Merry Christmas and Happy New Year To You and You… And You… You Gonna Love Me!

HNY

Dear fans and followers,

KAMUSTA NA KAYO?! Hindi na tayo nagkaka-chikahan lately ha. Kasi naman ang busy din talaga ng holiday season. Ibigay muna natin ito sa isa’t isa. Naka-vacation mode rin ang Madma n’yo. Huwag muna tayo maging clingy for now. Kiki-clingy much!

Anyway, since na-miss ko kayo, chikahan muna tayo nang saglit. Wala pa palang Christmas and New Year special ang YTM kaya naman ito na! Syempre, I owe it to the fans. WOW. 😉

merry_christmas_11_1200

Tapos na ang Christmas. Just like that! Sobrang bilis. My God. Na-feel n’yo ba ang Christmas? Medyo iba na rin talaga ang panahon ‘no? Sabihin na nating “nabawasan” nang very light ang kinang ng Pasko. Ewan ko kung nag-mature lang ako kaya medyo iba na ang tingin ko sa Pasko or sadyang iba na ang talaga ang makabagong mundo ngayon. Parang hindi na siya masyadong festive like before ‘no? Mas less na ang mga bahay na may Christmas tree, parol, Christmas light etc. Yung iba sadyang hindi na nagkabit ng mga Parol kasi katwiran nila, tatanggalin din naman. Nega much ang mga pota! Pero may point. Char. 🙂 Mas konti na rin ang nagre-regalo nowadays at mas konti na rin ang mga handa sa lamesa. Yung mga pinamimigay sa mga inaanak, medyo nabawasan din. Dati nasa P300-P500 ang bigayan sa mga inaanak. Ito yung bentahan sa merkado before. Ngayon parang nasa P100-200 na lang. Yung iba nga “tawad” na lang ‘eh. Pansin n’yo ba? Haaay… Sigurado mas mahirap lang talaga ang buhay ngayon kaya ganito. Tipid mode rin ang mga kababayan natin. Kumbaga “naghigpit din ng sinturon” ang mga Ma’am/Sir n’yo. Ang sad naman na iilan na lang kameng nakakaginhawa sa buhay. WOW.

Nonetheless, nakakatuwa na hindi nawawala ang reunion at gathering ng pamilya tuwing Pasko. Ang saya lang makita na sa kabila ng kahirapan ay talaga namang niraraos din kahit papaano ang Pasko. Bilib ka rin sa mga Pinoy, maghahanda rin talaga kahit wala na. Isasanla rin yung ref o kaya TV para magka-pera. Competitive! Ayaw patalo sa kapit-bahay. Char. 🙂 Ang best part lagi ng Christmas is yung Noche Buena gathering. Aaaay… love it! Ang saya makita at makasama muli ang mga pinsan mo, mga tito at tita, mga pamangkin, Lolo at Lola, at iba pang kamag-anakan. HEAVEN! Sa kabila ng mga alitan at tampuhan sa pamilya, nabubuo rin talaga ang lahat tuwing Christmas. BEST! Love always prevails talaga. Or not.

First time ko pa lang mag-effort bumili ng regalo para sa mga friends and family members. Alam n’yo na, medyo may pera rin tayo nowadays. Kayo ba? 🙂 Nakaka-yaman yung nagpapamudmod ng regalo. Parang Kris Aquino level. First time kong mamili sa Divisoria mag-isa and surprisingly, na-enjoy ko siya. Ang best ng Divisoria. Tangina. Lahat andoon na! Pwera lang jowa. WOW. 🙂 Kung anu-ano ang tinitinda sa Divi. Wala ngang nasunod sa checklist ko kasi lahat nabago. Nakakaloka! Na-in love talaga ako sa beauty ng Divi. Soobrang buhay na buhay ang lugar na ‘yun. Aliw na aliw ako sa mga paninda doon kaya super enjoy ang pamimili ko. Deadma na sa may mga putok at pawisang masa na makakagitgitan mo. Part yan ng experience. 😉 Ako rin pala ang nagbalot ng mga gifts after. EFFORT! And natuklasan ko na ang gift wrapping is a special skill. Either you have it or you don’t. Apparently, I don’t. AS IN! Kaya naman any-any na lang ang pagbalot ko. My God! Pero alam naman nating sa huli, it’s the thought that counts. Or it’s kantot that counts. CHAR! 😉

At isa pang bagay ang dapat nating ipagpasalamat ay yung fact na hindi nagunaw ang mundo last December 21! Tanginaaa. Thank you, Lord! Naka-leave pa naman ako that day para at least ready. Hirap namang maabutan ng end of the world sa office. Loser much! Salamat naman Lord at sa kabila ng mga kasalanan namin ay binigyan mo pa kame ulit ng chance na mabuhay. Nakakaloka yung nadisappoint ang iba na hindi nagunaw ang mundo ha! Tangina. Gunawin ko kaya mga bahay n’yo?! Leche. Sana nagpa-sign up na lang si Lord kung sino ang gustong mawala na sa mundo. Voluntary exit ang peg. Tapos yung mga nag-sign up, ihulog n’ya sa kumukulong apoy! Kingina. Hindi pa nga ako nagkaka-jowa so bawal pa ang end of the world. 😉 Love ko pa rin ang mga Mayans kahit na nagkamali sila ng predict. At least nabigyan nila tayo ng wake-up call sa mga ginagawa natin sa mundo. Kaya naman sa second life nating ito, sikapin nating maging mabuti at mahalin ang buhay. Lakas maka-El Shaddai nung line na yun. Amen. Or Emen. Pwede ring Ehmen. 🙂

Traditional Santa Claus3

Excited na ako sa New Year! Bagong taon, bagong pag-asa! Bagong taon, bagong aura! Nae-excite na ako sa mga pakulo at kaganapan sa 2013. Shet! Sana naman ay mas maging masagana ang bagong taon para sa ating lahat! Sagana sa pagkain, sa pera, sa kalusugan at syempre sa sex. Yun oh! Sana ay hindi maging nega ang 2013. Medyo scary din kasi may number 13. OMG! Alam n’yong bad luck ang number na ‘to. Gosh. Pero, tuloy lang ang laban. Tuloy ang buhay. Sama-sama tayo sa hirap at saya sa 2013. 🙂 Gumagawa na ba kayo ng new year’s resolutions? Naku itigil n’yo na ‘yan kasi hindi naman ‘yan natutupad. Huwag na kayong magpanggap. Go with the flow na lang.

At sa blog ko naman, asahan n’yo na MARAMING pasabog ang Yours Truly, Madma sa 2013!!! Abangan n’yo ang mga pakulo ni Madma sa mga susunod na araw. Itotodo natin ito. Hindi tayo titigil sa mga pasabog! Patuloy nating babaguhin ang mukha ng blogging world. Mas pinalakas, mas pinabongga at mas pasabog na YTM sa 2013! SHET! Excited na ako! Kapit kayo.

Maraming salamat sa tiwalang binibigay n’yo kay Madma. Salamat sa suporta at pagmamahal. Salamat sa mga fans na walang sawang tumatangkilik sa blog na ito.

I love you all. Merry Christmas and Happy New Year to everyone!

To end this post, hayaan n’yo namang i-serenade kayo ng ultimate idol ko na si Ms. Regine Velasquez. Super galing n’ya sa kantang ito! Kung ganito ang mangangaroling sa amin, ibibigay ko agad ang bahay namin! Pota. Kahit kapatid ko ibibigay ko na. 🙂 Go, Regine! Ito pala ang rendition ni idol ng song na “O, Holy Night.” BEST! GRABE! ❤


____________________

Ang galing ni Regine! Pota. Excited na sa resbak ni idol sa “Silver Rewind.” Sa January 5, 2013 na ito sa SM MOA Arena. Caaaaaaan’t wait! Shet. Sana naman hindi na siya paos by then. 🙂

Ito pala ang teaser ng “Silver Rewind.” Wooooh!


