Madma Reacts: Cynthia Villar vs. Nurses, Willie-Ethel Feud and Sabah Standoff

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyong lahat! Kamusta naman ang life? Ang tagal kong hindi nakapag-post ha. Sorry naman. Babawi ako nang todo today. Game! 😉

Sooobrang daming nagaganap ngayon sa Pilipinas. GRABE! Nafi-feel n’yo rin ba?! Kaliwa’t kanan ang mga pasabog araw-araw. NAKAKALOKA! Napakaingay ngayon ng social media sa pinaghalu-halong mga issues and controversies from all walks of life. And’yan ‘yung lumalalang Sabah standoff, mga nakakalokang election-related news, issue sa Tubbataha, issue ng DSWD versus Typhoon Pablo survivors, issue sa tumataas na HIV cases, etc. Take note, national political news pa lang ‘yan, hindi pa kasama d’yan ang Willie Revillame-Ethel Booba-Ate Gay feud, ang Cacai Bautista and Mario Maurer “relationship,” ang pagpapaiksi ng buhok ni BB. Gandanghari, ang awayan ni Ai ai Delas Alas and her jow, ang isyung tomboy daw si Yeng Constantino etc. GOSH! Wala pa rito ang world news ha gaya ng pagkamatay ni Venezuelan President Hugo Chávez, ang gyera sa Syria, Egypt and Libya etc. Ang dami!!! Kingina. Isang araw ka lang na hindi makapag-check ng Twitter or Facebook, lost ka na agad sa mga happenings!

Ibang level na rin talaga ang nagawang pagbabago ng social media sa buhay natin ‘no?! Mas lalong mabilis ang dating ng mga balita kaya mas bumibilis din ang pacing ng buhay natin today. Ang saya, saya! Kaya challenge talaga ang magcatch-up ngayon sa mga balita. Kaya nga ba’t mas tumataas lalo ang chance na hindi na ako magkaka-jowa. Oh no! 😩 Busy ako lagi sa kakakeep-up sa mga kaganapan sa bansa at sa mundo. Nawawalan na tuloy ako ng time maghanap ng jowa. Nagre-ready na nga akong maging matandang dalaga ‘eh. DALAGA?! BABAE?! Char. 😉

Anyway, gusto ko palang mag-react muna sa ilan sa hot issues ngayon. Hahabol muna ako! GAME! 🙂
___________________________________________________
Rep. Cynthia Villar versus Nursing Profession

Naging mainit na usapan din ang naging pahayag Rep. Cynthia Villar about sa nursing profession sa isang show sa GMA News TV. Talagang nag-fiesta ang balitang ito sa feeds ko sa FB and sa Twitter! SHOCKING! Pero bago ang comment ko, panoorin muna natin ang actual statement ni Ms. Villar para ma-refresh tayo.
___________________________________________________

___________________________________________________
ANO DAW?! Nakakaloka naman ‘tong si Ms. Villar. Hind ko kinaya!!! Napanganga ako sa statement n’ya. Muntik nang matanggal ang pasta sa ngipin ko sa panliliit n’ya sa nursing profession. MY GOD! Kaya naman pala abot-langit ang galit ng mga nurses kay Rep. Villar ‘eh. Totoo namang nakakainit ng dugo ang mga sinabi ni Ma’am. Ako ngang hindi nurse ay na-offend after hearing it ‘eh, what more pa kaya ‘yung mga totoong nurse na nagpa-practice ng kanilang profession. Gosh.

Hindi biro ang maging isang nurse. BUHAY ang hawak nila at wala ng mas delikadong trabaho sa mundo kaysa sa mga profession na humahawak ng buhay ng tao! Final ‘yan! Para sabihin na “hindi naman kailangan maging ganun kagaling” sa nursing profession ay parang ka-level na rin ng pagsasabing mamatay na lang lahat ng may sakit sa hospital! Nakakaloka ka Mrs. Villar! Sakit mo sa panga!

