To Resign or Not to Resign…

Dear Madma,

Congrats po sa napaka-sayang blog n’yo. Everyday po ako nakatutok sa mga posts n’yo. Bentang benta mga payo n’yo. Masaya pero may kurot.

Gusto ko lang po ngumuyngoy. Kasi gustong-gusto ko na mag-resign sa work! Hindi na talaga ako masaya. Pero kasi nagdadalawang-isip din ako eh. Mahirap na na maghanap ng work ngayon. Tsaka isa pa, close ko na din mga officemates ko. Pero kasi hindi na ako happy sa work eh. Paulit-ulit na lang. Hindi na ako naggo-grow.

Sana po mapayuhan mo ako. Sana din mapayuhan ako ng mga fans mo. Binabasa ko din po ang mga comments nila. Ang saya saya lang po.

Teddy Bear

____________________________

Dear Teddy Bear,

Pa-hug naman!🙂 Grabe yung ang “huggable” ng name mo. Likey ko! Salamat sa pagtutok sa YTM. Nakaka-taba naman ng puso ang comment mo.😉

Deretsahang payo: mag-resign ka! Kung hindi mo na nakikita ang growth na hinahanap mo sa company mo, umalis ka. Huwag kang matakot mawalan ng trabaho.Mas matakot kang “sayangin” lalo ang natitirang buhay mo dito sa mundo. Napakaiksi ng buhay para ilaan lamang sa “pagtitiis.” IKAW ang commander ng life mo! Ang trabaho ay nand’yan lamang. Makakahanap at makakahanap ka din ng work! Laban, Teddy Bear! LABAN! Powerful statement. Aminin n’yo.🙂

Alam mo, kailangan din kasi malinaw sa’yo ang goal mo bilang isang manggagawa. Tanungin mo muna sa sarili mo kung bakit ka nagta-trabaho. Gusto mo ba ng malaking pera? Growth? Challenges? Cute officemates? Ano?! Linawin mo ito sa sarili. Sa part ko kasi, nagta-trabaho ako kasi wala lang. Pampalipas oras lang talaga ang work for me kasi ang dami ko ng pera eh. WOW!!!🙂 Uy, charoth lang ha! Baka tambangan n’yo ko sa labas! ;) Basta dapat in line ang goal mo sa present job mo. Lahat kasi ng work ay nagiging paulit-ulit eventually! As in LAHAT! Ang takeaway mo na lang is nasa-satisfy n’ya ang goal mo bilang emplyedo.

Sabi nga nila, 3 scenarios lang yan. 1. Malaki ang sweldo pero di masaya sa work. 2 Maliit ang sweldo pero super happy sa work. 3 Malaki ang sahod at super happy sa work. ‘Yan lang naman ang general face ng mga workers all over the world. Ako kasi nasa number 3 na eh. CHAROTH! Hindi, nasa 2 pa lang ako. Ang humble din eh ‘no.🙂 Kahit ano pang trabaho natin, iikot at iikot  lang tayong lahat sa 3 scenarios na ‘yan. At some point naging 1 ka or 2 or 3. Kung nasa 3 ka na, wala na! Death na ang kasunod d’yan! So sa 1 or 2 ka muna. OMG! Ang daming numbers sa paragraph na ito. Kailangan makasunod kayo ha!🙂

Pagdating naman sa mga officemates, totoong napakalaking factor nila kung bakit nagtatagal ang isang emplyedo sa company. Madami din talagang kaso na nagi-stay lang sa work because of the officemates. Sa kaso ko kasi nagma-matter ang officemates pero mga 10% out of 100%. Ang main bulk talaga ng staying power ko is if name-meet ng company ang na-set kung goal as a person. Pwede naman kasing ituloy ang friendship outside the company. Wala namang rule na BAWAL! Sa puntong ito kasi ng buhay ko, naka-focus ako sa “malaking sweldo.” Happy din ako sa present job ko pero hindi pa ito ang ultimate job na gusto ko. Stepping stone lang ‘to kumbaga. Ang ultimate goal ko kasi talaga eh SUMIKAT at MAG-ARTISTA! Ayan! Kapag  na-achieve ko na ‘yan, pwede na akong mamatay! Kaya din siguro hindi pa muna gina-grant ni Lord ang wish ko na ‘yan kasi ayaw n’ya pa akong kunin. At tsaka wala ng magma-manage ng blog na ito kapag nawala ako. Kaya naman, i love you, Lord.🙂

