The Top 17 Finalists of YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

Maraming sumubok. Maraming nangahas. Pero sila lang ang pinalad.

Malugod ko pong ipinakikilala sa inyo ang Top 17 Finalists ng Yours Truly, Madma’s Next Top Model!!! Wooooh! Talaga namang ito ang kauna-unahang modelling search sa blogging world na hatid sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos. Shout ouch naman sa ating mga pasabog sponsors. 🙂

Sila lamang ang nakapasok at nakapasa sa matinding screening process ng ating mga prestigious judges mula sa humigit 60 entries from different parts of the Philippines. Sa kanila lamang natin natagpuan ang hinahanap na kakaibang “alindog” pagdating sa modelling. Avail n’yo yung “alindog!” Lakas maka-porn star! 🙂

Inaamin ko, nahirapan talaga sa pagpili ang ating mga judges ng mga finalists kaya naman umabot sa Top 17 from the original plan na Top 10. PASABOG agad, di ba?! Best din talaga ang ibang entries pero at the end of the day, 17 lang ang kaya naming ipasok para sa YTMNTM. Sagad na talaga ‘yan. Bawal na tumawad mga suki.

Ngayon pa lang ay malugod kong binabati ang ating 17 finalists. Congratulations for making it this far! WOW. Layo na din ha. 🙂 Ang 17 finalists na ito ang maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Grand Winner ng YTMNTM na magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot siya kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos. Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya, design of his/her own.Makakatanggap din siya ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year. At syempre, ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog! Aminin n’yo, sagad-sagaran na din talaga ang mga prizes na ito. 🙂

Sa puntong ito, nais ko ding pasalamatan ang lahat ng mga hindi napili para maging finalist. Magaganda din naman ang mga photo n’yo, kaya lang medyo chaka din eh. Charoth. 😉 Sali ulit kayo next time. Malay n’yo magka-season 2 ang YTMNTM. Salamat talaga sa matapang n’yong pagtugon sa hamon ni Madma. Better luck next time. 😉

Ipinapaalamn ko din na mayroong 3 judges ang YTMNTN. Ito ay sina Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya, Ms. J.C. Cantos ng Dolled up by J.C. Cantos at ang ating celebrity judge for this week. Yes, mayroon tayong celebrity judge every week for more twist. 😉 Ang ating celebrity judge for this round ay si Mr. Albert Cruz, ang Creative Consultant ng CGETV channel ng ABS-CBN Interactive. I love CGETV! 😉 Mayroon isang “SAVE” Power ang ating mga judges na pwede nilang gamitin anytime of the competition. Ansabe ng AI?!

And of course, KASALI ang lahat ng fans and followers ni Madma sa YTMNTM dahil ang boto n’yo ang mangingibabaw! Kayo pa din ang powerful sa contest na ito. KAYO ANG BATAS! 🙂 Sa kamay n’yo pa din nakasalalay kung sino ang hihiranging Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. The ratio of judging is divided into: Panel Judges (30%) and Fan Votes (70%) O, di ba?! Ang fans pa din talaga ang bida! 🙂

Lahat ng fans ay pwedeng bumoto ISANG BESES kada araw! Gusto n’yo ba ‘yun?! So tuluy-tuloy lang ang suporta sa favorite finalist n’yo everyday. Ang cut-off ng voting for this round ay sa July 5, 2012 (Thursday). Tapos sa July 6, 2012 (Friday) ang ating unang Results Day! Kaloka! 4 agad ang matsu-tsugi from our Top 17 Finalists. Dami rin ha!!! 😉 Sa July 9, 2012 (Monday) naman ang presentation ng Top 13 Finalists. Basta every Friday ang elimination natin at every Monday naman ang presentation ng ating remaining finalists. Please be guided accordingly. 🙂

So huwag na nating patagalin! Kilalanin na natin ang Top 17 Finalists ng YTM’s Next Top Model! Wooooh 🙂

______________________

Allen, 22, Valenzuela

________________________________

Paris, 24, Quezon City

________________________________

Nessa, 24, Paranaque

_________________________________

Genesis, 21, Quezon City

_________________________________

Kti, 27, Mandaluyong

___________________________

Coco, 24, Quezon City

___________________________

Jill, 27, Pasig

_____________________________

Jeff,22, Malabon

________________________________

Angelica, 24, Laguna 

______________________________

Keempee, 20, Tarlac

________________________________

Jetti, 28, Quezon City

______________________________

Melvin,  21, Makati City

________________________

Kriss, 22, Quezon City

_____________________________

Flip, 27, Mandaluyong

___________________________

Rog, 27, Caloocan

______________________

Dax, 25, Paranaque

__________________________

Kayle, 22, Quezon City

________________________

At sila na nga ang ating Top 17 Finalists!!! Aminin n’yo ang pasabog nga mga entries nila ha! Mahihiya ang ANTM. May mga manok na ba kayo?! Grabe yung mayroon agad. Iboto na ang favorite finalists n’yo para makapasok sila sa Top 13!