___________________

So, there. See you all next year. Which is next week na rin pala. 🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://hhdwallpapes.com/desktop/happy-new-year-2013-hd-wallpapers-new-year-wishes-photos-1080p/.html?pid=926; http://hhdwallpapes.com/festival-celebration/happy-christmas-2012-hd-1080p-wallpapers-desktop-photos/.html?pid=542 and http://christmas-santaclaus.blogspot.com/)

P.S.

Malapit na ang pagbabalik ng mga inaabangan at kinalolokohang payo ni Madma! Kaya naman ipila n’yo na ang stories n’yo habang maiksi pa ang pila.

Ipadala ang inyong nguyngoy at ngasngas sa: yourstrulymadma@gmail.com. Sulat na para ma-feature na kayo sa YTM! GO!

P.P.S.

Isang bonggang pagbati sa aking CF na si Mr. Albert Konrad de Luna! Binabati kita sa iyong ika-28 na kaarawan. My God! Malapit ka na mag-30 years old ha. At least may jowa ka na. Yikeeee… 🙂 Gaya ng sabi ko, masaya ako sa mga pagbabagong dumarating sa bahay mo. Andito lang kame para sa’yo. Laban lang!

I love you, CF. Sana baguhin mo na yung mga “masasamang” ugali mo. 🙂

CFs
_______________________

And since birthday mo ngayon CF, hayaan mong kantahan ka ni idol Regine ng isang “simpleng” Christmas song. Ito na lang ang regalo n’ya sa’yo. hahaha

Presenting, Regine Velasquez in scat singing! PANALO!!! Mahusay. Wagi. Pak. Regine is lurve. ❤


_________________________

Advertisements

Waging-wagi ka, Ms. Janine Tugonon!

Janine

Dear fans and followers,

TANGINAAAAAA! 1st Runner-up tayo sa Miss Universe 2012! WOW naman! Super congrats sa ating manok na si Ms. Janine Tugonon. Pak na pak ka ‘Te! Grabe yung nerbyos at kaba ko ha. Muntik na akong putukin. Char. 🙂 Sayang nga lang at hindi siya nanalo as Miss Universe. Tangina soooobrang lapit na ni Ms. Janine Tugonon sa korona! GRABEEEEE! Isang kembot na lang, sa kanya na sana ang crown!!! Pota naman oh. GRABEEEEEE! Hindi ako maka-move on sa part na ito! Ano baaaaa. 😦 Eh kasi naman ang lapit na talaga eh! Haaaaaayyyyyyy…. Isang taon na naman ang hihintayin natin para rumesbak! Dapat monthly na lang yung Miss Universe eh o kaya quarterly. Tagaaaaaaaal pa ng December 2013! Leche. 😦

Waging-wagi na rin si Ms. Janine sa puso nating lahat. Imagine ha, 89 candidates all over the world ang pinabagsak ni Ms. Tugonon. Si Manny Pacquiao nga hindi napabagsak ang kaisa-isang kalaban n’ya eh. Nakatulog pa si Kuya. So, I think mas malakas talaga si Ms. Janine! Pak! 😉 Kaya naman, isang MALAKAS at DUMADAGUNDONG na shout ouch sa’yo, Miss Philippines Janine Tugonon. WINNER KA! 🙂 Muli mong pinatingkad ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo. I’m sure, kilalang-kilala na talaga tayo ng mga foreigners. Feeling nila ang gaganda ng mga tao rito. Which is partly true. May mga pangit din kasi talagang nahalo sa atin. Kilala n’yo kung sino kayo.

Panalo ang sagot ni Ms. Janine sa Q & A portion. WAGI! Short, sweet and very direct to the point ang sagot ni Ma’am. Tangina. Kalkulado ang bawat bitaw ng mga salita! WINNER talaga! After kong ngang marinig yun, alam ko na mananalo siya eh. Ang tanong pala sa kanya is: “As an international ambassador do you believe that speaking English is a pre-requisite to be Miss Universe?” Ang tugon naman ni Ms. Tugonon sa tanong na ito ay: “For me Miss Universe is not about being able to speak a particular language, it’s about being able to influence and inspire other people. No matter what language you speak as long as you have the heart you can inspire other people.” WINNER!!! 🙂 Bakit ba si Miss USA ang nanalo?! Medyo “dubious” din ako sa resulta ha. Saan nga ulit ang venue ng Miss Universe? Sa Las Vegas, USA, right? Hmmm… Hayaan na nga. So much for being nega. 🙂 By the way ha, sabi sa rappler.com, this is the 8th Miss Universe title for USA with wins in 1954, 1956, 1960, 1967, 1980, 1995, and 1997. Shet. Hayaan na nga. Hayaan na nga. Bigay na natin sa kanila. Nasa kanila na eh. After all 1st Runner-up is 1st Runner-up. And Anna Dizon is Anna Dizon. Tanggapin na natin ‘yan. Move on na. 🙂

Top 5

Ang saya nung Miss Universe 2012!!! Talaga namang tumigil ang mundo ng mga sangkabadingan. Ito na ang katumbas ng Pista ng Nazareno para sa mga bading. Kung may “Pacman Day” ang mga lalakng maton at mahilig sa boxing, may “Miss U Day” naman ang mga bading at mga girls. I’m sure yung iba nag-leave pa sa office para makapanood ng live. Yung iba naman nagsakit-sakitan na lang kasi ubos na yung leave. Sure ‘yan! Ang dali na rin talagang ma-track ng mga bading nowadays. Wala ng challenge masyado. Kabisado mo na yung galaw ng bituka nila. Mababasa mo na ring yung hilatsa nila. Love it! 🙂 Agree ako sa comment ng iba na kapag absent ang officemate mo na guy ngayon, ALAM NA ALAM NA! 🙂

Hindi ako nag-leave today pero pinabuksan ko ang TV dito sa opisina para makapanood ng live. Powerful ‘no? 🙂 Syempre hindi dapat mahuli ang Diva! Ako pa ba yung papahuli? ‘Eh mas nauna pa nga akong maging bading kaysa sa iba d’yan. Excuse me naman. 🙂 Dapat talaga national holiday na rin ang Miss Universe pageant eh. Paging PNoy! Ibigay mo naman sana itong simpleng hiling na ito. If I know, ayaw mo ring naaabala habang nanonood ng Miss U. Char. 🙂

Ibang level talaga ang sayang dulot Miss Universe! RUROK! Pangarap din kasi ng lahat ng bading na sumali sa isang pageant. I’m sure noong mga batang bading pa lang sila or so-called “badette” ay nakasali na rin sila sa mga kunya-kunyariang Miss Universe along with other fellow badettes. Alam na alam ko ‘yan. Napagdaanan ko rin ‘yan. 😉 In fairness, matangkad din ako noong bata ha. Long-legged din ang Madma n’yo.

