Bonding Time with Madma Part III

Dear fans and followers,

Bonding time naman! Grabe! Wala kasi ako starting tomorrow. Sniff. Pupunta ako sa Puerto Princesa, Palawan para mag-bakasyon muna and mag-relax with my High School barkada. Ok lang? Alam n’yo na, medyo may kaya sa buhay. Kayo ba may kaya? OMG! Wala?! K. Lakas makahamak eh ‘no. Uy charoth lang ha. 🙂

So since mawawala ako ng konti, magbonding muna tayo now! Grabe di na tayo nagbo-bonding! Nakukulangan ako sa inyo! Clingy ang pota. Sharing time naman ulit. Ang sarap kasi ng sharing eh. Parang kausap ko lang talaga kayo. In fairness ha, may community na sa blog na ito ha. Ang close na ng mga tao. Konti na lang at matataob na natin ang Peyups forum at YM! WOW. Basta, huwag kayong matakot mag-share. Go lang nang go. Kasi ang blog na ito ay blog nating LAHAT! Lakas! 🙂

At bago pala ako chumika sa inyo, remind ko lang kayo sa June 15, 2012. Irita yung “remind.” Parang utang lang. Alam n’yo na ‘to ha. Mothsary natin sa June 15, 2012! Isang buwan na tayo by then! Woooh! Abangan n’yo talaga ang PASABOG ko sa araw na ‘yan. Hindi ako mapapahiya sa inyo. When I say pasabog, I mean it!!! Boom! Titigil ang mundo n’yo sa June 15 for sure! 10 days na lang ‘yan. Mag-ready na kayo sa MALAKING pagbabago sa Yours truly, Madma.

Anyway, para sa bonding session na ito, I just want to share with you my Ultimate Idol. Lakas maka-slam book ang pota!!! I’m sure may mga idol din kayo ‘no! Grabe yung wala! Ang perfect n’yo naman! Ako nga sikat na sikat na, may idol pa din, kayo pa kaya?! WOW. Ang bangis nung statement na ‘yun. 🙂 I’m sure, nagwo-wonder kayo kung sino ba ang iniidolo ng nag-iisang Madma. Ang dami din kasi talagang nagtatanong nito eh. So once and for all, sasagutin ko na. TARAY! 🙂

______________________________________________

O di ba?! Nakakalito ang picture na ito. Hindi mo alam kung sino yung fan at yung idol. Ano ba sa tingin n’yo? CHAROTH! 🙂

Say hello to my idol, the Asia’s Songbird Ms. Regine Velasquez!!!! Waaaah! Ang payat n’ya pa dito ‘no?! Kaka-miss. Ang sarap n’ya pa tingnan.  Ngayon kasi medyo TUMABA na din si ‘Te. LAKI ng pinagbago ng katawan n’ya. Yung braso nya, please! Parang paa na din ng bata. Naalala ko bigla yung Papa ko habang pinapapanood namin si Regine kumanta sa TV one time, sabi ba naman, “Si Regine ba ‘yan? Akala ko BAKA?!” Ouch 😦 GRABE ang prangka ng Papa ko ‘no. Naloka ako. Well, tumaba din kasi talaga siya, huwag na tayong umarte. (Paging Ms. Sharon Cuneta and Ms. Claudine Baretto) ANO BA PURO NEGA?! Idol ko kasi ‘to!

Aminin naman natin na magaling si Ate Regine! Disregard na muna natin yung present size n’ya ha. Napatunayan na n’ya yan sa mahabang taon n’ya sa showbiz. Siya ang Nag-iisang Reyna! Tigilan ako ni Pops Fernandez!!! Sa kanya pa lang ako talaga humanga among local Pinoy singers. IBA eh! LAKAS! Madaming times ko na siya napanuod kumanta ng live at talaga namang swabe! Naalala ko nga nung una ko siyang makita sa SOP. Nanlambot talaga ako. Nakaka-star struck siya, promise! And nung bumirit na s’ya sa harap ko, RUROK! Waaah.