Good luck to all the finalists. THIS IS IT! 🙂

Yours truly,

Madma

P.S. YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez. Maging member na din kayo ng FB Fan page nila! Dali!!!

By the way, ako pala ang 2nd Model ng Adbokasya which was featured last December 2011. Taray, di ba?! Ang photo ng ginamit ko sa taas ay isa sa mga pasabog photos ko with Adbokasya. Kaya naman I love Adbokasya! 😉 And advocacy ko pa lang gimamit ay “Active But Safe.” Hot ‘no?! So Create your own Statement now and Wear your Advocacy!

Si Ms. J.C. Cantos naman ay ang personal make-up artist ng sikat na sikat na si Mr. Richard Gutierrez. Make-up artist din siya ng iba pang celebrity sa GMA 7! Sosyal, di ba?! Minsan na din akong pinaganda ni Ms. J.C. Cantos at TALAGANG gumanda ako. Hindi ko alam na may igaganda pa pala ako. Eh ang ganda ko na kasi nito ha, partida. So kung gusto n’yo ding gumanda kasi nga medyo chaka na kayo, tawagin n’yo lang siya.

P.P.S. Gusto ko din kayong imbitahan sa pasabog concert ng The Ryan Cayabyab Singers sa Music Museum on July 7, 2012! Suportahan natin sila. And’yan ang pasabog kong friend na si Mr. Erwin Lacsa. Ang so-sosyal ng mga freinds ko! 🙂 Magagaling ang RCS, promise! Kaya naman magkikita-kita tayo sa July 7 at doon na din tayo mag-bonding at mag-kantahan. GO!!! 🙂

___________________________________

Advertisements

YTM: Top 92 Most Visited Blog in the Philippines

Dear fans and followers,

Talaga namang wala na ngang makapigil sa pag-arangkada ng Yours truly, Madma! Nakuha ng YTM ang 92nd Spot sa Most Viewed and Read Blogs in the Philippines under the Entertainment & Lifestyle category last June 26, 2012 !!! Shout out naman sa major achievement natin! Ito na ang pinakamataas na ratings na nakuha ng YTM so far. Take note, more than 1,000 blogs ang nira-rank ng topblogs.com.ph at pang 92nd ang YTM!!! Konti na lang at maabutan na natin ang mga sikat na blogs gaya ng Vice Ganda Website, TV5 Kapatid, Kapuso Central etc. Grabe. Kabahan na talaga sila at parating na si Madma!  🙂

In less than 2 months, madami na agad napataob na kalaban ang YTM. Ang bilis din talaga ng pag-angat natin sa industriya ha. At syempre, ang next goal natin ay mapunta sa Top 50 Most Read Blogs in the country! Hindi naman tayo nagmamadali. Chill lang. Kaka-start pa lang naman natin sa blogging world last month so no rush at all! 🙂

Isa pang pasabog: magbibigay sa YTM ang Freshman Masculine Wash ng gift packs para sa blog entry kong “Mabaho ang Jun-Jun ni Jowa.” GRABE!!! Salamat naman Freshman Masculine Wash for your generosity. Kaloka yung may masculine wash na pala talaga. Magamit nga pagdating nung gift packs. WOW. 😉

Kaya naman po, MARAMING SALAMAT sa lahat ng mga nagbabasa at tumatangkilik ng YTM lalo na sa mga wagas kung mag-comment a.k.a. Tribo_Tagapayo. Ang be-best din talaga ng payo n’yo. Nakaka-pressure na sa part ko. 🙂 Salamat sa inyong suporta! More than 27,000 views na tayo to date! Woooh!!! 🙂

And of course, tuluy-tuloy lang tayo sa mga pasabog. Abangan ang mga nakakalokang pakulo ni Madma sa mga susunod na araw! Malapit na kame mag-shoot para sa 2nd video blog entry ko for our 2nd monthsary sa July 16. Mayroon din kameng inihahandang isa pang pasabog na ikakaloka ng blogging world! Kumapit kayo dito!

Muli, maraming salamat! 😉

Yours truly,

Madma

(Source: topblogs.com.ph)

P.S. Inaanyayahan ko ulit ang lahat na sumali sa YTM’s Next Top Model! I-submit lang ang pasabog photo n’yo sa yourstrulymadma@yahoo.com on or before June 28. Sa Friday na ang grand launching ng YTMNTM kasama ang Top 10 finalists! Shet, exciting ‘to! Maloloka kayo sa nakahandang pasabog sa Friday.

Kaya naman sumali na kayo at maging bahagi ng kauna-unahang modelling search sa blogging world! Click this link for the complete contest mechanics of YTMNTM: “The Search is on for the FIRST YTM’s Next Top Model.”

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

Huwag Mong Kamutin ang “Kati”

Hello Madma,

Naguguluhan ako ngayon sa nararamdaman ko. May sobrang gusto ako na guy, pero ang problema, ex siya ng bestfriend ko. At mahal pa din niya yung guy. Super like ko siya at naniniwala ako na makukuha ko siya. WOW. Pero yun nga, medyo complicated yung situation. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung paano kikilos. Mahirap naman lumayo kasi officemates kaming tatlo, at lagi kaming magkakasama sa mga dinner, movie, gimik, etc. Anong maipapayo niyo?

