Madma Reacts: Cynthia Villar vs. Nurses, Willie-Ethel Feud and Sabah Standoff

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyong lahat! Kamusta naman ang life? Ang tagal kong hindi nakapag-post ha. Sorry naman. Babawi ako nang todo today. Game!😉

Sooobrang daming nagaganap ngayon sa Pilipinas. GRABE! Nafi-feel n’yo rin ba?! Kaliwa’t kanan ang mga pasabog araw-araw. NAKAKALOKA! Napakaingay ngayon ng social media sa pinaghalu-halong mga issues and controversies from all walks of life. And’yan ‘yung lumalalang Sabah standoff, mga nakakalokang election-related news, issue sa Tubbataha, issue ng DSWD versus Typhoon Pablo survivors, issue sa tumataas na HIV cases, etc. Take note, national political news pa lang ‘yan, hindi pa kasama d’yan ang Willie Revillame-Ethel Booba-Ate Gay feud, ang Cacai Bautista and Mario Maurer “relationship,” ang pagpapaiksi ng buhok ni BB. Gandanghari, ang awayan ni Ai ai Delas Alas and her jow, ang isyung tomboy daw si Yeng Constantino etc. GOSH! Wala pa rito ang world news ha gaya ng pagkamatay ni Venezuelan President Hugo Chávez, ang gyera sa Syria, Egypt and Libya etc. Ang dami!!! Kingina. Isang araw ka lang na hindi makapag-check ng Twitter or Facebook, lost ka na agad sa mga happenings!

Ibang level na rin talaga ang nagawang pagbabago ng social media sa buhay natin ‘no?! Mas lalong mabilis ang dating ng mga balita kaya mas bumibilis din ang pacing ng buhay natin today. Ang saya, saya! Kaya challenge talaga ang magcatch-up ngayon sa mga balita. Kaya nga ba’t mas tumataas lalo ang chance na hindi na ako magkaka-jowa. Oh no!😦 Busy ako lagi sa kakakeep-up sa mga kaganapan sa bansa at sa mundo. Nawawalan na tuloy ako ng time maghanap ng jowa. Nagre-ready na nga akong maging matandang dalaga ‘eh. DALAGA?! BABAE?! Char.😉

Anyway, gusto ko palang mag-react muna sa ilan sa hot issues ngayon. Hahabol muna ako! GAME!🙂
___________________________________________________
Rep. Cynthia Villar versus Nursing Profession

Naging mainit na usapan din ang naging pahayag Rep. Cynthia Villar about sa nursing profession sa isang show sa GMA News TV. Talagang nag-fiesta ang balitang ito sa feeds ko sa FB and sa Twitter! SHOCKING! Pero bago ang comment ko, panoorin muna natin ang actual statement ni Ms. Villar para ma-refresh tayo.
___________________________________________________

___________________________________________________
ANO DAW?! Nakakaloka naman ‘tong si Ms. Villar. Hind ko kinaya!!! Napanganga ako sa statement n’ya. Muntik nang matanggal ang pasta sa ngipin ko sa panliliit n’ya sa nursing profession. MY GOD! Kaya naman pala abot-langit ang galit ng mga nurses kay Rep. Villar ‘eh. Totoo namang nakakainit ng dugo ang mga sinabi ni Ma’am. Ako ngang hindi nurse ay na-offend after hearing it ‘eh, what more pa kaya ‘yung mga totoong nurse na nagpa-practice ng kanilang profession. Gosh.

Hindi biro ang maging isang nurse. BUHAY ang hawak nila at wala ng mas delikadong trabaho sa mundo kaysa sa mga profession na humahawak ng buhay ng tao! Final ‘yan! Para sabihin na “hindi naman kailangan maging ganun kagaling” sa nursing profession ay parang ka-level na rin ng pagsasabing mamatay na lang lahat ng may sakit sa hospital! Nakakaloka ka Mrs. Villar! Sakit mo sa panga!