Ang dami na din talagang mga bagong singers ngayon, pero wala pa akong nakikitang papalit sa kanya. Si Angeline Quinto? CHE!!! Wala pa siya sa kalingkingan ni Ate Reg ‘no. Ano ba?! Makalat pa siya kumanta at madaming times ko na siya nahuhuling sumasablay. And yes, critcal din ako sa mga singers kasi singer or shinger din ako! Ansabeee?!

Basta, Regine is Regine! Hindi man s’ya kasing galing ng dati eh na-earn na n’ya at napatunayan ang sarili n’ya bilang isang magaling na singer. Sayang nga at lalaki ang anak niya eh. Hindi Diva! Or malay din natin di ba. 🙂 GoodNate naman tayo s’ya anak n’ya na si Nate. Ang arte nung “GoodNate!” 🙂

Sana talaga bumalik na ang dating Regine in terms of katawan and galing. Lord gawan n’yo po sana ito ng paraan. Hindi pa kame handa na mawala ang galing n’ya. Ngayon kasi hirap pa din si Ate kumanta eh. Aminado naman ako sa part na ‘yan. Sana na lang hindi s’ya maging kagaya ni Britney Spears na totally nawala ang galing at husay sa craft n’ya. Grabe din kasi si Britney ‘no? Ibang tao na din. Parang pinsan na lang s’ya nung totoong Britney. Kaloka.

Oh, dapat idol n’yo din si Ms. Regine ha! Grabe yung pinipilit ko kayo. Charoth. 🙂

O kayo naman mag-share ng idol n’yo! GAME! Papayuhan ko kayo kung tama ba ‘yang mga ina-idol n’yo. WOW. Share lang kayo! Sundan n’yo lang ang format na ito:

“Ang taray naman ng idol n’yo, Madma. Regine is love! Ako naman, super idol at baliw na baliw talaga ako kay…”

AYAN ha! GAME!!!

Yours truly,

Madma

P.S. Gusto ko din ipapanuod sa inyo ang pasabog video na gawa ng mga kapamilya ko mula sa UP Repertory Company! SUPER saya, swear! Makikita sa video na ito ang mga kaibigang dapat iwasan! O TARAY!

Congrats naman Albert Cruz, Dax Carnay at kagandahang Jorgette Ann Aguirre! Pasabog kayo! Congrats din sa BBF ko na si Melanie Libatique. Galing mo na mag-edit ha!

So, here is another educational Rep video from “Friends 101.” GO!

I-click ang link na ito para mapanuod ang PASABOG video: http://www.cge.tv/watch/08eb6dc8-5d29-4aef-976e-9aa3999a5e82

Congrats kay Jill at Carl! Waging-wagi Kayo!

Dear fans and followers,

Heto na ang mga nanalo sa huling edition ng Humula at Manalo sa Yours truly, Madma. Batiin naman natin sila!

Congrats to Ms. Carla Jill Masalonga! Ikaw ang nakahula ng tamang title para sa blog entry ko last Friday. Ang tamang title is “Kung Pogi ka, ‘Wag Kang Pakupota.” Ang galing naman! Talaga namang sinundan mo din ang mga yapak nila Renzyd at Deathbymilktea. Pasok na pasok ka sa “elite” winners ng Yours truly, Madma. Taray nung “elite.”

And of course, congrats din kay Mr. Carl Dayadante para sa most creative entry! Ang taray nung may special award ‘no?! Galing! Malayo talaga ang nararating ng mga taong creative. So parang ikaw na din talaga ang first runner-up. Kapag hindi nagampanan nila Jill, Renzyd at Deathbymilktea ang role nila, ikaw ang papalit! WOW.

Salamat sa lahat ng mga sumali at nagbigay ng entries. Huwag malungkot dahil marami pa tayong mga pasabog at pakulo soon. Hindi mauubos ang mga pasabog ni Madma kaya ‘wag kayong umarte! Salamat sa consistent na mataas na ratings. Thanks talaga!