By the way, puro lalake kaming tatlo.

Salamat much,

Deep Swallower

____________________

Dear Deep Swallower,

Ang cool naman ng name mo! Napalunok naman daw ako bigla. I think shallow swallower lang si Madma. WOW. 🙂 Lakas maka-Xerex Xaviera ng mga sinasabi ko! Ang saya nito. Baklaan na naman! Bakla, bakla hinog ka na ba? Oo, oo hinog na ako. CHAROTH! 🙂 We love baklaan stories here in YTM. Ito na kasi ang makabagong gay hub these days eh. And I think ako na ang bagong Reyna ng mga bading. LAKAS! 😉 Btw, ang hot pala nung mga guys sa picture sa taas! Likod pa lang, ulam na. Sarap. Nakakagutom. CHAR! Ano ba?! 😉

Deretsahang payo: kausapin mo si best friend re: this matter. Ipagtapat mo na sa kanya ang issue mo once and for all. Importante kasing i-consider ang feelings ni best friend sa pagkakataong ito. Friendship first before landi, Pare. 😉 Ayaw naman nating masira ang pagkakaibigan n’yo dahil sa “nangati” ka. Masarap kamutin ang “kati,” yes.  Pero pwede itong maging permanenteng “sugat” kapag kinamot nang bongga. Ikaw na ang nagsabi, mahal pa ni best friend si guy so kailangan mo talaga itong i-consider bago ka makipag-landian. And isa pa, aminado ka din na hindi ka pa sure at “naguguluhan” ka pa sa feelings mo for the guy. Huwag mo namang i-risk ang friendship for this!  Tandaan mo, maraming pwedeng maging kalandian. Pero ang best friend mahirap palitan. 😉 Let’s go for friendship! 😉

Alam mo, gets ko naman yung nararamdaman mo. Masaya kasi talaga yung mga palihim at patakas na landian. Ito kasi yung mga delikadong sitwasyon na nakakaulol!  Taas ng thrill and excitement sa mga ganitong eksena. Parang action film ‘yan! Pero kailangan mong kontrolin ang sarili mo na huwag mahulog sa bitag ng kasalanan. Look around, ang daming bading sa Pilipinas! Gay country kasi tayo! Pakupota ka din sa trio n’yo eh. Madami pang pwedeng landiin sa paligid. Ako, for one. WOW! 🙂 Pogi ka ba o chararat bumba? Kung pogi, sige bigyan natin ng chance ang love team natin. Kung chararat ka naman, busy pala ako. TAAS! 😉  Charoth lang, Beybe!

Gets ko din naman na EX-jowa na si guy ng best friend mo. Tapos na sila kumbaga at libreng libre na to mingle. Kaso may residual feelings pa si best friend eh and that makes it complicated. Though kaya mong kunin si guy kasi ang ganda ganda mo din, i-raise mo muna ito kay best friend and decide from there. 🙂

Take it from Madma, kausapin mo na si best friend about this. Mamaya ok lang pala sa kanya na landiin mo ang ex n’ya, umaarte-arte ka pa! Lumabas kayo ni best friend this weekend at mag-usap nang puso sa puso. In this way, at least hindi naman na-by pass si best friend at mafi-feel n’yang importante talaga s’ya sa iyo. Pwede din namang “threesome” na lang kayo. Alam mong option din ito. Shet. Ang hot nung “threesome.” 🙂

So there. Usap lang ‘yan! Huwag mo masyadong i-internalize. Marami pang mas malalaking isyu sa mundo kagaya ng mabahong “jun-jun” ng jowa ng friend ni Philosophical Girl! Na-mention din talaga ulit ito ha. Ang saya kasi eh. Irita. 🙂

We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.homorazzi.com/tag/monogamy/)

P.S. Bukas na bukas pa din ang YTM’s Next Top Model para sa mga entries. Tommorow na ang last day of submission!  Kaya bilisan n’yo na! At syempre, sa Friday na ang announcement ng Top 10 Finalists. Exciting ‘to, pota! Nakita ko na ang mga entries so far, PASABOG! Kaya kung may talent ka sa modelling at gusto mo sumikat sa YTM, SUMALI KA NA! Send your entry to yourstrulymadma@yahoo.com.

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

YTM’s Next Top Model, sa Friday na!

Dear fans and followers,

Padami na nang padami ang sumasali sa Yours Truly, Madma’s Next Top Model, ang kauna-unahang modelling search sa blogging world! Bongga! 🙂

Kung feeling mo ay may kakaiba kang talent sa modelling at tingin mo ay kaya mong ilampaso si Madma pagdating sa mga posing, SUMALI KA NA! Hinahamon ka ni Madma. Ito na ang pagkakataon mo para sumikat sa YTM at manalo ng mga pasabog prizes.

