Mabaho ang “Jun-Jun” ni Jowa

Dear Madma,

Hi! Follower ako ng blog mo since its inception. Ang authentic n’ya kase parang leather. Hahaha! Ang witty ko din talaga parang kelangan mo ng kabahan.  Actually, na-compel na talaga akong isulat ang problema ng friend ko kasi I think you’re the best person to hear out her problem. Tamang anghang ng fun at sex kase ‘tong problema n’ya eh. Parang ikaw. YES! Lakas maka-sili! Ang hot!!

Really, medyo nakakatawa kasi yung problema n’ya eh pero mabigat din talaga. Here it is: mabaho kasi yung “jun-jun” ng boyfriend n’ya. Hindi n’ya alam kung dapat ba n’yang sabihin o hindi. Tingin mo? Problema kasi kapag sinabi n’ya ito sobrang maku-concious yung boyfriend. Baka maging unhealthy pa ang sex life nila. Siguro naman naka-experience ka na rin nito, ng “jun-jun” I mean. So baka may fresh perspective kang ma-offer.

I really wish na mapili mo ‘tong dilemma ng friend ko. Naaawa na din kame sa kanya. Trap na trap na siya.

Sincerely,

Philosophical Girl

________________________________

Dear Philosophical Girl,

PASABOG ‘tong letter mo, Philosophical Girl ha. Matapang. Deretso. Palaban. Love it!!! 🙂

Kaya naman, deretsahan din ang payo ni Madma: OF COURSE KAILANGAN N’YANG SABIHIN!!! Ano ba?! Diyos ko! Nakakaloka kamo siya. Para na din siyang kumakain ng tae! Magkalasa lang kasi ‘yun eh. Ang tigas din ng sikmura at ilong ng friend mo ha. Saan kaya gawa ‘yun? Sa bakal?! 🙂 Ang alam ko lang love is blind. Hindi ko alam na  damaging na din pala ang love sa ilong at panlasa. Sabihin mo nagmamakaawa ako na sabihin na n’ya sa jowa n’ya ang bagay na ito sa lalong madaling panahon. Kung hindi n’ya masabi, ako na lang. Just tell when and how. Kaloka naman yung mabaho ang “jun-jun”. Ano kayang sabon ang gamit n’ya? Tae din? 🙂 Ako may “jun-jun” din pero mabango. WOW. 🙂 I think sakit na ‘yan.

At grabe naman yung nalilito pa siya kung sasabihin n’ya o hindi. Kaloka. MABAHO kasi yung “jun-jun”. Ang keyword is MABAHO. Paki-ulit ulit nga yung word na MABAHO sa friend mo. Baka hindi lang nagsi-sink in masyado. Masarap ang “jun-jun,” yes. Pero kapag mabaho, EKIS! Para lang yang pansit. Masarap pero kapag amoy panis, EKIS! Na-high blood ako sa storyang ito ha. Bumabaliktad ang sikmura ko. Charoth. Arte?! 🙂

Paki-try nga ‘tong simpleng experiment sa friend mo. Invite mo siya sa bahay n’yo for a dinner. Tapos Hainan mo ng tae for the main course at tubig mula sa kanal for her drinks. Kapag nagwala at umarte, sabihin mo “WOW. WOW! Linis?! Hindi sanay?!  Masarap ang kinakain?!” Kailangan kasing makita ng friend mo sa ibang mukha or form ang ginagawa n’ya sa sarili n’ya just to see the point. Kailangan extreme situation para gets n’ya agad ang message.

Alam mo, gets ko naman yung dilemma na baka maapektuhan ang sex life nila or bumaba ang confidence ng boyfriend n’ya kapag sinabi  ito. PERO KAILANGAN KASI SABIHIN! Huwag n’ya kamo tiisin kasi baka ikamatay pa n’ya. Hindi naman babango ang “jun-Jun” ni jowa kakasubo or kakapasok sa pepe ng friend mo, di ba? Mayroon kasing issue na kailangang i-address at ito nga ay yung AMOY ng “jun-jun” ni jowa. Kailangan ng isang medical intervention for this. Kailangan ni jowa ng tamang gabay at payo mula sa mga experto. And sadly, hindi ako doktor at hindi ko alam ang mga dahilan kung bakit mabaho ang “jun-jun” at kung ano ang dapat gawin sa mga ganitong kaso. Naku-curious tuloy ako sa case na ito. Magre-research nga ako mamaya sa internet re: this one. Ang cool eh. 🙂 Ita-type ko sa Google mamaya, “Ang baho ng ‘jun-jun,” Anyare?!” Yang sentence na ‘yan mismo ang gagamitin ko. 🙂

Take it from Madma, sabihin mo sa friend mo na kausapin na ang jowa n’ya sa lalaong madaling panahon. ASAP ito ha kasi baka bukas makalawa hindi na lang MABAHO ang issue kundi may uod na din. Wow. 🙂 Kailangan nilang pag-usapan ang seryosong bagay na ito. Ang anumang uri ng kabahuan sa katawan gaya ng putok at bad breath ay dapat sinasabi sa taong involved para magawan n’ya ito ng paraan. Pwede kasing hindi nila ito alam at all or immune na sila sa amoy kaya hindi na nila pansin. Nakaaabala kasi ito sa ibang tao at nakakahiya naman para sa taong involved. Tulungan n’ya kamo ang jowa n’ya sa delubyong ito. Magkasama nila dapat harapin ang issue na ito sa isang mature na paraan. Kung umarte si jowa at magalit after, sabihin mo sa akin at bubweltahan natin ‘yan. Chura n’ya. Aaarte pa eh ang baho naman ng tite n’ya. Ibo-blog ko siya dito! Charoth. 🙂

Hangad ko na mapagusapan na ito sa lalong madaling panahon.

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.moviespad.com)

P.S. Pwedeng-pwede pang sumali sa YTM’s Next Top Model!!! I-send lang ang pinaka-pasabog photo n’yo sa yourtrulymadma@yahoo.com! Ang taray ng mga entries! Sali na!!!