Ako nga never nangarap maging nurse kasi ibang tapang ng loob ang kailangan sa profession na ito. Hindi ko kayang mag-injection, mag-process ng dugo, mag-alaga ng may malulubhang sakit at mag-assist sa isang major operation. Hindi ko kaya! Matapang ako as a person pero hindi ko tinataglay ang required level ng tapang para maging isang nurse. Kaya mataas ang tingin ko sa mga nurse kasi hindi ko kaya ang kanilang ginagawa. Kung ako magnu-nurse, baka mauna pa akong mahimatay sa mga inooperahan. Baka magtitili lang ako habang nag-assist sa panganganak ng isang buntis. Baka maloka lang ako habang nagtutuli ng mga batang lalaki! For sure, eeksena lang ako sa hospital kapag naging nurse ako so ‘wag na lang. 🙂

Hindi ko bibilhin ‘yung palusot na kinapos sa oras si Mrs. Villar kaya hindi siya nakapagpaliwanang nang mabuti sa show. Excuse me! I’ve heard enough and ok na ‘yun. Maliwanag naman ‘yung pino-point n’ya. Kung gusto n’ya pang magpaliwanang further, sa pinakamalapit na barangay or presinto na lang siya magpunta! At hindi rin ako natutuwa sa pagkontra n’ya sa pagpapasara sa ilang nursing schools lalo na ‘yung mga schools na hindi naman nakakapag-produce ng board passers. Maliwanag na mas concerned si Mrs. Villar sa pagkalugi ng mga negosyanteng may-ari ng mga chakang private nursing schools na ito kaysa sa paghigpitan sila para maitaas ang quality ng nursing education sa bansa. Sa businessmen naman pala kampi si Mrs. Villar. Oo nga pala, businesswoman din si Madam. Nakalimutan ko. Alam na!

Well, never naman ako natuwa kay Rep. Villar bilang kandidato. Hindi ko na siya bet sa unang araw pa lang ng paglabas ng pangalan n’ya bilang isa sa mga senatorial candidates. Pinatunayan n’ya lang lalo na tama ang desisyon kong huwag siyang iboto. 🙂 Dahil d’yan, isinama ko na siya sa final list ko ng mga kandidatong HINDI ko iboboto EVER along with Nancy Binay, Jamby Madrigal, Bam Aquino, Grace Poe, Loren Legarda, Tingting Cojuangco, JV Ejercito, Jack Enrile, Ernesto Maceda and Risa Hontiveros. So far, kay Mr. Teodoro Casiño lang lahat ng boto ko! Wow. Akala mo naman marami ‘yung boto ko. 🙂 Inaaral ko pa ‘yung pakulo ‘nung ibang candidates so balikan ko na lang kayo kung iboboto ko sila or not.

Good luck na lang sa pagkapanalo mo, Rep. Villar. Medyo career suicide rin ‘tong ginawa mo. Ikaw na mismo ang nagpabagsak sa sarili mong kandidatura. Taray! 🙂 Yes, nag-apolgize ka na pero gaya nga ng sabi ng iba, ‘the damage has been done.’ Hindi ka na makakalimutan ng mga Pinoy dahil d’yan. MARKADO KA NA, MADAM!
__________________________________________________
Willie Revillame versus Ethel Booba and Ate Gay


___________________________________________________
At nagkatotoo na nga ang hula kong masisibak din agad itong si Ethel Booba sa show ni Willie Revillame na “Wowowillie.” Day one pa lang, sobrang na-feel ko na agad na magka-clash ang personalities nilang dalawa. Pareho kasi silang strong! Parang bomba lang ‘yung mga personalities nila na sasabog anytime. At sumabog na nga last February 28! Kaloka. 🙂 Grabe ‘yung nagkakatotoo ang mga hula ko lately ha. Kabahan na sila Madam Auring! Malapit ko na sila maagawan ng career. Char. 😉 You don’t do that to me!!! 🙂