Kaya maghalungkat na kayo ng pasabog photo n’yo at i-send na sa yourstrulymadma@yahoo.com. Hindi naman kailangan very recent ang photo. Kahit mga taken in the last 3 years, pwede pa! Huwag lang yung baby picture n’yo ha! Grabe naman yung baby picture ang isasali n’yo sa YTMNTM! Basta siguraduhin lang na pasabog ang photo para makapasok sa Top 10.

The deadline for photo submission is until June 28, 2012 (Thursday). So bilisan n’yo na. The Top 10 will be annoucned on June 29, 2012 (Friday). Ang ating Top 10 finalists ang siyang maglalaban-laban para maging First YTMNTM Grand Winner!!! Woooh! Sa Friday na ang grand launching ng YTMNTM Top 10 Finalists so dapat n’yo itong tutukan.

Masaya ‘to, kaya sumali na at maging part ng malaking pagbabago sa blogging world! Suportahan n’yo naman si Madma. Ipadala n’yo na ang pasabog photo n’yo at SUMALI NA!!!

I-click ang link na ito para basahin ang kumpletong contest mechanics: “The Search is on for the FIRST YTM’s Next Top Model”

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

Yours truly,

Madma

P.S. Maraming maraming salamat sa inyong suporta! In less than 2 months, ang Yours truly, Madma ay ang pang-Top 92 Most Read and Visited blogs in the Philippines out of more than 1,000 blogs. GRABE!!! Nationwide na kasi ito! (Source: topblogs.com.ph Entertainment & Lifestyle Category)

Salamat talaga. NAKAKALOKA kayo! Hindi ko ito magagawa kung wala kayo. ARTE?! Napakataas pala ng ratings natin kahapon. LIKE CRAZY! 🙂 Abangan ang mga bagong pasabog ni Madma sa mga susunod na araw. Puro pasabog lang tayo sa blog na ito. Kapit lang. 🙂

Salamat Ms. Carolynn Mariano for the photo above. Congrats din sa aking Amiga na si Ms. Jorgette Ann Aguirre for passing the 2012 Environmental Planner Board Exam! Shout ouch din kina Mr. Raymond Gascon at Ms. Kriszia Lorraine Enriquez for passing the exam too! BONGGA kayo!  ❤

Mabaho ang “Jun-Jun” ni Jowa

Dear Madma,

Hi! Follower ako ng blog mo since its inception. Ang authentic n’ya kase parang leather. Hahaha! Ang witty ko din talaga parang kelangan mo ng kabahan.  Actually, na-compel na talaga akong isulat ang problema ng friend ko kasi I think you’re the best person to hear out her problem. Tamang anghang ng fun at sex kase ‘tong problema n’ya eh. Parang ikaw. YES! Lakas maka-sili! Ang hot!!

Really, medyo nakakatawa kasi yung problema n’ya eh pero mabigat din talaga. Here it is: mabaho kasi yung “jun-jun” ng boyfriend n’ya. Hindi n’ya alam kung dapat ba n’yang sabihin o hindi. Tingin mo? Problema kasi kapag sinabi n’ya ito sobrang maku-concious yung boyfriend. Baka maging unhealthy pa ang sex life nila. Siguro naman naka-experience ka na rin nito, ng “jun-jun” I mean. So baka may fresh perspective kang ma-offer.

I really wish na mapili mo ‘tong dilemma ng friend ko. Naaawa na din kame sa kanya. Trap na trap na siya.

Sincerely,

Philosophical Girl

________________________________

Dear Philosophical Girl,

PASABOG ‘tong letter mo, Philosophical Girl ha. Matapang. Deretso. Palaban. Love it!!! 🙂

Kaya naman, deretsahan din ang payo ni Madma: OF COURSE KAILANGAN N’YANG SABIHIN!!! Ano ba?! Diyos ko! Nakakaloka kamo siya. Para na din siyang kumakain ng tae! Magkalasa lang kasi ‘yun eh. Ang tigas din ng sikmura at ilong ng friend mo ha. Saan kaya gawa ‘yun? Sa bakal?! 🙂 Ang alam ko lang love is blind. Hindi ko alam na  damaging na din pala ang love sa ilong at panlasa. Sabihin mo nagmamakaawa ako na sabihin na n’ya sa jowa n’ya ang bagay na ito sa lalong madaling panahon. Kung hindi n’ya masabi, ako na lang. Just tell when and how. Kaloka naman yung mabaho ang “jun-jun”. Ano kayang sabon ang gamit n’ya? Tae din? 🙂 Ako may “jun-jun” din pero mabango. WOW. 🙂 I think sakit na ‘yan.

