Bumigay sa Kakabayo

Hello Madma,

Gusto ko lang marinig ang payo mo sa situation ko. Currently may ka-fubu ako. About 5 months na rin kaming ganito. Pero nitong mga nakaraang araw eh parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pakshet talaga. Ang sweet kasi eh. Ang galeng pa sa kama. I think I’m beginning to like him. Paano kaya ito? Sana matulungan mo ako.

Congrats pala sa success ng blog mo. Ganda basahin. May aral talaga at sense.

More power.

-Asshole

P.S. Pareho po kameng lalaki. 🙂

__________________________________

Dear Asshole,

OMG! Ang dudumi n’yo! Mag-banlaw nga kayo ng tubig na may Holy Water. Char. 😉 Ako na talaga yung malinis at sugo ni Mama Mary. Ang hot naman ng story mo. Kakaloka ka. At ang fierce ng name mo ha. Asshole talaga?! Ok, sige. Bigay ko ‘yan sa’yo. Deadma na sa MTRCB. 😉 Avail mo naman yung napili kong title para sa entry mo! Bagay na bagay sa palaban mong kwento: “Bumigay sa Kakabayo.” O, ‘di ba?! Titillating. Tabloid level. Very pang-masa. Hiyang-hiya ang Remate at Tiktik. Ka-level ‘to ng mga storya na “3 Babae, Inundayan ng Saksak ng Isang Kelot.” O kaya “Salisi Gang, Niratrat ang Isang bahay sa QC.” Or pwede ring “Lolo, Inutas ang Apo.” Pak na pak! 🙂

Ang hot talagang may ka-fubu ka. Ikaw na ang panay panay! Ikaw na ang “nadidiligan” lagi. Talo mo pa ang mga lupain sa Isabela na balita ko ay tuyo’t na tuyot na. Shout ouch naman sa mga Kababayan nating taga-Isabela! Naimbag nga bigat kadakayo amin. WOW.  Showcase naman ng mga dialects! 😉 Ang hilig mo siguro sa sex, Asshole. Try naman natin together. ‘Di mo na rin naitatanong, medyo “bihasa” rin ako sa mga ganitong labanan. CHAROTH!

Anyway, naku, ang hirap naman ng kalagayan mo. Medyo delikado. Personally, I don’t advise na ma-fall ka sa ka-fubu mo. Nakaka-turn off kasi yun, ‘di ba? Yung biglang aarte bigla kahit na malinaw naman yung usapan? Feeling ko, talo ka kapag tinuloy mo ‘yang ma-inlove ka! Paano kung naglalaro lang talaga siya? Patay na! Dapat sabay ka lang sa laro. Kung ang laro ay patintero, huwag kang maglaro ng sungka. Ganun lang yan. 🙂 Hindi ko bet na ma-fall ka sa ka-fubu mo kasi maraming nega consequences na most likely mangyari. Pwedeng ma-turn off siya sa’yo at iwan ka na kasi ang arte-arte mo. Alam mo naman ang malalandi, ayaw ng artihan! Sayang naman ang “masasayang” sandali n’yo together. Or pwedeng maging kayo nga pero may iba pa siyang ka-fubu on the side kasi malandi siya kagaya mo. Char. 🙂 Gusto mo ba ‘yun? May ibang tumitikim sa paborito mong putahe?! Or pwede rin namang maging kayo for real tapos magiging kayo na forever. Aaay. ‘Yan ang gusto mong marinig. Umamin ka! Che.

Sorry naman kung medyo nega ang take ko rito. Concerned lang ako sa’yo. Naks! Ang chaka kasi nung sa fubu nagsimula ang relationship ‘eh. Hindi ko talaga ito aprubado. Mataas ang chance ng hiwalayan sa mga ganitong klase ng relasyon. Though again, may mga nagtatagumpay naman. 🙂 Tandaan mo, nawawala ang gana sa sex eventually at naiiwan ang companionship at friendship sa huli. Ultimately, mas importante ang ito kaysa sa sex. Grabe, para na akong si Dra. Margie Holmes! Kakaloka. 😉 Basta ang akin, kung ang hanap mo ay lasting relationship, I don’t go for this one. Baka masaktan ka lang. Baka ma-spoil ang magandang sexual experience n’yo.

On the other hand, kung hand ka namang masaktan at handa kang sumugal, go na! Ano lang ba naman ang umiyak after. 🙂 Sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo at pag-usapan n’yo ito. Kung bet n’ya ituloy, congrats! Kung hindi naman, so be it and move on. Wow. Ang dali lang pala! 🙂 Pwede n’yo rin namang i-angat sa next level ang relationship n’yo at magkakilala pa kayo sa iba pang aspeto ng pagkatao n’yo. Pwede rin naman ang option na ito. Ayaw ko namang i-judge ang pagkatao ng ka-fubu mo. Bibigay ko pa rin ang benefit of the “daw” sa kanya. Kung pumayag siya na i-next level, pwede naman kayong bumuo ng isang totoong relationship at mag-build ng totoong friendship and companionship para mas strong ang foundation n’yo. Ang daming possibilities! Nakakaloka! 🙂

Take it from Madma, bahala ka na. WOW. Give up?!  🙂 Susuportahan ka na lang namin sa gusto mo. Kung sakaling magtapat ka at mabigo, sulatan mo ulit ako para ma-update naman kame. Mahirap kasi talaga ang dynamics ng homosexual relationship ‘eh. Kakabaliw. Daming twist. Hindi ko kabisado. Siguro, pinaka-maipapayo ko lang is maging aware ka lang sa magiging consequences. Just be ready and be open sa mga magaganap na pagbabago once na magtapat ka sa kanya. Mahalaga kasi yung nae-entertain natin ang lahat ng possibilities kasi somehow, nagiging handa tayo sa kung anuman ang magaganap. Grabe yung na-inlove ka talaga ha. Siguro naabot na n’ya ang pinaka-rurok ng pagkatao mo. WOW. Ano baaaa! 🙂

So, yun naman. Sana may napulot ka sa mga sinabi ko. Medyo nasa-Holiday mode na kasi ang utak ko ‘eh. Baka factor ‘yun kaya parang ang ligalig ko. 🙂

Galingan mo! We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://hardtimes.ca/liferuiner)

P.S. Malapit na ang Halloween Special ng Yours Truly, Madma! Kung mayroon kang nakakatakot na karanasan, sumulat na para ma-feature natin stories n’yo. Takutan naman tayo sa YTM! Send your horror stories sa yourstrulymadma@gmail.com. GAME NA! Horror na! Gustong-gusto ko pa naman ang takutan.

Long weekend na mamaya! POTA! Best! Gimik naaaaaaaaaaaa! ❤

P.P.S. Gusto ko pala i-share ‘tong NAKAKALOKANG performance ni idol Regine Velasquez last Sunday. Tang inaaaa. Sooobrang galing! Ito ang version n’ya ng song na “Blue Suede Shoes.” Kingina. Nahiya si Elvis Presley! Sooobrang payat na ni Regine. Ano na Sharon Cuneta? Wala ng plano pumayat? Letchon level na lang?!

Ang ganda ng boses ni Ate Reg sa video na ito.  Her voice is soooo back! Take note ha, nakaupo lang siya! Pota. Kaya naman excited na ako sa concert n’ya sa November 16! WOOOOH!

Regine is love. ❤

Watch n’yo ‘to! DALI!!!

Madma meets Derek Ramsey

Dear fans and followers,

O, ayan ha. Nakahanap na ako ng pictures para legit na legit ang claim to fame ko with Mr. Derek Ramsey.  Ayan oh!!! Sobrang pogi n’ya. Grabe! Parang siya na talaga yung ginawang hulmahan ni Lord noong ginagawa n’ya ang mga tao sa mundo. LAKAS! At kita n’yo naman yung pagsigurado ko na katabi ako ni Derek ha. I think malinaw naman!

Kasama ko pala sa photo (from left to right) Edsel Roy ng www.starmometer.com,  Richard Paglicawan ng www.adventuresofalionheart.blogspot.com and http://lionheartv.net/, Yours Truly, Madma, Mr. Derek Ramsey, Manny Bauto ng www.showbiznest.com and Mark Joseph de Leon ng http://www.lifestylehub.net.