Gaya nga ng sinabi ko, hindi ko gusto si Willie Revillame. Bukod sa nayayabangan ako sa kanya, hindi rin ako nagagaling sa hosting skill n’ya. Sobrang nai-stress kaya ako sa hosting antics ni Willie kaya hindi ko siya matagalan sa TV. Laging may parinig. Laging paangas. Very bosy din siya at higit sa lahat, nanlalalaglag siya ng co-host sa ere! Kairita! Hindi ko kinaya ‘yung litanya n’ya sa TV against Ethel Booba at Ate Gay ha! GRABEEEEEEEEEEE!!! Kailangan talaga ilalabas pa sa NATIONAL TV ang ganitong mga chika?! YOU DON’T DO THAT TO OTHERS!!! Ang professional naman ni Sir Willie. Palakpakan naman natin siya! Siya na ang idol ko when it comes to professionalism from now on. Kapag nagkaroon ng seminar on professionalism, kukunin ko talaga si Willie bilang speaker. Sobrang na-master n’ya ‘yung art ng professionalism ‘eh. BRAVO!

Sa totoo lang, mas funny and talented si Ethel Booba and Ate Gay kay Willie. Milya-milya ang layo ng talent nina Ethel and Ate Gay sa talent ni Willie. Walang duda! Talent-wise, mas magbabayad ako para panoorin sina Ethel and Ate Gay sa shows and concerts nila kaysa sayangin ang kuryente ko sa pagnood ng show ni Willie. Pota. Mas matutuwa pa akong manood ng M2M na porn kaysa sa makinig sa stresfful antics ni Kuya Willie.

Nakakainit ng ulo ‘yung sinabi pa talaga ni Willie na tinutulungan n’ya sina Ethel and Ate Gay. Kailangan pa bang pinagsisigawan na tumutulong ka sa ibang tao?! You don’t do that to me! 🙂 At grabe din ‘yung ilang beses inulit ni Willie na “siya ang producer at siya ang nagpapa-sweldo” sa mga staff ng show ha. Sakit sa tainga. ‘Eh ‘di ikaw na! You are the market! You are the world! You are everything! Hay naku, ewan ko sa’yo Willie. Dami mong ngasngas.

Hindi ko alam ang tunay na naganap sa ‘dressing room incident’ pero regardless, hindi tamang magsermon sa National TV. Pari lang ang allowed mag-sermon on air. Kairita! Hindi tamang ipinapahiya at nililibak ang mga kasamahan sa trabaho. Hindi tamang inilalabas ang ‘away ng pamilya’ sa publiko. Kung pamilya ang turing ni Willie kina Ethel and Ate Gay, bakit n’ya siniraan ang dalawa sa harapan ng TV? Ganyan din ba siya sa mga real life kapamilya n’ya?! Gosh! Buti na lang hindi ko kamag-anak si Sir Willie ha. Afraid!

To Ethel Booba, huwag ka ng bumalik sa show ni Willie! Kawawa ka lang sa show na ‘yan. Mabubuhay ka naman kahit hindi ka dumikit sa kanya. Talented kang tao at maraming nagbubukas na opportunities sa mga talented na tao. Hanga ako sa husay mo sa comedy at lalo na singing prowess mo. Siguro, konting reflect lang sa attitude at mas aralin mo pang maging sensitive at makisama sa ibang tao. 🙂

To Ate Gay, na-sad akong bumalik ka sa show. WHY oh why?! 😩 Kakawawain ka lang d’yan! Gosh. Pero sige, malaki ka na. Alam mo na ‘yang ginagawa mo. Good luck na lang sa’yo. Sana hindi na ulit kayo magka-engkwentro ni Kuya. Aabangan na lang namin ang susunod na yugto sa pakikipagsapalaran mo sa very professional na si Willie. We’ll wait and see. 😉
_____________________________________________________________________
Sultan Jamalul Kiram III versus PNoy and Philippine Government

2013-02-26T084845Z_199030827_GM1E92Q19JR01_RTRMADP_3_MALAYSIA-PHILIPPINES
_______________________________________________________________________
SOOOBRANG dismayado ako sa paglala ng Sabah standoff na umabot pa sa pagkamatay ng ilang kababayan nating Pilipino! Kingina. Ano na ba ang peg natin, PNoy?! Hahayaan na lang na pulbusin ng Malaysian government ang grupo ni Sultan Jamalul Kiram III?! My God. Nadudurog ang puso na makitang nauubos at unti-unting namamatay ang mga supporters ni Sultam Kiram dahil sa nakapakawalang-kwentang paghandle ng PNoy administration sa insidenteng ito. NAKAKALOKA. 😩