Take it from Madma, sundin mo ang sigaw ng puso mo. Kung resignation ang sinisigaw nito, GO! Naniniwala akong magaling kang tao kaya walang dapat ikatakot! Diskarte lang ‘yan. It’s time grow ang take bigger challenges! I-next level mo na ang buhay mo. Wala kasing point ang pag-stay sa isang work na ayaw mo eh. Eh kung ganoon lang din, uminom ka na lang ng Baygon! Papakahirap ka pa.🙂

Good luck sa iyo. Kasama mo kame sa laban mo! Kung makapag-decide ka na mag-resign, tambay ka lang muna dito while looking for a new job. We will keep you company.

Yours truly,

Madma

P.S. Patuloy lang sa pagpapadala ng nguyngoy at ngasngas sa yourstrulymadma@yahoo.com. Ang daming mga pasabog stories! Salamat sa pagpapadala.😉

Gusto ko din pala ipakilala sa inyo ang Manager ko na si Mr. Silvino Philip Guangco . Pinsan daw s’ya ni Vanessa Hudgens! ANSABE?!  Ang pogi n’ya ‘no? Kaso taken na eh. WOW. Laglagan. I love you, Silvy. Gift ko sa’yo for your birthday.🙂

(The photo above was lifted from this site: http://www.theshriverbrief.org/tags/make-work-pay/)

67 thoughts on “To Resign or Not to Resign…

  1. Oo nga, kung hindi na masaya, resign na! Haha. (Parang may work experience eh no?) Pero wala lang, kahit naman hindi mo na sila officemates, pwede mo pa rin silang maka-hang out.😉

    Kahit hindi pa ako nagkaka-work talaga, naiintindihan ko pa rin dahil hindi ko talaga gusto course ko at hindi ako masaya. Sharing lang. Haha. Kaya ayan, ginawa ko lahat para ma-convince family ko na hindi talaga ‘yun ang gusto ko!😉

  2. Teddy Bear! Madali lang ang problema mo. Mag-apply while working. Pag natanggap ka na sa bago mong inaapplyan, resign na. Yung officemates naman, wag mo sila masyado isipin. Kasi pag dumating sila sa kung anong state mo ngayon, pustahan tayo, di ka nila iisipin masyado. And tama si Madma, kung tunay na friendship yan, kahit di na kayo officemates, friends pa rin at kung hindi, they’re not worth it. See? Win-win sa pagreresign. (1) Makakahanap ka ng work na mas gusto mo (2) Mapoprove mo kung for keeps nga ba yang mga officemates mo (3) Magkakaron ka ng bagong friends. Go!!!

  3. I love you, Managee. Pagkinuha ka ni lord, si @therobensons ang pwedeng maging ghost writer mo…yung mga picture re-recycle recycle na lang namin. Actually asa gitna natin si @therobensons sa picture na to, kaso moment natin tong dalawa, so tinanggal ko sya kasi abala. Baka sumikat na din ako dahil pinost mo ako sa YTM! Very nice gift, Dungst! Apir!

    • Ay, oo nga! kaya na pala nila @therobensons at @jayrestacio ang pag-manage sa blog na ito! Grabe yung tinanggal mo si B! wahaha

      Ang pogi mo sa picture! Masasabi! Love you, Silvy!❤

  4. Hello Teddy Bear,

    Feeling ko kilala kita eh. Kasi kapangalan mo officemate ko eh. Grabe din yung coincidence ha.

    Anyway, tama na naman si Madma (Default statement na yan sa bawat comment. Magkamali ka naman minsan! Kainis. Haha :p)
    Kung di ka na masaya, resign na! Tulad sa break up problem ni Waka Waka, meron din akong method to gauge kung di ka na masaya sa trabaho… Hehe. Joke lang. Gullible ka din eh.

