Si Madma at ang Bagyong Yolanda

Image

Dear fans and followers,

First of all, I just want to say I MISS YOU ALL, BITCHES!!! 🙂 Na-miss ko mag-post dito sa YTM! Shet. Sorry naman at medyo matagal rin talaga akong nawala sa blogging industry. I’m sure miss na miss n’yo na ang mga paandar ni Madma. Group hug naman for my comeback!!! 🙂 Pero next time na natin pag-usapan ang drama sa likod ng aking matagal na pananahimik. Sa susunod na post ko na sasagutin ang lahat ng mga maiinit na intriga at chismis tungkol sa matagal kong pagkawala na kesyo nabuntis daw ako at nagpalaglag sa States, nagka-jowa na raw ako na pogi at nagpakasal sa India, nagpunta raw ako sa Thailand para magpa-sex change, tinanan daw ako ng isang negosyante at dinala sa Germany etc. Nakakaloka ha! Next time, sasagutin ko ‘yan isa-isa! 🙂

For now, gusto ko lang magsalita hinggil sa naganap sinapit ng Leyte lalo na sa Tacloban at ilan pang probinsya dahil kay Super Typhoon Yolanda. Kung may statement si PNoy, meron din ako. Ansabe?!  🙂 Seriously, I would like to dedicate this special post to them. SOOOBRANG nakakadurog kasi ng puso ang sinapit ng ating mga kababayan dahil sa pesteng bagyong ‘yan. Tangena. 😦 ‘Yung ilang taong pinundar ng ating mga taga-Leyte ay  sinira lang ni Mareng Yolanda ng ilang oras. Just like that! NAKAKALOKA!  Tagos sa puso at kaluwawa na makita ang kalagim-lagim na kalagayan ng ilang Pilipino ngayon. Nakakaiyak talaga ‘yung mga news reports and mga social media accounts. ‘Yung mga namatayan ng asawa, kapatid, anak at magulang. OMG. I JUST CAN’TAKE THEM! 😦  Grabe ‘yung tila nabura sa mapa ang mga bahay, ari-arian at kabuhayan nila in an instant. Para tuloy isang panaginip lang ‘yung fact na minsan ay natira sila dun kasi ibang-iba na ang itsura nito ngayon. Totally wiped-out. Hay. 😦 Kaya naman sa puntong ito, gusto kong ipaabot ang aking taus-pusong pakikiramay sa lahat ng mga naging biktima, namatayan at nawalan ng ari-arian sa mga apektadong lugar. Kapit lang kayo! Magpakatatag kayo! Parating na ang mga tulong. Malalampasan din natin ito. 😉

May gusto lang din akong i-point out na ilang mga bagay kaugnay sa mainit na isyu na ito. Particularly, I have 3 main points na gusto sabihin. Ang specific ha! 🙂 Nakakarindi kasi sa tenga ‘yung ibang mga comments na nababasa ko sa social media eh. Hindi ko maatim na palampasin. Hindi ko matake na manahimik. So, ibigay n’yo ‘muna tong moment na ito sa akin!

__________________________________________________

Image

UNA, parang-awa n’yo na! Huwag n’yo naman agad i-judge ang mga biktima at tawaging MAGNANAKAW dahil lang sa pag-ransack nila ng ilang establishments. PLEASE!!! Kahit sa panaginip, hindi sila qualified as thieves! Pwede ba!  Magdahan-dahan nga ‘yang mga bunganga n’yo. Kaloka kayo! Kung may dapat may tawaging magnanakaw, mamdarumbong, hayop at demonyo, ‘yan ay walang iba kundi ang mga kupal sa gobyerno at mga kampon ni Janet Lim-Napoles na nagbubulsa ng bilyun-bilyong pera ng mga Pillipino! Kung may dapat mang i-judge, ikulong, sunugin at bitayin, SILA YUN at hindi ang mga typhoon survivors na sinisikap lamang mabuhay, lumaban at ituloy ang kanilang sirang-sira ng buhay. Lawakan naman natin ang mga utak natin. Intindihin natin ang buong context ng situation bago magsalita. Tandaan natin, issue na ito ng SURVIVAL! Dyosko! Gutom at uhaw na ang kalaban dito! Tangena. GETS N’YO BA ‘YUN?! Kayo kaya gutumin at uhawin ko. Ano kayang gagawin n’yo?! Ako nga isang oras lang na gutom, nagbabago na agad ang ugali ko, paano na kaya ‘yung ilang araw?! Ako ngang nakapag-aral at Diva ay nagta-tranform into a certified bitch kapag inaatake ng gutom eh, paano na lang ‘yung mga typhoon victims na until now ay nakanganga at naghihintay pa rin tulong na forty eight years bago dumating?! Human nature ‘yan eh. Sa bingit ng gutom at uhaw PLUS stress, pagod, trauma, heartache dahil namatayan ka ng kamag-anak, nasira ang bahay mo at kabuhayan, EWAN KO NA LANG! Kung ako ‘yan, siguro naulol na ako sa isang tabi.  Nagbaliw-baliwan mode na lang ako. KAYO KAYA HA?! Kaya please, instead na manghusga, lawakan n’yo ang inyong pang-unawa! Sorry for the outburst. 

Sa tingin n’yo ba magnanakaw sila kung wala sa ganyang situation? Nilooban ba nila ang mga malls on a daily basis? Tingin n’yo hobby nila ang nakawan ang groceries and malls? Mag-isip kayo.  May mga matinong trabaho ang mga survivors na ito bago sila nasalanta ng bagyo. May disente at marangal silang pamumuhay bago ang lahat ng ito. Nagsisikap silang mabuhay ng tama at marangal araw-araw sa kabila ng hirap ng buhay bago ang trahedyang ito. Sana maisip natin ‘yan! Huwag n’yo namang lalo pang apakan ang pagkatao at dangal nila. Please lang! Sa kabilang banda, ‘yung mga magnanakaw sa gobyerno, NAGNANAKAW SILA SA LAHAT NG PANAHON! ‘Yan ang buhay nila eh. Umulan, bumagyo, tuloy ang ligaya nila. Tuloy ang pagkulimbat nila! Nandarambong sila regardless of the circumstances! Ngayon, tanong ko sa inyo, sino ang tunay na magnanakaw? Sino ang dapat tugisin?  Sino ang tunay na baliw? Pasok Kuh Ledesma. Ito na ang cue mo! Grabe nakatengga ka! Char. 🙂

Don’t get me wrong ha. Hindi ko sinasabing tama ang ginagawa nila. Hindi ko jinu-justify ang pagnanakaw ng mga survivors sa mga malls. Ang akin lang is huwag silang husgahan kasi hindi naman natin talaga naiintindihan ang kanilang buong pinagdadaanan. THEY ARE IN A REALLY DESPERATE SITUATION. 😦 Hindi tayo ‘yung namatayan, nagutom, nauhaw, nawalan ng ari-arian at kabuhayan.  We can only feel so much as outsiders. Kaya tingnan sana natin ang context ng buong pangyayari bago magsalita. Umunawa muna sana bago manghusga ha? Dyosko. Rereglahin ako sa inyo! 

______________________________________________

Image

PANGALAWA, kumukulo ang dugo ko  sa kinikilos ng government sa case na ito. Kapag ang mayayaman ang ninanakawan, umaaksyon agad ang pamahalaan. Bothered na bothered agad ang mga gago. Parang tanga, right?! In fact, na-consider na nga ni PNoy na mag-declare ng Martial Law dahil daw sa talamak na “nakawan” sa mga probinsyang nasalanta. O, di ba? SHOCKING!!! Bullshit. Huwag n’yo kameng simulan sa usapin ng “NAKAWAN!” Huwag mo nga akong paandaran, PNoy! Ang taong-bayan, ninakawan ng bilyun-bilyung piso, pero anong ginawa mo? BINGI-BINGIHAN! BUSY-BUSYHAN! Pero ‘nung mayayaman ang naagrabyado, aksyon agad! Kilos agad para protektahan ang kanilang properties! Padala agad ng military at kung anu-anong pwersa para matigil ang nakawan! PWE! Isang malakas na PWE!

Again, don’t get me wrong ha. Hindi ko sinasabing si PNoy ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi ko sinasabing siya ang dahilan kung bakit may bagyo. ANO BA! Ang sa akin lang is nakukulangan ako sa kanya as a leader. BIG TIME! Alam ko hindi madali maging president, PNoy. Tao ka lang. Diva ako. Char. Alam kong marami ka ring hinaharap na issues sa personal na buhay at sa pagiging pangulo. Pero sana kapag hinarap mo ang isang bagay, harapin mo nang maayos. Harapin mo nang totoo! Simply put, gusto namin ng maayos na leader! ‘Yun lang naman ‘yun. After all, ‘yan ang dahilan kung bakit and’yan ka sa pwesto. Binabayaran ka to be OUR LEADER! 