Muli, binabati ko si Ms. Janine Tugonon! Galing! 😉 Medyo hawig n’ya rin si Ms. Mirriam Quiambao ha. Dapat pala mga ka-peg ni Mirriam ang manok natin. Lakas ng chance manalo! Nakaka-exotic beauty. Congrats ulit, Ms. Janine. Mahal ka namin. ❤

So ayun naman. Grabe yung hindi ko talaga napigilang hindi mag-blog about this despite my super busy schedule. Naisingit ko rin talaga itong nguynguy ko on Miss Universe 2012 agad-agad ha. Na-amaze ako na dere-deretso agad ang daloy ng thoughts ko pag harap ko sa computer. Parang daloy lang ng kanal. LOVE IT! Alam na talaga. 🙂 Sana naman next year makuha na natin ang korona!!! Pota. Sabi pa sa article ng rappler.com, “this is the Philippines’ best finish since Miriam Quiambao in 1999. It is also the 3rd consecutive year that a Filipina has made the Miss Universe Top 5. In 2010 Venus Raj was 4th Runner up and in 2011 Shamcey Supsup was 3rd runner up.” Yun oh! FYI din, 1973 pa nung huling maiuwi ang Miss Universe crown sa bansa. Si Ms. Margie Moran ang huling Pinay na nakasungkit ng korona. TAGAL NA! Hindi pa ako pinapanganak noong 1973! My God. Sana talaga next year tayo na ulit. Lagi lang tayong muntik-muntikan in the past years. Haaaay.

So there. Malapit na ang Pasko! Wooooh. Bukas ay December 21 na pala a.k.a. End of the World as per Mayan Calendar. SHET! Ano kayang mangyayari bukas? ABANGAN…

I miss you all! Sorry naman at bihira mag-post. Ang busy ng Madma n’yo. Kaliwa’t kanan ang mga kaganapan. GRABE! Bawi na lang ako after ng Christmas season. 🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://ph.omg.yahoo.com/news/ph-rep-janine-tugonon-conquers-miss-u-prelims-035138770.html and http://www.rickey.org/miss-universe-2012-winner-results/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=miss-universe-2012-winner-results)

(Additonal sources: http://www.rappler.com/life-and-style/18252-miss-philippines-wins-1st-runner-up-at-miss-universe-2012 and http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Miss_Universe_titleholders)

P.S. Happy Birthday ulit to my TF, Mr. Rustan Paolo Baltazar. 🙂 Hindi na tayo nag-aaway! Away naman! 😉 Salamat sa pag-invite sa akin sa bahay n’yo kagabi. In fairness to me, two consecutive years na pala akong sole visitor sa bahay n’yo tuwing birthday mo ha. Ako na! 🙂 Sarap ng spaghetti ni Tita. PANALO!

Stay happy, TF. Huwag mo na akong aawayin ha? WOW. 🙂 I love you. 🙂

Stan

P.P.S. Malapit na ang “Silver Take 2” ni Regine Velasquez!!! January 5 na ito sa SM MOA Arena. Woooooh! Hindi na ako makapaghintay na marinig ang resbak ni Songbird. Pota. 🙂 Check n’yo pala itong very recent na video n’ya. Partida ha, rehearsal pa lang ‘yan! Shet.

Enjoy. ❤

___________________________________

 

Madma, Kasado na sa Miss Engineering 2012

Image

Dear fans and followers,

At talaga namang kasado na si Madma para i-host ang pinakabongga at inaabangang “Miss Engineering 2012.” POTA! Bukas na pala ito! Nami-miss ko ang energy ng mga UP Engineering people. 🙂

Magkita-kita tayo sa UP University Theater bukas, 6pm. SOOO EXCITED! I miss this! 🙂

O, ito ang patikim para sa event bukas! Woooh!!!

_______________________

PANALO! 🙂

Muli, maraming salamat sa UP Engineering Student Council. Salamat sa muling pagtitiwala kay Madma. I love you all. ❤ Shet, sana naman ay kayanin ko pa rin ang pagho-host ng event na ito. 🙂

See you all!!!

Yours truly,

Madma

P.S. Since weekend ngayon, hayaan n’yong pakiligin kayo ni Madma sa pamamagitan ng pagbabahagi ng NAKAKAKILIG na letter na ito! Shet. Kilig overload naman!

Ang letter na ito ay galing sa aking kumare na si Ms. Joy Huiso-Geronimo. Ito ang kanyang “Special Gift” para sa kumpare kong si Mr. Ferdinand Geronimo. NAKAKALOKA! Ang tamis-tamis n’yo! Shet.

Happy 8th Year Anniversary sa inyo. I love you both. <#

Ito na! Basahin na ang nakakakilig na letter na ito. Weeeeh.

___________________________________________

Image

“WHY MY HUSBAND IS A BETTER GROOM THAN ZOREN”

Watching the Zoren-Carmina wedding last November 24 brought me the memories of my own wedding. But while watching the kilig-much wedding of the lovely couple, my shy-type husband asked me if there was anything that I envied from them, or did I wish that he had done the same thing, or have I prayed that our wedding be as grand as theirs. I just smiled at him and placed a soft kiss on his cheeks(I am one of the most contented wives in the world). I was just happy for the Zoren and Carmina. My tears had nothing to do with our wedding.

Our boyfriend-girlfriend relationship is approaching to its 8 years, and I have been thinking of a gift for him, material gifts were not one of my options. Then I came across this thought. Since the Filipinas have claimed that Mr Zoren Legaspi has set the notch higher for men proposing to their girlfriends, and adding pressures to the future husbands, I have stood up and claimed that my husband is a better groom and fiancé than Mr Zoren.

Now here are my positions.

  1. Zoren took 12 years before he the guts to ask Carmina to marry him (though they have expressed that the wedding ceremony was the only thing they do not have, and the “marriage” within their family), my husband only took him 2 years  (sapilitan pa yan ha, hahaha).
  2. Zoren had to ask their lovely twins for help in the wedding preparations. Imagine the stress that he gave the twins! JosmioMarimar. (Actually, cute ang thought at gusto ko rin yun, pero hayaan nyo na ako hahaha para lang ma-iba at syempre para bongga ang dating kay husband). My husband only asked our 2 year old daughter to be the mini-bride on our wedding. No hassles.
  3. Zoren had to ask to many people to help him pull off that kind of wedding, from their managers to their sponsors to their networks (that is called CONNECTIONS, hehehe). Whereas, my husband only asked ME to help him give me the wedding we both wanted. Wala kaming wedding planner, we did our own invites, we shopped and made our own give aways. We “tried” to plan everything (but really, there were those little hands that helped us on that very day, kilala nyo na mga sarili nyo, BIG thanks to you!).
  4. … and my last position is, I did not marry a Zoren-like guy. I married Ferdinand R Geronimo. Not just any guy, but THE Ferdinand R Geronimo.  Nothing could make me wish for someone better.

There. I gave you 4.  Mainggit ang mainggit. 😛

But it has never been all about comparing what my boyfriend-then did, or what any man did for his girl. It is all about how they profess their love, in every way they know. The Wedding Like No Other might have sparked a few, but personally, I will never swap my wedding with that kind of. Not that we do not want to spend so much, but it is the feeling that is un-exchangeable. Every wedding, every bride experiences unique emotional abnormalities on her big day. Yes, there is the smiling-crying-sobbing-crying again and whatever emotions but every bride has her own story.

And as for me, I am not asking for some Zoren-type guy. I am simply happy and very much contented on how my Ferdinand surprises me with pop-up questions and spontaneous gimiks. I am blissful on how he made me feel on my big day. How he made me feel that I am, and will always be the most beautiful girl (now this is arguable today since we have a daughter who WE think is the most beautiful creation of God J) he has met. Tutok kung tutok ang dating ng lolo, bawal ako makatakas hehe. And I am in no position on demand for more than how he is weaving our love story today.