At grabe naman yung nalilito pa siya kung sasabihin n’ya o hindi. Kaloka. MABAHO kasi yung “jun-jun”. Ang keyword is MABAHO. Paki-ulit ulit nga yung word na MABAHO sa friend mo. Baka hindi lang nagsi-sink in masyado. Masarap ang “jun-jun,” yes. Pero kapag mabaho, EKIS! Para lang yang pansit. Masarap pero kapag amoy panis, EKIS! Na-high blood ako sa storyang ito ha. Bumabaliktad ang sikmura ko. Charoth. Arte?! 🙂

Paki-try nga ‘tong simpleng experiment sa friend mo. Invite mo siya sa bahay n’yo for a dinner. Tapos Hainan mo ng tae for the main course at tubig mula sa kanal for her drinks. Kapag nagwala at umarte, sabihin mo “WOW. WOW! Linis?! Hindi sanay?!  Masarap ang kinakain?!” Kailangan kasing makita ng friend mo sa ibang mukha or form ang ginagawa n’ya sa sarili n’ya just to see the point. Kailangan extreme situation para gets n’ya agad ang message.

Alam mo, gets ko naman yung dilemma na baka maapektuhan ang sex life nila or bumaba ang confidence ng boyfriend n’ya kapag sinabi  ito. PERO KAILANGAN KASI SABIHIN! Huwag n’ya kamo tiisin kasi baka ikamatay pa n’ya. Hindi naman babango ang “jun-Jun” ni jowa kakasubo or kakapasok sa pepe ng friend mo, di ba? Mayroon kasing issue na kailangang i-address at ito nga ay yung AMOY ng “jun-jun” ni jowa. Kailangan ng isang medical intervention for this. Kailangan ni jowa ng tamang gabay at payo mula sa mga experto. And sadly, hindi ako doktor at hindi ko alam ang mga dahilan kung bakit mabaho ang “jun-jun” at kung ano ang dapat gawin sa mga ganitong kaso. Naku-curious tuloy ako sa case na ito. Magre-research nga ako mamaya sa internet re: this one. Ang cool eh. 🙂 Ita-type ko sa Google mamaya, “Ang baho ng ‘jun-jun,” Anyare?!” Yang sentence na ‘yan mismo ang gagamitin ko. 🙂

Take it from Madma, sabihin mo sa friend mo na kausapin na ang jowa n’ya sa lalaong madaling panahon. ASAP ito ha kasi baka bukas makalawa hindi na lang MABAHO ang issue kundi may uod na din. Wow. 🙂 Kailangan nilang pag-usapan ang seryosong bagay na ito. Ang anumang uri ng kabahuan sa katawan gaya ng putok at bad breath ay dapat sinasabi sa taong involved para magawan n’ya ito ng paraan. Pwede kasing hindi nila ito alam at all or immune na sila sa amoy kaya hindi na nila pansin. Nakaaabala kasi ito sa ibang tao at nakakahiya naman para sa taong involved. Tulungan n’ya kamo ang jowa n’ya sa delubyong ito. Magkasama nila dapat harapin ang issue na ito sa isang mature na paraan. Kung umarte si jowa at magalit after, sabihin mo sa akin at bubweltahan natin ‘yan. Chura n’ya. Aaarte pa eh ang baho naman ng tite n’ya. Ibo-blog ko siya dito! Charoth. 🙂

Hangad ko na mapagusapan na ito sa lalong madaling panahon.

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.moviespad.com)

P.S. Pwedeng-pwede pang sumali sa YTM’s Next Top Model!!! I-send lang ang pinaka-pasabog photo n’yo sa yourtrulymadma@yahoo.com! Ang taray ng mga entries! Sali na!!!

Click this post for the YTM’s Next Top Model complete mechanics: “The Search is on for the FIRST YTM’s Next Top Model”

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

It’s All About Friendship

Dear fans and followers,

Kamusta na?! Bonding time naman ulit. Napakabilis talaga ng panahon. Kaka-celebrate lang natin ng monthsary special tapos ngayon malapit na tayo sa ikalawang buwan. Super bilis! Nakakaloka. Naku, abangan n’yo ang pasabog namin for our 2nd month. Kung naulol kayo sa pasabog ni Madma last June, 15, 2012, mas ikakawindang n’yo ang inihahanda naming pakulo for July. KAPIT LANG!!! 😉

Anyway, let’s talk about friendship. Aaay, ang chummy! Grabe din yung biglang-liko sa friendship. 😉 Wala lang. Ang saya kasi nung maraming kaibigan eh. Yung TOTOONG mga kaibigan ha. Iba ang feeling kapag kasama mo ang mga friends. Aminin n’yo ‘yan! Ito yung mga precious moments na walang katumbas at wagas. Ang mga simpleng bagay ay nagiging pasabog. Ang mga simpleng chikahan at nguynguyan ay nagiging controversial. Ang mga simpleng ganap ay nag-iiwan ng permanteng marka sa buhay. Heaven. 😉

Mapalad ako at marami akong mga tunay na kaibigan. Hindi man ako pasabog sa larangan ng love, ratchada naman ang ratings ko pagdating sa friendship. Ang saya kasi nung pwede mong ipakita ang tunay mong pagkatao sa harap ng mga kaibigan mo at tanggap ka nila nang buong-buo kahit ano ka pa. Ang sarap malaman na sa lahat ng laban mo ay may kasangga ka. Ang best nung hindi ka natatakot madapa at magkamali sa buhay kasi alam mong and’yan ang mga kaibigan mong pupulot sa iyo sa putikan. Ang drama nung “putikan.” 🙂 Ang sarap ding mangarap kasama ang mga kaibigan na tipong kahit hindi mo alam kung magkaka-totoo eh go lang! Masaya ako na marami akong mga kaibigan. Sila ang aking kayamanan. Ang pamilyang pinili ko para sa sarili ko. Ang pampalasa ng buhay ko. 🙂