Sorry, PNoy pero sirang-sira ka na talaga sa akin. Binoto pa naman kita. Haaaay. 😦 Sana pala bumili na lang ako ng pagkain. Nabusog pa ako. CHAR! 🙂 Ang dami mong mga kasinungalingan. Kung kasali ka lang sa teleseryeng “Honesto” tiyak ko, super haba na ng ilong mo. Sabi mo last week bago dumating ‘yung bagyo, handa-handa ang Pilipinas kay Yolanda. HANDA PALA HA! Galeng. Tapos kagabi sa speech mo sabi mo naman kaunti lang ang nasalanta na biktima. KAUNTI PALA HA! Hindi man ako magaling sa Math pero alam kong mas kaunti ang 2 kaysa sa 10,000! Please ha. Ano naman kaya ang sasabihin mong lies bukas? Na nakakakain na ulit ang mga survivors at busog na busog na ulit sila? Na masaya na ulit sila? Ewan ko sa’yo. Parang lutang lagi ang mga reports mo. Parang ibang mundo ‘yung ginagalawan mo. May TV ka ba sa bahay? Let me know kung wala ha. Willing akong gamitin ang 13th month pay ko para regaluhan kita ng TV set para lang magkaintindihan tayo .Parang hindi kasi pareho ‘yung mundong ginagalawan natin eh.  Parang lost ka , Kuya. 

_________________________________________

Image

Lastly, sana naman bumawi na lang ang government sa pagiging systematic sa pagbibigay ng mga mga relief goods and donations sa mga nasalanta. Utang na loob, kahit dito man lang ay maging maayos ang trabaho n’yo. Nasa mahigit 23 countries na ang nag-pledge na magbigay ng financial and logistic aid. Malinaw po na pera yan, Mr. President. Kaya lang gaya ng iba, kinakabahan ako na baka hindi umabot sa sa tamang tao ang mga tulong na ito. Baka 10% lang ang actual help na dumating ha! Pota. Dami kasing officials na mahilig sa KICKBACKS!  I think mag-aagree sa akin si Sen. Estrada, Sen. Revilla at Sen. Enrile. Tama ba Seksi, Pogi at Tanda?! PLEASE LANG! Huwag na sanang pagnakawan ang mga biktima kasi wala ng mas masahol pa sa act na ‘yan. Dami din kasing buwaya at mapagsamantala sa gobyerno kaya sana paki-ensure na may tamang accounting at auditing sa paglabas at pagpasok ng local and international donations of any kind. Pakibilisan din po sana ang pagdidistribute ng tulong. Hindi po nakakapaghintay ang gutom at uhaw! Basic needs po ang tawag sa kanila. Hindi sila ka-level ng kama na pwedeng tsaka na ibigay. Sadly, marami pa palang mga biktima ang wala pa ring nakukuhang tulong UNTIL NOW. GRABE NAMAN! Four days na po ang ang nakakalipas! My God. Hindi sila camel na may reserbang tubig at pagkain sa likuran!!! Galaw-galaw. Huwag naman gutumin at uhawin nang todo ang mga typhoon victims. Huwag naman nating isagad ang kanilang desperation at paabutin sa point na kakain na sila ng laman ng tao. PLEASE!

Sa malaking pagtanaw, maliwanag na kailangang-kailangan na nating mag-upgrade bilang bansa. YES, DATI PA! Ibang-iba na ang panahon ngayon. Ang mga ulan ay mas malalakas na at bumubutas na ng bubong. Ang mga dating hindi binabaha ay sinasalanta na. Ang mga lugar na hindi nililindol ay niyayanig na. Ang mga lalaking pogi ay nahihilig na rin sa kapwa pogi. Char. OR! 🙂 Kaya ang mas malaking tanong, ANONG GAGAWIN PARA HINDI NA MAULIT ANG TRAHEDYANG ITO?! Actually, natanong na ito ng ilang beses pero parang walang sumasagot. Sana pinagiisipan na ito ng mga nasa gobyerno. Hindi po pwedeng laging may “bayanihan” kapag may calamity. Hindi pwedeng laging nakaasa sa donation at tulong. Hindi tamang hayaang may 10,000 na Pinoy na naman ang magbuwis ng buhay sa susunod na typhoon! Every year na lang may ganitong eksena. Kung jowa ko ‘to, nakipag-break na ako. Kakapagod eh. Ulit-ulit. Alam naman nating LAGING may bagyong dumadating sa Pinas, di ba? So, MAGHANDA na tayo ng TOTOO! Gumawa tayo ng mga matatalinong policies, scientific for that matter, para hindi na maulit ito. Ayusin natin ang infrastructure. Kung magpapagawa ng tulay at kalsada, huwag substandard! Reflection talaga ito ng talamak corruption sa bansa eh! It will all boil down to corruption. May pera sa gobyerno. Ang problema is ilan lang ang nakikinabang dito. Paano kasi’ yung mga pondong pam-projects ay nakukulimbat. Naibubulsa. Kung gagawa man ng projects, chaka! It’s either substandard, hindi matatapos ang project or walang project na gagawin AT ALL! Dyosko! Nakakapanghina.

Haaaaay. Isang malaking haaaay. Ewan ko. Nakaka-depress talaga. 😦 Basta huwag tayong magsawang tumulong muna sa ngayon. Tumulong tayo sa kahit anong paraan para makabangon muli ang ating mga kababayan.

God bless the Philippines.

Yours truly,

Madma

(Photo sources: http://www.abc.net.au/news/2013-11-08/an-worlds-most-powerful-typhoon-makes-landfall-in-philippines/5078216http://www.frugal-cafe.com/public_html/frugal-blog/frugal-cafe-blogzone/2013/11/10/destruction-death-super-typhoon-haiyan-decimates-philippines-death-toll-rises-into-thousands-more-missing-looters-hampering-rescues-video/http://globalnation.inquirer.net/90077/world-vision-abs-cbn-foundation-seek-relief-for-super-typhoon-victimshttp://www.rappler.com/nation/43347-yolanda-death-toll-nov-10-amhttp://www.ibtimes.com/super-typhoon-haiyan-aftermath-photos-typhoon-yolanda-devastates-philippines-leaves-trail-1463632)

 P.S. Maraming salamat sa mga kasama kong nag-volunteer sa Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH sa Vinzon’s Hall sa UP Diliman. Super enjoy kahit sumakit ang katawan ko nang todo! Ang saya kasama ng mga taga-UP. At ang popogi pa. Char. 🙂 Salamat sa mga magagaling kong staff kanina. STAFF?! 🙂 Thank you at inako n’yo ang pagbubuhat ng mga sako-sakong bigas. Sorry at hindi ko talaga kaya ang mga buhatan. Alam n’yo na, DIVA. 🙂  Special mention to my co-volunteer and the birthday girl herself, Ms. Szusza Velasco! Ang galing nating leaders kanina ha. Masasabi! Good job tayo, bitch! 🙂

Image

 

__________________________________ 

 Ito pala ‘yung mga na-pack namin kanina. Almost 500 na relief goods! GOOD JOB!!! 🙂

Image

Maraming salamat lahat ng bumubuo ng “Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH.” Kailangan pa nila ng mas maraming volunteers!!! Attack lang kayo sa UP Diliman sa Vinzon’s Hall. Andun ang kanilanfor more detailsg headquarter! GO NA! Check their website for more details: https://www.facebook.com/events/191377047714707/

______________________________________

P.P.S. Gusto ko din palang i-promote ang super nice na campaign ng friend ko na si Raine Mateo Calucag! Suportahan natin ang “The Butterfly Project” sa kanilang super catchy na project titled “You Lenda Hand.” BONGGA! Witty! 🙂 Layunin nilang tugunan ang mga pangangailangan ng mga typhoon victims na babae at mga bata! Panalo talaga ‘to. So, kailangan nila ng mga napkins, undergarments ang diapers!

For more information, visit them at facebook.com/thebutterflyproject.ph or email them at butterflyproject.ph@gmail.com! ‘Yun na!

Image

 

__________________________________________________

Madma is sooo back, bitches!!! Magbo-bonding na tayo nang mas madalas dito! 🙂 I LOVE YOU ALL!

Advertisements

‘Dear PH’ na!!!

Dear fans and followers,

Hello everyone!

Start na naman ng panibagong linggo. Monday na naman, so trabaho na naman. Gosh. Ang bilis ng weekend! Parang lagi siyang may lakad at laging nagmamadali. Kaloka. Pero bawal ang BV! Monday ngayon kaya GV lang tayo. Dapat positive lang lagi. 🙂 So, dapat ang proper statement slash mantra natin today is “I sooo love my work! Sige, trabaho! Dagdagan n’yo pa ang trabaho ko. Kulang na kulang pa ang dami ng task ko. Alipinin n’yo pa ako. Go!” 🙂 Likey n’yo ba? Parang bordering to nababaliw na ang pota. Scary!