We all have our imperfectly perfect partners. And I am here to claim that. My husband will always be a better groom that Zoren, whether you accept it or not I have made my point.

Happy Anniversary, Daddy!

I love you. ❤

___________________________________

NAKAKALOKA! Shet. Kinikilig ako nang todo. 🙂 Salamat sa sulat mo Mareng Joy! BEST. 🙂

Cheers to forever. 🙂

At dahil d’yan, hayaan n’yong i-serenade kayo ng favorite singer ko na si Ms. Regine Velasquez. 🙂 Enjoy.

_____________________________________

Si Madma at ang “PacMarquez 4” Event

pacman-marquez

Dear fans and followers,

I’m sure nalungkot kayo sa pagkatalo ni Manny Pacquiao sa nakaraang labanan nila ni Juan Manuel Marquez. Napanood n’yo ba? Hindi ko kasi napanood ‘eh. Hindi ako nanood ng boxing. Hindi ko ito genre. Nasa simbahan kasi ang Madma n’yo para mag-Ninang sa binyag habang nagbubugbugan sina Pacman at Marquez. Lakas maka-Sharon Cuneta nung nagni-Ninang ha. Aminin n’yo. 🙂 Grabe yung luwag ng EDSA last Sunday! Panalo! Hiyang-hiya ang pwet ng bottomera sa luwag. Char. 🙂 Iba talaga kapag may laban si Pacman. Nagmi-mistulang ghost town ang mga kalsada. Swabe ang byahe. Sing-swabe ng byahe sa mga first world countries! Sana ma-consider ng MMDA na ilaban si Pacman everyday para ma-solve ang nakakalokang traffic sa Pilipinas. I think very effective na strategy ito! Paging MMDA.

In fairness, ang daming nanghihingi ng opinyon ni Madma hinggil sa resulta ng “PacMarquez 4” event. Ang mum ko raw about it. Kaya naman, ito na! Since hiningi n’yo ang boses ni Madma, ibibigay! 🙂

Una sa lahat, gusto kong sabihin na marami akong issues sa boxing as a sport. Hindi ko talaga ito gusto at naniniwala akong hindi ito mabuting activity. Hindi ako masaya na makita ang dalawang taong nagbubugbugan at nagpapatayan. Hindi ko naiintindihan kung bakit sinusuportahan ng maraming tao ang boxing. Sa normal na buhay, kapag may dalawang taong nagbubugbugan sa labas ng bahay or sa kalsada, hindi ba’t isusumbong natin ito sa barangay para ipatigil? Tapos kung may batang nakakita, sasabihin natin na huwag itong gayahin kasi MASAMA ang pakikipag-suntukan? Hindi ko talaga makuha ang point ng boxing. Hindi ako naaaliw. Hindi ako natutuwa. Live-action patayan ang boxing mga Ma’am! Konting pag-analyze naman. Grabe.

Nakakalungkot yung nakakalimot na ang marami sa atin na magtanong. Ang sad nung marami sa atin ang tumigil na sa pag-question ng mga bagay-bagay sa mundong ito. Nagugulat ako na ang daming humaling na humaling sa boxing sa kabila ng katotohanan na literal na PATAYAN ang ginagawa ng mga boxers. Naloloka ako sa suportang binibigay ng mundo sa boxing. Yung mga wagas kung makasigaw sa galak habang duguan at halos mamatay na ang mga boxers sa boxing ring. Hindi ba kayo kinikilabutan sa scenario na ito?! Ilang boxers na ba ang namatay dahil sa boxing? Ilang boxers na ba ang na-coma at na-paralyze dahil sa larong ito? My God! Hindi ko alam kung nakalimutan na ng mundo na BUHAY ng mga totoong tao ang nakataya sa larong ito or sadyang makitid lang ang utak ko at umaarte lang ako kaya hindi ko siya nae-enjoy. Hay. 😦

PacMan

Natatakot ako sa fact na tanggap ng buong mundo ang boxing. Hindi ko naiintindihan kung ano ang nakakatuwa sa boxing. Hindi ko nauunawaan kung bakit enjoy na enjoy ang maraming tao ang boxing. Hindi ko gets kung bakit nakasuporta ang buong mundo sa larong ito. I just don’t get it AT ALL. Kung ako ang tatanungin, ang boxing ay porma ng patayan na nagtatago sa concept ng “sport.” Ito ang modern day “Gladiator” at ang real life “Hunger Games.” Ganun ang basa ko sa d’yan. I don’t even consider boxing as a sport kasi it’s not healthy AT ALL! Healthy ba yung buhay ng mga players ang nakataya at pwede silang mamatay at any point in time of the game? I don’t think so.

Ewan ko kung ako lang ang nag-iisip ng mga bagay na ito. Baka masyado lang akong critical. Baka dahil bading lang ako kaya hindi ko nae-enjoy ang boxing gaya na pag-enjoy ko sa videoke at pagkahumaling ko kay Regine Velasquez. Hindi ko alam. Basta ang alam ko, hindi ako masayang nakikita ang dalawang tao na nagpapatayan. Period. Magalit na ang mga magagalit sa akin. Suntukan na lang oh! WOW. Ayaw pala ng boxing ha. 😉

Mag-reflect din kayo mga Ma’am. Mag-isip isip din kayo. Pagmuni-munihan n’yo rin ang mga sinabi ko. Hindi naman ako nagpapaka-moral at nagpapaka-santo rito ‘no. Makasalanan din naman ako at gumagawa rin ng masama at times gaya ng pagnanakaw. CHAR! 🙂 Hindi ko naman kayo nire-recruit na paniwalaan ang beliefs ko. After all, may kanya-kanya tayong pag-iisip at paniniwala. I just want to share my views on boxing. That’s all. Thank you.  🙂

Para naman sa tanong na dapat pa bang lumaban ulit si Pacman, ang sagot ko ay bahala siya. Malaki na siya. Kaya na n’ya mag-decide. Busy ako sa Christmas shopping para atupagin siya. After all, buhay naman n’ya ‘yan so siya na bahala kung paano n’ya ito gagamitin. Siya naman ang sasapakin sa ring so ibibigay ko na sa kanya ang desisyon. Shet. Hindi ko talaga keri ang concept ng suntukan. Grabe! Pero huwag n’yo rin akong hamunin kasi baka magsisi rin kayo. LAKAS! Paano kayo kung hamunin ni Pacquiao si Madma after reading this post? Ano tawag sa laban namin? “PacMadma: The Ultimate Fight?” WOW. 🙂

Kung hihingan naman ng payo si Pacman kay Madma, sasabihin ko sa kanya na tumigil na siya sa pagbo-boxing habang nabubuhay pa siya nang maayos. Habang malakas pa siya at nasa matinong pag-iisip. Mabuting i-spend n’ya na lang ang natitira n’yang buhay para makasama ang pamilya n’ya at mahal sa buhay. Maswerte siya dahil buhay pa rin siya after all that suntok and sapak na inabot n’ya sa lahat ng laban n’ya. Mapalad siya. 😉 Kung nag-aalala siya sa pera at baka magutom ang pamilya n’ya kapag tumigil siya sa boxing, PLEASE! Tigilan n’ya ako! Sa dami ng pera n’ya, kahit second and third life n’ya at ng pamilya n’ya, isama na ang pamilya ko, ay covered na. WOW. Sinali rin talaga ang pamilya ko ha. Bakas din ha. 🙂

So there. Yun lang naman. Just my two-four cents. 🙂 Avail n’yo naman ang range!