So, game! Kilalanin na natin sila!!!

Enjoy the fame, Jill and Carl. Or pwede din palang pagsamahin ang name n’yo: Carl Jill Masalonga! PAK!

Yours truly,

Madma

______________________________________

Bio: My real name is yung username ko din here. Kasi may blog din talaga ko sa wordpress. Born on June 8 at nagiisa akong babae sa pamilya. Bibo talaga ako ng lumaki. Mahihiya si Jilliane Ward sa akin nung bata ako. Sayang at hindi talaga ako pinagshowbiz ng pamilya. Wala kasi kami makain so hindi na nila uunahin pumunta sa ABSCBN Compound.

Pinakatalent ko siguro ang umarte at dahil dun mas kumapal pa talaga yung mukha ko humarap sa maraming tao. Aliw na aliw ako magperform. Lalo na nung naghighschool at college. Pinakanagustuhan ko talaga yung mapasama ako sa grupo ng theater. Lalong kumapal yung mukha ko at nacarry ko sya up to now, worth to mention na dahil sa kapal ng mukha e nanalo akong Bactidol Idol recently at sumali pa kong Clown in A Million kahit alam ko namang hindi ako talaga super nakakatawa.. Kampidens lang! Pero wag kayo, madami akong natutunan sa UP Rep na napakahalaga. I learned what life is all about.

Ngayon isa na akong ganap na propesyunal sa larangan ng EYCHAR. 6 na taon na ko sa propesyong ito so wag nyo kong simulan Haha.

Hobbies: Umarte, magplay, umarte tsaka maglaro ng bejeweled. Manood ng romcom. Tinatawag din akong romcom queen.

Likes:  Gusto ko yung mga taong prangka at totoo. That’s why mahal na mahal ko yung mga current friends ko ngayon. Kilala nyo na kung sino kayo.  Para ko na kayong kapatid. Gusto ko din ng humble.

Masasabing inlove din ako ngayon sa isang lalaking nagngangalang Elrick at kung maaari sya na talaga yung maging partner ko habambuhay. I think wala na kong hahanapin pang iba. ❤ A true friend, best bud, best partner. Totoong tao – may masama at mabuting ugali 🙂

Masamang Ugali: Pikon din ako at talaga namang epal. Minsan maiinis na lang kayo sa akin kasi sobrang pabida. Hindi din ako papatalo. Malakas din boses ko.

Mabuting Ugali: Hindi man ako super sweet sa friend pero ipaglalaban kita sa kanit kanino. Susuportahan kita hanggang sa dulo. At kapag may umapi sayo, mangaaway talaga ako ng tao. Matulungin din ako sa pamilya. At mahal na mahal ko sila.

Paano ko Naisip yung Title: Simple, naisip ko lang kung ako ang may mukhang ganun, hindi talaga ako magpapakupot. Kasi dapat malakas sya. So nakakapangduda din talaga. Hahah. So patunayan mo ha, kung pogi ka, wag ka ngang pakupota.

Message to Madma: I know sometimes, nagaaway din tayo at kinukwestyon ko minsan mga decisions mo sa buhay pero iyon ay hindi para inega ka kundi para magbigay lamang ng opinyon dahil mahal kita. Ikaw ay isa sa pinakamamahahalagang tao sa buhay ko ngayon. bakit naman hindi e simula ng magapply ka sa UP REP, pinapatawa mo na ko. Ako ang iyong best alalay sa votre alam mo yan. At ngayong nasa blog ka, ako ay number 1 mong taga suporta. More power sa yo. At sana Sumikat ka na! You deserve this! Kailangan maavail ng ibang Pinoy ang komedya mo. at kung gano ka katalino.