    Ako kasi, happiness lang talaga ang batayan ng pagstay ko sa work ko ngayon. Madami ka ngang pera pero di ka naman masaya, wala rin.

    Pero bago ka mag-resign, dapat siguraduhin mo na meron kang fallback. Baka kasi may sinusustentuhan ka na tatlong panganay, mahirap na mademanda ng mga nanay ng mga anak mo kasi wala kang mabigay. ALAM na ALAM mo yan. Kilala din kita eh. Joke.

    Pero kung single ka at wala ka namang commitment kung kanino man, ipush mo na yan! Daming trabaho diyan oh. Gusto mo i-refer kita dito samin, hati tayo sa referral bonus! Lol. Mukhang pera din ako eh.

    Sigurado makakahanap ka agad. Di ka naman magiging reader ni Madma kung di ka magaling tulad niya. (Yes purihin si Madma, PURIHIN! :D)

    • wahahaha! Gusto ko yung default na “Tama na naman si Madma!” Lakas maka=perfect! haha Hayaan mo minsan, mamaliin ko talaga ang payo ko! haha

      Grabe akala ko meron ka namang “method” wahaha! BEst kasi nung WAM eh! Lakas ng recall! Parang ulam! WAM Ulam! hahaha I-refer mo na sa inyo si Teddy Bear! Tapos kapag nakuha mo yung bonus, libre! hahaha grabe nakikibakas din ako.

      Lakas maka-sipsip nung last sentence mo! LOVE IT! haha❤

  5. Teddy bear, hindi naman puro saya ang work. Kaya nga work kasi it takes some amount of discipline to accomplish it. Minsan kasi kahit di ka masaya basta in line pa rin siya sa goal mo, tiis lang ng konti basta ba stepping stone mo siya towards your ideal job. Try mo ring manuod ng The Devil Wears Prada. Pero kung hindi naman siya stepping stone at all, gow…resign na. sayang buhay..hanap ka ng work na passion mo talaga para kahit mahirap masaya ka pa rin. madma, nakiki lime light lang..salamat sa lahat ng galak na dulot mo.

  6. Hi Teddy Bear, basta konti lang masasabi ko ikaw ang gumagawa ng buhay mo. This is the time na dapat you are defining yourself.. hanapin mo kung san ka magiging masaya at magiging fulfilled. Ang mga friends sa work, bonus na lang sila kasi may mga friends naman tayo outside work di ba?

    Actually good sign yang nararamdaman mo kasi hindi ka yung tinatawag na complacent na tao. You feel dissatisfied and unhappy kasi meron kang hinahanap at wala yan sa current role/job mo. Eto nabasa ko lang somewhere pero talaga namang may impact. Kailangan mong magreflect ng bonggang bongga. Tanungin mo yung sarili mo ng mga questions na ito:

    1, What are you good at?
    2. What makes you feel alive?
    3. What do you dream about?

    Pag nasagot mo na yan, don’t be afraid to switch career and direction, Now is the time. Tapangan mo. Or else habambuhay kang magiging stagnant jan sa kinakalagyan mo. Take a risk. Don’t get stuck. Try something new. Mag soul searching ka. Okay lang mawalan ng job for a while kung sa panahon na yun naman mahahanap mo ang sarili mo. And pag pinasok mo na yung talagang gusto mo. Ask this last question to yourself:

    “Am I proud of the work that I do?”

    Just my two cents =)

  7. Super seryoso ako dito kasi talaga namang decision in life to e. Basta balitaan mo kami kung anong naging pasya mo🙂 Pahug na din teddy bear pag nagkita kita tayo =) WUW.

  8. Sa mga nabasa ko sa engtry at comments so far, parang nakakakita ako ng 3 main categories or aspects ng career/work, same ito sa theree basic food groups: Go, Grow and Glow! Oh di ba ang bongga (or ang Grade 3?! Haha)

    Go yung aspect ng work mo that challenges you. That keeps you on your toes and always makes you on the GO! Sa ngayon masasabi kong mababa ang aspektong ito sa work mo, kaso sabi mo paulit-ulit na lang.