Alam kong hindi ko sing-palad ang iba pagdating sa friendship. Alam kong may mga taong hirap na hirap pagdating sa aspetong ito. Kung parang paghinga lang sa akin ang pakikipagkaibigan, alam kong effort sa iba ang bagay na ito. Nalulungkot ako sa mga taong walang permanteng kaibigan or yung mga tinatawag na “palaboy.” Generally, sila yung mga taong pakupota noong bata pa sila at walang na-establish na solid group kaya lost ngayon. Or pwede ding sila yung mga taong nawala nang matagal na panahon sa barkadahan tapos biglang bumalik then lost na. Well, pwede din kasing choice nila ‘yun. And I think it’s a bad choice. WOW. Ako na yung may alam sa tamang choices. 🙂 Sadly, madami pa din kasi akong nae-encounter na mga ganitong tao. Yung pilit na fini-fit in ang sarili sa isang grupo kahit hindi naman swak. Yung nagpipilit na makapasok sa isang group kahit na hindi naman umuubra. Yung iniluluwa na ng grupo pero pinu-push pa din ang sarili sa barkadahan. Hindi mo tuloy alam kung manhid lang ba siya or tanga-tangahan. Nakakalungkot talaga. Kung kaya ko lang gumawa ng special friends for these special people, gagawin ko. Kaso hindi eh. I only have limited powers so I can’t help but feel sad for them. 😦

Ang friendship ay inaalagan. Para yang halaman na kailangan diligan ng pagmamahal, effort at oras. Otherwise, mamatay. Kaya ako, kahit gaano ako ka-busy, I find and make time for my friends. Hindi madaling humanap ng time lalo na sa mga working professionals like us. Kaya super naa-appreciate ko talaga yung mga friends ko na humahanap ng pahanon para makasama din ako. Hindi ko alam kung paano mabuhay ng walang friends. Hindi ko kayang mabuhay ng walang friends. Kaya nga hindi ko naiintindihan yung ibang tao na pakupota sa trabaho, sa jowa at sa sariling buhay. I just don’t get it. Hindi ko talaga ma-gets yung mga taong sooobrang busy kuno na walang time sa friends. Kingina! Kapag gusto maraming paraan! Kapag ayaw daming nguynguy! ‘Yun lang ‘yan. Sarap sapakin ng mga ganitong tao eh. Sarap dispatsya! Kala mo Presidente ng Pilipinas kung maka-busy. Hindi naman yumayaman! Che! Tapos lalapit lang at magpapa-sense kung may kailangan sa’yo at may problema sila. Otherwise, deadma. ISANG MALAKING CHE!!!

Tandaan natin na ang value ng friendship ay nade-define kung paano mo ito inalagaan bilang tao. Kung gaano kalaking oras at panahon ang inilaan mo sa mga kaibigan mo. Kung gaano kalaking part ng buhay mo ang binuksan mo para mapasok ng mga friends mo. Kaya naman, kung hindi ka nagi-invest, huwag kang manghingi!!!Hindi ka naman magwi-withdraw sa isang bangko kung wala kang namang perang ininvest, di ba?!  Huwag kang umasa at mag-expect pagdating ng panahon. You reap what you sow. If you don’t sow then you will definitely have nothing to reap. Totoo ‘yan. At kailangan mong tanggapin ang consequences ng actions mo. Hindi kasi ako naniniwala na kapag friends eh pwede mo ng deadmahin at hindi kitain kasi “friends” mo naman ‘yan. Andy’an na ‘yan kahit anong mangyari. Bullshit ‘yan! Justification lang ‘yan ng mga taong pakupota. Napakabilis ng panahon. Madaming nagyayari sa buhay ng mga tao sa isang araw pa lang. Kung hindi ka ka-catch up, maiiwan ka sa past.

Totoo din ang FO or “Friendship Over.” Like any other relationships, may mga natatapos ding friendship lalo na yung mga relasyong wala ng patutunguhan. To be honest, hobby ko din talagang makipag-FO lalo na sa mga taong wala ng mabuting dulot sa buhay ko. Fierce ‘no?! 😉 Like what I’ve said, madami akong friends kaya wala akong panahon sa mga kaibigang gago. Kung hindi na tayo nagkakaintindihan at nagkakasundo, tapusin na. Dispatsya na kasi walang point na ipilit pa. Simple lang kasi ang buhay. So much for nguynguyan. 🙂 Pero, in fairness naman to me, matagal ako mag-let go ng friend. Isasagad ko din talaga until sa kahuli-hulihang pasensya at pagmamahal na kaya kong ibigay. Aminado naman ako na hindi ako madaling maging kaibigan. Madami din kasi akong arte at twists sa buhay. Hindi ako perfect at mayroon din akong mga hindi magandang traits. Pero mas marami pa din talaga yung magagandang traits. WOW. 🙂 Kaya naman mahal na mahal ko yung mga taong nagi-stay as my friends. At marami sila ha, mind you.  Ang saya lang na sa kabila ng imperfections ko ay may mga tao pa ding pinipili akong maging kaibigan. Well, congratulations because you made a good choice. WOW, again! 😉