Message to Co-Readers: Tambay lang lagi dito at ipamahagi ang blog na ito sa iba. Sana magkita kita tayo. Sana makapagperform ulit kami. Ipagpatuloy ang pagiging witty nyo din. Nakakaaliw basahin ang comments nyo. Batiin nyo naman ako sa birthday ko. 🙂

______________________________________

Bio: Hello, ako si Carl! (follow me on Twitter: @drmcmuffin) I’m 21 Years old and studying BA European Languages, Major in German, Minor in Italian sa UP Diliman. Kapagod sabihin ang course ko, can I really just say. Gusto ko sanang maging interpreter sa Miss Universe paglaki ko, kaso once a year lang yun kaya gagawin ko na lang na hobby in the future. So gusto kong maging translator ng kadokumentuhan ng mga international companies o kaya maging language prof. Tapos dream ko maging UN Ambassador tulad ni Ban Ki Moon at Kofi Annan dahil I’m a peace-loving person.

Hobbies: Manood ng TV at Movies, manood ng Tennis (take note, MANOOD) at sumali sa Trivia Quiz Games. Well, akala niyo normal na hobbies lang yan pero matuturing na siyang obsession dahil ka-level ko ang presidente ng fans club ni Nora Aunor kung maka-avid fan sa aking favorite shows. I’m an avid follower of American (and some British) Comedies and Dramas. Ilan sa favorites ko ay Modern Family, Mad Men at Lost. Tapos nanonood pa ako ng mga kwarenta pang ibang show. Gusto ko na nga bawasan, kaso lagi lang nadadagdagan. Sa movies naman, favorite ko usually ang Romantic Comedies, pero gusto ko rin yung mga movies na lakas maka-talino tulad ng Inception at yung mga Academy-recognized tulad ng The Social Network. All-time favorite movie ko ang The Terminal ni Steven Spielberg at favorite actor ko naman si George Clooney. Avid follower din ako ng Tennis, at favorite player ko ang current world No. 1 na si Novak Djokovic.

Madalas din akong sumali sa Trivia Quiz Games kasama ng aking mga kaibigan. Mahilig kasi ako sa mga walang kwentang bagay tulad ng pagbibilang ng parking slots sa AS Parking Lot: 227. Sa dami ng pakulo ng mga orgs sa UPD, pinapatulan naming lahat. (Or dahil sabik lang kami sa Prize Money?) Kaadik lang kasi kapag nasimulan mo nang manalo, gugustuhin at gugustuhin mo to in the future. Nakakapagod ang hobbies ko no? Ubos na ubos na ang hobby time ko.

Pano ko naisip yung title: Not from experience, dahil di naman ako pogi. Anlakas maka-slogan ng utak ko after reading the post, kaya tinuloy-tuloy ko na hanggang sa maisip ko ang “Pogi ka, pogi ako, maglandian tayo.” Ang straight forward much lang ng approach. Nakatulong din siguro ang dalas kong makiepal sa slogan making contests nung elementary at hs. Or mahilig lang talaga ako sa rhymes.

Message to Madma: Hi Madma! Alam mo bang avid fan mo kami ng mga kaibigan ko? (avid count: 4) Bago ako maging BA EL, galing ako ng Engineering, tapos hindi kinaya. (lakas ipang-MMK nito, pero later na lang) Member din ako ng isang Eng’g org kaya madalas kaming nanonood ng Eng’g week events. Syempre, isa ka sa inaabangan namin. Follower mo na ako sa Twitter bago pa mabuo ang blog na to! (ibig sabihin, inistalk talaga kita. JOKE)

At salamat pala sa Most Creative Award. Sabi ng kaibigan kong si Melai (@karmelamariz sa Twitter), lakas maka-Kindergarten ang award ko na to. Wala ba tong pin, itatabi ko sa Best in Reading award ko noon! Kawawa naman, nag-iisa lang yun. Underachiever nung bata much?

Anyways, para mas sosyal, magiiwan ako ng P.S in German.

“Madma, ich wünsche dir viel Glück zu deinem Blog. Ich hoffe eine glänzende Zukunft für deinen. 🙂 Auf geht’s!”