Sobrang sad ‘nung fact na mas kumakampi si PNoy sa Malaysian government sa halip na igiit ang ownership ng Pilipinas sa Sabah. SOOOO DISAPPOINTING! 😩 Nakakairita ‘yung hindi direktang hinaharap ni PNoy ang ugat ng gulong ito. Focus nga tayo! Ang main issue ay ang PAG-RECLAIM ng Sabah sa Malaysia! Ito ang MAIN topic. ‘Wag tayong mag-focus sa pagtugis sa mga taong nagtulak sa grupo nila Sultan Kiram para gawin ang paglusob. Huwag nating pagbuntunan ng galit sina dating Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo at Nur Misuari bilang sinasabing mga utak ng panggugulong ito. Huwag tayong mag-focus sa balitang binayaran ni Sultan Kiram ang mga supporters n’ya para sumama sa kanya. Huwag tayong mag-focus sa pagbibilang ng mga ikakaso sa grupo ni Sultan Kiram dahil sa “paglabag” sa konstitusyon ng bansa. Let’s deal with those later kasi HINDI ITO ANG ISSUE!!! Tangina. Nalilihis na tayo!!! Kung anu-ano na ‘yung topic! Kung anu-ano na ‘yung pinag-uusapan. FOCUS NGA!!! Gosh. Rereglahin ako sa ginagawa ng gobyerno!

Regardless kung sino ang nagtulak kina Sultan Kiram and regardless of the timing, the fact still remains na LEGIT ang pinaglalaban ng grupo ni Sultan Kiram. Huwag n’yo kaming paandaran ng kung anu-anong mga side news! Humarap tayo sa main issue at iyon ang lutasin natin. Sobrang nakakaasar ang peg ni PNoy sa case na ito. Nakakairita ‘yung iniipit pa ng gobyerno sina Sultan Kiram sa halip na hikayatin silang makipagsanib-pwersa sa pamahalaan para pag-usapan kung paano mas palalakasin ang call para mabawi ang Sabah! 😩 At the end of the day, laban ng Pilipinas ang laban ng grupo ni Sultan Kiram kaya hindi tamang gipitin sila lalo at itratong terorista. NAKAKALOKA TALAGA! 😩

SOOOBRANG duwag ng gobyerno ni PNoy sa pag-reclaim ng Sabah! Tangina lang. Parang nagbubulag-bulagan pa rin ang pamahalaan sa kabila ng mga solid evidence na Pilipinas ang may-ari ng lupaing ito. ANO BA ANG PEG N’YO?! Hintayin munang maubos ang grupo ng Sultan bago kayo ma-convince na ipaglaban ang ownership ng Pilipinas sa Sabah?! EWAN KO HA! Nakakainit ng ulo. Galaw-galaw naman d’yan oh!

And one more thing, pwede ba PNoy tigilan mo muna ang pangangampanya sa Team LP at mag-focus muna sa EFFECTIVE na pag-solve ng Sabah standoff? Pwede ba ‘yun ha?! ‘Di ba kame ang ‘boss’ mo? Pwes, ito ang utos ng boss! Huwag mo na sanang hintaying maubos ang grupo ni Sultan Kiram bago pa tumutok sa issue na ito. Tandaan mo, hindi ka campaign manager. PRESIDENT ka! Gosh.

High-blood!