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://www.pinoygigs.com/blog/category/sports/)

P.S. Babalik na naman tayo sa kinahuhumalingan n’yong payuhan soon! Abangan ang ating pasabog featured story! Shet. 😉

Kung may nguynguy kayo sa buhay, ipadala lang ‘yan sa yourstrulymadma@gmail.com. Sumulat na kayo para ma-feature kayo sa YTM at para makatanggap kayo ng pasabog na payo mula kay Madma.! GO NA!

Malapit na ang Christmas! Pota. Ang bilis ng araw! Kaya naman hayaan n’yong kantahan kayo ng idol kong si Ms. Regine Velasquez. 🙂 Excited na ako sa “Silver Take 2” sa January 5. Wooooh! Nakapagpalit na ako ng ticket for her concert. POTA!

Enjoy the video. 😉 Ito pala ang unang birit ni Regine matapos ang pagkawala ng boses n’ya sa “Silver Concert” last November 16. SHET. She is sooooo back!!! 😉

________________________________

 

Matapang ka? Magpa-test ka!

hiv-aids

Dear fans and followers

Kamusta na ang mga beauty n’yo? Ang busy kapag December! Grabe. Kaliwa’t kanan ang mga gimik. Laging puyat. Ang todo ng gastos. Parang hindi natatapos ang mga kaganapan. Nakakaloka. But of course, super happy naman! 🙂 Ang saya rin talaga nung mga bonding moments slash reunions with your close friends. Magastos, yes. Pero, best! PRICELESS. 🙂

Bago ako chumika, gusto ko pala munang  i-mention na ang init ng December na ito! Tang ina. HOTTEST EVER! Ramdam n’yo ba? Grabe yung pinagpapawisan tayo ngayong December ha! Pati electric fan ko umiiyak din sa init. Ibang level ang alinsangan ngayon lalo na sa gabi. Ang lagkit ng feeling.  Hindi pwedeng hindi maligo. My god! Nasaan na ba ang tinatawag na “simoy ng Pasko?” Na-late?! Parang summer nga ngayon ‘eh. Aminin n’yo! Parang kering-keri magsuot ng bathing suit at mag-swimming. Ayoko ko pa naman ng init. Andami kasing pinuputok ‘eh. Lalo na sa MRT! Kairita.

Anyway, gusto ko pala i-share sa inyo na nagpa-HIV-AIDS test ako kahapon. At salamat naman sa Diyos at lahat ng mga tests sa akin ay negative or non-reactive. PAK! 🙂 Ito lang yata ang negative na masaya! 😉 Nakaka-alarm kasi yung pagtaas ng HIV cases sa Pilipinas lately kaya agad-agad din talaga akong nagpa-test. Aba, mabuti na ang sigurado ha! Mahirap ang nabubuhay sa agam-agam.

Admittedly, I have been very naughty this year. Yun oh! 🙂 Kaya naman hindi ako nage-expect ng kahit na anong regalo kay Santa Claus ngayong taon. Hindi rin talaga ako naging “behaved” this year. Sabihin na nating naging “sagana” tayo sa taong 2012. :)Andami kasing “tukso” nowadays ‘eh. And sadly, bumigay din talaga ako. Naging mahina ang Madma n’yo. 🙂 Pagbigyan n’yo na rin. Late bloomer na nga ako ‘eh. Late last year lang talaga ako nagsimulang “mag-bloom.” O, ‘di ba very late na?! Bordering to expiration na?! I’m sure yung iba sa inyo lumandi na agad the moment na natutong maglakad kaya huwag kayong magmalinis d’yan. Char. 🙂 Mapili rin kasi ako ‘eh kaya super late bloomer ako. Hindi ako kumakain ng “basura.” LAKAS! To be honest, hindi naman kasi talaga ako sexual na tao. Mas bet ko pang chumika at dumaldal. Mas mataas ang need ng bunganga ko kaysa sa need ko for sex. So there. 😉

Nakakatuwa na maraming nagpa-test doon sa center na pinuntahan ko kahapon. Isang malakas at dumadagundong na SHOUT OUCH para sa “Take The Test Project” para sa kanilang bonggang FREE and confidential HIV testing initiative. BONGGA talaga! Panalo ang services nila. Nagbigay sila ng HIV Counseling & Testing, Syphilis Testing, Referral to Treatment Hubs, Referral to support groups, Training on Basic STI, HIV & AIDS Education etc. PANALO TALAGA! Super saya ng chikahan ko with my assigned counselor. Shout ouch naman kay Sir Ryan Rovero Pinili. Salamat sa “pagpili” sa akin. WOW. 😉

TTT

Ang  “Take The Test Project” din pala ang nasa likod ng pasabog at napaka-kontrobersyal na “Maalalaala M0 Kaya” episode na pinamagatang “Pulang Laso” starring Carlo Aquino and Joem Bascon last December 1, 2012. Alam n’yong nakakaiyak ang storya nila Kevin and Allan! Sniff. 😦

Here is the trailer of “Pulang Laso” para ma-refresh kayo.

__________________

Galaw-galaw na mga Ma’am lalo na yung mga super dalas at ginagawang kanin ang pakikipag-sex. Pa-test na kayo! Sabi sa nabasa kong article sa rappler.com, “globally, the AIDS response is on the upswing. But the Philippine story is something else. UNAIDS’ 2012 report showed a 25% increase in new HIV incidents in the country.” Dagdag pa, “in 2012, at least 9 new cases of HIV or AIDS are reported every day, compared to only 1 new case every three days in 2000. If the trend continues, DOH projects up to 37,000 new cases of HIV in 2015, the supposed deadline to reverse HIV incidents set by UNAIDS.” OMG! Nakakalokaaaaa. 😦

Sabi naman sa article ng PhilStar, “based on the DOH’s Philippines HIV and AIDS Registry, the new infections brought to 2,761 the number of HIV cases since January this year, including 148 AIDS cases and 11 deaths. The registry showed that of the 295 cases, 93 percent were males while 57 percent were in their productive ages of 20 to 29 years.” Grabe yung more than 2,000 ang new HIV cases sa bansa this year alone! SCARY! 😦

Ang common mode of transmission pala ng HIV ngayon is MSM or Men who have sex with men. Yun na oh! Dami na kasing bading nowadays ‘eh. And malalanding bading for that matter. Daming promiscuous. Mukhang anghel sa labas pero WILD at laging nakatambay sa kama. Naku! Kaya naman ingat-ingat din tayo mga Ma’am. Hindi porke’t mukhang masarap, kakainin na! Ingat din talaga. Masarap ang sex, yes. Pero pwedeng ikamatay kapag hindi naging maingat. Isang maling galaw lang, tapos ka! Once na nakapasok na ang virus sa katawan mo, wala na! Kaya naman inaanyayahan ko ang lahat na maging matapang para magpa-test. Labanan ang stigma sa HIV! PLEASE! Hindi n’yo ikayayaman ang takot at hiya. Huwag n’yo ng hintayin na kayo na ang maging susunod na biktima. Huwag kayong matakot! Diyos ko naman. Test lang ‘yan! Para ka lang nagpa-check up ng ubo and the likes. Kukunan ka lang ng konting dugo for testing at i-interviewhin. Yun lang! Anong mahirap doon? Hindi ka nila pagwawalisin nor paglalabahin. Promise! Mahirap mabuhay sa agam-agam mga Ma’am kaya go na!