    Grow is the aspect relating to your career and professional growth. Kung paano ka lumalago bilang tao at bilang propesyunal sa kinalalagyan at ginagawa mo ngayon. I don’t see the whole picture pero based from your words, explicitly you’re stating na hindi ka nag-ggrow eh. I hope you also consider the growth in it its multi-dimensional sense – growth sa professional relationships, sa talents, sa core and technical skills, sa communication at kung anu-ano pa.

    Last one is Glow. This what makes you HAPPY and GAY (OMG are you gay?!). Guys, Teddy Bear is gay! Haha char lang! Sa aspect na ito may puntos ka. Kasi masaya ka sa mga taong kasalamuha mo, and for me importante rin yun. Pero at the end of the day, posibleng ang Go and Grow aspects ang ultimately magpa-Glow sa’yo eh. Gets ba?

    So anong point nito? Actually…wala. Haha gusto ko lang maging part ng TRIBO tagapayo issue na ito. Ikaw na rin naman nagsabi na gusto mo ng advice from TRIBO tagapaya. To quote, “Sana din mapayuhan ako ng mga fans mo. Binabasa ko din po ang mga comments nila. Ang saya saya lang po.” Oh di ba na-quote talaga kita? Hahaha

    Seriously, iminumungkahi ko na i-assess mo ang kalagayan mo sa Go-Grow-Glow aspects. Madali kasing sabihin na hindi ka masaya, hindi ka nag-grow at hindi ka ginaganahan sa work mo. PERO, ano ang batayan? Baka may mga bagay na hindi ka na-aappreciate at nacoconsider, na baka pag nagresign ka sa work ay mawala sayo at pagsisihan mo. Ang paglipat ng trabaho para sa akin ay hindi parang mainit na kanin na isusubo at kapag napaso ay iluluwa (WOW KASAL DIN HA?). haha seryoso, like Carla Jill, I consider this as a life-defining decision. Your work also defines who you are in a major way, kasi malaking bahagi ng oras mo ang kinakain at ginugugol dito. Kaya naman dapat ang pagpasok, pag-alis at paglipat ng trabaho ay pag-isipan talaga.

    Assess your options. Ano ang gusto mo, ano ang kailangan mo, at ano ang meron ka ngayon? Ilatag ang mga options mo at pag-aralan. Ano ang positive and ano ang negative aspects and bawat option? Plus paano makaka-contribute ang bawat option sa Go-Grow-Glow aspects?

    Then choose the best answer.

    [Avail nyo yung dramatic ending ng entry ko. Parang New York Times best-selling nove lang atake. Isang statement then period. hahahaha].

  9. Ang comment ko naman re: this nguy-nguy of yours Teddy Bear goes a little something like a short dialogue between my aunt and I.

    Lady Auntiebellum : Hay sa wakas. Pwede na akong mag-retire soon. Graduate na si Toot Toot. (Si Toot Toot ay anak nyang soon-to-be-a-lawyer, I hope you don’t mind.)

    WitchK : WUW Tita! Ang saya naman! Ilang taon po kayo sa Chenerlyn? (Chenerlyn – di nya tunay na pangalan. company yan ha. Or sabihin na lang nating, sangay ng gubyerno to be a bit more specific.)

    Lady Auntiebellum : 37 years.

    BRANGTAGAL!!! NALOKA NA KO AT THIS POINT, PERO HINDI KO PA NARINIG ANG TWIST!!!

    Habang nakanga-nga pa ko sa paghanga, sinabi nya…

    Lady Auntiebellum : First job ko yun.

    Sabay ngiti si Lady Auntiebellum.

    Ayun, ilang linggong umaalingawngaw to sa tenga ko.

    Wala naman, since usapang trabaho, na-share ko lang to. Bahala na kayo kung anong gusto nyong gawin dito. hahaha

    Sana maging maayos ang lahat sa buhay mo Teddy Bear. Andito lang kami para sayo. Alamoyan.