Click this post for the YTM’s Next Top Model complete mechanics: “The Search is on for the FIRST YTM’s Next Top Model”

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

It’s All About Friendship

Dear fans and followers,

Kamusta na?! Bonding time naman ulit. Napakabilis talaga ng panahon. Kaka-celebrate lang natin ng monthsary special tapos ngayon malapit na tayo sa ikalawang buwan. Super bilis! Nakakaloka. Naku, abangan n’yo ang pasabog namin for our 2nd month. Kung naulol kayo sa pasabog ni Madma last June, 15, 2012, mas ikakawindang n’yo ang inihahanda naming pakulo for July. KAPIT LANG!!! 😉

Anyway, let’s talk about friendship. Aaay, ang chummy! Grabe din yung biglang-liko sa friendship. 😉 Wala lang. Ang saya kasi nung maraming kaibigan eh. Yung TOTOONG mga kaibigan ha. Iba ang feeling kapag kasama mo ang mga friends. Aminin n’yo ‘yan! Ito yung mga precious moments na walang katumbas at wagas. Ang mga simpleng bagay ay nagiging pasabog. Ang mga simpleng chikahan at nguynguyan ay nagiging controversial. Ang mga simpleng ganap ay nag-iiwan ng permanteng marka sa buhay. Heaven. 😉

Mapalad ako at marami akong mga tunay na kaibigan. Hindi man ako pasabog sa larangan ng love, ratchada naman ang ratings ko pagdating sa friendship. Ang saya kasi nung pwede mong ipakita ang tunay mong pagkatao sa harap ng mga kaibigan mo at tanggap ka nila nang buong-buo kahit ano ka pa. Ang sarap malaman na sa lahat ng laban mo ay may kasangga ka. Ang best nung hindi ka natatakot madapa at magkamali sa buhay kasi alam mong and’yan ang mga kaibigan mong pupulot sa iyo sa putikan. Ang drama nung “putikan.” 🙂 Ang sarap ding mangarap kasama ang mga kaibigan na tipong kahit hindi mo alam kung magkaka-totoo eh go lang! Masaya ako na marami akong mga kaibigan. Sila ang aking kayamanan. Ang pamilyang pinili ko para sa sarili ko. Ang pampalasa ng buhay ko. 🙂

Alam kong hindi ko sing-palad ang iba pagdating sa friendship. Alam kong may mga taong hirap na hirap pagdating sa aspetong ito. Kung parang paghinga lang sa akin ang pakikipagkaibigan, alam kong effort sa iba ang bagay na ito. Nalulungkot ako sa mga taong walang permanteng kaibigan or yung mga tinatawag na “palaboy.” Generally, sila yung mga taong pakupota noong bata pa sila at walang na-establish na solid group kaya lost ngayon. Or pwede ding sila yung mga taong nawala nang matagal na panahon sa barkadahan tapos biglang bumalik then lost na. Well, pwede din kasing choice nila ‘yun. And I think it’s a bad choice. WOW. Ako na yung may alam sa tamang choices. 🙂 Sadly, madami pa din kasi akong nae-encounter na mga ganitong tao. Yung pilit na fini-fit in ang sarili sa isang grupo kahit hindi naman swak. Yung nagpipilit na makapasok sa isang group kahit na hindi naman umuubra. Yung iniluluwa na ng grupo pero pinu-push pa din ang sarili sa barkadahan. Hindi mo tuloy alam kung manhid lang ba siya or tanga-tangahan. Nakakalungkot talaga. Kung kaya ko lang gumawa ng special friends for these special people, gagawin ko. Kaso hindi eh. I only have limited powers so I can’t help but feel sad for them. 😦

Ang friendship ay inaalagan. Para yang halaman na kailangan diligan ng pagmamahal, effort at oras. Otherwise, mamatay. Kaya ako, kahit gaano ako ka-busy, I find and make time for my friends. Hindi madaling humanap ng time lalo na sa mga working professionals like us. Kaya super naa-appreciate ko talaga yung mga friends ko na humahanap ng pahanon para makasama din ako. Hindi ko alam kung paano mabuhay ng walang friends. Hindi ko kayang mabuhay ng walang friends. Kaya nga hindi ko naiintindihan yung ibang tao na pakupota sa trabaho, sa jowa at sa sariling buhay. I just don’t get it. Hindi ko talaga ma-gets yung mga taong sooobrang busy kuno na walang time sa friends. Kingina! Kapag gusto maraming paraan! Kapag ayaw daming nguynguy! ‘Yun lang ‘yan. Sarap sapakin ng mga ganitong tao eh. Sarap dispatsya! Kala mo Presidente ng Pilipinas kung maka-busy. Hindi naman yumayaman! Che! Tapos lalapit lang at magpapa-sense kung may kailangan sa’yo at may problema sila. Otherwise, deadma. ISANG MALAKING CHE!!!

Tandaan natin na ang value ng friendship ay nade-define kung paano mo ito inalagaan bilang tao. Kung gaano kalaking oras at panahon ang inilaan mo sa mga kaibigan mo. Kung gaano kalaking part ng buhay mo ang binuksan mo para mapasok ng mga friends mo. Kaya naman, kung hindi ka nagi-invest, huwag kang manghingi!!!Hindi ka naman magwi-withdraw sa isang bangko kung wala kang namang perang ininvest, di ba?!  Huwag kang umasa at mag-expect pagdating ng panahon. You reap what you sow. If you don’t sow then you will definitely have nothing to reap. Totoo ‘yan. At kailangan mong tanggapin ang consequences ng actions mo. Hindi kasi ako naniniwala na kapag friends eh pwede mo ng deadmahin at hindi kitain kasi “friends” mo naman ‘yan. Andy’an na ‘yan kahit anong mangyari. Bullshit ‘yan! Justification lang ‘yan ng mga taong pakupota. Napakabilis ng panahon. Madaming nagyayari sa buhay ng mga tao sa isang araw pa lang. Kung hindi ka ka-catch up, maiiwan ka sa past.

Totoo din ang FO or “Friendship Over.” Like any other relationships, may mga natatapos ding friendship lalo na yung mga relasyong wala ng patutunguhan. To be honest, hobby ko din talagang makipag-FO lalo na sa mga taong wala ng mabuting dulot sa buhay ko. Fierce ‘no?! 😉 Like what I’ve said, madami akong friends kaya wala akong panahon sa mga kaibigang gago. Kung hindi na tayo nagkakaintindihan at nagkakasundo, tapusin na. Dispatsya na kasi walang point na ipilit pa. Simple lang kasi ang buhay. So much for nguynguyan. 🙂 Pero, in fairness naman to me, matagal ako mag-let go ng friend. Isasagad ko din talaga until sa kahuli-hulihang pasensya at pagmamahal na kaya kong ibigay. Aminado naman ako na hindi ako madaling maging kaibigan. Madami din kasi akong arte at twists sa buhay. Hindi ako perfect at mayroon din akong mga hindi magandang traits. Pero mas marami pa din talaga yung magagandang traits. WOW. 🙂 Kaya naman mahal na mahal ko yung mga taong nagi-stay as my friends. At marami sila ha, mind you.  Ang saya lang na sa kabila ng imperfections ko ay may mga tao pa ding pinipili akong maging kaibigan. Well, congratulations because you made a good choice. WOW, again! 😉