Gusto ko palang i-share na napapadalas ang pagbo-bowling ko lately. Ang sosyal, ‘no? Paeng Nepomuceno levels. 😉 Ang saya rin pala mag-bowling ha at nakakapagod din siyang tunay. Grabe! Akala ko dati super chill lang ng bowling. ‘Yung tipong ihagis mo lang ‘yung bola then that’s it. May mga twist pa pala ang game na ito. Shet. But I loved it! Medyo pumapalo rin sa more than 100 points ang score ko so not bad! Not bad at all! Bowling naman tayo kapag may time kayo. 🙂

Anyway, gusto ko pala kayong batiin ng happy ‘Dear PH’ day!

Yes, today is the day and there is no day but today! Ito na ang pinakahihintay nating araw upang ipagsiwagan ang lahat ng ating mga hopes and aspirations para sa parating na eleksyon through ‘Dear PH,’ a voter’s education campaign na naglalayong iparinig sa buong mundo ang sentimyento ng mga Filipino voters especially ng mga Pinoy netizens. It’s time to be heard! It’s time to speak up! It’s time to get involved!

Netizens, MAG-INGAY!!!

Huwag na kayong umaarte kasi super dali lang nito. Bawal ang nega! All you have to do is mag-blog, mag-tweet or mag-status sa FB about your hopes, aspirations, reminders and challenges for the Pinoy voting public. Ganun lang kadali, mga Ma’am. Walang ka-effort-effort. Very, very simple! At para mas magkaintindihan tayo, i-check n’yo ang mga samples sa ibaba.
_______________________________________________
best-tweets-1024x731
_______________________________________________
So easy, right? I know! Kaya wala na dapat ngasngas about it ha. Gamitin n’yo lang ‘yung keywords natin na ‘Dear PH’ para ma-capture ang shining moment n’yo. GO NA!!! 🙂

Sabi sa isang interview kagabi na napanood ko, democracy relies on active citizenry. Ang keyword is ACTIVE! Bilang isang mamamayan, dapat aktibo tayong nakikilahok sa paggawa ng malalaking desisyon gaya ng pagpili ng mga taong uupo sa gobyerno. Kaya bawal ang tumengga at manahimik! Dapat talaga nakikialam tayo kasi bansa natin ito. Bahay natin ito! Ang mga gusto natin ang dapat masunod! Kung hindi ka boboto at magsasalita, WALA KANG KARAPATANG MAGREKLAMO! Kung ‘di mo gagawin ang part mo bilang member ng bansang ito, WALA KANG KARAPATANG UMANGAL! So, speak up now or hold your peace forever. Huwag n’yong painitin ang ulo ko! Char. 🙂

At bilang Diva, ako na ang mauuna. GAME!!!
_______________________________________
family-enterprise
_______________________________________
Dear PH, sana ay tuluyan nang ma-ban ang potang inang political dynasties sa bansa. Sana manalo ang mga kandidatong magsusulong ng isang batas na tatapos sa matagal nang paghahari ng iilang pamilya! Tamaan sana ng kidlat o kaya dapuan ng ketong ang lahat ng mga pulitikong pumipigil para maisakatuparan ito.

Yes, mainit talaga ang ulo ko kapag nababanggit ang political dynasties. Hindi ko mapigiling magmura kasi sobrang nakakasulasok ang eksenang ito sa Pilipinas! TANGINA TALAGA. Grabe ‘yung ginagawang business ng ilang pamilya ang pagkuha sa position sa gobyerno! Ack. Nakakasuka kayo! Lahat ng miyembro ng pamilya ay pinapatakbo sa pulitika para masigurong manatili sa kanila ang kapangyarihan. After tumakbo ni Daddy, si Mommy naman. Tapos susunod na ang panganay na anak, then ‘yung sumunod na anak tapos ‘yung bunso naman. Kapag may posisyon na ang lahat ng members ng family, susunod na rito ang mga pinsan, mga apo, mga hipag at manugang. PUTANG INA! Patakbuhin n’yo na rin kaya pati mga katulong n’yo tsaka mga alaga n’yong aso at pusa?! Parang nakukulangan pa kayo sa posistion ‘eh. Shet. Sobrang gaguhan lang. Ang kakapal ng mukha ng mga hayop na ‘to. Sarap buhusan ng asido ang mga pagmumuka nila. Hay. Sorry for that outburst. 🙂

Huwag n’yo akong paandaran ng paliwanag na “everyone must be given equal opportunity to serve regardless of family name.” Fuck you kayo. So kame pa pala ang mali, ganun? Kame pa pala ang masama kasi kinu-kwestyon namin ang inyong karapatang tumakbo? SORRY HA! SORRY! Sige takbo lang kayo. Ito ang rubber shoes. Go, takbo! Nakakahiya namang ipagkaiit sa inyo ang karapatan n’yong ito. Bullshit.

Hindi na ako magme-mention ng mga names kasi baka ipatumba ako ni Mayor. Andami kong alam. Wahaha. 😉
__________________________________________
nancy2
__________________________________________
Dear PH sana po ay huwag manalo ang mga kandidatong OBVIOUS namang hindi qualified para sa posisyon. Sana po ay matalo si Nancy Binay.

Yes, deretsahan na talaga. Prangkahan na. Hindi ko kayang na magiging Senador si Nancy! Mas gusto ko pang mag-adik kaysa makita siya sa Senado. Grabe, tumatayo na agad ang balahibo ko sa thought na Senador siya. NO WAY!!! Scary!!!

Ate Nancy, hindi porket natural born citizen of the Philippines ka and able to read and write ka ay tatakbo ka na sa pagiging Senador. Hindi porket na-meet mo ang BASIC qualifications, ‘eh go na agad sa pulitika. Check, check din tayo ng background natin kapag may time. Ay, wala ka nga palang time. Busy ka nga pala sa ground campaigning lately. Sige, sorry. Baka naabala na kita. Ingat ka na lang. Huwag mo nga pa lang kalimutang mag-sunblock ha. Gamitin mo ‘yung may SPF 1,000,000,000 para sure na maprotektahan ka. Mahirap na. Baka hindi ka na namin makita. Concern lang ako sa complexion mo. Sana huwag mong masamain. ‘Yung totoo lang, Nancy ha? Keri.
___________________________________________
Top12Senatoriables
___________________________________________
Dear PH, sana huwag masilaw ang mga botante sa mga naglalakihang pangalan sa pulitika. Sana ay mas maging mapili at kritikal ang mga botante ngayon.

Ako ay kumakatok ngayon sa puso at isip ng bawat botante– piliin nating mabuti ang ating iboboto! Sana naman ay sapat nang hirap at dusa ang ating naranasan sa kamay ng mga maling pultikong ating naihahalal noong mga nakaraang eleksyon! Sana naman ay nadala na tayo. TAMA NA! Ito na ang pagkakataon nating itama ang mali at ituwid ang lahat ng mga kabaluktutan. Huwag na tayong magpadala sa mga paandar ng mga naglalakihan at tradisyunal na pangalan sa pulitika. Huwag na tayong makuha sa mga simpleng ngiti at kaway nila. Higit sa lahat, huwag na tayong papalinlang sa mga kandidatong wala namang alam kundi magtago sa kasikatan ng apelyido ng kanilang mga kamag-anak. Ipakita naman natin sa kanila na natututo na tayo at matalino na tayo ngayon!

Let’s do this!
_____________________________________________
pcos machine
_____________________________________________
Dear PH, sana ay maging malinis, kapani-paniwala at maayos ang parating na eleksyon. Sana ay kunin na lang ni Lord ang lahat ng mga kandidatong nagbabalak na mandaya at maghasik ng lagim sa May 13.

Sana talaga ay totoo ang sinasabi ng Comelec na more than 90 percent ready na sila para sa parating na halalan. Sana naman ay hindi lang pa-ratings lang ang statement na ito. Aaminin ko, hindi ko pa rin maalis ang mga agam-agam at kaba ko hinggil sa kalalabasan ng botohan lalo na at may issue pa sa source code ang mga machine na gagamitin. Sana maging maayos ang halalan. Sana nga talaga ay walang maging aberya. Sana walang masaktan. Haaay. Medyo afraid talaga ako pero deadma na! I will just take the word of Comelec on this. Haaay sana talaga maging maayos ang lahat!
_______________________________________________
At iyon naman ang mga ngasngas ako for our ‘Dear PH’ session. Kayo?! I wanna know! Mag-Dear PH na!

Visit the official site of ‘Dear PH’http://www.dear.ph/
_______________________________________________
CALLING ALL BLOGGERS

Tinatawagan ko rin ang kapwa ko bloggers na sumali sa ‘Dear PH’ campaign. Maging convener din kayo para best! Dali naaaaa!

Para sa karagdagang kaalaman, inaanyayahan ko kayong bisitahin ang website ng ‘Dear PH.’

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://opinion.inquirer.net/40084/dynasties-threat-to-democracy, http://energizepinas.com/top-12-philippine-senatoriables-by-pulse-asia/, http://electionspinoy.blogspot.com/2012/03/comelec-finally-admitted-pcos-defective.html)

P.S. Gusto ko pala kayong yayaain na bumili ng copy ng pinakabagong book na friend kong author na si Ms. Eliza Victoria titled “Unseen Moon.” Magugustuhan ‘to ng mga horror fanatics na kagaya ko kasi suspense/thriller ang theme ng book na ito! SHOCKING!!!

