulit mga fans! Bonding naman grabe! I miss you all! 😉

Una sa lahat, MARAMING salamat at very successful ang comeback ni Madma last Tuesday. Wooooh! Taas agad ng ratings natin. Kingina! Masasabing “na-miss” n’yo rin talaga ang mga pakulo ng YTM. Ang saya naman nung comeback ratings natin. Palung-palo agad! 🙂 I’m sure nilagnat na naman sa takot ang mga kalaban ni Madma! Salamat at nakaabang pa rin kayo sa mga nguynguy ko. Nakaka-touch talaga. Higit sa lahat, nakaka-inspire. Grabe, legit na legit na blogger na rin ako ha.  BEST!!!

Medyo nagpapa-init lang muna si Madma re: pasabog. Let’s take it slow, bitches. 🙂 Usap-usap portion muna tayo. Kumbaga sa sex, kiss muna. Grabe yung pagpasok sa kwarto at pagkatanggal ng panty, tira agad?! Climax agad?! Shower agad?! Char. 😉 By the way ha, ang dalas umulan lately. Parang tanga. At iba na ang ulan ngayon! MALAKASAN! Talagang nambubutas ng payong at bubong level. GRABE! Ano na bang nagaganap sa mundo! Haaay… Always stay safe everyone. Mahirap magkasakit. At mahirap magkasakit kapag walang jowa. Alam n’yo ‘yan. Eeeeh hindi naman love ang topic natin today eh! Focus! 😉

Sharing pa pala. May bago akong habit habang nakasakay sa MRT and LRT. Nagbabasa ako ng cellphone message ng katabi. ANG SAYA! Yet, ang bastos. 🙂 Ang exciting gawin ito. Basta huwag ka lang papahuli ha. Kagabi may cute na guy sa harapan ko sa loob ng MRT. Syempre siksikan, so body contact ang peg! Ang sarap n’ya. I mean, ang saya. 🙂 Noong nasa Ayala Station na kame, naglabas siya ng iPhone para mag-text. Aminin n’yo, may kaya. Naka-iPhone! Since super dikit namin, hindi ko rin maiwasan basahin ang mga text niya. WOW. Napilitan pa ha. 😉 Sabi n’ya sa text, “Honey, pauwi na ako. I want to hug you.” Then biglang send sa sa nagngangalang “Archie.” ALAM NA! Kingina bakla pala si Kuya. Shet!!! ‘Yun lang. 🙂 Try n’yo ‘to mamaya. “Pampalipas” oras lang habang nasa byahe. Magugulat kayo sa “karakas” ng ibang tao. 🙂

Anyway, GV GV lang tayo today. Gusto ko rin palang i-share sa inyo ang ilan sa mga nakakatuwang feedback ng fans para kay Madma at sa YTM. Ang saya basahin eh. Nakakaganda sa part ko. 😉 Background lang, noong nag-birthday concert ako, nag-post ako ng question na “Bakit mo mahal si Madma at ang YTM?” Ito na ang ilang inspiring na sagot ng fans! I will share with you some of the most memorable responses na ikina-kilig ko talaga nang todo. 🙂

_____________________

“Well, mahal ko si Madma kasi totoong tao sya, graciosa maghandle ng intriga, hindi nagpapakababa,wow nakilala ko rin talaga sya ng husto! Hindi sya choosy with friends, ang gaan nyang kapalagayan ng loob. Tsaka ang pasabog nya e, as in! Mahal din pati sya ng boyfriend ko, so kung sinong mahal ng boyfriend ko, mahalin din! Spread the love!!! ❤

Love ko naman ang YTM kasi totoo ang mga tao e, kaloka! Sarap pati tumawa. PAK!” –Kristine Joy S. Santos

“Mahal ko si Madma at ang YTM dahil binigyan at patuloy silang nagbibigay ng kasiyahan sa aking buhay. Bago ko natuklasan si Madma, boring ang aking online life. :p Salamat na lamang at nagtagpo ang aming mga landas. Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, si Madma ang bukal ng kaalaman, kasiyahan, at pagkakaibigan. Dahil sa YTM, sumikat ako. Hahaha. Joke! OR! :p

Seriously, dahil sa YTM dumami talaga ang kaibigan ko. Nagkaron pa nga ako ng ka-loveteam eh. Kaloka diba? Pero puro saya at tawa ng dinulot saken ni Madma. Kaya maraming salamat! Sniff.”- Israel Pinile, aka Sael, aka Deathbymilktea

“Mahal ko si madma dahil ang funny nya as a person. Lalo kong minahal si madma dahil sa mga pasabog nya ngayong 2012.