Malapit na ang birthday ko. 27 years old na ako by then at nasa punto na ako na nasasala ko na ang mga kaibigan ko. Nafi-filter na din at nagkakaalaman kung sino ang mga kaibigang pang habambuhay. Very crucial din talaga ang stage na ito kasi nagkakalaglagan na. Nagkaka-bunyagan na. Mas nagiging malinaw na kung sino yung kaibigang pamilya, kaibigang fans lang, kaibigang burden, kaibigang sa saya lang kasama, kaibigang magnanakaw, etc. Grabe yung magnanakaw! 😉

I’m sure naiintindihan n’yo ang mga pinagsasabi ko sa post na ito kasi may mga kaibigan din kayo at mga barkada. At one point ay hinanap n’yo din ang grupo na sasamahan n’yo. At one point eh nakipag-FO din kayo. Ang best kasi talaga ng may mga kaibigang tunay, di ba?! Life is nothing and meaningless without them. 🙂

Sa lahat ng mga kaibigan ko, gusto kong sabihing MAHAL KO KAYO! Kilala n’yo na kung sinu-sino kayo. Hindi ko man laging sinasabi ito pero sana ay nararamdaman n’yo. Tumatanda na tayo at umiiksi na ang oras natin sa mundo. Sana ay patuloy pa din nating piliin ang isa’t isa sa kabila ng mga kaganapan sa sarili nating mga buhay. Uulitin ko, kayo ang aking kayamanan. Ang pamilyang pinili ko para sa sarili ko. Ang pampalasa ng buhay ko. Maraming salamat sa regalo ng pagkakaibigan. Sniff. 🙂

Sa mga na-FO ko naman, ingat kayo. Kilala n’yo na din kung sinu-sino kayo. Nakakalungkot at umabot tayo sa puntong hiwalayan. Hangad ko pa din ang inyong kaligayahan kahit hindi na tayo magkakaibigan. Hindi man tayo naging matagumpay sa ating samahan, parati ko namang baon ang ating pinagsamahan. 🙂

Sa mga tao namang pakupota dati at lost ngayon sa paghahanap ng solid group, go lang! Hindi ‘yan madali pero go lang! Wish ko ay makita n’yo ang grupong tatanggap sa inyo at yayakap nang buong-buo. Huwag n’yo ng ipilit ang sarili n’yo sa mga grupong ayaw kayo. Kapag ayaw sa inyo, ‘wag. Maging sensitive at bigyan n’yo din ng dangal ang sarili n’yo. 🙂

Sa mga tao namang kinakain ng pagka-busy sa buhay, bullshit kayo. Alam na alam n’yo kung sinu-sino kayo, pakshet! Charoth. ;)Sige, go n’yo lang. Sana ikayaman n’yo ‘yan. At sana ay hindi mapagod ang mga kaibigan n’yo sa inyo at may balikan pa kayo sa mga oras na kailanganin n’yo sila.

Yun lang naman. Grabe ang pasabog ng post ko ngayon ‘no. Wala akong cancer ha at hindi pa ako mamamatay! Gusto ko lang talagang ibahagi ang thought ko na ito. Sayang yung moment eh. Bihira lang ako atakihin ng mga arte moment. Ang saya din kasi talagang ibahagi minsan ang deepest thought . Ang deep na nga nito eh, muntik na akong malunod! 🙂 Usually, mas prefer ko kasing live pinag-uusapan ang mga ganitong bagay kaysa sa isulat. Katamad eh. Mas mabilis kasi talagang gumalaw ang bibig ko kaysa sa mga daliri ko. 😉

Let’s celebrate friendship! I-declare na nating Friendship Day today!  Happy Friendship Day everyone! WOW. Ako na talaga ang nag-declare. Hiyang-hiya ang Malacanang sa akin. 😉

I-share n’yo din ang thoughts n’yo re: this post. GO NA! Huwag ng mahiya. Excited ako marinig ang nguynguy ng mga members ng elite group na Tribo_Tagapayo re: this one.

Bonding time! Sundin lang ang format na ito kapag magku-comment:

“Happy Friendship Day sa inyo! Alam n’yo, tama ang mga sinabi ni Madma. Ang friends/friendship kasi ay…”

O, ayan may format na ha!  GAME!!!

(Salamat Desperate Housewives sa  8 years na ating pinagsamahan. Salamat sa mga aral na itinuro n’yo sa pag-ibig, buhay at pagkakaibigan.)

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://personaleuphoria.blogspot.com/2012/02/happiness-tip-seven-friends.html)

P.S. Sali na sa YTM’s Next Top Model! Grabe yung may mga nag-submit na ng entries over the weekend. PASABOG! Ito na ang chance n’yong bumida sa YTM! Kaya huwag ng magpahuli, humanap na ng pasabog photo n’yo at sumali na. Masaya ‘to, promise! GO!!!

Submission of entries is until June 28, 2012. The Top 10 will be announced on June 29, 2012.

Click this for the YTMNTM mechanics. “The Search is on for the FIRST YTM’s Next Top Model”

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

Madma Conquers Palawan!

Dears fans and followers,

At talaga namang ito na nga ang pasalubong ko from my Puerto Princesa, Palawan Adventure last week! Nag-effort din talaga ako para sa inyo ha! 🙂 Deadma na kahit pagtinginan ako ng ibang turista habang nagpi-pictorial! Basta dapat, PASABOG! 🙂 Ang bongga ng Underground River! Nakakaloka. Parang isang panaginip lang kapag nasa loob ka. Ang sarap gumala, mag-swimming, kumain, gumastos. WOW. Yaman! Sana makapunta din kayo sa Palawan! Iba yung alindog n’ya eh. Masasabi! 😉

Ito ang picture No. 1! Aminin n’yo ang bongga! Sa Palawan talaga ‘yan ha, hindi sa Korea! Kung maka-effects naman kasi! 🙂 Tinodo ko talaga ang pag-aura sa photo na ito ha kaya naman pasabog ang resulta! I’m sure kapag nakita ito ni Tyra Banks, kukunin n’ya akong co-host sa ANTM. Co-host talaga?! Sa totoo lang, hindi ko naman talaga forte ang modelling ano. More confidence lang ang puhunan ko. Pero after the pictorial, I think pwede ko na ding ilagay sa repertoire ko ang modelling! WOW! 🙂

Hindi din nagpapahuli ang picture No. 2! Ang taray nung parang naiinitan posing ko. Well, mainit naman kasi talaga! 2:00 p.m. kame nag-pictorial at tirik na tirik din talaga ang araw! Pero syempre, as a professinal Diva, aura lang! Ang saya mag-model, shet! Lakas maka-sosyal eh. Feeling ko ka-level ko na sila Anne Curtis! 🙂

At nag-topless na nga ako sa picture No. 3! Diyos, ko. Sana kayanin n’yo! 😉 Feeling ko tatawag ang Seiko films any moment! Wagas din talaga yung confidence ko n0?! Sa totoo lang ha, go ako kung may mag-offer na porn film. I think kaya ko at pasok ang alindog ko. WOW! Ang saya umaura, shet!