Ang hirap kasi sa iba, nauunahan agad ng takot. Yung tipong natatakot malaman ang katotohanan kaya natatakot magpa-test. Nega agad ang mga pota. Hindi pa man nagpapa-test, guilty na agad na positive sila. O, ‘di kayo na ang  may sariling testing center sa utak. Not likey ‘yan! Ano ba ang mas nakakatakot? Yung alam mo ang status mo o hindi? Obviously, mas mabuting alam mo ang HIV status mo! Duh. Kung negative ka sa test, congrats! Kung positive ka naman, so be it. Face it. After all, ikaw naman ang gumamit ng katawan mo so wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo. Hinahamon ko kayong magpa-test. Magtulungan tayong maging HIV free ang bansang ito. Bahay natin ang Pilipinas. Tungkulin nating protektahan ito laban sa lahat ng panganib!

May mga kilala akong HIV positive at nakakalungkot na ilan sa kanila ay kaibigan ko. Yung dating HIV statistics lang at figures na binabasa ko, ngayon may mukha na. Nakakalungkot talaga. 😦 Kaya naman, ipinangako ko talaga sa counselor ko na magiging maingat na ako nang bongga! Abstinence na ‘to! Jakol na lang. WOW. 🙂 Iniisip ko na ngang mag-madre ‘eh. Arte pa?! Ibayong pag-iingat talaga ang kailangan sa panahon ngayon. At mabuting simulan ito sa pagpapa-test for HIV. Kaya go na! Pa-test na! Agree din ako panawagan na magpa-test din ang mga mataas na government officials natin para mahikayat ang lahat na magpa-test. Kailangan kasi talaga mawala yung “stigma” at “takot” sa HIV testing ‘eh.

Yun lang naman. Sana ay nahikayat kayo ni Madma. AIDS Awareness month pala ngayon so ito ang best time para mag-take ng test! Tandaan, hindi kayo nakakasigurado unless magpa-test kayo. Huwag kayong kampante. Huwag n’yong i-base ang HIV status n’yo sa gut feel n’yo. PAK! GO NA!

Yours truly,

Madma

(Sources: http://www.rappler.com/nation/16494-rising-hiv-cases-in-ph-buck-global-decline; http://www.philstar.com/headlines/2012/12/04/879865/hiv-cases-%E2%80%93-doh; and http://www.doh.gov.ph/sites/default/files/NEC_HIV_Feb-AIDSreg2012.pdf)

(Photo credit: http://exministries.wordpress.com/2012/11/28/the-truth-behind-hip-hop-cdc-us-aids-epidemic-fresh-in-risk-taking-youth/ and

P.S. Bisitahin n’yo ang website ng “Take The Test Project” para malaman ang next nilang schedule for FREE HIV testing! Again, it’s for FREE! So wala ng dahilan para umarte-arte!

“Take The Test Project”

Website: http://www.takethetest.ph/

Facebook: http://www.facebook.com/takethetest/info

__________________

Shocking Diva Demands

Diva

Dear fans and followers,

Anyare na?! Wednesday na. Or should I say, Wednesday pa lang! Ang tagal naman ng weekend. Irita.

Mag-bonding na nga lang muna tayo para ‘di nakakainip. Gusto ko pa lang i-share sa inyo itong nakakalokang article tungkol sa kaartehan ng mga favorite nating Hollywood Divas. Aaaay. Alam n’yong fascination ko ang mga Divas bilang isa rin akong Diva in my own little way! WOW. 🙂

Ang taray nitong article na ito kasi naisawalat talaga ang mga shocking bordering to nonsense demands ng mga iniidolo nating Divas while they are on tour. Yes, maarte sila sa totoong buhay. Demanding ang mga bitches! Kaloka. Sila na talaga ang pinagpala sa mundong ito! Grabe. Pero nakakatuwa rin yung mga demands nila ha. Ang weird ‘eh. Nakaka-shock! Very outrageous talaga!

Enough of my intro.  Basahin n’yo na lang ito para maloka kayo! Magugustuhan n’yo ‘to kasi mas makikilala n’yo ang pagkatao ng mga Hollywood Divas na kinahuhumalingan n’yo.

GAME! Basa na! Alamin ang mga nakakalokang pakulo slash kaartehan ng mga sikat na Hollywood Divas.

_________________________

Mariah

(Photo source: http://www.examiner.com/article/mariah-carey-edged-out-by-hannah-montana-on-the-charts-mariah-fans-astonished)

Mariah Carey

We wouldn’t be surprised if we looked up “diva” in the dictionary and saw a picture of Mariah Carey. While the Grammy-winning singer certainly has the pipes and resume to back up the title — she holds the record for most no. 1 singles by a female recording artist — does her Billboard status justify her outrageous demands?

According to sources, she’s been known to demand Cristal champagne with bendy straws to drink it, two dozen white roses, and dark-colored couches without busy patterns for her dressing room.

Of course, that’s nothing compared to her rumored 2009 demand for 20 white kittens and 100 white doves to be released while she turned on Christmas lights at Westfield London Shopping Centre. The demand could not be met due to health hazards, but Westfield was able to accommodate her request to roll out the pink carpet for her and then shower the crowd with pink and white butterfly-shaped confetti.

___________________________

JLo

(Photo source: http://blogs.babble.com/famecrawler/tag/jennifer-lopez-diva/)

Jennifer Lopez

Jennifer Lopez may be doing commercials for Fiat and selling her clothing line at Kohl’s, but don’t be deceived. This former Fly Girl turned world-wide superstar is just as divalicious as the rest of them, as evidenced by her 2001 rider demanding an all-white dressing room, including white couches, white tablecloths, white candles, an assortment of white flowers, white everything!

According to Perez Hilton, J-Lo’s demands have skyrocketed in recent years. At the 2010 American Music Awards, the American Idol judge demanded a custom-fitted ferry — complete with faux leather seats, a champagne fridge, and a pair of diamond-encrusted headphones — to usher her from Cannes to Monaco.

_____________________________

Madonna performs during her MDNA tour at Hyde Park, London.

(Photo source: http://www.thecuttingsuite.com/Madonna-pop-diva-mdna-tour-demands-material-girl-the-cutting-suite-mastering-london-studio)

Madonna

Madonna is the Queen of Pop, so it’s only fitting that she would demand her very own throne while on tour. According to the Daily Mail, Madge requires a brand new toilet seat at every show, in addition to dozens of white roses and candles to protect from “negative glances and mean-spiritedness.” She also requires special Kabbalah water, which costs $5 a bottle, backstage. There must be 25 cases back there for each show!

Perhaps even more shocking is Madonna’s request to ban air conditioning in every venue to protect her vocal chords. Fans who flocked to see her Confessions World Tour in London in 2006, began fainting as temps inside the arena hit the 90-degree mark. The British health and safety council had no choice but to overrule her diva demand and flip the A/C back on.

But that’s nothing compared to the backlash Madonna received after her latest incident when she mouthed off about a bouquet of flowers given to her by a fan. In case you didn’t know, she absolutely loathes hydrangeas.

While making the rounds on her current MDMA tour, the Material Girl is traveling with a heavy load as well. Her 200-person entourage includes personal chefs, 30 bodyguards, an acupuncturist, and a yoga instructor! She even totes around a personal dry cleaner and insists her dressing room be filled to the brim with lillies and white and pink roses with perfectly trimmed six-inch stems. The singer also expects the room to be swathed in a specific fabric and outfitted with 20 international phone lines.

When Madonna retires to her hotel room, she spares no expense to make herself feel at home. An insider tells In Touch that she replaces all hotel furnishings with her own furniture shipped in just for the occasion!