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.ph.news.yahoo.com)

P.S. Bon voyage naman sa inyo, Andrea Aniban and Mark Vigare. Galingan n’yo sa Australia ha. Enjoy lang kayo d’yan. ‘Wag kalimutan ang referral ha! Kapag may pogi kayong nakita d’yang Aussie, pakidala na lang pagbalik n’yo rito sa December. I’ll take it from there. Bwahahaha. 😉

I love you both! Enjoy!
_____________________________________
Mark and Drei
_____________________________________

Shout ouch naman kay Ms. Timmy Rivera-Castor for the photo! See you soon ulit, girl. 🙂

Madma Reacts: SM Megamall Robbery Case, Carlos Celdran Case and Wowowillie

Dear fans and followers,

Hello naman ulit sa inyo. Bonding naman! Hindi pa pala ako chumuchika sa inyo this week. Sorry naman. Minsan talaga “nakakaabala” ang trabaho sa mga gusto mong gawin sa buhay. Char. 🙂 Miss ko na kayong lahat and I’m sure miss n’yo na rin ako. #Assumera 🙂

Anyway, ang daming naganap this week. GRABE! Samu’t sari na namang mga happenings ang bumulaga sa atin nitong nakaraang araw. BONGGA! Andyan ang nakakalokang robbery sa SM Megamall, ang literal na pasabog slash explosion sa aking Alma Mater, University of the Philippines-Diliman, ang pagkaka-convict ni Mr. Carlos Celdran dahil sa kanyang “Damaso Act,” ang ongoing saga ng Tubbataha Reef case at ang pagbubukas ng show ni Mr. Willie Revillame na “Wowowillie.” So many happenings for a short period of time! Walang time ma-bore! Bawal tumengga! 🙂

Kaya naman, maglalabas muna ako nang very light reaction sa ilan sa mga ganap na ito. I think I owe it to my fans and followers. 🙂

GAME!
_____________________________________________

SM Megamall Robbery Case

SM Megamall

Ibang level na rin talaga ang tigas ng mukha ng mga masasamang tao ngayon ‘no?! Wala ng pinipiling lugar. Matao man o hindi, deadma sila. Kingina. Lupeeeet! Na-amaze ako sa tapang ng apog ng 6 na magnanakaw na ito dahil mismong loob talaga ng SM Megamall ang tinira nila. At take note, around 7:30 p.m. sila dumale ha. Rush hour!!! Shocking!!! 😩

Sa saglit na panahon ng pagnanakaw ng 6 na hinayupak na ‘to, nakakuha sila ng almost 200 pieces of jewelry. GRABE! Ang bilis ng mga kamay nila!!! Kaya naku mag-ingat kayo sa mga friend n’yo na mabilis mag-type sa keyboard kasi malakas ang tendency n’yan na “magnakaw.” Promise! Char. 😉 Kawawa naman yung mga tindahang napagnakawan. Haaay
 Group hug naman natin yung mga biktima!:(

Super alarming ng balitang ito for me kasi madalas din akong pumunta sa SM Megamall bilang malapit ito sa tinitirhan naming apartment. Dito ako nagsho-shopping, kumakain, nagvi-videoke, nanonood ng sine, nakikipag-EB etc. Kaya malapit sa puso ko ang mall na ito. Para na rin akong may-ari n’yan ‘eh. WOW. 🙂 Buti na lang at wala ako ng mga oras na naganap ang krimen kasi more sigaw ako for sure! Alam n’yo namang ratchadora ang bunganga ko so malamang mapa-trouble ang Madma n’yo. Baka maloka yung mga robbers sa bunganga ko tapos ako yung puntriyahin nila. Afraid!!!

Sa mga ganitong kaso, laging nasasabon ang mga naka-duty na security guards. Naku, ito na naman tayo sa usapin ng security guards! Sabi sa nabasa kong reports, based sa CCTV footages, isa lang sa anim na robbers ang armado ng .45 pistol at ito ay naka-tuck sa waistband n’ya, right on top of his abdomen. O, ‘di ba? Wagas ang kapal ng mukha ni Kuya?! Doon talaga naka-suksuok ang baril n’ya sa pinaka-obvious na spot. Parang pinagsisigawan n’yang “MASAMANG TAO AKO! MASAMNG TAO AKO!” Ganung level. Ito namang mga security guards ay muli na namang naisahan gaya ng portrayals nila sa mga Pinoy action film. Tsk. Tsk. Tsk. Hindi magugustuhan ni Amalayer Diva herself Paula Jamie Salvosa ‘yan! Alam n’yong “malapit” sa puso n’ya ang mga security guards.