Fierce din nitong picture No. 4! Ibigay n’yo sa akin ‘to! Ang lakas maka-Diva nung whole body picture ko habang nakakapit sa isang pole! Grabe, parang ang sarap maglabas ng calendar with my photos! Hmmm. Tingnan natin kung ma-push ko ‘to! Sana naman kapag pinadalhan ko kayo eh kunin n’yo! 🙂

At ito naman ang buong Palawan Team! Sila ang aking High School barkada a.k.a PEERS! I so love them! 😉 Grabe din talaga ang samahan namin, until now wagas na wagas pa din! I love you PEERS! 🙂

In total, 4 Days and 3 Nights kame sa Palawan! Tagal din ha! Super todo ng bonding namin! Masasabi!

And of course, maraming salamat sa aking photographer na si Mr. Jayson Cruz! Siya ang nag-produce ng mga photos na ito. Shout ouch naman kay Jayson! 🙂 Salamat naman at na-bring out mo din ang best ni Madma sa mga photos! Well, in fairness naman to me, maganda din kasi talaga akong subject. WOW!!! 🙂

Sana kinaya n’yo ang pasalubong ko na ito. 😉

Yours truly,

Madma

P.S. Nagpasok na din ako ng bagong category sa blog na ito! Mayroon na ding ‘Travel ni Madma” portion. Medyo madami din pala akong pupuntahan sa mga susunod na buwan so pinasok ko na din sa Yours truly, Madma ang travels! Grabe, tuma-travel blog na din ito ng very light! PASABOG! Puro pasabog lang para sa fans! Alam n’yo ‘yan! 😉

Ikaw na Kaya ang Nanalo?!

Dear fans and followers,

Good morning naman sa inyo! Monday na naman ang pota. So, trabaho na naman mga dukha! Watash!

Anyway, nagulat kayo at walang letter for today ‘no?!  O di ba ang pasabog!!! Later na yung featured letter natin. Gusto ko lang muna pag-usapan yung mga naging entries re: Humula at Manalo sa Your truly, Madma last Friday. Ang sarap talaga gamitin nung “re.” Tipid sa space! Aaminin ko, super pasabog at nakakaloka ang mga hula n’yo.  Ang daming sumali! Ang stiff ng competition! Salamat pala sa lahat ng mga humula at nagbigay ng entries. Bongga!!!

I’m sure, inaabangan n’yo na kung sino ang nanalo re: huling edition ng Humula at Manalo sa Yours truly, Madma. Ramdam na ramdam ko na gusto n’yo na malaman kung sino ang susunod sa yapak nina Renzyd at Deathbymilktea! At may “yapak” na talaga sila ha. Alam kong tinodo n’yo din ang powers n’yo para lamang mapabilang sa elite winners ng blog na ito. Ngayon pa lang ay gusto ko ng batiin ang lahat ng mga lumahok sa pa-contest ko. Lahat ng hula n’yo ay magaling. Lahat ng entries n’yo ay deserving. Pero isa lang talaga ang nararapat na hirangin na Ultimate Winner! WOW. Laka maka-game show ang pota!

Kaya naman, gusto kong i-present ang mga finalists para sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Avail n’yo yung may finalists!!! Ang pasabog di ba?! Ang mga entries na ito ang nangibabaw out of more than 10,000 entries. WOW. Dami rin ha! Isa sa mga entries na ito ay ang panalo. Kaya kung napasama ang entry mo, aba eh may chance pa ang beauty mo! Lakas maka-parlor nung “beauty.” Irita. Kung wala naman sa list ang entry mo, sorry na lang and better luck next time.

Gusto ko din pala ibigay ang mga pasabog comments ko sa mga finalists. Nakakatuwa kasi! Di ko mapigilan!

Without further ado, here are the 15 finalists of the Humula at Manalo sa Yours truly, Madma with my comments! *Drum roll, please.

  1. Dalawang Itlog ng Pogi (Ang saya nito. Ka-level lang ng fishball at kwek kwek. Bongga!)
  2. Pogi-pogian sa kangkungan (At nasama din talaga ang “kankungan” ha. Sabagay, lahat naman pinupulot sa kangkungan.)
  3. Kaibigang Pogi, Aking Kinakalantari (Lakas maka-slogan making contest nito! Ka-level ng “Pagkaing Sapat sa Hapag ay Nararapat.” Super aliw nito!)
  4. Favorite Ko, Itlog ng Pogi, I mean Pugon (Oh ano naman sa amin kung gusto mo ng itlog ng pogi? Slum book ba ito at sinasabi mo ang mga favorites mo? Aliw!)
  5. Kung Pogi Ka, ‘Wag kang Pakupota! (Taray nito oh. Taas ng confidence level. Ang sarap gamitin ng word na “pakupota!”)
  6. Ang Pogi, Pasok Butas, Hindi Panakip Butas (Lakas maka-porn nito! Hiyang-hiya ang “Toro” at “Kapag ang Palay naging Bigas…May Bumayo.”)
  7. Mahirap maging Pogi (Mahirap din kaya maging pangit! Actually, mahirap lahat.)
  8. Humanap ka ng Pogi, at Ibigin mong Tunay (WOW. Seryoso ba ito? Creative din ha.)
  9. Ayokong Maging Rebound, Ang Pogi Ko Kasi (Ang vain din ng statement na ito! Nakakatawa!)
  10. i Pogi: Ang Lupang Walang Titulo (OMG! Lakas maka-Indie film ng entry na ito! Pang-Cinemalaya!)
  11. Mag-out na kayo, mga Pogi (Ang taray nito. Lakas maka-utos. Amo?! Ang saya! Parang isang malawakang panawagan.)
  12. Pogi Kami, Eh Kayo? (Pota ang yabang nito, guys! Ano sapakin na natin ang nagbigay nito?! Pasabog!)]
  13. Kantonin mo naman kame, Pogi (Wow! Parang request lang ha. Tigang na tigang siguro si Ma’am.)
  14. Isang bawal na POGI-IIBIGAN (Ito talaga yung example na maipilit lang ang word na “pogi” sa title. Best in pilit ‘to.)
  15. Ang Popogi Ples! (Aaay! Ito na talaga yung rurok ng any-any. Ang saya! Parang desperado na din talaga. Suicide level.)

At ito na nga ang mga finalists para sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma. At may nakakuha na naman ng tamang sagot ha! Galing n’yo talaga! Mamayang hapon ko na ia-announce ang nanalo. Medyo i-extend muna natin ang kaba n’yo. Kupal lang. 🙂 At naku, may twist pa ‘to later! Abangan!