Tara bili na tayong lahat! Order now! Ang librong ito ay may limang pasabog na stories na tiyak na ikaloloka n’yo! Suportahan naman natin ang mga local authors! GO!

Congrats sa bago mong book, Eliza! Excited na akong mabasa ito. 🙂

Para sa mga gustong mag-pre order, punta lang kayo sa link na ito: http://elizavictoria.com/2013/04/25/pre-order-the-print-copy-of-unseen-moon-until-may-10-only/

ORDER NOW!

P.P.S. Maraming salamat sa bonggang suporta n’yo sa comeback post ni Madma. Talaga namang pumalo tayo sa Top 29 Most Read and Visited blog in the Philippines under the Personal category based on http://www.topblogs.com. SOBRANG LAKAS!!! Take note, nasa Top 156 ang YTM bago ako mag-post ha. Grabe! Lipad kung lipad. 🙂

Salamat ng sooobrang sa suporta! Salamat sa pagtangkilik! Salamat sa pakikinig!

I love you all. 🙂

SHOCKING KA, Nancy Binay!

Dear fans and followers,

The DIVA IS SOOO BAAACK!!!

Hello naman sa inyo! Magkakakilala pa ba tayo?! Do I need to introduce myself again?! I don’t think so. WOW. 🙂 Kamusta naman kayo? Chika time naman!!! ENERGY NAMAN! Parang ang lousy n’yo! Is this how you welcome your Queen?! No waaaay! 🙂 Sorry for being so mum these past few weeks ha. Sorry naman sa matagal na pananahimik. But I’m here to break my silence now. Lakas maka-The Buzz. 🙂 Ang dami na rin kasing lumabas na chismis about my absence so mabuti na rin ‘yung magbigay ako ng official statement. Ang sikat ko ‘no?! Nakakaloka.

First of all, hindi totoong nagka-cancer ako gaya ng lumabas sa mga balita sa TV. Sa TV talaga?! Super healthy ko now to the point na malapit ko nang palitan si Ms. Cory Quirino sa pagiging ‘Health & Lifestyly Diva.’ Kabahan ka na Ms. Cory. Madma is on her way. HER?!

Hindi rin totoo na nagka-jowa na ako kaya hindi na ako nagbo-blog. How I wish true ang chikang ito. Alam n’yo wala nga akong crush ngayon ‘eh so naghahanda na talaga akong maging madre. Malapit na akong mag-expire sa totoo lang kaya naman nako-consider ko na rin ang pagpasok sa kumbento! Sana naman welcome ako doon. 🙂 Wala ring katotohanan na nag-asawa na ako ng foreigner ha. Hindi ako ‘ganun ka-exotic para magustuhan nila! Between me and iguana, parang mas pipiliin ng mga foreigners na makasama ang iguana. Hindi ko kayang levelan ang pagka-exotic nila.

Not true din na nalulong ako sa Casino kaya hindi ako nagpapa-sense sa blogging world. Hindi ko nga alam kung paano mag-poker so ekis ang news na ‘yan. Hayaan n’yo, papaturo ako kay Ms. Nora Aunor kapag may time. Char. 🙂 And please, once pa lang ako nakapasok ng Resorts World Manila ha. Kumain lang ako ng buffet dinner kasi nagutom ako. Ok lang?

Kasinungalingan din ang chikang nagpunta ako sa states para magpalaglag. Gosh! C’mon guys, you are better than this. Anong ilalaglag ko? Tae? Kaloka.

Not true din ang balitang na-rehab ako dahil sa drugs. I don’t do drugs. I only do guys. WOW. Bastusan. 🙂

Panghuli, hindi totoong yumaman na ako at kasalukuyang nagpaparetoke ng boobs at nagpapa-sex change. Hindi ko kaya ang tapang ni Ms. BB Gandanghari when it comes to medical operations. Mahina ang tolerance ko sa pain so hindi ko kayang mag-undergo ng mga malakasang operations. Diyos ko, simpleng toothache nga lang ‘eh halos ikamatay ko na, retoke pa?! NO!

Ang totoo talaga is may inaayos lang akong “special project” for myself. Yes, it’s always about myself. I love myself ‘eh. Kayo ba, love n’yo ba ang self n’yo? 🙂 Pero hindi ko muna siya papasabugin now kasi hindi pa masyadong final. Kilala n’yo naman ako, pasabog kung pasabog. Ayaw natin ng mga flopchinang projects! So, in the meantime, ibigay n’yo muna sa akin ‘to. Malalaman n’yo rin ito very soon! As in very, very soon. Sana talaga ma-push! Pota.

Anyway, welcome back to me! I AM SO BACK and I AM HERE TO STAY. Because what doesn’t kill you, makes you stronger. Ano raw?! 🙂 I miss blogging! And I Miss Saigon. Char! 🙂 Madma is back for real. Mas pinalakas. Mas pasabog. Mas palaban. YES, dahhling!!! YES!!!

And for my my comeback post, gusto kong pag-usapan natin ang something related sa upcoming elections. At gusto kong ilagay nang very light sa spotlight si Ms. Nancy Binay. Game!
______________________________________________
nancy-binay-e1362084961145
______________________________________________
Sa totoo lang, ako ay lubhang nababahala sa mataas na ranking na nakukuha ni Ms. Nancy Binay sa mga surveys sa pagka-Senador. Sa mga hindi nakakaalam kasi busy sa kapapaypay dahil mainit, pang-3rd na po si Ate Nancy sa top senatoriables based on the recent Social Weather Stations (SWS) survey. SHOCKING!!! Bangungot. Hindi ko kaya. Mas scary pa ang news na ito kaysa sa mga favorite horror films ko na ‘Insidious’ at ‘Drag Me to Hell.’ Gosh.

Hindi ko talaga bet si Nancy Binay na maging isang Senador ng bansang ito. Don’t get me wrong ha. I don’t have anything against her as a person and her complexion. Hindi kame friends nor enemies. Hindi ko siya kapit-bahay at hindi ako taga-Makati. Jina-judge ko lang siya bilang isang taong nag-aapply sa isang public post. Hindi talaga ako convince na kaya n’ya maging isang Senador kaya HINDI KO SIYA IBOBOTO. I don’t see her fit for the post and it’s killing me to see her soar higher in terms of survey ranking along with my pet peeves– Cynthia Villar, Bam Aquino, Grace Poe and JV Ejercito. Scary!!!

Siguro by now, alam na alam n’yo na ang twist ng buhay ni Ate Nancy: na wala siyang solid track-record sa public service, na napilitin lang siyang tumakbo, na accidental candidate lang siya, na personal assistant lang siya ng daddy n’ya before, na mother of four lang siya, na ‘she is THE daughter of VP Jejomar Binay’ etc. Marahil ay narinig n’yo na ‘yang mga chikang ito so hindi na ako magpo-focus dito. Maha-high blood lang ako nang todo kung tatalakayin ko pa ‘yan isa-isa so I will not dwell on them na lang. Baka putukin lang ako sa inis so ‘wag na lang. Hahayaan ko na lang na ang sariling konsensya ni Ms. Nancy ang umusig sa kanya in terms of her unqualified background.

Gusto ko na lang mag-react sa annoying attitude ni Ms. Nancy pagdating sa mga public debates. Grabe ‘yung iwas na iwas si Ate Nancy sa mga debates ha! Diyos ko. Hindi na nga siya qualified na maging Senador, ayaw pa n’yang lumaban at i-grab ang mga opportunities para makilala siya ng mga tao. Pwede ba, debate lang ‘yan. Hindi ‘yan nakakamatay! Bakit, hindi ba kasali sa job experience n’ya bilang Personal Assistant ng Daddy n’ya ang paglahok sa mga debates? So wala rin siyang formal background on debates? Ganun?! LAHAT NA LANG WALA SIYA! Gosh. Ano na lang ang meron siya?!
______________________________________________________
Nancy
______________________________________________________
Nancy Binay: “I have no time to debate”

Wala rin kameng time para sa’yo! Nyeta. Choosy much, Ate Nancy? Kilalang-kilala na? Sikat na sikat na? Huwag mo kameng paandaran na wala kang time for debates. Pati ba naman TIME wala ka pa rin?! Diyos ko. Lahat na lang talaga wala ka. LAHAT! Nakakatakot na ha. Sayang, gusto pa naman sana kita bigyan ng chance. Gusto ko pa naman sana malaman kung gaano ka katinik magsalita at magpahayag. Gusto sana kitang mas makilala pa. Kaso umaarte ka ‘eh. At wala akong time sa mga taong umaarte. Chura mo. Irita.
______________________________________________________
Nancy Binay JR Lopez Gonzales PoliTikalon Blog
______________________________________________________
Nancy Binay: “I prefer to campaign on the ground instead of joining debates”