Malakasang mga bloggers ‘yan! Aarte pa?! Special thanks to Manny Bauto para sa pagpapahiram ng mga photos. Thank you very much. 😉

At gaya nga ng sinabi ko, nagkaroon din kame ng chance for an exclusive interview with Derek Ramsey sa Preview Party ng The Amazing Race Philippines last October 25. Gosh! Ito pala ang transcription ng aming interview.

Derek Ramsey Interview: Preview Party of The Amazing Race Philippines last October 25, 2012 at Dragon Bistro, Tomas Morato

Any pressure with hosting one of the biggest shows in the world?

No. They made me feel that I shouldn’t be pressured.  Even though the show is a successful one, with 9 Emmys so far, I don’t feel pressured because this is not my show. I know if it doesn’t rate or if it doesn’t do well, it will all fall on me. But that’ fine. The show is all about the contestants. That’s what it is all about. Those guys are a bunch of characters that they gave their 100% to win the race that’s why it’s gonna be a success.

What do you think is the edge of this show among other reality shows?

First is everybody loves competition and everyone likes drama. And usually when you have competition there’s a lot of drama involved especially with Filipinos. They are very competitive and they love drama and you will see a lot of that during the race. At the same time, we have a very beautiful country and that the contestants will get to go to the most beautiful parts of the country. Also, maipapakita natin ‘yan sa lahat ng viewers and makikita rin ‘yan ng buong mundo when they review the Amazing Race Philippines. I think that’s our edge. You have the competition, you have the drama and you get to go to the most spectacular places our country has to offer.

Any preparations for being the host of the Amazing Race Philippines?

It’s not my first time to host but it’s my first time to be the main host of a reality show. I was part of the Biggest Loser. I didn’t do any preparations because that’s me. Ako ‘yan ‘eh. What you will see there, that would be me. I love the show, I love to travel. Biggest Loser, I love health. I love seeing people get into shape. I work with being myself.

Have you watched the other versions of the Amazing Race produced by other countries?

I watched a lot of different Amazing Race versions like the Amazing Race Israel, Australia, Asia etc. I didn’t wanna be the same host as them because each host from each of the races is different. Once I see them, I thought that they are also just being themselves too.  So as I’ve said, I will just be myself.

Are you ready to be compared with the other hosts of the Amazing Race?

I think we’re gonna be up there. Kasi sabi nga ng isang foreigner that worked on the Amazing Race Asia, Australia, we have the best material that he has ever seen from all the races he has worked with. With that kind of comment from a guy, who has been a part of the success of the show, I think it will do well.

Aside from the challenges, ano pang e-expect ng fans sa show?

Most definitely they will be seeing the most beautiful places in the Philippines. Each place that we go, we show the beauty and the culture. Most definitely, the viewers will see the beauty of our country at the same time, we have the Amazing Race. The whole race.

Was the finale shocking?

Shocking. Luck is a big factor in the show and I think it played a big factor in the competition.

Any possibility of the Amazing Race Philippines 2?

Most definitely. We are praying that this will do well. And after, we hope to do the Amazing Race Philippines 2. We probably have 2 or 3 legs na we have to be in the country. We have so many places that our country has offer given our 7, 101 islands. We are hoping and definitely praying to shoot the Amazing Race Philippines 2.

How ‘s Kidlat? Do you already have a date?

Yes. January 6. We just did our pictorial yesterday. I put on the suit for the first time and it feels great. It feels really great. Sa January 6, ilalabas na.

Kamusta ang costume? Sexy?

Let’s just say binody cast ako para sa role.

How’s your schedule so far?

I think Amazing Race will end before Christmas. Puyatan ako ngayon. One minute I’m a host, next minute a super hero fighting crimes, the next minute I’m on the big screen crying and doing bed scenes.

How do you feel na ang katapat n’yo na shows ay mga teleserye? Ready na ba ang Pinoy sa ganitong format?

Ang katapat yata nito is yung A Beautiful Affair ng ABS-CBN. And then on the weekend, magkakaroon din yata sila ng Extra Challenge sa GMA 7. I think the viewers are ready. It’s something new.  I know they have seen the Amazing Race Asia but this is our very own. This gives the viewers a choice. There are always teleseryes being shown. This is really something new for the audience to see. We need change and we need competition, any industry needs competition, in order to continue to grow and to continue to better ourselves. That’s what TV5 is offering. They are offering a new show. They are offering big risk. Sometimes it pays off, sometimes it doesn’t but I think it is a good risk that they are making.

At this point in your career, what is it that you want to do that you haven’t done before?

I don’t know. Will I go behind the camera to direct and produce? No. I will tell you that now. I think that it is something that you are born with. That talent has to be born. I don’t have the eye for that. Right now, I’m just enjoying my career. There are other things that I’d like to do. I’d like to do a little bit more comedy. I enjoyed doing Praybeyt Benajamin. May be show the lighter side of Derek again because the movies that I have been doing are serious. I wanna try comedy. Maybe comedy. Hindi ko kayang magdala ng pelikula na comedy. Comedy is all about timing. I’d like to work with our great comedians.

Anong masasabi mo na hindi naman ikaw talaga ang nagdadala ng success ng mga hit movies mo kundi yung mga co-stars mo like Anne Curtis, Vice Ganda etc.?

I’m a team player. You cannot make a good film kung ikaw lang at sarili mo lang ang iniisip mo. Kahit ano at kahit gaano kaganda ang eksena at ang performance mo, kung sarili mo lang ang iniisip mo, hindi magiging maganda yung kakalabasan ng eksena. When you do a scene, dapat may chemistry. And I have been lucky to be paired with the top leading ladies in the country. Kailangan mong makisama and give your 100% but at the same time, give your share,  huwag mong sapawan yung katrabaho mo. Yeah. I get tweets na hindi naman naging successful ang film dahil sa akin. Most definitely, hindi ako makakagawa ng pelikula kung wala sila. For instance Anne is very influential, very talented and she is the number one leading lady out there today. And I’m lucky enough to be paired with her. Yes. A major success of the movie comes from her but I think naman I gave my share in the success of the movie. Yung mga negative na binabato sa akin doesn’t really affect me. Like I’ve said, I’m a team player. Whether it’s in my craft of acting or in my sports, I always give my best.

_____________________

Ayan! You heard it from Mr. Derek Ramsey himself. Grabe! Super crush ko kasi si Derek lalo na sa teleseryeng “Magkaribal.” Kakaloka. Sana si idol Regine Velasquez naman ang ma-interview ko soon! Super mauulol ako kapag nagkataon. 🙂 Lord, konting galaw naman para magkausap kame ni Ate Regine. #parinig

That’s it, mga fans! Lakas ni Madma. 😉

Special thanks again to Mr. Luigene Yanoria ng TV5.  Alam mo na ‘to.  😉 Congrats sa successful pilot episode ng The Amazing Race Philippines kagabi. Sana nag-rate! Ang lakas di ng kalaban n’yo sa ABS-CBN and GMA 7. Laban lang!

(From left to right:  Alabang Housewives Pam and Vanessa, Ms. Peachy Guioguio, head  of the PR and Publicity Department ng TV5, Manny Bauto, Madma, Richard Paglicawan, Edsel Roy and Michael Joseph de Leon.

Salamat ulit, Manny. 🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Tinawagan ko ang mga fans ng YTM na magpadala ng best horror stories! Halloween Special ang peg natin this week. Send your horror stories now at magtakutan naman tayo! GAME! 😉

Padala n’yo na sa yourstrulymadma@gamil.com. I-feature natin ‘yan dito!

Sobrang sakit…ang sakit-sakit…

 

Hi, Madma!

I’m so happy na talagang walang kagatol-gatol sa pagtaas ang ratings ng kinababaliwan ng lahat na YTM! Kabog lahat ng blogs ‘teh! Ikaw na.. No, Tito boy. Ikaw na! Hahaha

Anyway, sana matulungan mo ako Madma sa aking nguynguy for today.. Mejo masakit kasi talaga ang kinahinatnan ng aking love story at fresh na fresh pa ang lahat ng pangyayari. Actually Madma, meron akong recently failed relationship with my jowa. Here’s the story.

Almost 7 years na kami ng jowa ko na itago na lang natin sa pangalan na Marvin (oha! ipinangalan ko talaga sayo. choz!). Just last week, nakipag-break sya sakin. 😦 Marami kaming petty fights at may times na nagb-break na rin kami pero ilang minutes lang, nagiging okay na lahat. Just last week, parang nagbago ikot ng mundo at sya mismo ang nagsabing “ayoko na…”. Nasasaktan ako Madma kasi hindi ko naman akalain na aabot kami sa puntong ito.