Yours truly,

Madma

P.S.  Maraming salamat kay JC Cantos para sa pasabog na make-up ko sa picture na ito. Ang ganda ko dito, aminin natin! Talaga namang na-doll up si Madma. FYI guys, si JC Cantos ang personal make-up artist ni no less than, but greater than Mr. Richard Gutierrez! O di ba ang bongga ni Madma! Lakas maka-artista! Pa-make up na din kayo. Medyo pumapangit na kayo lately. 🙂

Kung Pogi ka, ‘Wag Kang Pakupota

Dear Madma,

First of all, thank you for the very entertaining yet insightful posts. It’s amazing paano niyo nababalance magkaroon ng sense at maging funny at the same time. KUDOS!

Here’s the thing, currently ay single ako at may someone very special to me. Currently may KR (ka-relasyon) siya at mukhang on the verge sila of breaking up. Ako ay isang mabuting friend, kahit matagal na ‘kong nagkakagusto sa kanya ay talagang tinutulungan ko pa rin silang magka-ayos. Walang malisya at walang ulterior motives. I just really want him to be happy. Pero for about 2 months now lagi kaming magkausap at ako lagi takbuhan niya when he’s down. And I’m very willing to entertain and help him of course. Ganun din naman siya sa low points ko, give and take. At sa 2 months na yun hindi maiwasan ang mga subtle na pahiwatig na nilalandi niya ako and minsan nilalandi ko rin sya syempre. GIVE AND TAKE pa rin ang peg. HAHA! Minsan nga hindi na subtle eh, talagang landian. At sobrang caring niya sa’kin. Pero minsan naman may moments na para bang ang lamig niya sa akin.

Hindi ko alam gagawin ko baka mali rin basa ko sa treatment niya sa akin. Matagal ko na siyang gustong diretsuhin kung ano ba talaga meron pero baka ma-misinterpret niya lahat ng tulong at care na binigay ko sa kanya. Lalo na’t ngayon sinabihan niya akong makikipagbreak na siya sa KR niya.

Please help!

And yes, pareho kaming hindi pa out pero getting ready. “Sayang” daw kami sabi nila kasi pareho daw kameng gwapo. And truth be told, kung nagkakaanak lang ang mga tulad natin ang ganda na ng mundo!

Thanks and looking forward sa advice mo. MORE POWER!

Kantonlover

___________________________________________

Dear Kantonlover,

Uy, salamat sa pagtangkilik sa Yours truly, Madma.  Salamat at you find this blogsite “insightful.” Talaga namang super happy si Madma re: this comment. Guys, gamitin pala natin natin yung “re:” kapag magku-comment. Lakas maka-office eh! Halimbawa, “Grabe tawa ako nang tawa re: this post!” Ganun ha. 🙂

Teka lang, naku-curious ako kung pogi ka talaga. Sure ba ‘to? Mala-Derek Ramsey ba ang peg mo?! ‘Yan kasi mga type ko eh. OMG!!! Kantonin mo naman kame. KAME?! Lakas maka-orgy, pota. Send ka naman ng picture sa akin para ma-sight kita for real. Baka mamaya chararat bumba  ka ha, naku!  Shet, dumadami na talaga ang mga poging gusto din ang kapwa pogi. Magugunaw na nga talaga ang mundo! 🙂 I-share n’yo naman yung mga katawan n’yo sa iba. Grabe! Girls, naku mag-panic na kayo! Puro “latak” na lang matitira sa inyo. And if maubos na ang mga pogi, I suggest magtayo na lang kayo ng sari-sari store. Extra-income pa sa part n’yo. WOW. 🙂

Anyway, alam mo, medyo delikado ‘tong pinapasok mo. Ang dami pang unfinished business ni Kuya sa buhay at magulo pa ang life n’ya. I don’t think this is the best time para magtapat ka ng feelings mo or mag-commit siya sa isang bagong relationship. Pwede kasing “rebound” ka lang as of the moment. At alam naman nating mababa ang success rate ng mga rebound relationships. Pwede kasi talagang isa ka lamang distraction or panakip-butas para hindi n’ya ma-feel ang full extent ng sakit na nararamdaman n’ya now. Ano ba kasing goal mo, Kantonlover? Kung goal mo lang ay maka-sex siya at matikman lang ang alindog n’ya, aba eh, i-go mo na ngayon kasi super taas ang chance na magtagumpay ka. Weak siya ngayon tapos malandi ka, so aura na! Pero kung ang goal mo naman ay isang “totoong” relationship with him, sorry to say this but this is not the best time for that. Para ka na ding bumili ng isang bahay na walang titulo kung ipu-push mo na jowain si Kuya ngayon. Makukuha mo siya, pero hindi buong-buo. WOW. Profound! Saan nanggaling ‘yun?! Mag-intay ka naman nang konti! Grabe din yung “pagka-hayok “ mo na mapasakamay si Kuya agad-agad ha. Chaka naman kung lumabas na nagte-take advantage ka lang sa sitwasyon di ba? At the end of the day naman, kung gusto ka din n’ya at kayo ang para sa isa’t isa, magiging kayo talaga. No rush!

It’s best na maghanap ka pa din ng ibang prospect. Makipag-date ka pa din sa iba o kaya eh makipag-bonding ka sa iba mo pang mga friends. Enjoy life! Chill lang! Tuloy mo lang ang pagiging isang mabuting friend sa kanya pero huwag mong ubusin ang energy mo dito. Pogi ka naman at single di ba, so huwag kang pakupota! Nasa iyo na ang lahat ng element para makakuha agad ng isang partner so aura lang nang aura. Yung mga pangit nga kung maka-aura eh ganun ganun na lang. Papakabog ka ba?!

So there. ‘Yan naman ang take ko sa issue mo. Sana nakatulong ako. Mag-out na din kayo soon. Masaya siya promise! Kung magkakaroon kayo ng coming out party, invite n’yo naman ako. Promise, pupunta ako.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang ito na nga ang HULING entry para sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Yes, huli na ito kasi may iba tayong mga bagong pasabog soon! Huwag kayong umarte.

Kung feeling mo alam mo ang title ng blog entry na ito, sumali ka na! Again, ang title ay pwedeng bagay, tao, lugar, pangyayari or phrase na talaga namang related sa blog entry! Kapag nakapag-decide ka na ng sagot, i-post agad agad as comment para makita ko. Ganun lang! Kung maraming makahula ng tamang title, ang naunang nag-post ang siyang mananalo!

Ang mananalo ay ife-feature ko sa talaga namang hit na hit na Yours truly, Madma! Baka ikaw na ang sumunod kina Renzyd at Deathbymilktea. Sa Monday ko ia-aanounce ang nanalo. Walang limit ang paghula. Go lang nang go! Pwede humula hanggang Monday ng 9:00 a.m.