Malapit na ang birthday ko. 27 years old na ako by then at nasa punto na ako na nasasala ko na ang mga kaibigan ko. Nafi-filter na din at nagkakaalaman kung sino ang mga kaibigang pang habambuhay. Very crucial din talaga ang stage na ito kasi nagkakalaglagan na. Nagkaka-bunyagan na. Mas nagiging malinaw na kung sino yung kaibigang pamilya, kaibigang fans lang, kaibigang burden, kaibigang sa saya lang kasama, kaibigang magnanakaw, etc. Grabe yung magnanakaw! 😉

I’m sure naiintindihan n’yo ang mga pinagsasabi ko sa post na ito kasi may mga kaibigan din kayo at mga barkada. At one point ay hinanap n’yo din ang grupo na sasamahan n’yo. At one point eh nakipag-FO din kayo. Ang best kasi talaga ng may mga kaibigang tunay, di ba?! Life is nothing and meaningless without them. 🙂

Sa lahat ng mga kaibigan ko, gusto kong sabihing MAHAL KO KAYO! Kilala n’yo na kung sinu-sino kayo. Hindi ko man laging sinasabi ito pero sana ay nararamdaman n’yo. Tumatanda na tayo at umiiksi na ang oras natin sa mundo. Sana ay patuloy pa din nating piliin ang isa’t isa sa kabila ng mga kaganapan sa sarili nating mga buhay. Uulitin ko, kayo ang aking kayamanan. Ang pamilyang pinili ko para sa sarili ko. Ang pampalasa ng buhay ko. Maraming salamat sa regalo ng pagkakaibigan. Sniff. 🙂

Sa mga na-FO ko naman, ingat kayo. Kilala n’yo na din kung sinu-sino kayo. Nakakalungkot at umabot tayo sa puntong hiwalayan. Hangad ko pa din ang inyong kaligayahan kahit hindi na tayo magkakaibigan. Hindi man tayo naging matagumpay sa ating samahan, parati ko namang baon ang ating pinagsamahan. 🙂

Sa mga tao namang pakupota dati at lost ngayon sa paghahanap ng solid group, go lang! Hindi ‘yan madali pero go lang! Wish ko ay makita n’yo ang grupong tatanggap sa inyo at yayakap nang buong-buo. Huwag n’yo ng ipilit ang sarili n’yo sa mga grupong ayaw kayo. Kapag ayaw sa inyo, ‘wag. Maging sensitive at bigyan n’yo din ng dangal ang sarili n’yo. 🙂

Sa mga tao namang kinakain ng pagka-busy sa buhay, bullshit kayo. Alam na alam n’yo kung sinu-sino kayo, pakshet! Charoth. ;)Sige, go n’yo lang. Sana ikayaman n’yo ‘yan. At sana ay hindi mapagod ang mga kaibigan n’yo sa inyo at may balikan pa kayo sa mga oras na kailanganin n’yo sila.

Yun lang naman. Grabe ang pasabog ng post ko ngayon ‘no. Wala akong cancer ha at hindi pa ako mamamatay! Gusto ko lang talagang ibahagi ang thought ko na ito. Sayang yung moment eh. Bihira lang ako atakihin ng mga arte moment. Ang saya din kasi talagang ibahagi minsan ang deepest thought . Ang deep na nga nito eh, muntik na akong malunod! 🙂 Usually, mas prefer ko kasing live pinag-uusapan ang mga ganitong bagay kaysa sa isulat. Katamad eh. Mas mabilis kasi talagang gumalaw ang bibig ko kaysa sa mga daliri ko. 😉

Let’s celebrate friendship! I-declare na nating Friendship Day today!  Happy Friendship Day everyone! WOW. Ako na talaga ang nag-declare. Hiyang-hiya ang Malacanang sa akin. 😉

I-share n’yo din ang thoughts n’yo re: this post. GO NA! Huwag ng mahiya. Excited ako marinig ang nguynguy ng mga members ng elite group na Tribo_Tagapayo re: this one.

Bonding time! Sundin lang ang format na ito kapag magku-comment:

“Happy Friendship Day sa inyo! Alam n’yo, tama ang mga sinabi ni Madma. Ang friends/friendship kasi ay…”

O, ayan may format na ha!  GAME!!!

(Salamat Desperate Housewives sa  8 years na ating pinagsamahan. Salamat sa mga aral na itinuro n’yo sa pag-ibig, buhay at pagkakaibigan.)