Higit sa lahat, mahal ko si madma dahil mahal nya ang mga kaibigang mahal ko. Isa-isahin pa ba? Haha!

Mahal ko ang YTM dahil talaga namang pasabog ang konseptong ito. Lalo kong minahal ang YTM dahil kina keempee (as a quasi-manager), flip (friendship) at jetti (taga-hanga). Higit sa lahat, mahal ko ang YTM dahil sa mga solid na tagasubaybay nito na nakikipagtalastasan ng intelektwal na opinyon at kwelang hiritan.” –Jeff Christian Garma

“Mahal ko si Madma dahil sa tiwala nya bilang isang second degree friend ko, dahil sa katalinuhan nya, pangunawa, at malawak na pag iisip, gayun na rin sa powers sa pagpapatawa. Una ko syang hinangaan nung febfair 2009 sa UPLB sa booth ng UP SIBOL kung saan inimbatahan sya ni Kt along with flip and red.

Mahal ko ang YTM dahil isa itong pintuan na nagbukas sa akin na lalong pag ibayuhin ang aking kalakasan at katangian. Nagbigay aral ito sa tamang pagdedesisyon sa buhay, at FAME na rin. Natutunan kong maging handa sa consequence ng anumang hakbang na gagawin. At nag enjoy rin ako sa pagbabasa ng mga comic letters.” –Aries Bayeta

“Mahal ko si Madma dahil una sa lahat ibang klaseng tao sya! Iba sa lahat ng bagay..

1. ibang kakulitan (kulit na hindi nakakainis)

2. iba kung humirit (minsan teh tagos, ang sakit eh)

3. iba kung tumawa (parang totoong nakakaloko)

4. iba kung magmahal (ung tipong hindi ka nya kalilimutan)

5. ibang klaseng kaibigan (maski matagal mong hindi nakita, parang walang naganap)

6. ibang klase magpatawa (tatawa ka pero alam mong may sense)

7. iba ang timbre ng boses (kabog ang mga DIVA! uy bet mo yan.. aarte pa?)

8. ibang klaseng maglaro ng badminton (parang kiti-kiting ewan, minsan pwede na din bulateng binudburan ng asin..hehehe)

9. ibang klaseng magvolleyball (ay pangMVP ang peg mo!.. ndi mo mababasa ang game nya..hahaha)

10. at higit sa lahat… IBA!!!!!! un na!

sa YMT…

Hindi ako mahilig magbasa ng blogs pero dahil kaibigan kita, kahit papano ay nagbasa ako ng ilang article at payo mo. As expected from a DIVA, panalo ang mga sagot mo.. kakatangal stress ang pagbabasa, bumoto din ako sa mga models ha.. pero sobrang proud ako sa yo MADMA” –Sim Horato

“Two thumbsh up.” –Regine Velasquez (Charoth lang ‘tong part na ‘to.) 🙂

____________________________

Sniff!!! Kaka-touch talaga ‘tong mga ganitong statements ! Naiiyak tuloy ako!!! Arte?! Hiyang-hiya si Rizal sa mga sinabi n’yo. Happy Birthday naman sa akin. 🙂 Salamat, Tin, Jeff, Sael, Coco and Sim. I love you all!! Sa mga ibang sagot na hindi ko na nailagay dito, salamat din sa inyo. Nasa puso ko na lahat ‘yan! GRABE!!! Umaapaw ang love! Haaay… GV at its finest.

I love you all! ❤

Yours truly,

Madma 

P.S. Malapit ng bumalik ang payuhan natin! KAPIT! Abangan ang bwena-mano nating letter for this season! Masaya ‘to! Malapit na!!! Sabihin na nating bukas na! Bilis din ha. 🙂

Sa mga nais idulog ang kanilang nguyngoy, bukas na bukas na ang tanggapan ni Madma!  O, ‘di ba parang opisina talaga! Ipadala lang ang inyong mga kaartihan at ngasngas sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali, pag-usapan natin yang mga ngawngaw n’yo!