Hinay-hinay rin sa ground campanigning Ate Nancy kasi nakaka-itim ‘yan. Ingat-ingat din lalo na kung hindi naman tayo biniyayaan ng makinis at maputing kutis. Hindi ko bibilhin ‘yung alibi mo na mas kailangan mong mangampanya at mag-ikot kaysa sa makipag-debate. Excuses, excuses, excuses. Daming ngasngas! Debate lang ‘yan, Ate! Strategy wise, mas powerful ang pagsali sa isang national public debates kaysa sa paisa-isang bisita sa mga lugar. Mas malawak ang maaabot mo na botante kung sasali ka sa mga debates lalo na kung may malakasang media coverage. Hindi mo rin ba ito na-realize? OMG! Parang wala ka ring mahusay na diskarte, Ate Nancy. Lahat na lang wala ka! LAHAT! Sumakit na puson ko sa’yo. Parang rereglahin ako sa atake mo.
_______________________________________________________
nancy2
_______________________________________________________
Nancy Binay: “Let’s win the Senate race first, then debate in the plenary”

Nakakatawa ka talaga, Ate Nancy. Pinapasaya mo ang araw ko sa mga pakulo mo. Ang choosy-choosy mong tunay. Kumbaga sa singer, ayaw mong kumanta sa audition, gusto mo doon ka na kakanta sa recording studio agad. IKAW NA TALAGA! Tandaan mo, nag-apply ka sa amin so dapat ngayon mo ipakita ang husay at galing mo (kung meron man) at lahat ng makakaya mo! Nasa audition stage ka pa lang pero parang may attitude ka na. Diva na agad? Hindi na kita kaya, Ate Nancy! Nag-iisa ka!
________________________________________________________
Nasusurpresa ako na ganito ang attitude mo on debates. Taga-UP ka rin, ‘di ba? Tourism ang course mo, right? Hmmm. Parang hindi halata. Akala ko ang course mo sa UP ay BS Sports Science, Major in Boxing. Char. 🙂 Last time I checked, tinuro sa school natin na makipag-debate at magpahayag. Nahihiya ako for you, girl. Gusto kitang i-disown as my schoolmate. Hindi ko alam kung paano ka pumasa ng UP nang hindi nakikipag-debate. Hindi ko ma-imagine kung paano ka nakaabot sa graduation nang hindi lumalaban sa pakikipagtalastasan. Aaaay, I forgot, BINAY nga pala ang apelyido mo. Ang convenient rin talaga ng mabango mong surname ha.

Overall, hindi kita talaga iboboto. Wow. Prangkahan! 😉 Hindi ako bilib sa campaign strategy mo. Hindi ako natutuwa sa mga pakulo mo. Hindi ako naniniwala sa’yo. Hindi ako bilib sa pagkukubli mo sa safe-side up to now. Hindi ubra sa akin ang pa-low profile sa mga issues at patuloy na pagtatago sa kasikatan ng apelyido mo. Sobrang daling basahin ng cheap tactics mo, Ate Nancy. Walang kalatuy-latoy. Walang kadating-dating. You are Nancy Binay and that’s it. Nothing more, nothing less.

At nga pala, hindi namin kailangan ng “Nanay de Pamilya” sa Senado. May mga kanya-kanya na kameng Nanay na ‘di hamak na mas magaling kaysa sa’yo. Kung ikaw lang ‘din ang mag-aaruga sa amin, NO THANKS NA LANG. Kaya na namin! And saan mo ba kasi nabasa na kailangan ng Nanay sa Senado?! Maling classified ads yata ang source mo, ‘te! Just in case hindi mo alam, ang kailangan namin ay isang MAHUSAY NA SENADOR na magsusulong ng mga batas para sa ikakaunlad ng bansang ito. Kung ‘Nanay’ ang peg mo, sa orphanage ka na lang mag-apply kasi ‘dun kailangang-kailangan ng mga Nanay. For sure, dudumugin ka at pagkakaguluhan sa mga bahay ampunan. Sure win ka ‘dun, Ma’am!

Bahala na nga. Basta patuloy akong magdadsal na HINDI MANALO si Nancy Binay. Palakasan na lang kame ng dasal kay Lord! Kung kailangan kong sumayaw sa Obando para matalo siya, sige gagawin ko. Kung kailangan kong mag-alay ng buhay na manok at 12 na itlog sa puno na Balete para hindi manalo si Nancy, sige go! Natatakot ako na baka makalusot si Nancy bilang isang Senador. Gosh. 😦 Hindi ko ito kakayanin! Mas natatakot pa ako rito kaysa sa fact na wala akong jowa. Haaay… WAKE UP, EVERYONE!!!

Bahala na kayo, Lord!!! I leave it up to you.

Yours Truly,

Madma

(Photo credits: http://www.newsinfo.inquirer.net, http://www.facebook.com/nomoreepal/posts/530437080335533, http://www.politikalon.blogspot.com, http://www.politicallyintoxicated.blogspot.com)

P.S. Abangan ang mas pasabog na post ni Madma sa mga susunod na araw! Na-miss ko talaga kayo kaya babawi ako.

Maraming salamat sa patuloy na suporta! I love you all. ❤

Si Madma at ang ‘Dear PH’

Dear fans and followers,

Hello everyone! Ang best ng week na ito bilang 3 days lang ang pasok. SHET! Ready na ba kayo sa long vacation?! Excited na ako magpahingaaaaa. 🙂 By the way, when I say “pahinga,” I don’t mean “mamatay” ha. SHOCKING ‘yan! Tamang pahinga lang ‘yung magigising pa rin naman. Mabuti na ‘yung malinaw kasi baka malito si Lord at maging iba ‘yung interpretation n’ya. Gosh. 🙂

Anyway, I just want to make an announcement.
___________________________________________________
DearPH
___________________________________________________
Isa pala si Madma sa mga pasabog conveners ng bonggang-bonggang voter’s education campaign na ‘Dear PH.’ Yes, kasali talaga ang Diva! Shout ouch naman sa pagiging relevant ang YTM! 🙂 Huwag kayong malito ha. Iba ang ‘Dear PH’ sa ‘PH Care’. Hindi ito brand ng panlinis ng pepe. Hindi ako naga-advertise ng product! Please. Charoth. 😉

ANO NGA BA ANG DEAR PH?

Para sa inyong kaalaman, ang ‘Dear PH’ ay isang open letter campaign initiative ng Vote Report PH na naglalayong iparinig sa buong mundo ang sentimyento ng mga Filipino voters especially ng mga Pinoy netizens. Ang taray, ‘di ba? Ito na talaga ang tamang panahon para mangalampag! Ito na ang tamang avenue para mag-ingay! Ito na ang chance para marinig! THIS IS IT! Let’s do this. 🙂

Gaya nga ng sinabi ko, gagawin ko ang lahat para makiaalam sa darating na eleksyon at para masigurong mga KARAPAT-DAPAT na kandidato lamang ang manalo sa posisyon. Hindi na talaga ako makakapayag na maluklok na naman ang walang kwentang tao para mamahala sa bansang ito! Tangina. Kaya naman, gusto kong gamitin ang YTM para maging tulay para mahikayat kayong maging bahagi rin ng ‘Dear PH.’

Sobrang excited ako ‘Dear PH’ kasi magandang kampanya ito ngayong panahon ng eleksyon. Napaka-relevant n’ya talaga. ‘Di hamak naman na MAS RELEVANT ito kaysa sa Kris Aquino-James Yap and Heart Evangelista-Francis ‘Chiz’ Escudero issue. PLEASE LANG! Tigilan ako ha. LAHAT pwedeng sumali sa ‘Dear PH.’ Walang kagastos-gastos, walang ka-effort effort!

ANO BA ANG GAGAWIN?

Very simple lang! Mas simple pa sa sex. Char. 🙂 Sa darating na April 29, 2013, inaanyayahan ko ang lahat na mag-blog, mag-tweet o ‘di kaya ay mag-post about your hopes, aspirations, reminders and challenges for the Pinoy voting public. Ganun lang! AARTE PA? Huwag kayong mag-alala, walang catch ‘to sa dulo. Hindi kukunin ang kidney n’yo rito. Walang hidden charges ‘to. Ganun lang talaga siya ka-simple. Huwag kayong praning. 🙂

Ito na ang chance para magamit n’yo ang Facebook, Twitter or blog n’yo sa pasabog na paraan!

Mag-iingay tayo nang todo sa April 29, 2013. Ipaparinig natin ang ating boses!!! Markahan n’yo na ang araw na ‘yan ha. Medyo matagal pa naman so may time pa kayo para makapaghanda nang bongga! Pwede pa kayong magpa-kulot ng hair o ‘di ay magpa-manicure para super pasabog n’yo sa April 29. 🙂

O, eto ang sample tweets para ‘di kayo malito. Parang nalilito kayo ‘eh. Grabe parang ang hina n’yo. Charot. 🙂
______________________________________________________
Best-Tweets-1024x731
______________________________________________________
SUPER DALI LANG, right?!