Ako nga never nangarap maging nurse kasi ibang tapang ng loob ang kailangan sa profession na ito. Hindi ko kayang mag-injection, mag-process ng dugo, mag-alaga ng may malulubhang sakit at mag-assist sa isang major operation. Hindi ko kaya! Matapang ako as a person pero hindi ko tinataglay ang required level ng tapang para maging isang nurse. Kaya mataas ang tingin ko sa mga nurse kasi hindi ko kaya ang kanilang ginagawa. Kung ako magnu-nurse, baka mauna pa akong mahimatay sa mga inooperahan. Baka magtitili lang ako habang nag-assist sa panganganak ng isang buntis. Baka maloka lang ako habang nagtutuli ng mga batang lalaki! For sure, eeksena lang ako sa hospital kapag naging nurse ako so ‘wag na lang.🙂

Hindi ko bibilhin ‘yung palusot na kinapos sa oras si Mrs. Villar kaya hindi siya nakapagpaliwanang nang mabuti sa show. Excuse me! I’ve heard enough and ok na ‘yun. Maliwanag naman ‘yung pino-point n’ya. Kung gusto n’ya pang magpaliwanang further, sa pinakamalapit na barangay or presinto na lang siya magpunta! At hindi rin ako natutuwa sa pagkontra n’ya sa pagpapasara sa ilang nursing schools lalo na ‘yung mga schools na hindi naman nakakapag-produce ng board passers. Maliwanag na mas concerned si Mrs. Villar sa pagkalugi ng mga negosyanteng may-ari ng mga chakang private nursing schools na ito kaysa sa paghigpitan sila para maitaas ang quality ng nursing education sa bansa. Sa businessmen naman pala kampi si Mrs. Villar. Oo nga pala, businesswoman din si Madam. Nakalimutan ko. Alam na!

Well, never naman ako natuwa kay Rep. Villar bilang kandidato. Hindi ko na siya bet sa unang araw pa lang ng paglabas ng pangalan n’ya bilang isa sa mga senatorial candidates. Pinatunayan n’ya lang lalo na tama ang desisyon kong huwag siyang iboto.🙂 Dahil d’yan, isinama ko na siya sa final list ko ng mga kandidatong HINDI ko iboboto EVER along with Nancy Binay, Jamby Madrigal, Bam Aquino, Grace Poe, Loren Legarda, Tingting Cojuangco, JV Ejercito, Jack Enrile, Ernesto Maceda and Risa Hontiveros. So far, kay Mr. Teodoro Casiño lang lahat ng boto ko! Wow. Akala mo naman marami ‘yung boto ko.🙂 Inaaral ko pa ‘yung pakulo ‘nung ibang candidates so balikan ko na lang kayo kung iboboto ko sila or not.

Good luck na lang sa pagkapanalo mo, Rep. Villar. Medyo career suicide rin ‘tong ginawa mo. Ikaw na mismo ang nagpabagsak sa sarili mong kandidatura. Taray!🙂 Yes, nag-apolgize ka na pero gaya nga ng sabi ng iba, ‘the damage has been done.’ Hindi ka na makakalimutan ng mga Pinoy dahil d’yan. MARKADO KA NA, MADAM!
__________________________________________________
Willie Revillame versus Ethel Booba and Ate Gay


___________________________________________________
At nagkatotoo na nga ang hula kong masisibak din agad itong si Ethel Booba sa show ni Willie Revillame na “Wowowillie.” Day one pa lang, sobrang na-feel ko na agad na magka-clash ang personalities nilang dalawa. Pareho kasi silang strong! Parang bomba lang ‘yung mga personalities nila na sasabog anytime. At sumabog na nga last February 28! Kaloka.🙂 Grabe ‘yung nagkakatotoo ang mga hula ko lately ha. Kabahan na sila Madam Auring! Malapit ko na sila maagawan ng career. Char.😉 You don’t do that to me!!!🙂

Gaya nga ng sinabi ko, hindi ko gusto si Willie Revillame. Bukod sa nayayabangan ako sa kanya, hindi rin ako nagagaling sa hosting skill n’ya. Sobrang nai-stress kaya ako sa hosting antics ni Willie kaya hindi ko siya matagalan sa TV. Laging may parinig. Laging paangas. Very bosy din siya at higit sa lahat, nanlalalaglag siya ng co-host sa ere! Kairita! Hindi ko kinaya ‘yung litanya n’ya sa TV against Ethel Booba at Ate Gay ha! GRABEEEEEEEEEEE!!! Kailangan talaga ilalabas pa sa NATIONAL TV ang ganitong mga chika?! YOU DON’T DO THAT TO OTHERS!!! Ang professional naman ni Sir Willie. Palakpakan naman natin siya! Siya na ang idol ko when it comes to professionalism from now on. Kapag nagkaroon ng seminar on professionalism, kukunin ko talaga si Willie bilang speaker. Sobrang na-master n’ya ‘yung art ng professionalism ‘eh. BRAVO!