P.P.S. Nagbago na pala ng category ang YTM sa topblogs.com.ph. From Entertainment & Lifestyle category to Personal catergory na tayo. Since bagong season na tayo, kailangan natin ng greater reach at kailangan na ring humanap ng mga bagong kalaban! Bagong Season, bagong mga kalaban ang peg! Taray! In all fairness to Madma, YTM faired very very well sa Entertainment & Lifestyle category! Good job sa ating lahat. 🙂 Talagang nakipagsabayan tayo sa mga malalaking blogs sa show bizz. LAKAS!!!

So, sa mga blogs na nasa Personal category ng topblogs, kabahan na kayo. Madma is here, bitches. Char! 🙂

Congrats pala sa aking Phizzteedee na si Mr. Dax Carnay for winning the Bootleg WebJock Seach!!! Woooh! I love you, Phizzteedee! Pa-guest naman sa show mo. Grabe, parang nate-threaten ka?! Char. 🙂 Ikaw ang patunay na hindi hadlang ang katabaan at kaitiman sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay! Isa kang “inspirasyon.” SHOUT OUCH!!! ❤

Best Comedy Play of The Year!!! Nood Na!!!

Dear fans and followers,

Ms. Eugene Domingo – Award-winning Theater/Movie/TVActress…

Mr. Chris Martinez- Scriptwriter, Director, and Producer…

And

Madma- Theater Actor, Diva, Host, Blogger…

Ano ang common sa aming tatlo? Kameng lahat ay produkto ng The UP Repertory Company!!! Avail n’yo naman yung ni-linya ko ang sarili ko kina Ms. Eugene and Sir Chris. TAAS! LEVEL! Medyo nakakapangilabot din ha! Pota. 🙂

Sa mga hindi nakakakilala sa UP Rep or in short mga hindi taga-UP, (wow. parang may “angas” sa part na ito), ang UP Rep ay isang student theater organization na kabilang sa premiere University Performing Organizations ng UP Diliman  kasama ang UP Pep Squad, UP Filipiniana etc. Ok lang?! Ito lang ang tanging org ko sa buong stay ko sa UP. Marami akong sinubukang salihang mga orgs noong kalakasan ko pa pero sa UP Rep ko lang nakita ang “kakaibang” saya at galak na hinahanap ko sa isang student organization. Kaya naman, super love ko ang UP Rep! Nakakahiya naman kong hindi ko love ang tanging org ko, ‘di ba?! Ang dami n’ya kasing naituro sa akin lalo na pagdating sa performing! AS IN! Ang org na ito ang masasabing naging malaking parte, mga 90%, sa kung anong klase akong performer slash tao sa ngayon. Ang taray nung 90% ‘no? Nabilang ko talaga ha. Precise! 😉

Kaya naman sa aming 40th Anniversary, malugod ko kayong inaanyayahang panoorin ang BEST COMEDY play ng taon na “Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakamamatay?” OMG! Super comedy to at its finest! Ito ang play na muntik na magpa-lock jaw sa akin! 🙂 Ibang level ng pagka-comedy! Pop culture kung pop culture. Pagsamahin mo ba naman ang mga characters nila Dora the Explorer, Avengers, cast ng musical na Chicago, etc, sa isang play, RIOT TALAGA! Grabe yung tawa ko sa play na ito. WAGAS! Buo ang storya, taas ng energy at higit sa lahat napakaganda ng message! Aarte pa ba?! Sa UP Rep nanggaling ang humor ko kaya naman kapag nanood kayo ng play na ito eh para n’yo na ring nakita ang kabataan ko. 🙂 Kung natatawa kayo sa humor ko ngayon, eh mababaliw na kayo kapag nanood ng play! Beat that! 😉

Baka naman sabihin n’yo eh sinasabi ko ang magandang review na ito kasi alumus ako ng UP Rep. NO!!! Tandaan natin, bago ako naging member ng org na ito, tao muna ako na may sariling pag-iisip. Alam ko ang pagkakaiba ng pula at dilaw. Ng lalaki sa bading (or hindi rin minsan kasi tricky) at ng chaka sa maganda! At ang play na ito, masasabing MAGANDA TALAGA! Tawa ako nang tawa from start until the end. O ‘di ba?! Mukhang baliw na rin! Ang huli kong naalala na nagpatawa sa akin ng ganito ay ang comedy film na “Here Comes The Bride” na ginawa ni Sir Chris na kung saan kabilang na naman si Ms. Eugene. Aminin n’yo, maganda ang film na ito! At maniwala kayo, tatapatan ng play ng UP Rep ‘yan!  Iisa lang naman ang pinanggalingan ng humor namin kaya it’s a tie! 🙂