_____________________________

Barbara

(Photo source: http://www.musicismylife-divasandotherbeings.com/tag/barbra-streisand/)

Barbara Streisand

This one makes no sense. She doesn’t want a clean toilet or a new toilet seat…nope! Streisand wants rose petals floating in the toilet for her. Why is that?

____________________________

Beyonce

(Photo spurce: http://www.allthatsfab.com/2009/01/21/say-word-is-beyonce-a-diva-for-real)

Beyoncé

You don’t expect her to go to the bathroom in a dirty toilet do you? That toilet better be freshly scrubbed and disenfected and the temperature better not be anything but 78 degrees.

__________________________

Christina

(Photo source: http://www.fanpop.com/clubs/christina-aguilera/images/17554346/title/diva-photo)

Christina Aguilera

During her heyday, Christina Aguilera’s contract rider was a little bizarre, but not too over-the-top — the singer demanded items like Flintstones vitamins, Oreo cookies, and soy cheese. Oh wait, this diva will wait for no one! Christina must have a police escort from the airport because waiting in traffic is too much for her to handle! Obviously, no diva should have to endure the utter agony of a red light.

These days, Christina is much more concerned with how she looks on camera. According to Perez Hilton, The Voice judge demands to watch the playback of every single scene she’s in and will make the crew re-shoot them if she thinks she looks fat.

______________________________

Britney

(Photo source: http://www.hollywoodreporter.com/live-feed/x-factor-britney-spears-video-348091)

Britney Spears

Britney Spears is really just a hometown gal at heart, and her diva demands reflect her Kentwood, La. upbringing. A music insider told us that Brit Brit was all about southern comfort food backstage at the 2007 MTV VMAs, which she washed down with a few ice-cold margaritas. Probably not the best idea before performing a choreographed routine in a midriff-baring costume and stiletto boots, but who are we to judge?

X Factor was willing to pay her $15 million to be on the show, so you can expect they would get her whatever else she wants, which is a crazy list: 10 bags of Doritos a day, 10 pieces of chicken, 12 Snickers bars, four pints of potato salad every week, six cases of Diet Coke, which must be replenished every week and 12 vases of magnolia blossoms in her dressing room.

These days, Britney’s rider is looking much healthier. According to PerezHilton, she has banned all junk food from her Femme Fatale Tour dressing room, and requires each venue to accommodate two humidifiers and a miniature gym.

However, a source recently told Perez that calories don’t count when she’s in London, as she requests portions of fish and chips for dinner backstage.

____________________________

Rihanna

(Photo source: http://www.astrolabio.net/canal/contenido/rihanna-17092010.php)

Rihanna

Keep adding on the #1 hits and keep adding on the demands. Rihanna requires black or blue drapes in her dressing room layered with icy-blue chiffon. Add on top of that an animal print throw rug that is clean and ready for her bare feet.

____________________________

Katy

(Photo source: http://www.taaz.com/makeover/katy-perry-is-not-a-diva-/A98B3gAs9t6_eT-S14gCygKk-ilhZBrZ.html)

Katy Perry

She gets very specific in her demands: coffee tables that are ”perspex modern” style and pairs of floor lamps in French ornate style and a fridge with a glass door!

____________________________

Cher

(Photo source: http://theindigoblue.blogspot.com/2010/08/cher-remixes.html)

Cher

I’m sure this is just a start for the queen…she must have an entire room dedicated for her wigs!

___________________________

ANSABE?! O, ‘di ba? Ang aarte rin talaga nila?! Akala mo naman Diyos kung maka-demand. 🙂 Pero nakakaaaliw rin ha. Aminin n’yo. Parang ‘di rin kapani-paniwala.

Basta ako kapag naging sikat (which is manyayari talaga very soon), isa lang ang demand ko: dapat puro pogi at macho ang staff na ibibigay sa akin! Dapat ka-peg ni Derek Ramsey. Ganyan. Bawal pangit sa backstage room ko. Hindi talaga ako magshow-show kapag may nakita akong chaka na hahara-hara sa paligid. SWEAR! 🙂 Wow. Diva na rin agad ha! Char lang. 😉

Stay humble everyone. After all, mamamatay din tayo. Hiram lang ang buhay natin sa mundo. Huwag masyadong mayabang. Kinukuha ng dagat ang mayayabang. 🙂

Yours truly

Madma

(Phot source: http://gloriamangi.wordpress.com/2012/06/09/a-true-diva/)

Article Sources: http://www.wetpaint.com/network/gallery/top-5-most-outrageous-diva-demands/photo/top-5-most-outrageous-diva-demands–cover-gallery and http://styleblazer.com/87495/outrageous-celebrity-demands-they-asked-for-what-while-on-tour/

P.S. Happy Birthday pala sa pogi kong friend na si Mr. Sanriel Chris Ajero. Ang wish ko ay sana matigil na ang pag-recede ng hairline mo kasi nababawasan ang kapogian mo. Sabagay, lahat naman ng kagandahan ay may hangganan. Yung akin nga rin ‘eh. Medyo alalay lang rin ako sa paggamit ng ganda ko kasi baka “maubos.” Char. 🙂 Sana rin pala ay malampasan mo na ang mga “pinagdadaanan” mo ngayon. Yun oh! 🙂

Miss you, Sani. Thanks for everything. I love you. ❤ Enjoy!

Sani and Madma

Nga pala, isa rin palang “batikang” artista si Sani. Super galing n’ya umaarte like crazy! Hiyang-hiya si Ms. Nora Aunor sa subtlety ng acting n’ya. AS IN! Minsan na rin siyang nagbida sa isang Indie film na talaga namang pinagusapan at umalingawngaw sa buong industriya. O, ha! Coco Martin ang peg n’ya. At dahil sa special day n’ya today, hayaan n’yong bigyan bigyan ko kayo ng “patikim” ng pelikula ni Sani. 🙂

____________________

Of course, Happy Birthday din sa pinakamamahal kong Lola! Woooh! Happy 68th Birthday, Nanay Nelly! More years to come. 🙂 We love you so much. See you this weekend. ❤

Doomsday na, Game Ka Na Ba?!

end-of-the-world

Dear fans and followers,

Kamusta na kayo? Ready na ba kayo sa “Doomsday” sa December 21? As per Mayan calendar, end of the world na raw sa December 21. MY GOD! So bale 18 days from now ‘yun! POTAAAA! Handa na ba kayo for this? Nakapag-empake na ba kayo? Nakapagluto na ba kayo? Nakapag-laba na ba kayo? Gosh! Parang outing yung peg ha. 😉

Scary din yung thought na alam natin ang exact date ng “end of the world” ha. Kaka-praning din talaga.  Naniniwala ba kayo sa prophecy na ‘to? And kung naniniwala kayo, paano kaya ie-end ni Lord ang mundo?! Ako feeling ko bigla na lang may malalaglag na super laking  pulang kurtina galing sa langit tapos tatabunan tayong lahat like crazy. Then biglang may words na lalabas sa kurtina na “THE END.” Tapos may mga credits na magpa-flash. O, ‘di ba? Parang ending lang ng pelikula ang peg. Mas bet ko naman na ganito ang ending kaysa sa lunurin tayo ni Lord sa tubig o ‘di kaya ay paulanin n’ya ng apoy ang mundo. NOT LIKEY! Ayoko rin yung din biglang bubuka ang lupa tapos lalamunin tayong lahat! Scary! Or kung ayaw ni Lord yung suggestion ko na may “kurtina” effect, pwede na rin sa akin yung may zombie plague para mas exciting. Parang “The Walking Dead” lang. Ganyan. Ito na yung pinakamato-tolerate ko na doomsday. At least nag-eenjoy tayo habang nagkakamatayan. Death can also be fun and enjoying, right?  Syempre hindi muna agad ako mamamatay ‘no. Hello! Bida ako ‘eh! Kayo muna or yung mga masasamang tao muna chaka mga pangit. Panglito-sila ‘eh. Pero masusugatan din naman ako tsaka made-deads in the end. Sa latter part nga lang kasi bida nga, ‘di ba? Kakahiya naman kung patay agad ako. Boring. 🙂

Watch muna natin itong video na ‘to para feel na feel natin ang end of the world! GAME!