Sali na kayo, mga fans! Markahan n’yo na ang April 29, 2013 bilang ‘Dear PH’ day natin. Sama-sama nating ipagsigawan ang lahat ng mga hopes and aspirations natin sa parating na eleksyon para naman tablan ‘yung mga kandidatong tumatakbo lang para mangurakot sa bayan. Gosh. Ayoko na mag-mention ng specific names ng mga trapong politiko ha. Baka mapaaway na naman ako. Holy Week ngayon so wala akong time d’yan. Next week na lang. 🙂

CALLING ALL BLOGGERS

Tinatawagan ko rin ang kapwa ko bloggers na sumali sa ‘Dear PH’ campaign. Maging convener din kayo para best! Dali naaaaa! 🙂

Para sa karagdagang kaalaman, inaanyayahan ko kayong bisitahin ang website ng ‘Dear PH.’ Here is the link: http://www.dear.ph/
____________________________________________
Dear-PH-Header2
____________________________________________
GO NA! Attack na. Andy’an na lahat ng information about this campaign. Excited na ako!!!

Maging maalam. Makialam.

Yours Truly,

Madma

P.S. Bukas ang pasabog na payuhan natin! Abangan n’yo ang nakakalokang storya natin. 🙂

Tikman mo na si Best Friend

Hello Madma,

I just want to get your thoughts on my present situation. Ang ganda po kasi ng mga advice n’yo and I think you are the right person to ask.

I have best friend and sobrang close namin now. Pareho po kaming guy at nagka-GF na po kame before. Kaya lang parang ang weird ng nangyayari lately. Feeling ko type ako ni best friend. May mga moments kasi na parang nagpapahiwatig siya  halimbawa  kapag natutulog siya sa bahay. Niyayakap n’ya po ako and all. I think you already get the picture. Wala pa naman pong sexual na nangyayari between the two of us so far. Hindi kasi ako pumapayag. I just find it weird. But the thing is, I don’t know if until when will I able to resist this. Lumalayo nga ako now kasi baka may mangyari.  Pero ang weird na parang gusto ko din mag-give in. Parang gusto ko rin masubukan. Waaah. 😦

I really don’t know what to do. I’m so confused. Help. 😦

Hope to hear from you soon. By the way, I will be turning 31 this month. Hope you can greet me too.

Regards,

Scorpio

_____________________________________

Dear Scorpio,

Ang hot naman ng chika mo sa amin, Scorpio! Pota. Nakaka-horny. Sarap mag-finger. Char! May pepe?! 🙂 Ang perfect ng story mo pampainit sa malamig na araw na ito. Ganitong-ganito yung storya nung mga napapanod kong mga M2M porn! I’m sure dadagsa na naman ang mga bading sa YTM at magwe-wet sila post na ito. Kabisado ko na ‘yan. Taas ng ratings ng YTM kapag badingan ‘eh. Alam na alam ko talaga ang market ko. Kaya naman ibibigay din talaga ni Madma ang gusto ng fans. 🙂 By the way, ang cool naman na ako talaga ang tingin mong “right person” for this issue. Kinikilig ako! Parang ang galing-galing ko tuloy. Hiyang-hiya naman ako sa mga Pari, Doktor, Lawyer at mga Psycholgists. Salamat naman sa tiwala, Scorpio!

Alam mo, tama na ang pag-iwas. Isuko mo na ‘yang “sandata” mo. Ipatikim mo na yang “kargada” mo. WOW. Ang lakas maka-porn! 🙂 Amoy na amoy na kayo kaya huwag na kayong magtago. Napapalibutan na namin kayo. Sumuko na kayo! Sabi nga sa isang saying, “the best way to resist temptation is to give in to it.”  Kaya naman, go na ‘yan! Tikman mo na si best friend. “I know you want me, you know I want cha.” ‘Yan ang peg n’yo ‘oh. Shet, parang gusto ko tuloy masaksihan ng live ang moment na bibigay ka na. Invite mo naman ako. Hindi ako mag-iingay, promise! Or kung ayaw mo naman, paki-video na lang tapos pa-upload na rin sa youtube. For sure, kakabugin mo ang ratings ni Amalayer Girl! Sure ‘yan!

Marami kasing iba’t ibang tipo ng bading sa ating lipunan based on my dictionary, Scorpio. Halimbawa Baklang Parlor or mga bading na chimsisan sa kanto at kulutan maghapon ang peg. May Bekimon or mga bading na fashionista, sosyal, classy pero girl na girl ang kilos. May Maremon or mga bading na kumare-material, confidant ganyan at best kuning ninang sa binyag at kasalan. Favorite show din pala ng mga Maremon ang palabas sa Channel 11 na “Mars” hosted by Ms. Camille Prats. Sila rin yung mga bading na love na love si Sailor Mars. Char! 😉 Mayroon din namang Alpha Diva or mga powerful and strong gays kung saan kabilang si Madma. Ito yung counterpart ng Alpha Male. LAKAS! Actually, ako lang nag-coin nung Alpha Diva para magkaroon ako ng classification. 🙂 At syempre, mayroon din mga bading na kabilang sa grupong LNBB or “Lalaki Ngayon, Bading Bukas” group. Sila yung mga bading na nahimlay ang dugong bakla nang matagal na panahon at naghihintay ng tamang lalaking gigising sa dugong ito. Very Sleeping Beauty ang peg. Naku, daming members ng group na ito! Ka-level ng members ng El Shaddai at JIL. Kering-keri na nilang mapuno ang Luneta o kaya SM MOA Arena kapag nagsama-sama. Ganun! I think dito ka kabilang, Scorpio. Sa tingin ko, LNBB member ka. Grabe, na-judge na rin kita! 🙂

Na-appreciate ko naman ang pag-resist mo sa tuksong ito. Gusto ko yung pinapakita mong respeto at tapang. Natatakot ka siguro na masira ang friendship n’yo ni best friend and all. Gets ko ‘yan. 🙂 Pero kasi tingin mo rin yung positive sides na makukuha mo sa pag-give in. Maliban sa masasarapan ka (for sure), mas makakatulong ito para makilala mo rin ang pagkatao mo. Tandaan mo, 31 years old ka na this month. My God! Grabe yung nalilito ka pa sa gender mo at this point ha. Natuli ka na ba at the very least? Grabe yung hindi pa rin! Kaloka. Treat this act as an experiment. As a test. Kapag nasarapan ka, ituloy-tuloy mo na. Kapag hindi mo naman talaga likey at nandiri ka at nasuka ka, which I highly doubt, ‘eh ‘di tama na. Mangyayari ang dapat mangyari. 🙂 Ang saya nga kasi sa best friend mo ito gagawin. At least you’re in good hands. Malay mo kayo pala talaga ang meant for each other. Who knows! Huwag kang matakot na masira ang friendship n’yo. Hindi masisira ‘yan. Best friend mo ‘yan. Kung hind man maging successful at magkailangan man kayo after, which I highly doubt again, maayos din ‘yan eventually. Don’t worry. Magtiwala ka lang.

Take it from Madma, tikman mo na si best friend. Pushy siya ‘eh. Tikiman na ‘yan! Sasakit lang ang puson mo kaka-resist. I-unleash mo na ‘yang “Diva” in you. Single ka naman at wala kang GF ngayon so wala namang masasaktang ibang tao. Sex lang naman ‘yan. Hindi naman ‘yan marriage. Duh. So, go na! I-maximize mo si best friend. Hayaan mong maging daan siya sa ikaliliwanag ng buhay mo. What are best friends for?! Or what are best friends are for?! 🙂 Kapag nasira ang friendship n’yo ni best friend after n’yp mag-tikiman, sabihan mo ko para mag-meet tayo. Ako na lang ang papalit sa role n’ya. Ako na lang ang best friend mo. Tapos tikiman din tayo ha. WOW. Ano baaa. 🙂

So there. Advance/Belated Happy Birthday na rin sa’yo. Hindi mo naman sinabi ang eksaktong date ‘eh. Enjoy. Ang wish ko sa’yo is sana makilala mo na ang tunay mong pagkatao. I think ito yung best na gift for you. ❤

We wish you all the best.

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://theclearingroom.blogspot.com/2011/11/food-network-channel-and-philosophy.html)

P.S. Bukas na bukas ang tanggapan ni Madma para sa mga nguynguy at ngasngas n’yo sa buhay. O, “di ba parang presinto lang!

Ipadala ang inyong story sa yourstrulymadma@gmail.com. Gagawin ko yung best ko para mapayuhan kayo para sa ikagaganda ng buhay n’yo. Humahaba na naman ang pila kaya mag-email na kayo. Dali! Sulat na!

Salamat sa lahat ng mga mambabasa ng YTM! I love you all. ❤

P.P.S. At talaga namang hindi na kame makapaghintay sa Silver Take 2 ni idol Regine Velasquez! POTA! Excited na kame sa pag-bwelta ng REYNA!!! Humanda kayo mga punyeta kayo. 🙂 Wala pang final date ang concert ni Ate Regine up to now. Wait lang tayo ng further announcements.