O ito pa ang chika, last week ay aksidenteng nakanood ng play ang director ng Eat Bulaga. Yes, the very noontime show! As in walk-in audience lang si Direk ha. Nagbayad talaga. And guess what, after the show, kinuha n’ya agad ang cast ng play para mag-guest sa grand finals ng Mr. Pogi the following week! ANSABE?! Ganung level ang ganda ng play na ito! Shet, gusto ko na ulit manood! 😉

Itataya ko ang aking “munting” pangalan sa industriyang ito. WOW. LAKAS! Manood kayo ng play at sinisiguro kong magagandahan kayo! Friendship Over kapag hindi kayo nagandahan! O, ha! 🙂 Ito ang  klase ng palabas na hindi n’yo dapat ma-miss at higit sa lahat sinusuportahan.

May chance pa kayong makanood ng play kasi may natitira pang show dates! Take note n’yo ‘to!!!

“Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakamamatay?”

Sept 22, 24 | 3 and 7pm

Sept 21| 7pm

Venue: Aldaba Recital Hall, UP Diliman. Ticket Price: P250. For tickets, contact Serville at 0917-600-0161 or reserve online: https://docs.google.com/spreadsheet/viewform?formkey=dG9xNWZYSWNGZVk5ckNyRjg3ck9md2c6MQ

Papanoorin ko lahat ang mga natitirang show dates na ‘yan! So, magkikita-kita tayo! Pero ang grand fans day ko talaga is yung Saturday (September 22) 7pm na show! Ito ang bulto ng fans ni Madma kaya join na kayo sa araw na ‘yan! Yung mga umattend sa concert ko, please!!! Punta kayo! Mag-bonding tayo dito. Yung mga stress d’yan, nood na!  Sama-sama tayong tumawa at mabaliw sa panood ng play! Kingina!!! TARA NA!!! Kung hindi kayo magandahan, tambangan n’yo na lang ako sa labas!

Yours truly,

Madma

(The photos above were lifted from these sites: http://thoughtologist.wordpress.com/tag/eugene-domingo/; http://www.international.ucla.edu/article.asp?parentid=108462)

P.S. Binabati ko lahat ng cast and production staff ng play na ito! Isang pagpupugay sa mga mahuhusay na residente ng UP Rep!!! Good job! You made Madma proud! ❤ Magkikita ulit tayo soon! GALENG!!!

Shout ouch din sa mga kasama kong nanood ng play na sina Mr. Reginald Uy, Ms. Carla Jill Masalonga and Mr. Robby Benson Torres! Best experience! Aminin natin! I love you all! ❤

Madma is Back! YTM: Season 2 na!

Dear fans and followers,

O.M.G. It’s Madma, bitch!!!

I’m soooo back!!! Hello naman sa inyo! I soooo miss this shit. And I miss your shit. Wow. Tae level rin ha. 😉 Na-miss ko kayo kingina!!! Kamusta naman mga palaka? I’m sure na-miss n’yo rin ang ang mga pasabog or mga “shit” ni Madma. Umamin kayo! One week din tayong hindi nagkita-kita ha. Shet!!! Parang ang tagal din pala grabe. Pero one week lang ‘yun! Kayo naman. 🙂

Well, nagpahinga lang talaga ang idol n’yo. Irita yung “idol.” Lakas maka-Robin Padilla! Pwede namang magpahinga, ‘di ba? Katulong nga may day-off, ako pa kaya?! 🙂 Eh kasi naman nakakaubos ng lakas yung finale ng YTM’s Next Top Model at yung concert ko na YTM: The Great Invasion. Taas ng stress nun! Kingina. Pero, successful talaga! Good job pala, YTM Team ha. Alam n’yo na ‘to. 🙂 Nagkasakit din ako last week. Kinetong ako. CHAR. 🙂 Hindi, trangkaso lang. Tsaka sore throat. Tsaka headache. Tsaka cough. DAMI RIN! Grabe!!! Bumigay din yung katawan ko ha. After all, tao rin ang mga Diva. Ngayon lang ako talaga gumaling kaya salamat sa Circulan. WOW. Hindi, salamat sa tubig, Gatorade, Biogesic at Strepsils. 🙂