  10. na experience ko na yung fourth na wala sa list. Hindi na masaya, maliit pa sahod. though na forget kona yung experience na iyun, kasi 3months lang iyun. grabe yung Makati na tapos 8k lang yata ang sweldo. copywriter yata ako nun, tapos kasama ko sa office, 2 artists, isang creative director tapos yung dalawang may ari na. Isang secretary at isang messenger. ayun, paano ka naman sasaya dun.

    Then, narinig ko na 20k lang ang sweldo nung senior artist. after that i realized na kahit pagyaman ay wala sa kumpanyang iyun. kaya naman the next day sabi ko sa creative director, na nagpasok sa akin sa work, magreresign na ako. sabi niya kailan, sabi ko bukas.

    Hindi na ako pumasok the next day. Sabi sa akin nung creative director na kailngan pa daw ng two week notice, pero naisip ko na hindi naman ako regular employee, under probation daw ako. so sa akin, kung under probation ako sa kanila, under probation din sila sa akin.

    Iyun, ang sharing in the city lang ng feel ng episode na ito. ahahahaha!

    Niweis, as for teddy bear, bakit hindi mo try maging factory worker, doon sa mga gumagawa ng stuff toy. Ahahahaha, cheka lang. makiki-witty lang.

    And para namaninformative ang post ko: Did you know na there are three types of workers nowadays. Yung under ng Production, Transaction at Interaction. Ayon yan sa akin at sa McKinsey. i-google mo na lang for more kung ano ang mga ito. At baka mainspire ka na there are a lot of works waiting for you out there. My god, there are many fish in the ocean. Why not become a fisherman.

    You can only sign on the number 3 job of Madma by resigning.

    • WTF!!! PASABOG!!! Kingina nakakaloka ka, Bette! Welcome naman sa Tribo_Tagapayo! LAKAS!❤

      Alam mo, hindi ko na talaga nilagay yung pang fourth na wala sa list. LAKAS maka-nega. Pero after all, marami pa din talagang nasa quadrant na 'yan. Ang pasabog nung sahring mo lalo na yung 3 types of workers! Pang-matalino. Nakaka-ganda siya sa part mo. haha

      BEST!!! Wala akong mkasabi sa pagkagulat. Pota ka.

      Ultimately naman, ang policy ko sa buhay, hindi dapat natatakot ang magagaling na tao. Magpa-ikot ikot man sa Number 1-4, lalapag at lalapag din sa dapat kalagayan. Magaling ka. Magaling tayo. Hindi dapat matakot sa mga hamon! O, ha!❤

      • tama… at dapat, at the very end of the day… aminin mo, may very, e alam mo dapat ang kakayanan mo at dapat nasasatisfy ito ng trabaho mo, kasi when it fits, magiging masaya ka, na kahit kupal ang mga co workers mo e ipaglalaban mo.

        At dapat alam mo lang talaga kung gaano ka kagaling. It all boils down

      • Grabe yung parang bitin ang last sentence mo! wahaha

        Pero, check talaga ‘yan. It will all boil down kung gaano ka kagaling. Ayan ako na ang tumapos ng sentence mo. Kasi kapag magaling, kahit saan quadrant, nagsu-survive! Laban lang nang laban. May paglalagyan din tayo. Wala man tayo sa mga gusto nating trabaho ngayon, ang husay at galing natin ang gagabay papunta doon. ANSABE?!

      • gusto ko lang gamitin yung it all boits down. anlakas makatalino nung phrase. so ginamit ko siya as a phrase.

        but praises to you and to your blog.

        at sa mga manggagawang pilipino na rin.

        and to teddy bear. i-consider mo rin pala kung may pamilya kang magugutom kapag umalis ka sa trabaho mo. I am not saying na huwag kang umalis dahil sa kanila, but put them in consideration.

      • wahaha. Ang lakas maka-pigil ng pag-resign nung last sentence mo. haha Ang dead end! wahaha. At the end of the day, it’a all about taking chances. hahaha

        Excited na ako sa shoot natin for our second video blog entry! Pasabog ‘to!!!

  11. Hello naman Madma! I’m back!😀

    Sa totoo lang eh kailangan mo pagisipan yan ng ilang beses bago ka magdecide.