In the meantime, gusto ko i-share itong bagong reherasal video ni Regine for Silver Concert! SHET LANG TALAGA! Nakakaloka. Kaya naman pala nagkasakit si Regine ‘eh. Kung maka-birit naman kasi. Laging may sunog ang peg. GRABE! ❤ Sooobrang galing. Siya talaga ang reyna sa biritan! Excited na sa live concert!

WATCH THIS! Pampakilig lang ‘to sa mga fans. 😉

__________________

#AmaMadma #Amalayer

Dear fans and followers,

Nakakaloka naman ‘tong si Amalayer Diva herself Paula Jamie Salvosa. Sikat na sikat bigla ang pota. Shet. Ako ilang beses nagdadasal para sumikat tapos siya isang kembot lang worldwide hit na! Halos isuko ko na nga ang pagkakaroon ng lovelife for fame tapos siya konting pagtataray lang with a ghetto accent sikat na! SIYA NA!!! Inggitera?! 😉

Ang daming nanghihingi ng thoughts ko re: Amalayer Case. WOW. Case talaga? Kakapanood ko lang ng video this morning at super aliw siya! Ghetto level talaga. Malakasan! Sana nag-trintas siya ng buhok para legit na legit na ghetto girl. Ang fierce naman ng mga sumasakay sa Santolan Station ng LRT 2 ha. Kakatakot. At may accent pala mga tao doon? Taray ha. Part pa naman ng ‘Pinas ang Santolan Pasig, ‘di ba? Bakit parang ibang tao na sila? Sosyal ‘eh. Makabisita nga sa Santolan Pasig sa weekend at makapamili ng pagkain. Feeling ko talaga sa kinakain nila ito kaya sila may pasabog accent. Char. 🙂

Moving forward, mahirap mag-judge sa totoong naganap. Wala naman tayo sa scene of the crime. Hindi natin talaga alam ang tunay na pangyayari. Pero kung iba-base natin sa video alone, talaga namang nakakapag-init ng ulo ang asta ni Amalayer Girl. Ang taray ‘eh. Ang gaspang at dumi ng bunganga. Mapapamumog ka talaga ng Holy Water! Sarap tadyakan nung mukha n’ya. Parang siya yung may-ari ng LRT Line 2 to be exact. Ganyang level.  Tapos pobreng guard pa ang kalaban n’ya. At ini-English pa n’ya ang guard. Diyos ko! Akala mo tauhan n’ya n’ya yung guard kung maliitin. Wagas yung galit ni Ma’am. Ka-level ng mga Martial Law victims. Kaborkot. After seeing the video nga, parang na-realize ko na ang bait-bait ko pala sa kapwa at mabuti pala talaga ang kalooban ko. WOW. Well, talo talaga si Ms. Paula sa scenario na ito. Siya talaga yung lalabas na kontrabida. 😦

Ito ang full video para sa mga hindi pa nakakanood.

_____________________________

May pinag-aralan palang tao ha? Char. 😉

Ang pasabog pa na part is naging trending topic ito sa Twitter worldwide. Pinagusapan talaga ang ka-cheapang ito sa loob at labas ng bansa. O.M.G. Baka napanood ito ni Ms. Mariah Carey! Nakakahiya naman. For sure sasabihin n’ya, “That brown monkey is feisty and can really speak English. I like her.” Char. 🙂 Shout ouch naman Ms. Mariah. Balita ko nagbabasa ka raw ng YTM. LAKAS! 😉

On the other hand, nakakaawa rin si Amalayer girl ha. Diyos ko! Ang todo rin ng pagka-viral ng video. Gangnam Style level. Siguro inuumpog na nun yung mukha n’ya sa pader sa kahihiyan. Or siguro papa-surgery na siya at papalitan na n’ya yung itsura n’ya parang si Nanette Medved sa pelikulang “Hiram na Mukha.” GRABE. I feel for her din ha. 😦 Traumatic talaga ito. Bangungot. Hindi ko yata kakayanin ang ganitong level ng kahihiyaan. Worldwide! Wawa naman siya. Na-cyberbully rin talaga si Amalayer Girl sa social media. Sabi n’ya sa interview, “I deactivated my Facebook, I deactivated my Twitter account. I wanted to keep mum about the whole thing but sobra na po, bugbog na bugbog na ako. Everybody commits mistakes. May perfect po ba sa mundo? Wala naman eh.” Haaaay…

Alam n’yo minsan talaga nakaka-init din ng ulo ang mga security guards. ALAM N’YO ‘YAN. For sure may personal encounter din kayo sa kachakahan ng mga guards. Mahirap din kasi talaga sila kausap minsan. Sakit nila sa bangs. Kakaasar din talaga. May mga bastos din na guard ha. Ay naku, huwag n’yo akong simulan. Kwento ni Amalayer Girl, “hinablot niya ako sa left arm ko and I don’t know kung makikita pa rin siya but I have a bruise to prove that. Medyo malabo lang siya but I have a bruise. Grinab niya ako. Doon pumitik, doon ako nag-snap kasi grinab niya nga ako.” O, ‘di ba? Kung ito man ang totoong nangyari, kakainis din talaga yung guard lalo na kung malakas ang pagkaka-hablot. Iinit din talaga ang ulo mo. Kahit sino naman. Pero sana na lang ‘eh hindi nag-iskandalo ng ganun ni Amalayer Girl kasi nga may “pinag-aralan” siyang tao. Sana ni-report n’ya na lang sa supervisors to settle the matter privately.

Ang pinaka-takeaway ko sa kaganapang ito is ang powerful na talaga ng social media. GRABE! Kaya ka n’yang pasikatin pero kaya ka rin n’yang pabagsakin. Nakakaloka. Kaya dapat maging maingat na rin tayo sa mga ginagawa natin kasi baka bukas tayo na ang laman ng youtube! SHET! Maging maingat at responsible rin tayo sa paggamit ng internet. Pwede talaga tayong makasira ng buhay ng tao kaya pag-isipang mabuti ang mga iu-upload at sasabihin sa ating mga social media accounts. 🙂

Lastly, ang insidenteng ito ay panawagan din na i-upgrade na ang mga facilities ng LRT and MRT. PLEASE NAMAN! Dapat kasi wala ng mga guards ‘eh lalo na sa mga public places. Machine na lang dapat kagaya sa Singapore. Sa totoo lang minsan, hindi ko naiintindihan ang point ng security guards na nilalagay sa mga entrance areas ng MRT, LRT etc. Dudutdutin lang yung bag mo tapos pasok ka na. Paano kung yung bomba ‘eh nilagay ko sa sapatos ko? Wala na! Walang sense din talaga minsan yung “inspection” na ginagawa nila. Pampahaba lang ng pila. Hassle.

Yun lang naman. Sana ay ok na si Amalayer Girl. Matatapos din naman ‘tong issue na ito soon so konting tiis lang girl. For now, mag-reflect ka muna sa buhay at sa mga pag-uugali mo. Char. 😉 Ma-retreat ka muna kasama ang mga Madre para makakuha ka naman ng tips re: “mabuting-asal.” Magbasa-basa ka rin ng books re: “pakikipag-kapwa tao.” Maghanap ka ng mga self-help books on anger management in public places ganyan. Madaming books na ganyan. Makakatulong sa’yo ‘yan. 🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://rightonthemark.wordpress.com/2012/11/14/amalayer-paula-jamie-salvosa/)

(Addtional source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/11/14/12/amalayer-girl-cries-foul-over-cyberbullying)

P.S. Bukas na ang Silver Concert ni Regine Velasquez! GRABE! Excited na ako. See you bukas sa SM MOA Arena mga fellow Reginians! I’m sure itotodo ito ni Ate Regine! SHET!  Biritan na ‘to. Happy Regine Day tomorrow. ❤

Film Review: Pitch Perfect, Looper and Wreck-it Ralph

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo. Ang bilis ng araw. Thursday na. Tapos Friday na! Then Monday na naman. Kingina. Ulit-ulit lang. Nega much?! 🙂 Kamusta naman kayo? Sana ay nakakakain naman kayo nang maayos. 🙂

Nakakaloka yung sunud-sunod ang movie watching ni Madma sa big screen nitong mga nakaraang araw. Hirap din ng maraming friends minsan. Magastos. Siguro it’s about time na magbawas na NAMAN ako ng ilang mga friends. FIERCE nung nagbabawas! Well, hobby ko rin talaga ang pagbabawas ng friends lalo na yung mga walang gana masyado. Pero ang dami pa rin nila up to now. Haaay… Char. Ang hirap talaga kapag “mabuting-tao.” Lapitin ng mga kaibigan. 😉

All in all, naka-3 films ako sa sinehan since Friday last week. At take note, hindi mga horror films ‘to ha! O, ‘di ba? Nagve-venture out na ang Ultimate Horror Diva. Kakairita yung word na “Ultimate.” Lakas maka-wrestling! Masasabing naging halu-halo talaga ang genre ng mga napanood kong films nitong mga huling araw- from action, drama to musical. Avail n’yo naman yung nanood ako ng action!