At dahil sa last entry na ito para sa Humula at Manalo, magbibigay ako ng clue! OMG! O di ba ang bait ko?!

CLUE: May word na “POGI” sa title. Basahing mabuti ang blog entry ko. Maging creative and always think out of the box. 🙂

SALAMAT sa Boto ninyo! Kame ang Nanalo!

Dears fans and followers,

Grabe napa-special posting ako on a Tuesday!!!

Eh kasi naman hinakot namin ang award sa Bactidol Challenge! Salamat sa lahat ng mga nag-LIKE sa videos na pinost ko last Friday!!! Iba talaga ang suporta n’yo! Kame ang nanalo sa individual at group category! Eh dalawang categories lang kasi lahat. In short, sa amin lahat. 🙂

“It’s not official until it’s “Facebook-official.” So now we announce the winners of the very first Bactidol Idol Online Competition! Congratulations to Jill Masalonga for sweeping the solo category and to Team Balutin Mo Ako 2.0 for dominat…ing the group category! Jill wins P10,000 and Team Balutin Mo Ako 2.0 wins P15,000 in cash. Congratulations again to the winners! You may now scream for joy but not before gargling with Bactidol first to protect your throat ;)”

Click here: http://www.facebook.com/#!/Bactidol

Hindi n’yo talaga pinabayaan si Madma! Grabe!

Kung gusto n’yo makita ang mga naturang videos, check may Friday post  (May 25, 2012) titled “Kailangan ka ni Madma.

Ito ang link: https://madmacarta.wordpress.com/2012/05/25/kailangan-ka-ni-madma/

Salamat at hindi n’yo pinabayaan si Madma sa oras na kailangan n’ya kayo. 🙂 Grabe ‘yung third person ang ginagamit ko. Ako kasi si Madma. 🙂 At salamat sa lahat ng fans ng The UP Repertory Company!

Congratulations to the first Bactidol Idol Carla Jill Masalonga. And of course congratulations to all the members of Team Balutin Mo ako 2.0.

Yours truly,

Madma

P.S. Congrats din sa lahat ng mga hindi nanalo. Ang mahalaga naman eh na-enjoy nating lahat ang expereince na ito. 🙂

(The photo above was lifted from this link: http://workingmymuse.blogspot.com/2011/01/quick-celebration-on-friday.html)

The Big Day, MALAPIT NA!

Dear fans and follower,

Handa na ba kayo sa mas malalaking pasabog?

Sa June 15, 2012, talaga namang isang buwan na din ang Yours truly, Madma!!! Ang bilis! Patuloy pa din sa pamamayagpag ang ratings ng blog na ito. Palakas nang palakas sa bawat araw at padami nang padami ang mga viewers all over the world! In fact, more than 11,000 views na ang blog na ito in just two weeks! O, ansabe?! Grabe!!! Hindi ko inasahan ang mga bagay na ito. Nagsimula lamang ito na isang simpleng blog at ngayon ay full-blown show na siya. Kaloka.

Salamat talaga sa pagtutok sa mga blog entries ko. Salamat sa pakikinig sa mga payo at announcements ko. Salamat sa paga-antay ng mga pasabog ko. Salamat talaga. Wow. May cancer?  Mamamatay? Ang best din talaga ng suporta n’yo kaya naman ganado talaga ako sa pag-post dito. Ang dami ko na ding naging kaibigan at mga bagong nakilala through this blog. Salamat talaga. Salamat.

Kita n’yo naman, unti-unti na ding nagta-transform ang blog na ito sa mas pasabog na anyo! Avail n’yo naman ang mga bagong install na pakulo sa right side! At syempre, salamat sa aking Diva Friend na si Carla Jill Masalonga para sa wordpress tutorial last weekend! Pak!

Kaya naman, asahan n’yo lang ang mga mas bonggang pasabog sa darating na araw. Sa ating monthsary sa June 15, 2012, may malaking pakulong magaganap! Taray no? Hiyang-hiya ang Eat Bulaga. Humanda kayo dito! Please! Gaya ng sinabi ko nung una pa lang, mababago ang blogging experience n’yo sa Yours truly, Madma! WOW. Kapit lang! Walang bibitaw!

Sama-sama nating intayin ang June 15, 2012! Kita n’yo naman sa right side ng blog ko, may countdown na din talaga sa “The Big Day!” Ayan, hindi na kayo malilito ha.

Muli, maraming salamat! Mabuhay kayo!

Yours truly,

Madma

P.S.  Patuloy lang kayong magpadala ng inyong mga nguynguy at mga ngasngas sa yourstrulymadma@yahoo.com. Magpadala din kayo ng feedback, mga suggestions, mga input para mas maging best pa ‘tong show na ito. Show na talaga ha! Padala lang kayo, makikinig ako.

Your comments are highly encouraged. Mag-comment lang kayo sa mga posts ko. Go lang nang go! Ituring n’yo na itong tahanan n’yo. Friends tayo lahat dito. Aalagaan natin ang isa’t isa. WOW.  Sabihin n’yo lang ang inyong saloobin sa mga posts ko para mas matulungan natin ang mga letter sender. Salamat sa mga masipag mag-comment! Naa-appreciate ko ito.

Madma meets Mad Mama

Dear Madma,

Hi! Guso ko lang malaman ang reaksyon mo at kung may maipapayo ka sa situation ko.

Married na ako at may baby na kami. Ang problema ko eh ‘yung husband ko na maka-pamilya. Kasama namin sa bahay ang mga kapatid n’ya at byenan ko na kaming mag-asawa ang nagbabayad ng bahay at iba pang expenses tulad ng kuryente, tubig, allowance at panggamot ng byenan ko etc. Nakausap ko na s’ya several times kasi hindi kami makapag-save sa dami ng gastos. Nabibigatan na ako eh. Halos laging napagdi-diskusyunan at napaga-awayan na tuloy madalas lumalabas na madamot ako. Pero kasi naman, hindi ko ma-feel na willing tumulong ang family niya sa mga gastusin. Di ba pag mag-asawa dapat nakabukod na? Hay.

Sige, thank you at more power sa’yo. Nage-enjoy ako sa blog mo.

Thanks at nakakabawas ng stress hehe.

Mad Mama

_______________________________________________

Dear Mad Mama,

Hello naman sa’yo, Mad Mama. Chill ka lang. Don’t be Mad. Just be Mama! Ang witty din nung screen name mo ha.  Pasabog! At talaga namang ikaw ang unang Mommy or Mummy na sumulat sa blog ko! Lakas maka-bangkay nung Mummy. Belated Happy Mother’s Day sa iyo at hello kay baby. Ang laki-laki na ng baby mo. Grabe! Pa-karga nga. WOW. Ninang ang peg? Salamat talaga sa pagsulat at welcome sa Yours truly, Madma.