Actually, may times na iniisip na rin namin ang wedding kasi 30y/o na rin naman ako at sya naman e 27 y/o. Alam mo ‘yun? Nangangarap kami na in the future ‘eh magpapakasal din kami. Okay kami sa family ng bawat isa. As in family ang turingan, both sides ganun. Expected na nga ng lahat na ikakasal kami in the years to come ‘eh.. Tapos biglang last week, parang bigla na lang s’yang bumigay nang hindi ko alam! Hindi na daw s’ya masaya samin.. Ang pinakanasaktan ako na part ‘eh nung sinabi n’yang wala na pala s’yang plano sa akin/sa amin after all! Na hindi daw n’ya nakikita na kami ang magkakatuluyan in the future. Pucha! Sobrang nasaktan ako Madma kasi parang all this time, parang naglolokohan lang pala kami! Na parang ako lang pala yung nangangarap para sa aming dalawa.. As in! Perfect nga sakin ung kantang Pusong Bato ngayon ‘eh.. Bigla kasi s’yang nagpusong bato! Di ko alam saan n’ya kinukuha yung pagiging matigas n’ya ngayon sa pagtrato sa akin. Halos ipagtabuyan ako ‘eh! 😦 Isa sa mga naiisip kong dahilan is baka napupuno na s’ya sa akin kasi naman ‘eh may katarayan din akong taglay at ako ung mas dominante sa relationship pero wino-work out naman namin ‘yun. Just this time, sinabi n’ya na he wants to decide on his own (read: na wala ako..) kasi malaki daw impact ko sa pagdedesisyon n’ya sa buhay. Ang akin naman ‘eh para din sa ikakabuti n’ya ung mga iniisip kong reasons kaya tinutulungan ko s’ya mag-decide.

Ayun, malungkot ako at nasasaktan sa mga pangyayari kasi never ko naisip na aabot kami sa ganito. Na parang nabalewala na lahat nang isang iglap lang. Kasi nung sinabi n’yang wala s’yang plano sa akin (na pakasalan, etc.), parang lumubog talaga ko sa lupa na balewala lang ung buong 7 years namin together kasi WALA PALA SYANG PLANO! Sana man lang pinapaghanda n’ya ko sa pangyayaring ito kasi masyadong masakit. Iniisip ko nga ‘eh baka may babae s’ya para maging ganon s’ya ngayon, na kayang kaya n’ya akong tiisin kahit na alam n’ya sobra akong nasasaktan. Alam ko may mali rin ako sa mga pangyayaring ito pero hindi ko alam ang gagawin ko talaga. Parang antanda ko na para ma-inlove ulit sa iba. Literal na di ako makakain at makatulog (wow! pusong bato talaga ang peg!) sa mga pangyayaring ito..

Sana matulungan mo ako, Madma. Mahal ka namin.

PS. First bf/gf namin ang isa’t isa. Oo, 24 na ako nung unang nagka-boypren. hehe.

Nagmamahal,

Pusang Bato

____________________________________

Dear Pusang Bato,

Sniff. Sniff. Tissue please. 😦

OMG! Ang dramaaaaa! Ramdam ko yung bigat na dala mo sa puso mo. Haaay. I feel for you, girl. Hug naman natin si Pusang Bato, guys! 😦 Grabe, ang bigat nito for you. Pota. Nakakaloka. Uy, huwag ka namang mag-suicide ha! Kalma lang. Nasa-sad ako na marinig ang story mo at I’m sure malulungkot din ang mga fans ng YTM. Seven years din ang relationship n’yo ha. Medyo matagal rin talaga kayo ni Marvin so hindi kita masisisi kung maloka ka like that. 😦 By the way, ang pasabog nung pinangalan mo talaga sa akin yung ex mo ha. Sa totoo lang hindi na ako sanay na naririnig yung tunay kong pangalan. Wala na yatang tumatawag sa akin using my real name. Parang ibang tao na si “Marvin” kapag naririnig ko. Char. 😉 Ano ba ‘yan sa akin na naman napunta ang usapan. Focus nga!

First of all, nakakatuwang nare-recognize mo yung mga fault mo sa relationship n’yo. This goes to show na mature ka ring tao. 🙂 Sa lahat naman ng failed relationship, lagi’t lagi namang kasalanan ito ng both parties. Nakakahiya naman kung KAME yung may kasalanan kung bakit kayo nag-break, ‘di ba?! Sabi nga nila, it takes two to tango and it takes 3 to Tinikling. But it only takes one to interpretative dance. Ano ba! 🙂 Gusto ko yung may ownership ka rin sa mga mali mo. Good job ka sa part na ito!

Alam kong double whammy ang sakit na nararamdaman mo. Una, yung fact na break na kayo at wala na si Marvin sa buhay mo and second, yung part na wala pala siyang plan na pakasalan ka after all. SAKIT NAMAN! Ouch talaga. 😦 Mapapa-mura ka talaga sa sakit! Lagyan mo na lang muna ng asin at kalamansi ang puso mo para di kumirot. Charoth. 🙂 Well, hindi ko naman alam kung ano ba ang naging dynamics ng relationship n’yo noong kayo pa. Hindi ko ma-gauge kung bakit sumuko si Marvin sa’yo all of a sudden after almost 7 years. Baka naman kasi sobrang bitch mo ha. Na tipong pati pagkamot sa likuran mo ay papagawa mo pa sa kanya. Wow. Ang reyna di ng asta ha. 😉 Hindi ko naman magawang magalit kay Marvin kasi hindi ko alam ang side n’ya. I’m sure may mabigat din siyang reason kaya iniwan ka n’ya. Hindi kaya bading na siya?! Char. 😉 Generally, mababait naman ang mga Marvin tsaka talented tsaka loving. Tingnan mo ako.  WOW. Ang perfect! 🙂 Grabe yung parang kampi ako sa kanya ha. Hindi kase.

Well, since break na kayo, wala na akong ibang sasabihin kundi ang mag-move on ka na. Pota. Ito yung hardest part kaya kumapit ka talaga nang todo! Mahirap ito. Hindi ito madali. Maloloka ka along the way. Mauulol. Pero just go with the flow. 🙂 Itodo mo lang hanggang mawala ang sakit. Sa maniwala ka at sa hindi, makaka-move ka. Matatapos din ang sakit. O sige, what if ligawan ka ni Derek Ramsey bukas, hindi ka ba makaka-move on agad?! Tang ina, kung ako ‘yan super saya ko na agad! Lampake kay ex. Si Derek ‘yun. Diyos ‘yun. Pota. 🙂 Mag-go through ka lang sa process of moving on. Iyak lang kung bet mo, kumain ka kung gusto mo. Magkulong ka sa kwarto if you want, maglasing, mag-shower tapos iyak sabay dialogue na “ang dumi-dumi ko,” makinig ka sa love songs, tingnan mo yung pictures n’yo together, lahat! Basta huwag ka lang magpapakamatay ha. Kasi tapos na talaga ‘yun. Wala na talagang kasunod.  Ine-enjoy din ang pain gaya ng pag-enjoy sa love. After all, pain is also an emotion. Ultimately, matatapos din ‘yan. Gaya ng kwento sa isang pelikula, matatapos din ang lahat. 😉

Hindi ka pa matanda para ma-inlove ulit. Huwag mong sabihin ‘yan. Hello, Madam Auring, Mahal and Dr. Vicky Belo. Walang bata or matanda sa love so huwag mong isipin ang part na ito. Hindi pa matanda ang 30 years old ha! Malakas pa ‘yan bumayo! Kung matanda ang 30 years old, anong tawag sa mga 60 years old? Aswang? Ngeee. Char. 🙂 Si idol Regine Velasquez nga, ‘di ba? 41 years old na noong kinasal at nagka-anak. In short, may love na darating para sa iyo. Ok na rin na naghiwalay kayo ngayon kasi after all pala is walang balak si Marvin na pakasalan ka. At least, mayroon ka pang 20-30 years na natitira para mahanap ang lalaking papakasalan ka at ibabahay ka! I think sapat na pahanon pa ‘yan. Sa tingin ko naman, naisip din ni Marvin na pakasalan ka at some point. Naniniwala ako d’yan. ‘Yun nga lang, mas nananig ang pagka-bitch mo. Char. 🙂

Huwag mong hayaang tumigas na parang bato ang puso mo. Maging maingat ka. Tamang nurture lang sa pain. Alam naming walang ibang makakapagpaliwanag ng sakit na ‘yan kundi ikaw. Ikaw yung bida ‘eh. 🙂 Kaya mo ‘yan. Makakalimutan mo rin si Marvin.