Kaya naman, hahatulan ko na ang mga films na napanood ko using my highly trusted and state-of-the-art meter a.k.a Divanometer. TARAY! Lakas nung may sariling panukat si Madma sa mga bagay-bagay. GAME!

_________________________________________________

Pitch Perfect

(Cast: Anna Kendrick, Brittany Snow, Ben Platt, Skylar Astin, Anna Camp and Rebel Wilson)

Napanood ko ang film na ito last Tuesday sa Robinson’s Galleria. Humabol talaga ako sa last day of showing. To be honest, hindi talaga ako masyadong fan ng musical. Ang weird ko ‘no? Bading tapos hindi mahilig sa musical? Baka lalaki talaga ako afterall. WOW. 🙂 Actually, pinilit lang ako manood. Umarte kasi yung isa kong friend na itago na lang natin sa pangalang Sanriel Chris Ajero. Shout ouch naman kay Sani and sa OCEANS na kasama ko manood ng film. Sana naman Sani ‘eh na-note mo yung support ni Madma sa pakulo mong ito. 😉

Overall, happy naman ang musical film na ito. Entertaining siya. ‘Yan na ang perfect description sa kanya. Mapapakanta ka talaga sa mga songs. This formula musical film will surely appeal to all gays and divas out there. Sure ako d’yan. ‘Eh paano ba naman, lahat ng bet ng isang bading  ay nasa Pitch Perfect na-  tarayan, artihan, kantahan, bitchesan, choreo-choreo, bosesan, biritan, labanan etc. O ‘di ba?! Aarte pa?! Ang fun ng mga characters! Legit na funny sila. Ok yung acting ng mga lead stars. Witty ang script. Hindi pilit, hindi jologs. Ang sincere rin ng mga characters kaya naman nakuha ako. Tolerable ang mga kaartihan nila sa buhay at hindi masakit sa bangs. Ang saya-saya ng mundo nila. Puro kanta na lang ginagawa nila sa buhay. Hindi na sila nag-aaral! Sana ganun na lang din sa totoong-buhay! Haaay… Arte? 🙂 Ang best ng pag-mash up sa mga songs. PANALO! Gustong-gusto ko yung atake nila sa songs na The Sign ng Ace of Base and Turn the Beat Around ni Ms. Gloria Estefan. BEST! 😉

Huwag na nga lang kayo masyadong mag-expect ng something new sa film. This film offers nothing new. Simply put, nagawa na. 😉 As I’ve said, formula film na ito so highly predictable lahat. Take note, LAHAT. Ka-level ‘to ng typical na Pinoy teleserye na mahirap-mayaman, aapihin tapos magtatagumpay. Kayang-kayang magbida dito ni Karylle. Kaya n’ya lahat ‘eh.

Kaya naman ang Pitch Perfect ay nakakuha ng 2.5/5.0 on my Divanometer. Predictable yet entertaining. 😉 Huwag kayong malungkot kung ‘di n’yo napanood sa big screen. DVD material naman ang film na ‘to. Panoorin n’yo na lang kapag may DVD copy na. At tsaka wala na rin kayong choice. Na-pull out na siya sa sinehan. 😉

(Photo credit: http://www.filmofilia.com/pitch-perfect-trailer-poster-and-9-photos-105804/)

Looper

(Cast: Bruce Willis, Joseph Gordon-Levitt and Emily Blunt

After 100 years, napanood ko na rin sa wakas ang Looper bago pa man mawala sa sinehan. Shout ouch naman sa The UP Repertory Company na kasama ko manood. Maganda ang premise ng pelikulang ito. Gusto ko yung paggamit nila sa element ng time travel. Lakas maka-sci fi! Tipong maloloka ka talaga sa mundong ginagalawan nila kasi pasabog! Ang taas ng thrill and excitement sa first half. Mabilis ang pacing, madaming twist and maraming nagaganap! Talaga namang sigaw ako nang sigaw sa sinehan. Kaya lang bumagsak na sa second half ‘eh. Nabagot na ako. Naging tsikahan na lang yung second half. Sayang. 😦

Hindi ko pala ma-classify kung anong genre ang film na ito. Grabe kasi yung pag-mix niya ng genres ‘eh. May action, drama, suspense, sci-fi, horror, etc. Lahat na yata ng genre ‘eh gustong ipasak sa Looper. Kakaloka. Hindi ko pala masyadong bet ‘yung pag-add ng character ni “Rainmaker.” Na-lost na ako doon. Lakas maka-horror nung appearance ‘eh. Pwede ng kunin yung character ni Rainmaker at gawing isang solo movie. Papalag siya kina Esther ng The Orphan and Lilith Sullivan ng Case 39. Ganung level.

Gusto ko pala ang acting ni Ms. Emily Blunt sa Looper! Ibang Emily ang pinakita n’ya rito! Last ko kasi siyang napanood sa Gulliver ‘s Travel bilang reyna-reyna siya doon. 🙂 Nanibago ako sa Southerner accent n’ya sa Looper. Ang best ni Ma’am at ang ganda pa. Very Lucy Torres-Gomez ang beauty n’ya. 😉 Panalo rin ang acting ni Joseph Gordon-Levitt. Hindi ko siya nakilala! GRABE!!! Ang galing ng make-up. Ibang tao talaga siya sa pelikula. Best ng acting n’ya! Artistang tunay. GRABE!!! Dito kasi sa atin, pare-pareho lang ang acting nga mga leading men. Take for instance si Derek Ramsey. Same-same lang yung itsura, acting and atake sa lahat ng films n’ya. Yung mga damit at leading ladies lang n’ya ang nagbabago. Chaka! Si Bruce Willis, ok naman. Action star. Hindi tinamaan ng bala ng baril EVER sa film. Malakas siya eh. 😉

So having said that, ang Looper ay nakakuha ng 3.5/5.0 on my Divanometer. Maayos naman ang storya ng pelikula overall. Magugustuhan n’yo ‘to for sure. Not sure kung showing pa ‘to sa sinehan.

(Photo credit: http://themovieblog.com/2012/another-new-looper-poster/)

Wreck-It Ralph

(Cast: John C. Reilly, Jack McBrayer, Alan Tudyk, Sarah Silverman, Jane Lynch and Ed O’Neill

Ito ang panalong film! Nakakaiyak!!! Grabe. Ang ganda ng Wreck-It Ralph. Ang simple ng storya pero ROCK! Haaaay… 😦 Gusto ko nga ulit panoorin ‘eh. Kaya lang napanood ko na. WOW. Walang sense. 🙂 Shout ouch naman sa PEERS na kasama kong manood.

Super aliw talaga ‘tong latest film ng Disney. May “kurot” sa puso. Daming parts na mapapaiyak ka lalo na kung maarte ka. Ang saya nung premise na nagkaka-interact ang mga characters sa various games pagkagat ng gabi. Brilliant idea talaga! Ang saya-saya ng mundo nila. Pinakita sa film na “trabaho” lang talaga ang mga ginagawa nila sa video games. PANALO! 🙂

Kaya lang ‘di ko kilala si Ralph ‘eh. ‘Di ko alam ang game na Wreck-It Ralph. Hindi siya part ng childhood ko. Tsaka yung game na Sugar Rush. ‘Di ko rin talaga nilalaro nung bata ako. Sabagay, American culture-based naman ang film. Kakahiya naman kung Pinoy culture-based. Ang fun sana kung yung mga bida ay sina Princess Sarah, Remi, Heidi, Romeo at ang mga batang hampas-lupa, Akazukin Chacha . Pwede ring isama sina Sailor Moon, Chun-Li, Son Gokou etc.  O, ‘di ba mas relate?! Kaya lang mag-iiba ang title ng film. Halimbawa kung si Chun-Li ang bida, magiging “Kick-It Chun-li.” Mga ganun ba. 😉 Ang cute nung cameo appearance ni Chun-li sa film! ALIW!

Overall, pasabog ang Wreck-It Ralph. Panoorin n’yo! Ang gand rin nung bonus na short film sa umpisa. KILIG! 🙂 At dahil sa mahusay ang pelikula, ang Wreck-it Ralph ay nakakuha ng 4.5/5.0 sa aking Divanometer! Yun na!

(Phot0 credit: http://moviecarpet.com/new-wreck-it-ralph-poster-art-2012-09-14.html)

Yours truly,

Madma

P.S. Malapit na pala ang LIVE guesting ko sa online show ng aking friend na Web Jock na si Dax Carnay (@daxiebebe)! Live streaming naman kayo kapag nag-guest ako. Grabe!  Abangan n’yo ang pagbisita ni Madma sa http://bootleg-radio.com/. MALAPIT na ‘yan. Itotodo natin ‘to. Walang artihan. Deretsahan! Shet, excited na ako. 🙂 Isa-isa kong sasagutin ang mga intrigang ibinabato sa akin. WOW. Sikat na sikat din ha. 🙂

Madma goes LIVE! MALAPIT na! Woooh! ❤