    Paano mo ba nasabing hindi ka na naggrow?

    (1) dahil ba paulit ulit na ang ginagawa mo? Reality check dear, kahit lumipat ka ng company darating at darating yung point na mafefeel mo yan.🙂 pero its up to you kung pano mo lalagyan ng spice ang daily worklife mo. kita mo si madma, nasisingitan ng wordpress ang work. haha. ireport na natin yan boss nya. hahah
    Sa panahon ngayon or sa mga nakalipas na panahon for that matter eh pare-pareho lang din naman ang ginagawa ng mga tao sa work! For example, isang magsasaka.
    1. Tanim ng palay
    2. Lagyan ng abono
    3. Diligan (Dinidiligan ba ang palay? hahaha)
    4. Araruhin ang lupa
    5. Anihin
    6. Repeat steps 1-6 for x times

    pero ano, yan pa rin ang gagawin nila paulit ulit hanggang sa lumaki na ang mga anak nila, magkaanak ung anak nila, ung tuta nila, ung kuting..wow.

    (2) dahil ba hindi ka nappromote? Ilang taon ka na ba sa company? Kasi yung ibang tao 2 yeasr pa lang eh nanghihingi na ng promotion. Mukha na syang matagal pero yung 2 years na yan eh maiksi sya para maiconsider na “considerable” experience, except na lang kung si god ka na super galing mo hahaha. Kelangan mo rin iconsider ung working attitude mo. yung skills and competencies mo. ano ba ung naibabahagi mo sa company? tipong ikaw ba ung nagcocomplete ng deliverables for the sake of completing it? or ikaw ung nagg-go ng extra mile? kelangan mo rin iconsider kung may mas senior sayo.🙂 bago ka manghingi ng promotion.

    (3)dahil feeling mo eh hindi namamaximize yung potential mo as an employee? eh hingi ka pa ng trabaho sa boss mo kung ganun haha.😀

    So ayun, sana may napickup ka kahit kalat kalat ang thoughts ko. haha.

    • Welcome back, Boypalaboy! Saan ka ba naglalaboy! Miss ka namin ha.🙂

      SOBRANG tawang tawa ako sa magsasaka example mo!!! WAHAHAH! Grabe, nawala antok ko! Alam mo din talaga ang mga steps sa pagsasaka ha! Pota! Naloka ako sa “repeat steps 1-6 for x times.” wahahaha totoo naman kasi!

      Ang taray ng comment slash blog entry mo ha. LAKAS! Grabe dumadami na din ang members ng Tribo_Tagapayo! Bongga!😉

  12. Hello! Hello! Grabe yung muntik ko nang makalimutan ang required na payo ko re: Teddy Bear’s dilemma or dilimna bilang nahihirapan siya.

    Tulad nga ng na-share ko dati, almost six years na ako na part ng workforce, pero I’m on my 7th job right now. O, Teddy Bear, avail mo yung may built-in trampoline yung career path ko. Hahahaha! No, seriously, hindi naman siya sobrang magkakalayong industries so kebs lang.

    Damang-dama ko yung hindi ka na masaya at walang growth sa current job mo, yan ang main reasons ko noon kaya ako umalis sa mga previous jobs ko. Hindi ko na inisip na baka sabihin ng next employers ko eh unstable ako at palipat-lipat at pwede ko ulit gawin yun sa kanila. Ang inisip ko kasi noon, kailangan kong maging masaya. Wuw.

    Tama ang sabi ng ibang members ng Tribo Tagapayo: hanapin mo kung saan ka masaya. Mahirap hanapin yung perfect na trabaho, AKA gusto mo yung ginagawa mo while earning gazillions tapos may karelasyon ka pa na sinusundo ka tuwing uwian. Ako kasi, (pibirthday) naging mantra ko since high school ang “To be allowed to sweat over lonely labor, to be given the chance to create is the meat and potatoes of life. The Money is the gravy.” – anonymous. Kaya naman nahirapan akong magkapera. Hahaha!