Alam mo, Mad Mama, I think kailangan n’yo lang ulit mag-usap ni Mister about this. Maayos na usap lang ‘to, promise. Ang dami dami n’yo na din talaga sa bahay n’yo ha. At alam naman natin na one is enough, two is a crowd, three is a company and four is party people!  Come on! Party naman, Mad Mama! Ang KJ oh. Char. Ano ba ‘yan ang energetic ko today. Alam mo na, medyo “nadiligan.” WOW.

Ito suggestion ko:  Lumabas kayo one weekend. Nood ng sine, videoke kayo, kain sa restaurant ganyan. I-set mo ‘yung magandang mood kumbaga. Tapos, slowly mo ipasok ang issue na ito at pag-usapan n’yo ulit nang puso sa puso. Ilatag mo lahat ng saloobin mo nang maayos. Huwag naman ‘yung sigawan na parang “Pota! Ang gulu-gulo na sa bahay! ‘Yang mga kapatid mo ang kakapal ng mukha! Pati ‘yung gatas ni Baby inutas.” Huwag naman ganito. Si Claudine at Raymart lang ang gumagawa ng mga ganitong ka-cheapan. Mahinahon lang. Siguro, mabuting simulan mo sa paglalatag ng  tinatawag na “Cash Flow” ng family n’yo. Ipakita mo ang income versus expenses sa isang buwan para objective ang labanan. After this, mag-present ka ng mga options or alternatives na pwede n’yong gawin para mag-work effectively ang present situation n’yo like mag-work at mag-contribute ang mga kapatid, maghanap si Mister ng ibang work na mas mataas ang sweldo, mag-work ka para additional kita, mag-open ng business, ibenta ‘yung isang kapatid etc. Huwag naman ‘yung tipong “Palayasin na sila! Leche! Wala ng tayong makain, Honey! Lagi akong gutom, alam mo ba?! Si Baby, daliri na lang ang sinusubo! O Diyos ko!” Huwag naman ulit ganito. Chill lang kumbaga. Present your financial status then offer and try other alternatives. I-set aside mo muna ang damdamin at maging objective. Sa mga ganitong issue kasi, mas mabuting objective ang labanan. Ayaw naman nating lumabas na kontrabida ka at masaktan ang damdamin ni Mister di ba? Mas bongga ‘yung magkasama n’yong nire-resolve ang issue na ito as a couple kaysa sa naglalabanan kayo at nagi-iringan. Kaya n’yo ‘yan! Energy lang!

Ngayon, if after 6 months or so at hindi talaga naging effective ang mga alternatives and the only way na lang eh bumukod kayo, so be it. Sa puntong ito, I don’t think na magagalit pa si Mister kasi sinubukan n’yo namang mag-work ang present situation n’yo eh. ‘Yun nga lang, hindi na talaga kaya. I think, mas magiging katanggap-tanggap sa Mister mo ang mga bagay bagay kapag ganitong atake ang gagawin mo. Go lang! Kaya ‘to! Si Karylle nga kaya lahat eh. So kaya din ‘yan.

‘Yun lang naman ang akin. Sana may napulot ka sa mga sinabi ko. Hangad ko na makalampas kayo sa yugtong ito ng buhay n’yo bilang mag-asawa. Matatapos din ito, promise. Hello kay Baby at sa mga tao d’yan sa bahay n’yo. Enjoy lang. Huwag pairalin ang galit at init ng ulo. At the end of the day, isang pamilya pa din kayo.

Mahal ka namin. Update mo na lang kame.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang may nanalo na din sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! BONGGA!

Ang title ng blog entry ko last Friday ay… “Best friend ko, Jino-jowa ko.” Congratulations kay Deathbymilktea! Ikaw ang nanalo! Bongga ka! Talaga namang maife-feature ka na sa hit na hit na Yours truly, Madma! Sisikat ka na! Si Renzyd nga ang sikat na eh. Congratulations ulit! Magpakilala ka sa akin at mag-email sa yourstrulymadma@yahoo.com. Usap tayo! Dali!

Salamat sa lahat ng sumali sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Ang daming entries last Friday! At ang pasabog  nung sumasagot mismo ang letter sender na si Black Widow! Nakakaloka! Salamat, salamat!

Huwag malungkot kung hindi nanalo, sa Friday, meron ulit!!! Last chance n’yo na sa Friday kasi matatapos na ang pakulong ito!

Salamat sa super taas na ratings over the weekend! Grabeeee! Nakakatuwa talaga ang support n’yo. Salamat at mahal ko kayo.

Follow me on tumblr as well: www.supermadma.tumblr.com

(The photo above was lifted from this link: http://www.salon.com/2010/11/18/problem_with_mothers_these_days/)

Kailangan ka ni Madma

Dear fans and followers,

Minsan lang ako lalapit sa inyo. At ang minsan na ito ay sabihin na nating ngayon! Wow. Agad-agad din ha.

Wala namang masyadong gagawin. Kayo naman, nguyngoy agad oh. Papanuodin n’yo lang ang mga videos sa baba, i-enjoy tapos i-LIKE. Ganun lang! Mage-enjoy kayo for sure! Bakit? Kasi andun ako eh. ‘Yun na ‘yun.

Simulan na natin!

Ang video na ito ay ang group performance namin sa “12-Hour, Non-Stop, Videoke Challenge ng Bactidol.” Yes, you read it right, 12 hours na non-stop na pag-kanta! O ha! Pero kita n’yo naman, ang energetic pa din namin! Bigay na bigay. Grabe ‘yung 12 hours na pagkanta sa videoke. UMAY na UMAY kame at nakatulala na lang after.  Kasama ko dito ang mga pasabog na alumni ng The UP Repertory Company. Kame ang “Team Balutin Mo Ako 2.0.” Lakas maka-Matrix no? Energy!!! Ngayon na ang deadline nito, kaya click agad. Ang ora-orada ko no? May tiwala ako sa inyo! Kaya n’yo ‘yan-Karylle.

Ito naman ang Diva Friend ko na si Carla Jill Masalonga. Not just Salonga but MASalonga. Tinaasan pa n’ya si Lea, aminin n’yo! Solo performance n’ya ‘yan bilang hayok sa kasikatan na parang ako. Avail n’yo naman ‘yung biglang shift ng boses n’ya from mababa na parang demonyo to matinis na parang Sto. Nino. Ang energetic n’ya no? Parang tanga. Hiyang-hiya sa kanya si Pops Fernandez!