Take it from Madma, tama na ang sisihan at nguynguyan.Tama na ang self-pitty and all. Iniwan ka na ni Marvin and harapin mo ‘yan. Grabe nira-rub in pa ‘eh ‘no. 😉 Lumapit ka sa mga kaibigan, family mo at lahat ng love ones mo para samahan ka habang nagpapagaling ng sugat sa iyong puso. ‘Yang ang purpose nila. Gamitin mo sila. 🙂 Lahat ng bagay ay nangyayari for a reason. Hindi man ako religious na tao, naniniwala ako d’yan. As to anong reason, hindi ko alam. Basta! Wow. Give-up si Madma. 🙂 May magandang bagay na nakalaan para sa’yo. Lahat ng bagyo at unos sa buhay ay natatapos. Lagit’ lagi, sisikat ang liwanag pagkatapos ng kadiliman. Alam na alam ito ng mga super heroes. Ito ang training sa kanila ‘eh.

Kaya mo ‘yan, Pusang Bato! Ako, sampu ng mga kabigan mo, ay nakasuporta sa pagmo-move on mo. Mahal ka namin. Hangad ko ang iyong kaligayahan sa mga susunod na araw.

Yours truly,

Madma

(The photo above is lifted from this site: http://www.christart.com/clipart/image/stone-heart)

P.S. OMG! Malapit na ang Halloween!!! Kaya naman, may Halloween Special din si Madma sa YTM! Padala naman kayo ng horror stories. Magtakutan tayo sa buong linggong ito. Dali!!! Mahilig ako sa horror, alam n’yo ‘yan. GAME. Send your best and scariest horror story at ife-feature ko ‘yan sa YTM! Padala na kayo ha. Takutin n’yo kame. Let’s go!

(The photo is from: http://www.internetmonk.com/archive/the-internet-monk-annual-halloween-rant-2)

Send your horror story sa yourstrulymadma@gmail.com. Excited na ako! Padala na kayo! Labanan natin ang Halloween Special ng MGB. 🙂

The Amazing Race Philippines at si Madma

Dear fans and followers,

Sharing naman ulit! Ganado ako ‘eh. 😉

Mamaya na pala ang pilot episode ng inaabangang The Amazing Race Philippines sa TV5! Mamayang gabi ay makikita na ng buong Pilipinas ang Pinoy version ng nakakalokang show na ito! Excited na ba kayo?!

By the way ha, na-invite si Madma last Thursday (October 25) sa Preview Party ng The Amazing Race Philippines sa Dragon Bistro sa Timog para manood ng pilot episode ng show. Ang taas nung nai-invite na si Madma sa mga showbiz events. ANG LAKAS NG YTM! 🙂  Aminin n’yo! Kinikilala at nilalapitan na rin tayo! 🙂 Nakita ko tuloy ang ilan sa malalakas na bloggers sa bansa sa unang pagkakataon. GRABE! Hardcore bloggers talaga sila. At malalakas ha! Kakaloka. Shout ouch naman sa mga bago kong blogger friends na sina Edcel, Richard, Manny and MJ! Salamat talaga sa pagkalinga sa akin during the event. Ang saya n’yo rin talaga kasama.  Thanks for the company. 🙂

Sobrang pogi ni Derek Ramsey! TANGINA! Presence pa lang n’ya, climax na! Ang best nung may exclusive interview kame with Derek Ramsey! NAKAKALOKA! Ultimate crush ko kasi si Derek. Excuse me. Kaya naman, sinigurado ko talagang nasa tabi ni Derek during our interview. Sobrang bango n’ya. Nahiya yung pabango kong Versace. Parang naging Baby Cologne bigla! My god. Sobrang perfect ng mukha n’ya. Parang nakita mo na rin si Lord kapag nakita mo si Derek. Level ‘eh! Eeeeh. 🙂

Na-meet ko rin ang lahat ng mga contestants sa The Amazing Race Philippines. Halu-halo talaga ang mga personalities so exciting. Ang standout for me ay si Jervi na taga-UP rin! Woooh. Panalo ang mga banat ni Ma’am. Magaling, witty at matalino. Ikaw ba naman ang Magna Cum Laude ng UP ‘eh. Shout ouch naman sa’yo, girl! Mabuhay ang mga taga-UP CMC! Ikaw na ang ang artista. Galingan n’yo ni Saida ha. Please! Ang light lang nung chikahan natin last time. Sana magka-chika pa tayo soon. 😉

Standout din ang Alabang Housewives! SOBRA! Punung-puno ng character at personality. Abangan n’yo sila. Tawa ako nang tawa as a person sa mga kilos nila. Waging-wagi ka Mommy Pam and Vanessa. 🙂 Lakas n’yo rin pumarty ha. Natalo n’yo pa ako. Bagets na bagets. 😉

Yung ibang  naman tama lang. Tamang pogi, tamang sexy. Ayy, wait. Sorry. Hindi pala tamang pogi ang Football Borthers na sina Anton at Armand. SOBRANG POGI PALA NILA! Kakaloka. 🙂 Panalo rin sa itsura ang member ng Magbayaw team na si Dayal. Lakas ng dating. Pota. O, check n’yo ‘tong link na ito para makita aty makilala ang 11 pairs ng The Amazing Race Philippines: http://www.theamazingrace.ph/

Overall, exciting ang show! Masasabi! Lakas maka-drama nung may ulan habang nagre-race. Ramdam mo talagang ginastusan ang show at pinaghirapan. Mataas ang excitement. Mabilis ang pacing. Nakakaaliw ang mga contestants. Panalo rin ang hosting ni Derek Ramsey. Hindi irritating tulad nila Cesar Montano at Xian Lim. Wow. Nag-namedrop talaga?! Kaya naman, ang pilot episode ay 3.5/5 on my Divanometer. Alam kong marami pang pasabog ang show sa mga susunod na araw. Aabangan namin ‘yan!

Congrats sa bumubuo ng The Amazing Race Philippines. Good luck sa ratings n’yo. Sana pumalo. 🙂 Salamat sa PR Team ng TV5 lalo na kay Mr. Luigene Yanoria. Alam mong ikaw ang dahilan ng lahat ng ito. Salamat nang bongga, Lui. 🙂 Sa uulitin. Bonding tayo soon! 🙂

Panoorin mamaya ang pilot ng The Amazing Race Philippines sa TV5 pagkatapos ng Wil Time Bigtime. See it for yourselves, bitches. Share your thoughts after!  GAME! 😉

Yours truly,

Madma

P.S. Wala akong camera during the event kaya wala akong pictures. Mahirap! Kukunin ko sa mga blogger friends ang photos para post ko rin dito!

Panoorin ang teaser ng The Amazing Race Philippines! Ito oh!

Usap Muna Bago Bukaka

Dear Madma,

Avid reader n’yo kame ng mga friends ko ng YTM. Kaka-adik magbasa eh. Tawa kame lage nang tawa! Sobrang laugh trip.

Gusto ko lang itanong, ok lang ba mag-sex agad sa first date pa lang? Meron kasi akong ka-chat tapos magme-meet na kame sa weekend. He seems malibog kasi. Baka bumigay agad ako. Ok lang ba kung patulan ko agad? HELP! Gusto ko na magka-totoong jowa.

More power po. Sana po mag-post pa kayo ng maraming maraming entries!

Sincerely,

CD Rom

____________________________

Dear CD Rom,

Ikaw na ang may-date at may prospect for sex! Nakakaloka ka. Habang kame ay naghahanda para sa palapit na Undas, ikaw ay abala sa pakikipaglandian! Hello naman sa’yo at sa mga friends mo! 😉 Super thanks sa pagbabasa ng YTM ha. Grabe di ako nakaka-post lately kasi ang daming nagaganap sa mundo. Parang mage-end of the world na talaga sa December. Charoth. Ang saya ng issue mo. Pang-malandi talaga! Best! Hiyang-hiya yung mga issues ng mga kababayan nating mahihirap na usually ay about pagkain, tubig, kuryente at pera. Ikaw na talaga, CD Rom! Ikaw na yung malandi at mayaman! 😉

For me, parang hindi bet ang sex agad sa first date. Parang ang bastos. WOW. Ang linis linis ko talaga. Ako na ang dalisay at puro. 🙂 Pwede bang sa 2nd or 3rd date na lang yung sex? Magpa-init naman muna kayo sa 1st date! GRABE! Ayaw n’yo bang mag-usap muna? Masyado bang boring yung usap lang?! Gusto ‘pag kakita, buka agad?! Not likey!