The long wait is finally over!!! Sa mga nagsasabing “patay” na si Madma, fuck you all! WOW. Charoth lang. Wala naman talagang nagsasabi nun.  Arte ko lang ‘yan. 🙂 Sa mga nag-iisip na nag-quit na si Madma sa blogging, magtigil kayo! Sumikat kaya ako dito so bakit ko ‘to bibitawan! HELLO?! Umayos nga kayo! Sa mga nagsasabing nagka-jowa na si Madma kaya wala na siyang post sa YTM, please! Paki-lakasan naman! Hindi kayo masyadong naririnig ni Lord! Sa mga kababayan naman nating Kapampangan, “aguman ning amanung.” WOW! Ang best! Eh Pampanga eh. Alam n’yong best! 😉

Anyway, welcome naman sa opisyal na pagbubukas ng  2nd Season ng Yours truly, Madma!!! Wow. May Season 2 rin ha! Ang dami kong arte ‘no? Hiyang-hiya ang Survivor Philippines at Pinoy Big Brother. Shout ouch naman at umabot tayo sa point na ito. Yung ibang tao nga patay by now eh, aarte pa?! Ito na pala ang ika-apat na buwan ni Madma sa blogging industry! Woooh! Grabe, 4 months na pala ang blog na ito. Wala pa rin akong nakukuhang jowa rito ha! Konting Return On Investment naman! Wala ba talagang na-in love sa akin sa 4 months?! Sure ba ‘to?!  TAAS N’YO RIN HA! Chura n’yo! Char. 🙂

Ano ang e-expect ng mga fans sa Season 2 ng YTM? E ‘di syempre MORE PASABOG! Ngeee. 😉 Kilala n’yo ako! Huwag n’yo akong simulan re: PASABOG! Abangan n’yo ang mas pinalakas, mas pinatapang, mas pinabangis at mas pinabonggang Madma sa Season 2! Welcome pala sa new look ng YTM. Likey n’yo ba?! Ang tamis tamis ng bagong look natin! Huwag kayong malito ha. Nasa YTM talaga kayo! Nagbagong-bihis talaga tayo to mark our 2nd Season!  BONDING NA ULIT TAYO! THIS IS IT! Simula na ulit ng mga chikahan, payuhan at mga pakulong tiyak na inyo na namang kaka-ululan!

Since bukas na ang Season 2 ng YTM, bukas na rin si Madma sa pagtanggap ng mga nguyngoy at ngasngas n’yo sa buhay! Parang opisina lang din ha. Ipadala lamang sa yourstrulymadma@gmail.com ang inyong mga pasabog na kwento at pag-usapan natin ‘yan! Yes, lumipat na ako sa gmail kasi sobrang chararat ng yahoomail! Daming spam! Diyos ko! Nahiya ang Maling! SULAT NA kayo para ma-feature na kayo rito. It’s your time to shine!  Maiksi pa ang pila kaya go na! 😉

Maraming salamat sa lahat ng mga patuloy na naghihintay sa pagbabalik ni Madma. Salamat sa mga positive feedback n’yo! Salamat sa patuloy na suporta! Ratchada na naman tayo simula sa araw na ito. Patikim lang ito. Samahan n’yo muli ako sa bagong kabanata ng ating show.

Handa na ako! Sana handa na rin kayo!

GAME!!!

Yours truly,

Madma

P.S. Andami kong baong mga pasabog! Can’t wait to share them with all of you! Na-miss ko talaga kayo! 🙂 Galaw galaw na mga fans! 2nd Season na tayo oh! Paramdam na!!! I’m expecting more from all of you. 🙂

P.P.S.Gusto pala kayo invite ng ating kasamahan na si Ms. Sonia Pascual sa kanyang bagong endeavor! Ang bongga nito! Grabe!

For the past several days they have been working to help the inventors of the Solar Pocket Factory get stretch funding on Kickstarter. With a few days left they would like to reach their dream goal of $150k. Solar panels are expensive to produce and require big investments and factories. That’s why solar-powered anything is usually expensive. With the Solar Pocket Factory, people can make solar panels anywhere, in a small factory that can fit on top of a table,  for cheap. This is a giant step forward to help us and our kids live in a better world with safer, cheaper solar energy.

Spread the word using this link: http://youtu.be/jil95obudb8

When you share that on Facebook, the link to the Kickstarter project automatically appears. Maraming salamat! 🙂

-Ang pasabog talaga! Go, Ms. Ona! Suportado ka ni Madma! We love you!!! 😉