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://personaleuphoria.blogspot.com/2012/02/happiness-tip-seven-friends.html)

P.S. Sali na sa YTM’s Next Top Model! Grabe yung may mga nag-submit na ng entries over the weekend. PASABOG! Ito na ang chance n’yong bumida sa YTM! Kaya huwag ng magpahuli, humanap na ng pasabog photo n’yo at sumali na. Masaya ‘to, promise! GO!!!

Submission of entries is until June 28, 2012. The Top 10 will be announced on June 29, 2012.

Click this for the YTMNTM mechanics. “The Search is on for the FIRST YTM’s Next Top Model”

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

The Search is on for the First YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

Gaya nga ng pangako ni Madma, puro pasabog lang ang magaganap sa blog na ito. Kaya naman, as we enter our second month, panibagong pakulo na naman ang handog ni Madma para inyo. 🙂

Inihahandog ng Yours truly, Madma, kasama ang Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos, ang Yours Truly, Madma’s Next Top Model (YTMNTM)! Ito ang pinaka-bongga at kauna-unahang modelling search sa blogging world. Aminin n’yo yung may sponsors na tayo. ANSABE?! 🙂

Kung feeling mo ay may kakaiba kang talent sa modelling at tingin mo ay kaya mong ilampaso si Madma pagdating sa mga posing, SUMALI KA NA! Hinahamon ka ni Madma. Ito na ang pagkakataon mo para sumikat sa YTM at manalo ng mga pasabog prizes. 🙂

Napakadali lang sumali. Huwag kayong umarte-arte d’yan! Basahin lang ang mga simpleng mechanics na ito. GAME!

  1. Ipadala ang pinakapasabog at nakakalokang picture sa yourstrulymadma@yahoo.com. Dapat pang America’s Next Top Model ang peg ha. Siguraduhing pasabog ang picture na ipapadala kasi mamimili kame ng Top 10 among all submissions. Ayaw n’yo naman sigurong ma-tsugi agad di ba?! One entry lang per person ha. Grabe naman yung photo album ang ipapadala. Pili lang kayo ng best picture n’yo bilang entry.  Pwede na kayong mag-submit ng picture starting tonight until June 28, 2012. The Top 10 will be chosen by our prestigious judges and will be announced on June 29, 2012! Next week na ‘yan, so galaw galaw na!
  2. Tuloy ang laban kung makapasok kayo sa Top 10! Magkakaroon ng theme every week at dapat patuloy pa ding mag-submit ng photo ang mga Top 10 finalists in line with the theme. So kung makapasok kayo sa Top 10, karirin n’yo na ang pictorial para tuloy-tuloy na sa finals. Kayang kaya n’yo ‘to! One photo per week lang ang kailangan kaya i-best n’yo dapat! Ang hindi makakapag-submit ng photo on the given deadline ay tatanggalin automatically.
  3. At syempre, involved ang lahat ng fans ni Madma sa YTMNTM  kasi botohan ito! 70% ay manggagaling sa votes ng fans at 30% ay manggagaling sa votes ng ating prestigious judges. Two (2) contestants ang matatanggal every week. O di ba, may elimination. Lakas maka-AI!
  4. Ang makakasama sa Top 3 ay magkakaroon ng pasabog pictorial kasama ang buong YTMNTM team with make-up artists, photographer and stylists. Pasabog ‘to kasi sama-sama tayong magpi-pictorial para sa magiging entry n’yo sa final round. Bonding ‘to nang todo! After the pictorial, tuloy-tuloy ang botohan hanggang mahirang natin ang kauna-unahang YTM’s Next Top Model Grand Winner! Pak!
  5. Ang ating mga judges ay sina: Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya. Ms. J.C. Cantos, ang personal make-up artists ni Richard Gutierrez at iba pang bonggang artist sa GMA 7. At isang surprise judge na makikilala natin next week. Mayroon silang isang “SAVE” power throughout the competition! Bongga di ba?!
  6. Ang contest na ito ay bukas para sa lahat ng mga fans ni Madma na nasa NCR at mga karatig probinsya. Hindi muna pwedeng sumali ang ating mga TFC subscribers kasi malayo. Aminin n’yo. Pero of course, pwedeng pwede silang bumoto.

Ang tatanghaling YTMNTM winner ay magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot ito kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos.

Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya. Design of his/her own.

Makakatanggap din ang winner ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year.

At syempre, ang YTMNTM winner ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog!

O, grabe ng fame ito ha. Sagad-sagaran na! Mamili na kayo na picture n’yo at i-submit na kay Madma. Grab this very rare opportunity para magpasikat! Iintayin ko ang mga entries n’yo. GAME! SALI NA!

Yours truly,

Madma

P.S. Maraming salamat sa Adbokasya at kay Ms. J.C. Cantos sa pakikipagtulungan kay Madma para sa pasabog event na ito. Salamat din kay Mr. Jayson Cruz sa paggawa ng poster! Ang bilis mo din talaga umaksyon. 🙂

And of course, ang mga members ng Tribo_Tagapayo and other fans ay welcome mag-comment sa mga mga photos. Lahat kasali sa pasabog na ito!

Click the images below para makilala ang Adbokasya at si Ms. J.C. Cantos! 🙂