Generally, naka-depende talaga yan sa hanap mo or sa goal mo. Kung naghahanap ka ng “totoo at seryosong” relationship gaya ng sabi mo, I don’t think na dapat mag-sex agad sa unang kita pa lang. Hindi ito masyadong magandang foundation. Parang aso kasi yung ganun ‘eh. Aso ba kayo? Tahol naman d’yan! Arf, arf. OMG aso nga! Char. 😉 While it’s true na kailangang sexually compatible kayo ng ka-relasyon mo, importanteng ma-check mo muna ang intelligence at personality and OTHER important qualities ng ka-date mo. Tamang prioritization lang ‘yan parang pagluluto ng isang masarap na adobo. Gisa muna sa bawang, sibuyas at mantika bago ihalo yung “laman.” Ay, ang taray! 🙂 Or gusto mo laman muna tapos ihalo yung bawang bukas then next week na lang ilagay ang mantika? Pwede rin. Landi mo ‘eh. Mai-push lang talaga yung laman sa unahan! Kaya nga binabadbad muna sa suka at toyo ang “laman” para mas masarap, ‘ di ba?! Ganun din dapat sa relationship! Tamang build-up din! 🙂

Kung ako talaga ang tatanungin, mas better na gamitin ang first date sa getting to know each other shit regardless kung homosexual or heterosexual relationship ito. Usap muna bago bukaka. Ay, nasabi na rin ang title! 🙂 Mag-build muna kayo ng good foundation para mas meaningful ang sex. Otherwise kasi, para ka lang nakipag-sex sa isang callboy. Paraos lang ang peg. Gusto mo ba ‘yun? Sayang naman ang chance for a true relationship kung papairalin agad ang libog sa simula. Baka mapaso lang kayo. Tandaan mo, ang kaning bagong saing, kapag sinubo nakakapaso. At ang kanin, kapag naging biko, may nagluto. Ano raw?!

On the other hand, kung landian lang talaga ang goal mo sa ka-date mo, sex na agad. Aarte pa?! Ang daming “tigang” sa mundo ha. Well, hindi ako kasama doon. WOW!!!:)  Super blessed ka na. Basta safe sex lang ha. Alam mong dapat ma-ingat tayo sa mga “sinusubo” at “pinapasok” sa ating katawan. 😉 Hindi ko naman dini-discount yung fact na may mga successful relationships na nag-simula sa sex. May mga ganung couples naman talaga. Pero konti lang sila. At mga pinagpala. So, I suggest na doon ka lang sa sigurado at subok na strategies.

Take it from Madma, mag-usap muna kayo sa first date n’yo. Huwag kayong magmadali. Manood kayo ng sine, kumain, at tumawa. Or pwede ring kumain, tumawa at mag-sine. Bahala na kayo sa order. Ako pa ba ang magsasabi?! Char. 🙂 Hindi naman kailangang sa kama agad ang punta! Don’t spoil this chance. Sayang. Kung malibog ang ka-date mo, doblehin mo ang self-control mo. Kung sa una pa lang hindi na ma-set ng tama ang mga bagay-bagay, wala na. Baka mag-end up na lang kayong fubu! Sayang ang true love! 🙂

Yun lang naman. Na-miss ko ang payuhang ganito. AS IN!

We wish you all the best, CD Rom. Balitaan mo kame ha. Kaya mo ‘yan!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://lifeand100books.com/tag/running-with-scissors/)

P.S. Wala nang makakapigil sa pagbabalik ng mga payo ni Madma! Kaya kung may nguyngoy kayo, isulat n’yo na at pag-usapan natin ‘yan! Email n’yo lang ang ngasngas n’yo sa yourstrulymadma@gmail.com. Promise, sasagot ako!

I love you all!

Ang any-any post ni Madma bilang nagbabalik na Diva!

Dear fans and followers,

O.M.G!!!

Anyare na sa atin?! Magkakakilala pa ba tayo?! Sorry naman at super tagal kong nawala sa blogging industry. Balita ko marami raw na-depress nung nawala si Madma? GRABE NAMAN! Ang ki-clingy n’yo. Sorry na. Nagka-jowa na kasi ako kaya medyo focus muna kay Honey. WOW. 😉 Uy, charoth lang yung jowa part ha. Baka panghinaan naman yung mga nagbabalak pumorma kay Madma. Go lang, porma lang kayo. Single pa rin naman ako, ‘eh. Promise di na ako masyadong papalag kasi malapit na rin akong mag-expire. Aarte pa ba?! 🙂

NA-MISS ko naman kayo! Tangina n’yo! Ang daming naganap nitong mga nakaraang araw.  Kaliwa’t kanan! Papa-raffle ko na nga yung mga events sa dami eh. Kaloka. Kaya naman hayaan n’yong pasalubungan ko kayo ng mga chika at pasabog! SHET! Na-miss ko mag-blog! Pota. Mag-chikahan naman tayo!

Since matagal akong nawala, I think it’s just proper to start with one hello. HELLO naman sa inyo! 🙂 Kamusta na kayo?!  Grabe yung biglang may bagyo ha. Wala man lang grace period! Tang ina. Buhos agad yung ulan! Hindi ba pwedeng ambon muna?!  Lakas din maka-gago ng ulan ha. Nagka-sipon tuloy ako at sore throat. Ang hirap tuloy kumanta. Leche. On the other hand, ang sarap din kapag umuulan. WOW. Bi-polar ang peg. 🙂 Ang sarap din kasi nung malamig ang kapaligiran. Sarap tumutok sa electric fan habang nakakumot. BEST! Sarap din makipag-sex kapag ganitong panahon. Ay, alam na alam ito ng mga malilibog. Sa case ko naman, nood-nood lang ng porn. CHAR! Ano ba. Ang dudumi n’yo. Magmumog nga kayo ng Holy water.  😉

Malapit na mag-Halloween! SHET! Matutuwa na naman ang mga kababayan nating chaka slash chararat bumba.  Favorite holiday nila ito eh. Bidang-bida sila. At least ‘di na nila kailangang bumili ng costume para sa Halloween. Konting pulbos lang at lipstick na lampas-lampas, keri na. Grabe parang nakaka-relate kayo. Sabagay ang chachaka n’yo. WOW. Parang nagka-ere na si Madma?! What do you think?! 🙂

Long weekend today! WOOOH! Pero alam naman natin na ang lahat ng long weekend ay natatapos din. NEGA! Sa mga ‘di nakakaalam kung bakit holiday today, and believe me marami sila, ipinagdidiriwang ngayon ng mga kababayan nating Muslim ang “Eidul Adha” or the Feast of Sacrifice. Shout ouch naman sa mga friends nating Muslim lalo na kay Mr. Zabra Yu Siwa! Alam n’yong mahal kayo ni Madma. 🙂 Since araw ng sacrifice today, hayaan n’yong mag-take part si Madma. Hindi muna ako bibirit today bilang pakiiisa. Ang laking sakripisyo na ito sa part ko ha bikang isang legit na Diva. Grabe! 🙂 Or pwede ring isakripisyo natin ang buhay ng mga chaka. CHAR. Ano ba ‘to ang init na naman ng ulo ko sa mga panget. GV! GV!