Hay naku
 Kapag may mga ganitong kaso, lalo lang lumalakas ang stand ko na dapat mas mag-invest na talaga sa mga bonggang detector machine ang mga malls and all establishments for that matter para mas secure. Aminin natin, hindi talaga efficient ang mga security guards when it comes to checking the entrance points of an establishment. Simpleng “dutdot” at “kapa” lang namang ang ginagawa nila in reality kaya madali rin talaga silang maisahan. Well, hindi ko naman sila masisisi kasi tao rin sila at sa dami ba naman ng mga pumapasok sa malls ‘eh mabuburyong ka rin talaga. Kung ako siguro security guard, ngingitian ko na lang lahat ng mga papasok kasi nakakatamad mag-check! Lalo na kung sa MRT ako ma-destino. Diyos ko po! Kunin n’yo na lang ako!!!

Tsaka pabor din ako na dapat armado ang mga security guards sa mga malls. Hindi pala sila armado?! All these years, akala ko ‘eh may mga baril talaga silang tunay! My God! Naloko ako doon ha. Kaya naman wala ring nagawa ang mga security guards during the incident kasi hindi naman sila armed. Anong expect nating gagawin nila? Sasayaw ng Gangnam Style?! Naku naman


Well, i-wish na lang natin na mahuli ang mga gagong magnanakaw na ‘yan at hindi na masundan. At least yung iba na-identify sa CCT footages. Very good! Pasasaan pa’t titimbog din ang mga ‘yan. Leche.
______________________________________

Carlos Celdran Case

Carlos Celdran

Isa pa itong nakakalokang balita. Hindi ko kinaya ang pag-convict ng Metropolitan Trial Court Branch 4 kay Tour guide and Reproductive Health advocate Carlos Celdran for “offending religious feelings.” Ack. Nakakasuka.:(

Article 133 of the Revised Penal Code punishes those who “in a place devoted to religious worship or during the celebration of any religious ceremony shall perform acts notoriously offensive to the feelings of the faithful.” O, ‘di ba? May batas pala na ganito?! Ansabe?!

Well, ang pinaka-issue ka rito is yung word na “offending.” Very subjective lang talaga. Kapag “na-offend” pala, dapat magkaso na?! Ang babaw ha. ‘Eh ang daming beses ko na na-offend sa loob ng simbahan ‘eh. Yung mga sermon ng pari na masasama at makasalanan ang mga gays and other members of LGBT. Yung mga sermon na masusunog sa impyerno ang mga bading. Yung mga sermon na hayagan nilang pino-promote ang Anti-RH Law etc. etc. OFFENSIVE rin kaya ‘yun for me! So magkakaso na ko?! Petty. At tsaka I don’t think na yung ginawa ni Mr. Celdran falls under “notoriously offensive” gaya ng nakalagay sa Article 133. Notorious act ba yung ginawa ni Mr. Celdran? I don’t think so. Mas notorious pa rin yung panghahalay ng ilang pari sa mga sakristan sa ilang simbahan. Yan ang notorious! Ang chaka ng batas na ito ha. Ples.

Totoong mali yung ginawa ni Mr. Celdran. Hindi naman made-deny ‘yan. Hindi talaga tama yung pumasok siya sa loob ng Manila Cathedral with his Damaso costume at sa loob nagprotesta habang may religious/ecumenical service. May tamang lugar sa lahat ng bagay. Point taken. May mali sa ginawa ni Mr. Celdran and I highly agree with it. Pero para IKULONG siya for 2 months and 21 days to a maximum of one year at isama siya sa mga mamamatay-tao, mga rapist at mga criminal ay HINDI MAKATARUNGAN!!! Anooo baaaa. That’s offensive! Dapat mag-kaso na rin si Mr. Celdran against the church kasi na-offend siya! Pwede sigurong bigyan siya ng ibang sanctions para sa ginawa n’yang kasalanan like paglinisin at paglampasuhin ng buong Manila Cathedral o kaya mag-scrub ng bubong ng simbahan pero not ikulong. Hindi ganun kabigat ang kasong ito para patawan siya ng pagkakakulong. Hindi criminal offense ang ginagawa n’ya. Gosh! Para ka na ring nagkulong ng isang bata kasi inasar niya yung kaklase n’ya sa school. Ganung level sa ka-cheapan. Haaaay
 Napapabuntong-hininga na lang ako. What’s happening to this country!