    Pero in your case, I think mas applicable yung answer ni Miss World 2011 first runner-up Gwendoline Ruais sa final Q&A:

    “To be Miss World is my dream job, and I say job because it has a lot of responsibilities but there’s nothing I love more than communicating with other people. As Miss World you get to use your potential and your voice to help people all around the world, and what is more wonderful than doing what you love by helping others.”

    So siguro, instead na mag-focus ka sa ibang factors such as officemates, pera or magandang office, balik ka sa sarili mo. Check mo kung ano ba talaga kung ano yung gusto mo. Ako kasi, grade 5 pa lang ako eh alam ko na na gusto ko magsulat. Balikan mo kung ano ba yung mga interests mo. I believe great things start from small beginnings, literal minsan, kaya nga pwedeng yung mga interests mo nung bata ka eh yun pala ang magiging career mo talaga.

    Totoo, mahirap maghanap ng new work, pero mas mahirap yung nagpapakupot ka at hinihila mo yung sarili mo na pumasok sa work everyday dahil alam mong ayaw mo na. Basta, ‘wag kang aalis nang wala kang lilipatan. Anong gusto, nganga? Walang pera pangkain? Haha!

    Just do what makes you happy.

    • WAHAHAH! Grabe! Nadamay pa si Ms. Gwendoline Ruais!PANALO! At talagang humabol ka din sa payuhan ha. Alam mong pillar ka din talaga ng Tribo_Tagapayo so hindi ka na pwedeng mawala!!! haha And in fairness to you, may mga quotes na!!! WOW! Umaangat ang payo mo ha. haha Ang lakas! Love it, B!❤

    • Hello naman, Ms. Eliza. Salamat naman at pumasa sa’yo ang payo ni Madma. hahaha Bakit relate na relate ka dito?! Parang may ishe-share ka. hahaha magre-resign ka na?! OMG! hahaha

  13. Hi Madma,

    Grabe hindi na tayo nagkikita, catch up tayo minsan😀

    Personally, I consider my first job as number 1 and my second (current) as number 2. Nakakarelate ako sa paulit ulit na lang at mukhang matatagalan ang promotion bilang relatively flat organization ang pinapasukan ko ngayon. Naisip ko na din magresign kahit na mag-iisang taon pa lang ako dito kaso naisip ko din ang pros sa trabaho ko ngayon. Mas financially stable/flexible kasi ako ngayon, dami kong nagagawa ples.. haha.. Siguro it’s a matter of perspective na lang din.

  14. ang gwapo ng Manager mo! sayang taken na. gwapo din siguro yung nag-takeout sa kanya.

    wala akong comment kay Teddy Bear, hindi ko sha pwedeng payuhan. hindi kasi applicable yung trabaho ko sa ganitong situation.
    I can’t quit my job, kahit mahirap at madaming sakripisyo (tulad ng.. hindi ka na nagpapakita sa mga friends mo) hahaha.
    saving lives is more of a calling rather than a profession.

    • “saving lives is more of a calling rather than a profession.” ang sarap ng statement na ito. Lakas maka-pacify ng nguynguy. Ang taray mo na Witch na. Profound ka na ha. Kung ito ang dulot ng paglayo mo sa amin. Sige, lumayo ka pa! hahaha

  15. New here. I consider my job as no. 1 sa category mo. I’m a fresh graduate so swerte na din na ayos agad salary sa job na nakuha ko. Di nga lang ako masaya sa trabaho. Na-bobore ako at feeling ko di nau-utilize ang pinag-aralan at skills ko. Planning to resign na din in a month or two. Sana makahanap agad ng kapalit.

    • Hello naman, Darthbidder. Welcome sa YTM.❤ Naku fresh grad ka pa lang pala. Madami pa magaganap sa'yo. haha Basta ang key, kapag hindi na masaya sa trabaho, alis na! Good luck sa'yo.❤

  16. may tanong lang po ako,,,ako po kc wala pa 1 month sa trabaho..may gusto akong applyan sa ibang kompanya,pwede ba ako magresign kahit may kontrata akong 5 months?wala naman cnasabe saken na magbabayad ako pag umalis ako dun,,.patulong naman po..plz,,.tnx

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s