So much for intro. Ang daldal ko. Pota. Mahihiya ang kanal sa lakas ng bulwak ng mga ideas sa utak ko. By the way, ang pasabog pala nung word na “bulwak.”  Lakas maka-regla.  Gamitin naman natin ang word na ito nang mas madalas. Sayang naman yung word. Bihira na nga lang magamit tapos sa regla pa na-associate. Poor word. 😦

Gusto ko pala i-share sa inyo ang isang major change sa apartment namin. As you all know, nakatira ako sa isang pang-mayaman at exclusive apartment sa Mandaluyong area kasama ang aking mga minamahal na kaibigan. Yes, kailangan talagang isama ang  adjective na “pang-mayaman” kasi ito talaga yung best description na makaka-picture sa lugar namin. Wala na akong maisip na ibang description. Hello, may microwave kaya kame, leather sala set at tsaka washing machine. Kayo ba?! OMG wala?! Grabe ang basic ng mga appliances na ito! Paano kayo mag-iinit ng food na galing sa ref? Don’t tell me kukunin n’yo lang yung food sa freezer tapos ipapatong lang sa ulo n’yo kasi mainit ang ulo n’yo? Grabe. Paano naman kapag galing kayo sa work tapos gusto n’yo magpahinga and wala kayong leather sala set? Saan kayo sasandal? Sa pader kasi malamig? Ano ba ‘yan. CHAROTH. Ang sarap pala magyabang minsan. 🙂

Grabe di ko na-share yung major change sa apartment namin, Ito kasi yung topic. Anyway, after almost 5 years namin na magkaka-housemate, we decided na bumili ng aso! And take note again ha, pang-mayamang aso! Gusto ko pala ipakilala ang cute na cute and very pasabog aso namin na si Mr. Roger. Tingnan n’yo siya oh!

O, ‘di ba?! Ang cute ni pota!!! Grabe. Ang breed n’ya pala is mix ng Maltese and Yorkie. Pwede ring Praying Maltese para more witty! Ang pinaka-owner pala ng dog namin ay si Mr. Reginald Uy. Shout ouch naman, Ermie! 🙂 Siya talaga ang pinaka-master ni Roger. Ako naman, parang Tita lang ang peg. And mataray na Tita for that matter. Yung mina-maltrato yung aso kapag wala ang amo level. Charoth:)

Matagal bago kame nag-decide na magka-aso kasi majority sa amin ay ayaw talaga ng aso including myself. Ang chaka kasi nung may mga tae at ihi kung saan-saang part ng bahay, ‘di ba?! TAE yun! Madumi ang tae! Plus the rabies. OMG! The rabies. Alam n’yong nakakaulol ang rabies. Nakagat nga yung isang housemate namin recently, ‘eh. Pero ok naman, so far buhay pa siya. Hindi naman siya takot sa tubig at hindi pa naman bumubula ang bibig n’ya. SO FAR ha. Ewan natin next week. 🙂

Pero noong dumating na si Mr. Roger nagbago na ang buhay namin. Naging mas best! Iba pala kapag nand’yan na ang aso. Nakakatuwa! Almost 2 months na sa amin si Mr. Roger at masasabing masaya! Sa sobrang saya nga, bumili pa kame ng isa pang aso. O, ha. Ang breed naman nung second dog namin ay mix na Shitzu and Lhasa Apso. Or pwede ring Lasang Aso. Siya naman ay si Ms. Maria. Super cute n’ya rin talaga! Lalo na yung mata! Grabe. Pang-mayaman yung mata. Ito siya oh!

Pero may twist. Medyo na-evict sa apartment si Ms. Maria last week kasi biglang nagtatampo si Mr. Roger. Nag-iba ang kilos ni Mr. Roger! Parang bigla siyang naging balisa, nagsusuka and all. In short, umaarte! Grabe yung mga aso ha, may artihan din or so-called asohan! Kakahiya naman sa kanila. Tumamlay si Mr. Roger buhat noong dumating si Ms. Maria sa apartment. Ang aarte talaga. So, na-evict na si Ms. Maria for now. Sad talaga. Ang saya pa naman sana nung may 2 dogs sa bahay. Ang hilig talaga mag-eviction sa apartment namin. Hindi n’yo na rin naitatanong, medyo marami na ring napalayas sa apartment namin. Bwahahaha. 🙂 Kilala n’yo kung sino kayo. Mention ko pa ba? Char.  Shout ouch naman sa mga napalayas.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagbabalik sa dating sigla si Mr. Roger. Ewan ko ba. Ang mysterious ng mga kilos n’ya. Mahihiya yung rosary. Pero sana gumaling na si Mr. Roger at maging bibo na siya ulit. Ang cute pa naman n’ya. Ang dami na n’yang alam na mga tricks. Alam na n’ya ang sit, fetch and up! O, ha. Malapit na n’ya matutunan ang pag-operate ng washing machine, microwave oven at paghuhugas ng plato. WOW. Katulong pala ang peg. 🙂 By the way pala, and pangalan ni Mr. Roger at Ms. Maria ay galing sa pangalan ni Roger Federer and Maria Sharapova. Favorite players ni Red ang dalawang ‘yan  kaya ginawa n’yang aso para mapa-sakanya. 🙂

Iyon na muna ang chika ko. Ang haba rin ha. Sobrang dami ko pang chika!!! Mamaya may post ulit ako! Ganado, ‘eh! Abangan n’yo mamaya ang pasabog meet up ni Madma kay Mr. Derek Ramsey! OMG! Ichi-chika ko rin ang nakakalokang  meet-up ko sa mga malalakas na bloggers sa bansa! POTA! Mamaya na ‘yan. Shet. Plus, babalik na tayo sa mga payuhan! Promise!!! Dami ko ng pending na stories. Iisa-isahin natin ‘yan!!!

Salamat sa suporta kay Madma! Mahal ko kayo. Kapit lang sa mga pasabog!

Yours truly,

Madma

P.S. Shout ouch naman kay Ms. Christina Aguilera para sa napaka-bonggang music video na “Your Body!” Tang ina ang lakas ni Ma’am!!! Deadma na lang sa taba ng braso at hita. Lakas maka-Nanay, ‘eh. Pero ang boses, OMG! Napaka-pasabog pa rin. Grabe. Growl kung growl! Andoon pa rin yung “kapal” ng boses at birit ala Christina! ‘Di naapektuhan ng katabaan. Very Christina pa rin! LOVE IT! Ito naman ang kaibahan ni Christina kay Britney Spears. Si Ma’am Britney kasi wala na ngang kalatuy-latoy kumanta, nawala pa ang galing sa pag-sayaw! Diyos ko! So ano na lang babayaran kay Britney?! Kaloka. Pero I still love Britney. Pero nakukulangan na ako sa kanya. Konti na lang makakalimutan ko na siya.

Maganda ang bagong music video ni Christina. Masasabi. Ang daming naganap! At makulay. Though maraming cliche na part, overall is mahusay at talagang ramdam na may-effort. Yung song itself naman is maganda rin. Radio friendly at mataas ang recall. Kaya naman 3.5/5 siya on my Divanometer. WOW. My rating talaga?! 🙂

Go, Christina! You are so back, bitch! You are a true artist. Hindi natatakot mag-reinvent! Parang si ultimate idol Ms. Regine Velasquez lang. Go lang nang go, XTina!!! PAK! ❤

Sinister: Super Scary! NAKAKALOKAAA!!!

Dear fans and followers,

Alam n’yo yung feeling ng nakasakay sa roller-coaster?  Yung tipong sa umpisa ‘eh very banayad at swabe ang byahe tapos unti-unti kang iaakyat then biglang kang ido-drop nang bonggang-bongga? Shet! Ganito ang naramdaman ko habang pinapanood ang pasabog horror film na “Sinister” na pinagbibidahan ni Ethan Hawke. Potang ina soooobrang ganda ng pelikula!!! Horror at its finest! Hindi pa man natatapos ang taong 2012, ide-declare ko na ito ang Best Horror Film of the Year! Kingina! Ibang level ‘to mga Ma’am! Ulol level. AS IN! 🙂

Bilang isang Horror Diva, super satisfied ako sa film. Feeling ko nga, kulang pa yung binayad ko na P180 sa binigay na takot sa akin ng Sinister! Parang gusto ko pang pumunta sa counter para dagdagan yung bayad after watching it kasi ang todo!!! Yaman! 🙂 Kung yung iba ‘eh iniiwasan ang takot, ako nagbabayad para matakot. LAKAS! Ang confident ko kasi sa buhay ‘eh. Hindi ako nakakaramdam ng takot on a daily basis kaya nagbabayad pa ako para madama ito. Parang sex lang ‘yan sa iba. 🙂

Kakaiba ang storya ng Sinister. Bago, maayos, buo at believable. Kung akala n’yo ‘eh wala ng bagong magagawa sa horror, MALI KAYO! Maling-mali for that matter. Hindi na ako magbibigay ng details about the story para naman ‘di kayo ma-spoil. Swabe yung story. Ang ganda ng pacing. Tamang chika lang yung mga characters at hindi ka mabo-bore. Ang best din ng actingan! Tamang tirada talaga at hindi OA. Hindi pwedeng i-cast dito si Ms. Kris Aquino kasi masisira n’ya yung film sa pareho-parehong expressions ng mukha n’ya kapag umaarte. Alam n’yo ‘yan! 🙂 At naku, yung build-up ng mga horror scenes, masasabing mahusay kaya talagang mapapatili ka! Shet lang!  Sa horror kasi, very important yung tamang build-up para kapag tinakot ka, kuhang-kuha ka. Tangina nitong Sinister, hindi lang ako nakuha, binaliw n’ya pa ako! Kung lalaki nga  lang ‘to, kame na siguro by now. Kuhang-kuha eh. Char! 🙂

Isa pa sa nagustuhan ko is yung mga anggulo ng camera na mostly ay very tight shots na tipong kitang-kita mo na yung skin pores ng mga actors. Tutok na tutok! Kaya naman mapapasigaw ka talaga kapag nanakot na yung film! Ang best rin pala ng musical scoring! Nakakaulol! My god! In fact, until now eh nagpe-play pa rin siya sa mind ko! Ang creepy ‘no?! Shet.