Sa totoo lang, mas funny and talented si Ethel Booba and Ate Gay kay Willie. Milya-milya ang layo ng talent nina Ethel and Ate Gay sa talent ni Willie. Walang duda! Talent-wise, mas magbabayad ako para panoorin sina Ethel and Ate Gay sa shows and concerts nila kaysa sayangin ang kuryente ko sa pagnood ng show ni Willie. Pota. Mas matutuwa pa akong manood ng M2M na porn kaysa sa makinig sa stresfful antics ni Kuya Willie.

Nakakainit ng ulo ‘yung sinabi pa talaga ni Willie na tinutulungan n’ya sina Ethel and Ate Gay. Kailangan pa bang pinagsisigawan na tumutulong ka sa ibang tao?! You don’t do that to me!🙂 At grabe din ‘yung ilang beses inulit ni Willie na “siya ang producer at siya ang nagpapa-sweldo” sa mga staff ng show ha. Sakit sa tainga. ‘Eh ‘di ikaw na! You are the market! You are the world! You are everything! Hay naku, ewan ko sa’yo Willie. Dami mong ngasngas.

Hindi ko alam ang tunay na naganap sa ‘dressing room incident’ pero regardless, hindi tamang magsermon sa National TV. Pari lang ang allowed mag-sermon on air. Kairita! Hindi tamang ipinapahiya at nililibak ang mga kasamahan sa trabaho. Hindi tamang inilalabas ang ‘away ng pamilya’ sa publiko. Kung pamilya ang turing ni Willie kina Ethel and Ate Gay, bakit n’ya siniraan ang dalawa sa harapan ng TV? Ganyan din ba siya sa mga real life kapamilya n’ya?! Gosh! Buti na lang hindi ko kamag-anak si Sir Willie ha. Afraid!

To Ethel Booba, huwag ka ng bumalik sa show ni Willie! Kawawa ka lang sa show na ‘yan. Mabubuhay ka naman kahit hindi ka dumikit sa kanya. Talented kang tao at maraming nagbubukas na opportunities sa mga talented na tao. Hanga ako sa husay mo sa comedy at lalo na singing prowess mo. Siguro, konting reflect lang sa attitude at mas aralin mo pang maging sensitive at makisama sa ibang tao.🙂

To Ate Gay, na-sad akong bumalik ka sa show. WHY oh why?!😦 Kakawawain ka lang d’yan! Gosh. Pero sige, malaki ka na. Alam mo na ‘yang ginagawa mo. Good luck na lang sa’yo. Sana hindi na ulit kayo magka-engkwentro ni Kuya. Aabangan na lang namin ang susunod na yugto sa pakikipagsapalaran mo sa very professional na si Willie. We’ll wait and see.😉
_____________________________________________________________________
Sultan Jamalul Kiram III versus PNoy and Philippine Government

2013-02-26T084845Z_199030827_GM1E92Q19JR01_RTRMADP_3_MALAYSIA-PHILIPPINES
_______________________________________________________________________
SOOOBRANG dismayado ako sa paglala ng Sabah standoff na umabot pa sa pagkamatay ng ilang kababayan nating Pilipino! Kingina. Ano na ba ang peg natin, PNoy?! Hahayaan na lang na pulbusin ng Malaysian government ang grupo ni Sultan Jamalul Kiram III?! My God. Nadudurog ang puso na makitang nauubos at unti-unting namamatay ang mga supporters ni Sultam Kiram dahil sa nakapakawalang-kwentang paghandle ng PNoy administration sa insidenteng ito. NAKAKALOKA.😦

Sobrang sad ‘nung fact na mas kumakampi si PNoy sa Malaysian government sa halip na igiit ang ownership ng Pilipinas sa Sabah. SOOOO DISAPPOINTING!😦 Nakakairita ‘yung hindi direktang hinaharap ni PNoy ang ugat ng gulong ito. Focus nga tayo! Ang main issue ay ang PAG-RECLAIM ng Sabah sa Malaysia! Ito ang MAIN topic. ‘Wag tayong mag-focus sa pagtugis sa mga taong nagtulak sa grupo nila Sultan Kiram para gawin ang paglusob. Huwag nating pagbuntunan ng galit sina dating Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo at Nur Misuari bilang sinasabing mga utak ng panggugulong ito. Huwag tayong mag-focus sa balitang binayaran ni Sultan Kiram ang mga supporters n’ya para sumama sa kanya. Huwag tayong mag-focus sa pagbibilang ng mga ikakaso sa grupo ni Sultan Kiram dahil sa “paglabag” sa konstitusyon ng bansa. Let’s deal with those later kasi HINDI ITO ANG ISSUE!!! Tangina. Nalilihis na tayo!!! Kung anu-ano na ‘yung topic! Kung anu-ano na ‘yung pinag-uusapan. FOCUS NGA!!! Gosh. Rereglahin ako sa ginagawa ng gobyerno!