___________________________

SCAAAARY!!! Nakakaloka yung video ‘no?! Waaaaaaah! Shet. 😦

Actually, hindi naman ako naniniwala na end of the world na sa December 21. Hindi pwede kasi ‘di pa ako nagkaka-jowa! Please lang! Huwag n’yo paginitin ang ulo ko! If ever na totoo man, well, handa ako. Sige. So be it. WOW. LAKAS! Purung-puro ang puso ha. Busilak. Perfect ang ugali! 🙂 Personally, I don’t think na ipapaalam ni Lord ang end of the world to anyone. Mahilig sa surprises si Lord, ‘di ba? So, hindi ako naniniwala na magbibigay siya ng idea sa exact date ng doomsday. Parang ang unbecoming naman ni Lord kapag ganun. Kayo ba naniniwala na magugunaw na ang mundo sa December 21? Natatakot na ba kayo? Come to think of it, mahirap din mabuhay sa mundong ito ha. So bakit pa tayo matatakot mamatay? Tapusin na ‘yan! Patay kung patay! 😉

At any rate, whether naniniwala kayo sa prediction ng Mayan calendar or hindi, I think mabuting i-note na lang natin ang December 21. Malay mo naman, ‘di ba?! Shet nae-excite ako tuloy bigla sa magaganap sa December 21. Friday ‘yan. So, nasa office tayo! Pota. 🙂 Siguro huwag na lang tayong masyadong magpa-apekto sa idea na ito for now. Baka sa kakaisip n’yo ‘eh bigla kayong mahagip ng truck habang tumatawid ng kalsada. Wala na! The end na! Gaya nga ng isang line sa isang film, ‘mangyayari ang dapat mangyari.” TRUE!

Siguro gawin na lang nating “reminder” ang bagay na ito na may hangganan talaga ang lahat. Everything will ultimately come to an end. Regardless kung alam natin ang exact date or not, lahat ng bagay ay magwawakas. Shet. Parang ang bigat ng line na ‘yun ha. 🙂 Basta patuloy lang tayong magpakabuti at gumawa ng mabuti sa sarili at sa kapwa. Covered na tayo n’yan. 🙂 Parang insurance lang. Hindi naman ako perfect na tao. May masama rin akong ugali gaya n’yo. Pero ang importante siguro is yung awareness na gusto nating magpakabuti at pipiliin nating maging mabuti. Mahirap ito, yes. Pero kaya!  🙂 Kasi naman ang daming nega sa mundo. Irita. Yung eksenang magpapakabuti ka na tapos biglang mawawala yung cell phone mo kasi ninakaw or biglang naagaw yung jowa mo ng iba. Shet. O kaya yung eksenang ang bait-bait mo na tapos bigla kang gugulatin ng isang friend mo out of nowhere tapos mapapamura ka nang bonggang bongga! Wala na. 🙂 Pero go lang! Go pa rin sa pagpapakabuti! We can do this. 🙂

So ‘yun naman. ‘Yan na muna ang sharing ko for today. Gusto ko lang kayo i-remind about the Mayan prediction. Mamaya magulat na lang kayo na biglang bumuka ang lupa habang nagki-Christmas shopping kayo! Patay na! Sayang ang pinamili. 🙂 O kaya maabutan kayo ng doomsday habang nakikipag-sex. OMG! Nakakahiya naman na makita kayo ni Lord na nakahubad! Si Lord kasi ‘yun. Super awkward nun. Shet.

I love you all. Achievin nating maging mabuti!

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://endoftheworld-2012-12.blogspot.com/2012/03/bible-vedas-and-quran-say-end-of-2012.html)

P.S. Gusto ko pala i-recommend sa inyo ang pelikulang “Rise of the Guardians.” Sobrang ganda! Heartwarming nang todo at ang best ng animation n’ya. This film is truly a feast for the eyes kaya panoorin n’yo na!!! Maiiyak kayo sa story. May kurot talaga. 😦 Binalik n’ya ako sa pagiging bata. GRABE! Ang dami kong na-realize sa film na ito. Kaya naman, ang ROTG ay nakakuha ng 4.0/5.0 sa aking pasabog na Divanometer! Woooh. Taas! 🙂

Rise-of-Guardians-Poster

____________________________

Ang pogi pala ni Jack Frost sa pelikulang ito. Crush ko na siya kahit cartoon lang siya. ANG HOT N’YA! Deadma na kung ma-pedophile! Si Chris Pine pala ang nag-boses kay Jack Frost kaya naman magka-cum ka talaga sa sinehan. Or kung hindi man, mapapa-finger ka talaga! SHET! Ingat lang kasi maraming bata sa sinehan. Maging “discreet” din sa pagtugon sa tawag ng laman. 🙂 Sa sobrang pogi ni Jack Frost, siya na ang wallpaper ng cell phone ko! Swear!

Ito si Jack Frost ‘oh!

__________________

Jack

SHET! Ang pogi!!! Aarte ka pa ba sa kanya?! Diyos ko. Kung ito jowa ko, keri ko na! Kahit mag-doomsday na, go lang! Basta bigyan lang kame ni Lord ng kahit mga 3 months as mag-jowa. Syempre, kailangan ding “magka-availan.” Alam n’yo na ‘to! ANG POGI!!! ❤

Bongga ang story nito. Puro poweran! Naku, bet na bet ‘yan ng mga bading. Yung powers, powers! Ka-peg ng pelikulang ito ang “Ok Ka, Fairy Ko” at ang “The Neverending Story.” Ito ang mga ka-liga ng ROTG. Watch na kayo! Huwag na kayong umarte. Ito na lang panoorin n’yo kaysa sa chakang “Breaking Dawn.” GO! Super worth it panoorin sa big screen. 🙂

Here’s the trailer, bitches!

________________________

P.P.S. Binabati ko pala sina Raymond Gascon and Kriszia Lorrain Enriquez para sa kanilang ika-5th anniversary! WOW. Ang best nung 5 years na kayo as a couple. Ako nga wala pang naipon kahit 1 second tapos kayo 5 years na?! Kayo na! 🙂

You are an inspiration to all of us. 🙂 Sa kabila ng mga problema, tukso, pagsubok at imperfection ng buhay, pinipili n’yo pa ring makasama ang isa’t isa. BEST ‘yun! 🙂 Sana patuloy n’yo pa ring piliin ang isa’t isa hanggang sa dulo. Marami pang darating sa buhay n’yo na susubok sa inyong relationship. Alam n’yo ‘yan. Huwag din kayong kampante. 🙂 Sana ay maitawid n’yo ang inyong pagmamahalan until the end. Maswerte kayo at naka-5 years na kayo. Achievement na ‘yan! Yung iba nga, days pa lang, wala na ‘eh. Tuluy-tuloy lang ang pag-iibigan!

Love kayo ni Madma. Bonding ulit tayo next time. 🙂 Werewolf-werewolf naman! Alam n’yong magaling akong werewolf. 😉

Happy 5th sa inyong dalawa! Mwah! ❤

Mon and Krish