Do yourself a favor. Panoorin n’yo ang Sinister! This is a must lalo na sa mga horror adik na kagaya ko. SWEAR! Lahat ng horror films na mapapanood n’yo  magiging comedy film na lang after watching this movie! Ganun ka-todo ang takot na ibibigay ng Sinister. Manunuot talaga sa mga ugat at utak n’yo yung pagka-creepy n’ya. Ka-level ng putok at baktol na nanunuot sa ilong ang amoy! Ganun! 🙂

Maghanda na kayong palitan ang favorite horror films n’yo. For sure, lalampasan ng Sinister ang lahat ng ‘yan.Parang ito na nga ata ang favorite horror film ko ‘eh! Ansabe?!

By the way, Sinister is produced by the same producer of the Paranormal Activity films and Insidious. ALAM NA! 🙂 Ang writer-director  nito is the same ng sa The Exorcism of Emily Rose. AARTE PA?! Alam n’yong best ang mga horror films na ‘yan! Huwag kayong umarte!

At naku, 72% siya sa rottentomatoes.com. SHET! Fresh na fresh! Check n’yo ang iba pang nakakalokang review sa Sinister: www.rottentomatoes.com

PLEASE! Panoorin n’yo ‘to ha! Kilala n’yo naman ako, hindi ko hobby magsinungaling! Kung hindi man kayo sigurado sa kinabukasan n’yo, sa film na ito, sigurado ang takot n’yo! 🙂 Bitbitin n’yo ang buong barkada n’yo at gawin n’yo itong major event! WORTH IT TALAGA! Titigil ako sa pagbo-blog kapag hindi kayo nagandahan! O, HA! 😉 Sumabog nga ang Divanometer ko ‘eh! Hindi kinaya. Ang rating ko pala sa Sinister is 5/5! No, masyadong mababa. 6/5 pala! LAKASSSS! 🙂

Go na sa mga sinehan! Manood na kayo. Unahin n’yo na ‘to! Huwag na maarte. Huwag n’yo pala panoorin yung trailer nor basahin ang synopsis para wala kayong alam sa film. Hayaan n’yong surpresahin kayo ng Sinister! 🙂 GO NA!!! Nood na! Kita n’yo naman, may isang bonggang posting pa talaga ako about it. Gumising pa ako nang maaga para rito ha! Ayokong ma-miss n’yo ‘to. I-miss n’yo na ang payment n’yo sa Meralco pero be sure na hindi n’yo ‘to papalampasin.

Humanda na kayong matakot. Nood na! 🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credits: http://modernborefare.com/2012/10/08/sinister/)

P.S. Shout ouch naman sa mga kasama kong sumigaw kagabi sa sinehan: Mr. Rustan Paolo Baltazar, Ms. Hazel Jayag, Mr. Karl Saringan and kay Ms. Kaye Giron na most of the time ‘eh nakapikit lang naman! 🙂 I love you all! Until our next horror bonding! 🙂

Manonood ulit ako sa weekend! Ang saya eh! GRABE!

YTM Idol: Malapit Na!!!

Dear fans and followers,

HANDA NA BA KAYO SA NEXT PASABOG NI MADMA?!

Aaay… grabe! Ikakaloka n’yo ‘to! Talagang malapit na ang pagsisimula ng Yours Truly, Madma Idol!!!

Tinatawagan ko ang lahat ng mga magagaling na singers ng bansa! HINAHAMAON KO KAYO! Ito na ang chance n’yong maging kauna-unahang singing sensation sa blogging world! First in the history. Pota!

Malapit na ang biritan natin sa YTM Idol! Kumapit kayo!!!

Very soon na ito. Kingina…

Babaguhin na naman natin ang blogging world!!!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.dankanesingers.org/event/west-side-singing-idol-4/)

P.S. Abangan ang full mechanics ng YTM Idol next week! Naku, mauulol na naman kayo sa show na ito. EXCITED NA AKO! Yung mga singers d’yan, simulan n’yo ng mag-vocalize. Maghanda na para sa isang matinding singing contest ng taon!

O, eto. Hayaan n’yong sampolan kayo ni idol Regine Veleasquez-Alcasid! Ganito ang labanan sa YTM Idol ha! Medyo sine-set ko na ang expectations n’yo! PAK! Shet, excited na ako sa YTM IDOL!!!

P.P.S. Happy Birthday naman sa’yo, Mr. Jonell Banta! Bonding sa Sunday ha. Grabe, pag-usapan naman natin ang mga kotse, girls and basketball. Promise, magre-research na ako about them para naman pasok din ako sa chikahan. 🙂

Si Madma sa Gitna ng mga Issues ng Bansa

Dear fans and followers,

OMG! Grabe yung ngayon lang ako nakapag-post sa linggong ito. Sorry naman! Medyo na-busy si Madma sa mga kaganapan. Na-miss ko kayo, kingina n’yo! Anyare na sa inyo?! Ang daming naganap nitong mga nakaraang araw ha. Hitik na naman sa mga pasabog! Ang saya talaga rito sa Pilipinas. Hindi ka mabo-bore. Pasabog after pasabog ang peg dito. Likey! 🙂 Kayan naman, hayaan n’yo muna akong humabol sa mga ganap. I’m sure hinihintay n’yo ang nakakalokang boses ni Madma hinggil sa mga  mahahalagang issues na bumida sa atin nitong mga nakaraang araw. Aminin n’yo, ang lakas ng boses ni Madma re: Cybercrime Law last week ha. Talagang hataw sa ratings! Tunay namang pinakinggan, ikinaloka, at naging maingay ang mga matatapang na pahayag ni Madma re: Cybercrime Law. BONGGA! 😉

O, tama na ang intro. Chika na!

_______________________________

Temporary Restraining Order (TRO) para sa Cybercrime Law

The Supreme Court finally issued a TRO that stopped for 120 days the implementation of Republic Act  No. 10175 or the Cybercrime Protection Act of 2012 after receiving 15 petitions questioning the constitutionality of portions of the law. MABUHAY!!! Ang best nito. Nagbunga rin ang pangangalampag natin sa  gobyerno! Kingina. Masasabing isa itong tagumpay para sa ating lahat na matapang na lumaban laban sa Cybercrime Law! Woooh! Group hug naman! 🙂

Kinabahan rin talaga ang mga Senators at ang buong Aquino Administration ha. Eh sa lakas ba naman ng campaign against Cybercrime, ewan ko na lang! Buti naman at pumanig ang Supreme Court sa atin. Ang saya lang na nakuha natin ito! Good job everyone. 🙂 Tayo pa rin talaga ang makapangyarihan. Excuse me! Tayo ang Boss kaya tayo ang dapat masunod. Tax natin ang pinambabayad sa lahat ng government officials kaya umayos sila. Pota.

Pero hindi pa rito nagtatapos ang lahat ha. Patuloy pa rin tayong maging vigilant sa mga kaganapan. Mahirap na, baka maisahan!!!