Click this:  Summer Station ID

And lastly, kung akala n’yo ay tapos na ang summer, MALI kayo! Patunay nito ay ang bonggang bongga naming Summer Station ID! Summer na summer di ba! Oh la la! Medyo nag-breast exposure ako dito kasi plano ko buhayin ang bomba films sa Pilipinas. Paging Seiko Films!

O di ba puro pasabog! Tamang tama weekend, marami kayong time panuodin ang mga videos na ito. At least, hindi n’yo ako mami-miss! Atchara.

At kung wala kayong gagawin sa May 31, 2012 (Thursday), punta kayo sa B Side sa Makati! Magho-host ako sa isang pasabog event! Bonding tayo! Madaming performers doon galing sa music, arts, theater, tv, film, travel and everything in between. Tara na!!!

Salamat sa inyo! Mahal ko kayo! Kapag sumikat ako, magpapakain ako! Wow. Fiestang bayan ang peg. Happy weekend!

Yours truly,

Madma

P.S. Patuloy lang ipadala ang inyong mga nguyngoy/ngasngas/comment/feedback sa yourstrulymadma@yahoo.com. Mababasa ko ‘yan, kaya umayos kayo! GAME!

Best friend ko, Jino-jowa ko

Dear Madma,

Ano po ba ang gagawin ko, umaarte ang shota ng bestfriend ko, nume-nega ‘pag kasama ako. Kaya lagi tuloy kami palihim na tumatakas ni best friend, at dahil utu-uto din naman s’ya, sumusunod s’ya sa insekyorang bakla n’yang kasintahan na talaga namang kinagagalit ko. Tuloy nine-nega ko na din si best friend.

Sana po maghiwalay na sila, ano ba pwede kong gawin?

Sincerely,

Black Widow

__________________________________________________

Dear Black Widow,

So much negativities among the three of you! Negahan much. Not likey ‘to.

Una sa lahat, Black Widow, kailangan mong lumugar. BEST FRIEND ka lang at hindi ka JOWA. Ulit-ulitin mo nga ‘yang line na ‘yan sa harap ng salamin. Lakasan mo! Can’t hear you! Kailangan kumilos ka nang naa-ayon sa ganda. Hindi ka dapat nanggugulo sa love affair ng best friend mo. Pigilan mo ‘yang mga atake mo. Or rather itigil mo ‘yan. WOW. Powerful statement on a Friday! Mainit ulo? Kulang sa tulog? 🙂

Minsan talaga or madalas, simple lang ang mga bagay bagay. Hindi kailangang maging profound. Tayo lang ‘yung nagpapagulo. Balik lang tayo sa super basic rule: RESPECT. Show some respect naman sa jowa ng best friend mo. Wala naman s’yang kasalanan sa’yo, ‘te. Ang tanging “kasalanan” lang n’ya eh minahal n’ya ang best friend mo.  Bigyan mo ng chance ang pagmamahalan nila. Moment nila eh. Bigay mo sa kanila ‘yan. Deserve din ni jowa na mahalin accordingly bilang isang  taong nangangarap lang naman na makamit ang tunay na pag-ibig just like the rest of us. Sniff. Hindi mo s’ya kaaway, please! On the other hand, respect mo din ‘yung sarili mo. Alagaan mo at huwag mong ilagay ang sarili mo sa mga bagay na alanganin at makakasakit sa’yo. You deserve better than this. Marami pang ibang lalaki at mga bagong taong darating sa buhay mo na magbibigay ng pagmamahal na deserve mo. Pakupota ka din kay best friend eh. Kaloka ka.

Ito ha, isipin mo ‘to: ikaw ba ‘pag nagka-jowa, gusto mo din bang may “nanggugulo” at pumapapel sa relationship n’yo na ibang tao? Di ba ayaw mo din naman? Or gusto mo? GRABE ‘yung gusto mo. Kaloka ha.  Ganun lang, ‘te. Basic lang. Hanap ka ng ibang prospect. Madami pa d’yan. Huwag tayong maging isang “anay.”Pinapatay ang mga anay.

Alam mo, naiintindihan ko naman ang point mo eh. Nanggaling din ako sa ka-cheapang ‘to. Until I realized that I deserve much better. Ang ganda ko kasi para makipag-agawan lang!  Excuse me. WOW. Happy birthday sa akin. Gets na gets ko ‘to, promise. Alam kong masaya at masarap ‘yung mga nakaw na sandali with your best friend away from his jowa. For sure, wet na wet ang vagina mo every time na pinipili ka n’yang makasama over his jowa sa panunood ng sine, sa mga out-of-town trips etc. Lakas maka-ganda n’yang mga moments na ‘yan! Pero at the end of the day, MALI. Maling kasiyahan, kumbaga. Para lang ‘yang droga, nakaka-adik. Nakaka-ulol.  Kailangan mo na i-rehab ang sarili mo sa lalong madaling panahon. Nalulong ka sa masamang bisyo. Gising, ‘te. Gising! At tsaka di ba babae ka, Black Widow? O bakit ka nakikisawsaw sa affairs ng mga bakla? Para ka na ding pusa na sumasali sa affairs ng mga giraffe. “Pahabaan” ang labanan, ‘te! Talo ka!

So ‘yun lang naman. Ayan na-sermonan ka pa tuloy. Kasi naman sumulat ka pa eh. Pasensya na at prangka ako ha, kasi kailangan mo ‘to eh. Kailangan mo marinig ang mga bagay na ito para magising ka sa katotohanan. Sana kinaya mo ‘yung mga pinagsasabi ko. Sakit ‘no? Tiisin mo lang, huwag kang maarte! Lagyan mo ng asin o kaya kamalansi ‘yang puso mo para gumaling agad.

Mahal kita. Mahal ka namin. Hug.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang ito na nga ang entry para sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Kung feeling mo alam mo ang title ng blog entry na ito, sumali ka na! lakas maka-MMK nito!

Again, ang title ay pwedeng bagay, tao, lugar, pangyayari or phrase na talaga namang related sa blog entry! Kapag nakapag-decide ka na ng sagot, i-post agad agad as comment para makita ko. Ganun lang! Kung maraming makahula ng tamang title, ang naunang nag-post ang siyang mananalo!

Ang mananalo ay ife-feature ko sa talaga namang hit na hit na Yours truly, Madma! Baka ikaw na ang sumunod kay Renzyd! Wow, sikat na din si Renzyd ha. Sa Monday ko ia-aanounce ang nanalo! Walang limit ang paghula! Go lang nang go! Pwede humula hanggang Monday ng 9:00 a.m.

Tip ko: Basahing mabuti ang blog entry ko. Maging creative. Think out of the box. Ang mga bituin ay gabay lamang. Mayroon tayong tinatawag na creativity, gamitin natin ito. SALI NA!!!

Follow me on tumblr as well: www.supermadma.tumblr.com or sa Twitter. My username is Marvin_Salazar