Sana patawarin na lang ng simbahan si Mr. Cedran, After all, ang simbahan naman ang nagtuturo sa atin na dapat “magpatawad.” Ngayon ang best way para i-showcase ng church ang knowledge nila sa pagpapatawad.

Anyway, Mr. Celdran would appeal against the court’s decision and sana naman ay manalo siya. Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.
_________________________________

Willie sa Wowowillie

Wowowillie

Napanood ko pala yung pilot episode ng bagong show ni Mr. Willie Revillame na “Wowowillie” last January 26, 2013 sa TV5. Balik noontime na ulit ang show ni Willie para pataobin ang “Eat Bulaga” ng GMA 7 at ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN 2. Don’t get me wrong ha. Hindi ako fan ni Willie! Si Regine Velasquez ang idol ko at alam kung alam n’yo ‘yan. Pinanood ko lang siya kasi naiintriga ako sa balitang more than P 100 Million ang ginastos ng TV 5 para sa bagong show na ito plus may more than 100 performers and at least 360 dancers for its launching episode. O, ‘di ba bongga?!

Kaya lang naka-45 minutes or so lang ako ng panonood kasi hindi ko kinaya ang kabastusan ni Willie. Grabe yung pinapahiya n’ya yung mga co-host n’ya on-air! NAKAKALOKA. 😩 Hindi ko kaya yung mga banat n’ya sa bagong mainstay host ng show na si Ms. Ethel Booba. Nakakanginig. Nakaka-offend. Nakakasura. Parang may eksena na nagbibiro si Ethel tapos sinabi ni Willie after na “Ayos ka rin ha. Hindin ka naman nakakatawa. Parang hindi ka na babalik sa Monday.” Ganyan. Something to that effect. Very sarcastic. Ack.

Hindi ko gusto ang brand of comedy ni Willie. Hindi ako bilib sa kanya as a host kasi hindi naman siya magaling for me. Sa totoo lang, mas magaling at talented pa si Ethel Booba kaysa sa kanya. Hindi ko keri yung naninermon siya on-air. Hindi healthy for the show and for the entire staff and hosts. Stressful panoorin. Sakit sa mata. Sakit sa tenga. Ikaw ba gaganahan kung ipapahiya ka? I don’t think so. Hindi motivating ang ganitong mga antics. Sabi ko nga, mas pipiliin ko na lang maging labandera kaysa maging co-host ni Willie. Hindi ko kaya. Period.

Good luck na lang sa show n’ya. I don’t think na manonood pa ulit ako ng show na ito. Ipapaubaya ko na sa Diyos ang kapalaran ng Wowowillie. At sana tumagal si Ethel sa show. I have this vibe na matsu-tsugi siya very soon. Wait and see tayo.
_______________________________________

Yun lang naman ang ngasngas ko. Ang haba na rin ha! 🙂

Yours Truly,

Madma

(Sources: http://newsinfo.inquirer.net/348095/200-pieces-of-jewelry-lost-in-mall-heist; http://newsinfo.inquirer.net/348483/celdran-to-appeal-guilty-verdict; http://www.pep.ph/guide/tv/11358/pep-exclusive-p100-million-spent-for-tv539s-new-show-wowowillie)

(Photo source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/01/26/13/shooting-incident-sm-megamall-causes-panic; http://www.spot.ph/the-feed/46647/tour-guide-carlos-celdran-arrested-after-protesting-during-an-ecumenical-service-charged-for-offending-religious-feelings; http://pinoyhitsandflops.blogspot.com/)

P.S. Payuhan ang peg natin bukas! Sa mga gustong magpadala ng ngasngas at ngawngaw sa buhay, sumulat lang at ipadala sa yourstrulymadma@gmail.com. GO!