Isang pagbati sa ating lahat! Cheers. Bwahahaha 🙂

_______________________________

The Varsitarian Controversial Editorial Article

Ito ang isa pang pasabog! Ang fierce nung Anti-RH Bill editorial article ng The Varsitarian ha. NAKAKALOKA! Nabasa n’yo ba?! Buwis-buhay din yung writer/writers! PALABAN! 🙂 Well, commendable yung tapang and conviction n’yo, mga Ma’am! Ibibigay ko ‘yan sa inyo. Ang taray ng mga wordings na ginamit n’yo ha! Lemons, cowards, dishonest, intellectual pretenders and interlopers etc. BONGGA!  Away kung away. Walang pakundangan! No holds barred!

Gets ko naman ang point n’yo, The Varsitarian. Ayaw n’yo sa RH Bill. Period. Malinawag. Klaro. Pero ang hindi ko ma-gets ay ang pancha-chaka n’yo sa mga taong pabor sa bill na nito particularly sa mga kasamahan natin sa Ateneo De Manila University and De La Salle University. Ekis ‘yan mga Ma’am! Hindi kailangang dautin ang opposing views para i-angat ang opinion n’yo. This is soooo nega. Purely wrong. 😦

Ito example ha. Ako, super favorite singer ko si Regine Velasquez. Para sa akin, siya ang pinakamagaling na singer sa bansang ito. Mataba siya, yes. Pero Diva pa rin. Lampake. Kahit ikamatay ko, ito ang paniniwalaan ko! Pero at the end of day,  alam kong hindi lahat ng Pinoy ay agree sa akin. And I respect them. Hindi ko sinusubo sa mukha ng iba ang paniniwala kong ito. Or sinusubo rin pala. Char! 🙂 Nirerespeto ko ang mga fans ni Pops Fernandez kahit  maliwanag pa sa araw na chaka ang idol nila. Nirerespeto ko rin ang mga fans ni Jaya kahit sing-kalat ng basura ang boses ng idol nila. Nirerespeto ko rin ang mga followers ni Jovit Baldivino kahit na singgaspang ng hollow blocks ang skin ng idol nila. WOW. Ang perfect ko rin ha. 🙂 The bottom line is RESPECT. Yun lang! Respect, respect lang!

Medyo below the belt din talaga yung article ng The Varsitarian. Masyadong righteous bordering to nakakairita! O, ‘di kayo na?! Kayo na ang may hawak ng “katotohanan.” Nasa school n’yo na ang “truth.” Lahat kame masusunog sa impyerno. Okay na ba?! Kakainit din talaga ng ulo. Kaya hindi ko rin masisisi ang mga Atenista at mga La Sallians sa pag-react nila. Buti hindi n’yo tinira ang UP. Kasi medyo gyera na talaga ‘to! Char. 🙂

Hindi ko kinaya ‘tong line na ‘to sa article: “If faculty members of UST and other Catholic schools feel they need to invoke their academic freedom to make known their stand in conflict with the bishops regarding the RH bill, then they’re free to do so. But they must resign from UST. They must give up their Catholic academic affiliation.” WOW! LAKAS! Parang humina bigla yung hangin sa industrial fan ko. Nakakaloka!!!

Ito pa ang best: “But alas, it seems intellectual honesty and moral convictions are in such short supply in Katipunan, Quezon City and Taft Avenue, Manila.” ANSABE?! ‘E, ‘di kayo na ang nakakaalam kung saan may maraming supply ng moral conviction! Buti na lang sa Mandaluyong ako nakatira. May ample moral conviction dito. KAKALOKA kayo!

Ayun naman. Bilang pangwakas, magme-message na lang ako sa writers ng The Varsitarian. Wow. Lakas maka-birthday! 🙂

Take it from Madma, reviewhin n’yo ang basics ng editorial writing. Medyo “sumablay” kayo eh. While it’s true na kailangang maging matapang at palaban sa pagsusulat ng editorial article, hindi pa rin dapat nawawala ang mga basics ng journalism such as RESPECT, FAIRNESS and BALANCED reporting. Otherwise, mag-blog na lang kayo. Wala masyadong rule sa blogging. Pasok kayo rito. Na-appreciate ko tuloy ulit ang UP College of Mass Communication! Salamat sa “tamang” pagpapalaki n’yo sa akin. 🙂

Sa mga hindi pa nababasa ang controversial na article ng The Varsitarian, click this link: “RH Bill, Ateneo and La Salle: Of Lemons and Cowards”

_____________________________________

Political Dynasties to Dominate the 2013 Elections

KINGINA! Ito ang nakakaloka! Hindi ko kinakaya yung puro political dynasty ang tatakbo sa elections next year! DIYOS KO! AYOKO NA!!! Ano ba ‘to, bastusan na?! Family business na ba ang government?! Very sari-sari store na ang peg! Sobrang nakakasuka ‘tong eksenang ito. I just can’t take it.

Ibang level na rin talaga ang pagka-garapal ng mga tao sa ‘Pinas pagdating sa kapangyarihan. SUKDULAN! Lahat gagawin para masigurong makaka-upo sa pwesto. Lahat papatakbuhin para sure ang panalo. Same faces. Walang bago! Grabe yung pinapatakbo na ngayon ang bunsong anak, hipag, asawa, bayaw, katulong etc. Family outing sa Tagaytay?! MY GOD! Pati siguro aso, kung pwede, ‘eh papatakbuhin din. Tang ina. Mapapamura ka talaga.

Kaya naman mga fans, PLEASE! Maging matalino tayo sa darating na halalan ha! PARANG-AWA n’yo na! Hindi pa ako nagkaka-jowa kaya huwag n’yong pag-initin lalo ang ul0 ko! Suriing mabuti ang mga tumatakbo sa lugar ninyo. Huwag magpasilaw sa kasikatan. Sa itsura! Ayoko na mag-name drop. Kilala n’yo na sila.

PLEASE! Huwag nating ilubog pa lalo ang bansang ito sa mas malalim na kahihiyan. Pumili tayo ng mga karapat-dapat! Malapit na naman ang eleksyon. Amoy na amoy ko na. Hindi ko na nga maamoy ang simoy ng Pasko sa lakas ng politika ngayon. GRABE! Eeeeh umiinit na naman ang ulo ko! Makapag-bibingka nga muna sa labas!

___________________________________

So, ito na lang muna sa ngayon. Grabe ang political na ni Madma lately ha. Sorry, hindi ko talagang mapigilan ang mga nguynguy ko sa mga kaganapan sa paligid nowadays. Huwag kayong mag-alala, tuloy pa rin ang mga payuhan natin. In fact, may pasabog letter na tayo for this week! O, ha! KAPIT KAYO! Nakakaloka ang nguynguyera natin para sa linggong ito! Stay tuned!

SALAMAT sa mainit na pagtanggap n’yo sa Yours Truly, Madma! SALAMAT sa suporta! SALAMAT sa paniniwala! 🙂

I love you all!

Yours truly,

Madma

(Photo credits: http://www.facebook.com/AdLSUhttp://www.newsflash.org/2004/02/hl/hl112153.htm and http://www.scmp.com/news/asia/article/1057020/philippines-suspends-controversial-anti-cybercrime-law)

P.S. O, since puro pasabog tayo sa araw na ito, allow me to share this PASABOG  song as well! Grabe, hindi ko kinaya ang kantang ito. Muntik na akong ma-ospital sa kakatawa kanina! Salamat naman sa’yo, Mr. Albert Cruz for introducing me to this song! Nabago ang buhay ko! GRABE!!!

Ang title pala ng kantang ito is “Kantutan Na.” O, di ba?! Kailangan ko pa bang magsalita?! Pakinggan n’yo ”to! DALI!

Mahal ko na ang Cue C! Fan na ako! Sana magparamdam kayo sa blog ko. Ang best n”yo eh. AS IN! More songs pa, please! Good job!

Paki-namnam yung lyrics ha! Ingat lang din kasi baka “labasan” kayo after the song! 🙂

P.P.S. Belated Happy Birthday, Joharri Marasigan! Mwah!

Belated Happy Birthday din sa pasabog photographer ng YTM na si Mr. Zabra Yu Siwa. I love you, Z! Alam mong package ako! 😉

AND, isang MALAKAS na shout ouch para kay Ms. Karen Dematera para sa pelikula n’yong “This Guy’s In Love with You Mare.” Masasabing maganda! Salamat sa premiere night tickets. Congrats sa buong cast and crew lalo na kina Vice Ganda, Toni Gonzaga and Luis Manzano! Ang saya ng film! LEGIT na comedy! NOOD NA! 😉 We love you, Karen!