Regardless kung sino ang nagtulak kina Sultan Kiram and regardless of the timing, the fact still remains na LEGIT ang pinaglalaban ng grupo ni Sultan Kiram. Huwag n’yo kaming paandaran ng kung anu-anong mga side news! Humarap tayo sa main issue at iyon ang lutasin natin. Sobrang nakakaasar ang peg ni PNoy sa case na ito. Nakakairita ‘yung iniipit pa ng gobyerno sina Sultan Kiram sa halip na hikayatin silang makipagsanib-pwersa sa pamahalaan para pag-usapan kung paano mas palalakasin ang call para mabawi ang Sabah!😦 At the end of the day, laban ng Pilipinas ang laban ng grupo ni Sultan Kiram kaya hindi tamang gipitin sila lalo at itratong terorista. NAKAKALOKA TALAGA!😦

SOOOBRANG duwag ng gobyerno ni PNoy sa pag-reclaim ng Sabah! Tangina lang. Parang nagbubulag-bulagan pa rin ang pamahalaan sa kabila ng mga solid evidence na Pilipinas ang may-ari ng lupaing ito. ANO BA ANG PEG N’YO?! Hintayin munang maubos ang grupo ng Sultan bago kayo ma-convince na ipaglaban ang ownership ng Pilipinas sa Sabah?! EWAN KO HA! Nakakainit ng ulo. Galaw-galaw naman d’yan oh!

And one more thing, pwede ba PNoy tigilan mo muna ang pangangampanya sa Team LP at mag-focus muna sa EFFECTIVE na pag-solve ng Sabah standoff? Pwede ba ‘yun ha?! ‘Di ba kame ang ‘boss’ mo? Pwes, ito ang utos ng boss! Huwag mo na sanang hintaying maubos ang grupo ni Sultan Kiram bago pa tumutok sa issue na ito. Tandaan mo, hindi ka campaign manager. PRESIDENT ka! Gosh.

High-blood!

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.ph.news.yahoo.com)

P.S. Bon voyage naman sa inyo, Andrea Aniban and Mark Vigare. Galingan n’yo sa Australia ha. Enjoy lang kayo d’yan. ‘Wag kalimutan ang referral ha! Kapag may pogi kayong nakita d’yang Aussie, pakidala na lang pagbalik n’yo rito sa December. I’ll take it from there. Bwahahaha.😉

I love you both! Enjoy!
_____________________________________
Mark and Drei
_____________________________________

Shout ouch naman kay Ms. Timmy Rivera-Castor for the photo! See you soon ulit, girl.🙂

4 thoughts on “Madma Reacts: Cynthia Villar vs. Nurses, Willie-Ethel Feud and Sabah Standoff

  1. Sobrang sad ‘nung fact na mas kumakampi si PNoy sa Malaysian government sa halip na igiit ang ownership ng Pilipinas sa Sabah.

    Complicated talaga ang issue kasi: kung nireclaim nga natin ang Sabah, paano naman ang mga Malaysians na nakatira na doon? Mahaba-haba ulit usapan ito. Sana humanap ng backdoor si PNoy para makausap ang Malaysian government in a peaceful process, hindi yung naglabas siya agad ng galit on national television, calling the act “foolhardy” and telling Kiram to go “back home”. E di halatang-halata naman kung ano stand niya about Sabah. Ang dating niyan sa Malaysia e pwedeng-pwede nang barilin sina Kiram. Instead of being a diplomatic leader, he came across as an angry father na nalusutan ng anak, alam mo yun? Ang tahi-tahimik niya during the RH debates, and sige, even during the meetings about CARP (na usapin din ng pagmamay-ari ng sariling lupa), tapos dito bigla siyang magtatatalak? Gets ko naman ang galit niya, panira ng international relations yung nangyari, pero grabe naman yung ilaglag mo yung constituent mo. And this after while we’re trying our best to heal Mindanao.(At sa Malaysia hinold ang MILF peace talks ha.)

    Ano ba yan, nobela na tong comment ko. Maganda itong report ng Rappler about it: http://www.rappler.com/thought-leaders/22943-sabah,-merdeka-and-aquino

    • Hello naman Eliza. Medyo emotional ka rin sa issue na ito ha. haha Nakukulangan talaga ako sa government natin sa paghandle ng issue na ito. Kailangan pa talagang dumanak ang dugo?! NAKAKALOKA! Soooobrang EKIS na si PNoy sa akin!!! Arggggh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s